logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter III

Jose Antonio Sebastian Pov 
"Ano pong ginawa niyo kay Señorita Ofelia Señorito? Ba't umiiyak po siya noong umuwi siya kanina? May sinabi po ba kayo sa kaniyang masama?" 
"Of course not Charlie. Tingin mo ba magagawa ko siyang saktan? Alam mo kung gaano ako kahangal pagdating sa kaniya." I quaint. Kalmado lang iyong boses ko, pero sa loob, galit na galit na ako. 
Akala ba niyaa magagawa ko talaga siyang saktan? Bulag ba siya? May deperensiya ba iyong mga kukuti niya? He know how stupid I am when it comes to her. I will never dare hurt the girl that I admired most. Ikakamatay ko iyon. Mas pipiliin ko na lang na ako ang masugatan keysa siya. 
Itinapon ko sa sahig iyong librong binabasa ko. Malapit ko na itong matapos. The book was about historic places in Greece. It was interesting. Hindi ko namalayan ang oras kakabasa non. It's already dark. 
"Careful of your words Charlie. You're just one of my private guard. I can fire you anytime." I warned.
Nandito pa rin ako sa silid aklatan. Nagkulong lang ako dito buong araw. Nawili ako sa pagbabasa. Marami akong natutunan sa libro. Tumayo ako. I settled in front of a window. Nakikita ko iyong labas ng mansiyon. Charlie is standing meters away from me. Nasa harapan siya ng upuan na inukupa ko kanina nakatayo. Mag-iisang oras na rin siya dito. Pumunta siya para mag-ulat. Hindi ko siya pinapunta. Kusa niya akong pinuntahan. He soundly knows his job. Mabuti naman. Hindi katulad ni Wein na kailangan ko pang alalahanan araw-araw. Bobo rin ang isang iyon kung minsan. 
"I just told her about our stay in New Zealand. I didn't know that it would affect her. Akala ko matutuwa siya. I failed again. Wala kasi siyang reaksiyon kanina noong sabihin ko ang mga iyon. I thought it's fine to her. Nagpapanggap lang pala siya." 
Malamang Jose Antonio Sebastian. Ilalayo mo siya sa kapatid niya. You want to monopolize her right? Iiyak talaga siya. Hindi niya gugustuhing malayo sa kapatid niya. She's precious to her. Bobo ka ba para hindi iyon maisip? 
"What do you think Charlie? Give a concise argument." 
"Tingin ko po binigla niyo siya Señorito. Napakahalaga po ng kapatid niya sa kaniya. Hindi niya po gugustuhing malayo dito. Saksi po iyong dalawang mga mata ko kung gaano niya ito pinahahalagahan." 
He's right. Charlie has a point. Binigla ko nga siya. Pero para naman sa kapatid niya iyong gagawin ko. Kailangan niyang makinig sakin. Hindi lang para sakin iyon kundi para rin sa kaniya. Pangarap niyang makakita si Magna hindi ba? Ibibigay ko iyon. I will spend my billions for her dreams. Hindi ako magdadalawang isip na ubusin iyon mapangiti ko lang siya. Hindi ako manghihinayang sa pera kung para iyon sa kanilang dalawa ng kapatid niya. 
"Pagod na akong magparaya. Parati na lang. Kailangan ko rin siya. Hindi naman siguro kalabisan kung maging makasarili ako minsan." 
"Hindi ko po tututulan iyong kagustuhan niyo Señorito. Kung iyon po ang desisyon niyo, reresputuhin po namin." 
Mabuti naman. I felt relief of Charlie's conjecture. He's on my side. He's my friend. His maybe one of my private guards, but I saw him as one of my companion. Kaibigan ko siya, silang dalawa ni Wein hindi mga tautauhan lang. 
"You'll be in America also. Sasamahan mo don ang kapatid niya. Ayos lang ba?" 
"Wala pong problema Señorito. Alam ko po ang trabaho ko sa inyo." 
Hinarap ko siya. "Nga pala. Gusto mo pa rin ba iyong kapatid kong siraulo?" 
Mabilis na nagbaba siya ng tingin. "Patawad po Señorito. Pero may iba na po akong gusto. Paghanga lang po iyong nararamdaman ko para kay Señorita Danarah." 
"That's good then. Mabuti at natauhan ka. Wala kang pag-asa don. She's a truant. Iiwan ka lang din non gaya ko. Mas makabubuti kung maghanap ka lang ng simpleng babae." Tinitigan ko siya. "Stay here for now Charlie. Take a rest. Alam kong pagod ka na. Ako muna ang magbabantay kina Ofelia."  
Hindi na ako nag-aksaya pa. Umalis na kaagad ako sa mansiyon. Maaga pa ang oras. It's still seven in the evening. Nilakad ko lang iyong daan. Hindi na ako nag-abalang gumamit ng sasakyan. I wore a black jacket, white sneakers and a black denim pants. Para akong timang na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa iskinita. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng pananamit. I always wore suits and tuxedos. Don ako komportable. Those were my preferred clothes. Bata pa lang ako, sinanay na ako ni Mama sa ganoong pananamit. 
Maayos na nakarating ako. Nasa bulubunduking parte iyong bahay nila Ofelia. Malapit ito sa sapa. Malayo ito sa mansiyon. Halos dalawampung minuto rin ang nilakad ko bago nakarating. Pag-aari pa namin ang lupaing ito. Parte pa ito ng hacienda ni Mama. Nagtago ako sa lilim ng punong mangga. Nakatayo ito sa mismong tapat ng bahay nila. Mayabong ito at malaki. Meron ditong upuan na gawa sa kawayan. Iyong bahay nila ay maliit lang. Kasinlaki lang ito sa bodega ng alak namin. Gawa lang ito sa pinagtagpi-tagping pawid at kahoy. Wala itong kuryente. Tanging maliit lang na lampara iyong nagbibigay liwanag sa buong kabahayan. 
Napabuntong hininga ako. Ang hirap ng kalagayan nila. I can't imagine myself living in this kind of estate. It's strain. Kaya pala ganon na lang kung magtiyaga at magpa-alila si Ofelia sa pagtatrabaho sa mansiyon. 
Hinanap ko siya. Nandon siya nakaupo sa salahan. Kasama niya ang kapatid niya. Sinusuklay niya ang mahaba nitong buhok. Nakasuot siya ng itim na saya at puting pang-itaas. Dilaw na bestida naman ang kay Magna. Nakikita ko sila mula sa pintuan. Bukas pa ito. 
"Ang sabi po sakin ni Manang Osing Ate napakaguwapo raw po iyong bunsong kapatid ni Ate Danarah. Totoo po ba iyon?" 
"Totoo iyon Magna. Siya iyong may napaka-among mukha sa kanilang dalawa ni Señorita Danarah. Kamukha niya ang yumao nilang ina na si Donya Natividad. Ang pinagkaibahan nga lang nila, masungit siyang tao. Matatakot ka kapag kaharap mo siya." 
"Takot po ba kayo sa kaniya Ate Ofelia?" 
Napatigil siya sa pagsusuklay. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ba ito. Alam ko na ang magiging sagot niya para don. But I was hoping that she might say no. Hindi naman kasi ako masungit. It's just self-defense. 
"Wala naman sigurong tao ang hindi matatakot sa kaniya Magna. Napakayaman niyang tao. Dapat lang na katakutan siya." 
"Kung ganon takot po kayo sa kaniya ate Ofelia?" 
Ngumiti siya saka nagpatuloy uli sa pagsusuklay. "Takot ako kay Señorito Jose. Pero nararamdaman ko namang mabuti siyang tao. Masungit at suplado lang talaga siya." 
A bright smile appear on my lips. Hindi ko inakalang sasabihin niya iyon. May nakikita pa rin pala siyang magandang katangian para sakin. Masaya akong marinig iyon. I thought I was really a villain to her. Akala ko lang pala iyon. 
"Wala po ba kayong gusto sa kaniya ate?" 
Natigilan uli siya. Answer it Ofelia. I wanna hear your response. May gusto ka ba sakin o wala? Madali lang sagutin iyon kung wala kang nararamdaman sakin. Why are you acting dormant? Meron ba? 
"Wala akong gusto sa kaniya Magna. Mahirap mahalin iyong mga katulad ni Señorito Jose. Mas pipiliin ko na lang na magmahal ng isang ordinaryong tao. Hindi iyong mga katulad niya. Krimen na pangarapin iyong mga kagaya niya." 
Hindi na ako nasorpresa sa naging sagot niya. I know it will come. I was somewhat disappointed. Umasa ako na meron kahit kaunti lang. Wala pa pala. Kailangan ko pang magtrabaho ng maigi para magustuhan niya. I can accept her account. Ang hindi ko lang matanggap iyong magmahal siya ng ordinaryong tao.  Hindi ako magiging ganon kahit na kailan. I can't be an ordinary man just like them. I was born for luxury. Dad and Mom plan already my fortune. Hindi ko iyon puwedeng talikuran. 
"Hindi ka puwedeng magmahal ng ordinaryong tao Ofelia, pasensiya na. Kailangan mo ng mayaman at isang makapangyarihang nilalang." 
Madaling araw na noong maisipan kong bumalik sa mansiyon. Dumaan muna ako sa bodega ng mga alak. I got two bottles of brandy. Dinala ko ito sa pribado kong silid. Inilagay ko ito sa ibabaw ng lamesa. Matapos non, pumasok ako sa banyo. I took a quick shower. Lumabas ako suot ang kulay puting roba. Hindi pa naman ako inaantok.
Naupo ako sa giliran ng higaan. Kaharap ko iyong maliit na mesa. Kinuha ko iyong isang bote. Binuksan ko ito saka ininom. The taste is the same. It's delicate. Lasang-lasa ko iyong tapang at pait. I purse a smile. Ofelia's answer last night were pungent. Hindi ko mapigilang hindi masaktan kapag naaalala ko iyon. Masakit pa rin. Masakit isipin na iyong babaeng ilang taon ko ng gusto ay wala man lang nararamdaman sakin neh katiting. I just want to be love by her. Mahirap ba iyong hingin sa kaniya? Ba't takot natakot siya sakin? 
Napatingin ako sa pintuan. Nandon si ate Danarah. Nakatayo siya sa labas. Bukas ito. Nakalimutan ko palang isarado iyong pinto. 
"What do you want? Ba't gising ka pa?" 
"Ba't parati ka na lang masungit Jose Antonio Sebastian?" 
"Wala ka ng pakialam kung masungit akong tao. Get use to it. Kilala mo na ako." 
Pumasok siya. Inukupa niya iyong bakanteng puwesto na nasa giliran ko. Nakasuot siya ng damit pantulog. Kulay asul ito.
"Saan ka pumunta? Ba't ngayon ka lang nakauwi?" She asked plain.
Sinagot ko siya ng deretso. "Mind your own business Dan. Huwag mong pakialaman iyong mga bagay na pinaggagagawa ko. You're out of it." 
"Pinuntahan mo ba si Ofelia sa kanila?" 
Alam niya naman pala. Ba't kailangan niya pa akong tanungin? Bobo rin ba siya? Tanga? Isn't it blunt? She shouldn't ask me about it? Maiinis lang ako. 
Tinitigan niya ako ng matagal. "Sasama ako sa Amerika. Ako ang mag-aasikaso kay Magna. Gusto ko ring tumulong kay Ofelia." 
Tumitig ako sa harapan namin. "Suit yourself Dan. Hindi kita pipigilan sa mga desisyon mo. Matanda ka na. You have your own freedom and youe own will. You're free to use it." 
Tumungga uli ako ng alak. I didn't expect that ate Danarah would pander on my intent. She's not on my side. Bata pa lang kami, hindi na kami magkasundo. She's averse for all of my ruling. Wala akong naalalang may bagay kaming napagkasunduan. She's always the villain here. Isa sa mga rason kaya ayaw ni Papa sa kaniya. She's been treated as the black sheep of the family. That's her title to him. Well, except for  me and mom. She's still our only girl. Mahal namin siya kahit maldita siya. 
"Kailan kami aalis?" 
"Next week. Mauuna kayo samin ni Ofelia."
"Saan mo siya balak dalhin?" 
"Mom's paradise. New Zealand. Huwag ka ng maraming tanong Dan. Nakakairita. Just be happy for us."  
The afternon came. I was just in my room for the entire morning. Natulog lang ako buong umaga. Hindi pa ako kumakain. Wala akong gana. Pakiramdam ko may sakit ako. Mainit at  mabigat iyong buo kong katawan. Bumukas iyong pinto. It was Ofelia. May dala siyang pagkain. Inilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa. Ang tamlay-tamlay niya. Yumuko muna siya. 
"M-may iniinda po ba kayong karamdaman Señorito?" 
Umiling ako. Nakasandal iyong likuran ko sa sandalan ng higaan. "Wala to Ofelia. Huwag mo na lang akong pansinin. Mawawala rin to."
Tumalikod siya. Dali-dali agad akong tumayo. Hinawakan ko siya sa palapulsuhan. Natigil siya sa paghakbang dahil sa ginawa ko. Gulat ang mukha ba hinarap niya ako. 
"M-mainit po kayo Señorito. Sa tingin ko po may lagnat kayo." 
"Can you stay here?" I begged. My voice is somber. Tuyo rin iyong lalamunan ko. I want to hug her, but I abstain myself not to do it. I don't want to dazzle her. I just need her presence here. Huwag ka munang maging pangahas Jose Antonio Sebastian. Hindi pa ito ang tamang oras. Have patience. Makakarating ka rin don. 
Tiningnan niya ako sa mata. "Ibig niyo po bang uminom ng gamot?" 
"No. I just want someone to talk. Kaya ko to Ofelia. Hindi ko kailangan ng tableta." 
"Pero kailangan niyo po non. Paano po kayo gagaling kung hindi kayo iinom ng gamot?" 
Natigilan ako. Tama nga naman. Paano ako gagaling kung hindi ako iinom ng gamot? Bobo lang Jose Antonio Sebastian? You should be grateful. Ofelia choose to stay with you. You must follow her verdict. Mabuti nga naawa pa siya sayo. Huwag ka ng magmatigas. Papahirapan mo pa iyong babaeng mahal mo. 
"Maiwan po muna kita Señorito. Kukuha lang ako ng gamot sa ibaba." 
Nagtungo siya sa kusina. Kinain ko na lang iyong dala niyang pagkain. It just a vegetable salad. Hindi ko ito naubos. Hindi maganda iyong panlasa ko. It tastes bitter. Humiga uli ako sa higaan. Wala pa si Ofelia. Ilang minuto na ba ang dumaan mula noong umalis siya? 
Bumangon ako noong bumukas uli iyong pintuan. She's here. She's carrying-- a small basin? Nasaan iyong tableta? Isinarado niya iyong pinto. Inilagay niya ito sa higaan malapit sakin. Meron itong maligamgam na tubig at panyo. 
"Nasaan iyong gamot? Ba't iyan iyong dala mo?" 
Yumuko muna siya. Nag-aalangan na naman siya. "P--pasensiya na po Señorito, p-pero bawal po kayong uminom ng tableta. Masama po ang dulot non sa katawan niyo. Patawarin niyo po sana ako kung muntik ko na iyong makalimutan." 
I froze for a moment. She knows about my allergy. May alam pala siya patungkol don. Akala ko si Mama, Papa at Ate Danarah lang ang nakakaalam non. I was thankful. Kinuha ko iyong kaliwa niyang kamay. May maliliit itong sugat. 
"Masaya ako Ofelia." Saad ko bago ko siya hinila para akapin. Just this one. Fuck that boundary lane! Kakalimutan ko muna iyon pansamantala. 
Itutuloy......

Book Comment (74)

  • avatar
    Nyleve Alludad Alludad

    nice story I enjoyed reading it 😃

    24/04

      0
  • avatar
    RegatchoRocelyn

    wow amazing

    20/02

      0
  • avatar
    SamsonMussah

    I like your story I really love it ...

    16/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters