logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Fifth Tears

Weekend walang pasok sa eskwelahan pero kailangan ko pa rin gumising ng maaga. May pasok si Primo sa kompanya kailangan ko siyang ipagluto ng agahan. Kagabi akala ko kaya niya ako pinuntahan sa kwarto para humingi ng sorry. Nagkamali ako dahil nakatanggap lang ako ng masakit na salita. Pagkatapos niyang sabihin tinalikuran niya ako agad. Napalakas pa ang pagsara nito ng pinto na halos magiba.
Masama ang pakiramdam ko siguro dahil wala akong sapat na tulog. Dumagdag pa ang masakit kong ulo dahil sa walang tigil na pag-iyak. Naglinis muna ako sa buong bahay saka nagluto ng agahan. Paglabas ko ng kusina saktong pagdating nito, hindi niya ako pinansin na parang wala ako ro'n. Hinila nito ang silya saka umupo, binuklat ang dyaryo at nagbasa. Nilapag ko na lang ang ibang pagkain sa mesa saka bumalik sa kusina, titimplahan ko pa kasi siya ng kape. Lumabas ako dala-dala ang kape nito, kumakain na siya nang maabutan ko. Nilapag ko ang kape nito saka umalis.
“Kung gusto mong kumain sa kusina hindi kita pipigilan dahil do'n ka naman nararapat,” sabi niya dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
“Masusunod kung iyan ang gusto mo,” mariin kong sagot. Mas gugustuhin kong kumain sa kusina kaysa makatabi siya. “Achoo!” Patapos na akong kumain ng bigla na lang akong mabahing.
“Labhan mo lahat ng madumi kong damit,” utos niya.
“Okay,” tipid kong sagot. Umalis na siya at narinig ko na lang ang tunog ng sasakyan nito.
Pagkatapos kong mailigpit ang pinagkainan nagtungo ako sa kwarto nito para kunin lahat ng labahan. Pinaghiwalay ko ang puti sa de color. Inisa-isa ko itong nilagay sa washing machine pero natigilan ako dahil nakita kong may markang lipstick ang long sleeve nito. Hindi lang isa kung 'di lahat ng long sleeve nito may kiss mark. Sinuri ko ulit at napagtanto kong iisa lang ang kulay ng lipstick. Sumikip ang dibdib ko sa lantarang pambabae ni Primo, ang tinuturing ko noon na prince charming ay naglaho na. Nawala na rin ang mga pangarap ko na kasama siya, mahika kung saan from friends to lovers sana at pag-ibig na one sided love lang pala. Hindi ko alam kung mayroon pang tao na mamahalin ka ng tapat at wagas. Kaya ang fairy tales para lang sa mga taong may happy ending, ang ending ng buhay ko tatanda at mamamatay na mag-isa. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang door bell. Dahan-dahan kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko.
“M-mommy,” sambit kong nauutal. Hindi ko inaasahan ang pagdalaw niya. “I miss you.” Napahigpit ang pagyakap ko.
“I miss you too anak,” tugon naman ni Mommy.
Naramdaman ko ang higpit din nitong pagyakap. Ito ang kailangan ko ngayon a mother's touch and love. Niyaya ko si Mommy na pumasok sa loob ng bahay. Pinaupo ko siya at nagtungo ako sa kusina para ipaghanda ng makakain. Naabutan ko siyang ginagala ang paningin sa buong bahay.
“Bea, bakit wala akong nakikita na larawan ninyong mag-asawa?” agad niyang tanong paglapag ko ng juice at cake.
“M-mommy, nandoon po sa kwarto namin,” pagsisinungaling ko. Kinakabahan ako baka malaman niya ang totoong pagsasama namin ni Primo.
“Gano'n ba? Samahan mo ako gusto ko rin naman makita ang kwarto niyo.” May gustong ipahiwatig ang bawat bigkas ng salita nito.
“Mommy! Magulo ang kwarto namin hindi pa kasi ako nakakapagligpit,” pagpigil ko sa kaniya nang paakyat na ito sa hagdan.
Bumalik siya sa kaniyang kinauupuan at pinatitigan ako. Hindi naman ako makatingin sa kaniya ng tuwid kaya yumuko ako.
“Kailan ka pa natutong magsinungaling sa amin, Bea?” mahinang tanong niya ngunit bakas sa boses nito ang pagkabigo.
“I'm sorry sa inyo ni Daddy, Mom,” nakayukong sagot ko. Nagsisimula na ring magbagsakan ang luha ko.
“Halika rito,” utos niya na agad ko namang sinunod. Inangat niya ang aking mukha kaya napansin niya ang namumula kong mata. “Alam ko na ang buong katotohanan, alam kong mahal na mahal mo si Primo kaya ginagawa mo ito.” Huminto siya sa pagsasalita at pinunasan ang aking luha. “Pero anak hindi ito tama. Isipin mo ang sarili mo, isipin mo rin kami ng Daddy mo. Hindi palaging si Primo na lang, hindi natin kailangan ang pera nila. Sumama ka na sa akin uuwi na tayo. Ibalik mo sa kanila ang share sa MonteCorp at makipag-hiwalay sa kaniya. Kapag nalaman ng Daddy mo ang buong katotohanan baka mas lalong sumama ang pakiramdam niya,” mahabang salaysay ni Mommy.
“S-si Daddy? Okay lang po ba siya Mommy?” nag-aalalang tanong ko.
Nang narinig ko ang kalagayan ni Daddy natakot ako. Kapag may nangyaring masama sa kaniya sisisihin ko ang aking sarili.
“Masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakasama pagpunta rito. Kapag nalaman niya ang buong katotohanan baka ipahamak niya. Kaya anak mag-isip kang mabuti.” Hinigpitan ni Mommy ang paghawak sa kamay ko.
“Pero nakapag-isip na ako Mommy hindi ko pwedeng iwan si Primo kailangan niya ako,” naluluhang sabi ko.
“Bea, anak talaga bang hindi puwede o hindi mo lang talaga siyang kayang iwan? Si Primo nararamdaman mo bang kailangan ka niya o ikaw ang may kailangan sa kaniya?” sunod-sunod na tanong ni mommy. Napasapo na lang ako sa aking mukha saka napahagulgol.
“M-mommy, bakit ba natin pinipilit ang isang tao ayaw naman sa atin?” Napatanong na lang ako kaysa sagutin ang tanong. Tama si Mommy kung gugustuhin ko puwede kung iwanan si Primo ako lang itong umaayaw. Ramdam ko rin kaya niyang mabuhay kahit wala ako pero pagdating sa akin hindi ko kaya na wala siya. “Nagmamahal lang pala ako sa isang tao na laman na lang ng alaala.” Muli akong napahagulgol, walang nagawa si Mommy kung 'di yakapin ako ng mahigpit.
Pagkatapos gumaan ang pakiramdam ko umalis na si Mommy kailngan din kasi siya ni Daddy. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalaba. Pumapatak ang luha ko sa bawat kuskos na ginagawa ko para matanggal ang mantsa. Nang matapos pumanhik ako sa kwarto ni Primo para maglinis. Nakita ko sa side table nito ang naiwan niyang gamot. Napatingin ako sa orasan, may oras pa naman para maihatid sa opisina nito at madalhan ng pang-tanghalian niya.
“Excuse me ma'am, saan po ang punta niyo?” tanong sa akin ng babae sa reception. Hinabol pa niya ako hanggang sa elevator.
“May id pass ako, miss.” Pinakita ko sa kaniya. Humingi siya ng tawad pagkakita nito. Nginitian ko siya saka sumakay ng elevator.
Pagdating ko sa floor ng opisina ni Primo hinanap ko agad ang sekretarya nito. Tatanungin ko kung nasa loob ito baka may meeting siya o lumabas. Ayaw kong basta na lang pumasok sa loob baka pag-initan na naman niya ako. Wala akong naabutan na sekretarya pero nakabukas ang computer.
“Excuse me, nasa loob ba si Mr. Montero?” tanong ko ng may dumaan na empleyado.
“Nakabukas ang computer ni Sofia malamang nasa loob lang sila,” sagot nitong nakatingin sa cubicle ng sinasabi niyang Sofia.
“Salamat,” nakangiti kong sabi.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nanlamig ang buong katawan ko nang masaksihan si Primo na may katalik na babae. Hindi siya si Melissa dahil iba ang mukha ng babaeng nakahiga sa mesa na walang saplot pang-ibaba. Nahulog ko ang paper bag na naglalaman ng pagkain at gamot. Napahinto silang dalawa nang makarinig ng ingay. Agad bumangon ang babae at inayos ang sarili. Gano'n din ang ginawa ni Primo pero hindi siya nagulat at balewala lang sa kaniya kahit nahuli ko.
“Why are you here?!” galit na tanong pa nito.
Dapat ako ang magalit pero kabaligtaran ang nangyari. Napaigtad ako sa gulat at agad lumapit sa mesa nito.
“N-naiwan mo kasi ang gamot mo kaya hinatid ko lang. Nagdala rin ako ng pagkain pero I think kumain ka na.” Pilit kong tinatago ang sakit sa puso ko.
“Iuwi mo na iyan tapos na akong kumain,” walang gana nitong saad.
“Kinain niya ang dala ko,” pagsingit naman ng babae. Pinagmamalaki pa niya itong sabihin sa mukha ko.
“Gano'n ba? Iwan ko na lang ang gamot mo baka magka-allergy ka na naman sa kinain mo. Aalis na ako,” mahinang wika ko. Kinuha ko ang gamot nito saka nilapag sa mesa.
“Sofia, close the door,” utos ni Primo sa babae.
Lumingon ako pagkalabas sa opisina nito. Tinarayan pa ako nung Sofia saka sinara ang pinto. Hindi na ako magtataka kung bakit gano'n na lang ang pagtatanggol nito kay Sofia dahil isa pala sa babae niya.
Lumabas ako sa building na may mabigat na kalooban. Ang kababata ko noon na asawa ko ngayon ay harap-harapan ako kung lokohin. Sadyang ganito na talaga ang aking kapalaran. Sa paglalakad nakakita ako ng mga batang pulubi. Napatingin ako sa hawak kong paper bag.
“Mga bata sa inyo na lang itong pagkain.” tawag pansin ko sabay bigay sa kanila.
“Maraming salamat po Ate,” sabay-sabay nilang sabi.
Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Ginulo ko isa-isa ang kanilang buhok. Nakakaaliw silang panoorin habang kinakain ang binigay ko.
-----
Hinanap ko si Primo dahil may gusto akong sabihin sa kaniya. Nakapag-isip na ako para sa sarili ko at para sa magulang ko. Nakita ko siya malapit sa pool habang umiinom ng alak.
“P-Primo, gusto ko ng makipaghiwalay. Ibabalik ko sa'yo ang share ko sa MonteCorp. Kausapin natin si Atty. Ferrer baka may ibang paraan pa,” nanginginig kong saad. Nakatalikod siya kaya hindi ko nakikita ang reaksiyon nito. Napasigaw ako ng bigla niyang binasag ang hawak na baso at mahigpit na hinawakan sa braso. “P-Primo nasasaktan ako,” naiiyak kong sambit.
“Talagang masasaktan ka Beatrice kapag tinuloy mo ang sinabi mo! Walang maghihiwalay hanggat hindi ko nakukuha ng tuluyan ang mana ko. Dahil sa'yo nasira ang buhay ko! Kaya huwag mo akong sisisihin kung bakit ako nagkaganito. Ikaw ang dahilan ng lahat!”

Book Comment (263)

  • avatar
    Emie Cabanban

    super like the story.

    19d

      0
  • avatar
    Thor Odin

    Nice story

    22d

      0
  • avatar
    Zyrene Mendoza

    good

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters