logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Fourth Tears

“Achoo!”
“Nagpalit na ako ng pabango binabahing ka pa rin. Ano bang ilong mayroon ka?” tanong ni Primo pagkaupo niya sa hapag kainan.
Tiningnan ko naman ito ng masama. “Hindi na siguro tungkol sa pabango kung 'di sa presensiya mo. Kilala ka na ng ilong ko dahil marami na-” Pinutol ko kaagad ang aking sasabihin.
Ayaw na pala niyang maalala ang nakaraan. Kakasabi niya lang kagabi, huwag ko nang ibalik o mabanggit ang nakaraan. Mabuti na lang nakapagpreno ang bibig ko.
“Tsk!” walang ganang sabi niya at saka binuklat ang dyaryo.
Inirapan ko ito, malakas ang loob ko dahil hindi siya nakatingin.
“Bakit ka pala nagpalit ng pabango?” tanong ko habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.
“Ayaw ko nang gamitin dahil konektado sa nakaraan. Gusto kong putulin lahat ng nakakapag-paalala.” Tinupi nito ang dyaryo saka nilapag sa mesa.
Gusto ko sanang tuktukan ang ulo nito pero baka mahuli niya ako. Nung twenty one birthday niya niregaluhan ko siya ng pabango simula no'n iyon na ang ginagamit niya. Kapag nauubos magpapabili siya sa akin pero ilang taon na rin ang lumipas hindi na siya nagpapabili. Nalungkot ako dahil kinakalimutan na nga niya ang lahat pero may bukod tanging hindi niya kayang kalimutan.
“Bakit ganitong pagkain ang nilagay mo sa plato ko?!” naiinis na saad nito. “Alisin mo at palitan ng bagong plato,” nagmamadaling utos niya.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng plato. Nilagyan ko kasi ng hotdog, egg at bacon na hindi niya nagustuhan. Pagbalik ko nilapag ko sa mesa ang plato, nilagyan ng kanin saka binudburan ng gatas at asukal. Tahimik lang siya habang pinapanood ang ginagawa ko.
“Kumain ka na,” supladong ani nito saka nilantakan ang pagkaing nasa plato niya.
Palihim akong napangiti dahil elementary pa lang kami iyon ang madalas niyang hinihingi. Kahit sa meryenda mas gusto niyang kainin ang gano'n. Si Primo mismo ang nagpatikim sa akin at nagustuhan ko naman ang lasa.
“Bakit nakigaya ka sa kinakain ko?” tanong nitong nakatingin sa plato ko.
“Naubusan na kasi ng ketchup mamaya pa ako mag-grocery,” sagot ko sa tanong niya.
“Damihan mo na ang stock, alam kong hindi kompleto ang araw mo kapag hindi ka nakakain ng weird na pagkain,” napapailing na wika nito.
“Ikaw din naman,” mabilis kong saad.
Katulad ko hindi rin kompleto ang araw niya kapag hindi nakain ang gusto. Pagkatapos naming mag-agahan binigay ko sa kaniya ang baon niya. Kahit alam kong hindi niya kakainin pinagbaunan ko pa rin siya.
“Bakit dalawang box ang baon mo nagpapataba ka ba?” nakakunot ang noo niyang tanong.
“Para sa co-teacher ko itong isa,” nakangiti kong sagot.
Nakikita ko na ang magiging reaksiyon ni Enan mamaya. Pagtingin ko kay Primo nagkibit-balikat lang ito. Kinuha ang baon niya saka umalis na. Kahit kailan hindi niya ako sinasabay pagpasok sa trabaho. Hindi nga ako sigurado kung alam niya ang school na pinagtratrabahuan ko.
-----
“Good morning, Ma'am Bea,” bati sa akin ni Enan. Nagkasalubong kaming dalawa sa hallway.
“Good morning din sa'yo, Sir Enan,” bati ko rin. Nilabas ko sa paper bag ang ginawa kong bento box.
“Ito na iyong promise ko sa'yo,” ani ko. Nilahad ko sa palad niya.
“Wow! Hindi ka nga nagbibiro. Salamat dito Teacher Bea,” biro niya sa akin.
“Utang iyan, Teacher Enan. Hindi ako nagpapabayad ng salamat,” biro ko rin. Natawa kaming pareho mabuti na lang kaunti pa ang mga estudyante.
“Huwag kang mag-alala hindi ako nakakalimot sa utang. Parang tataba ang mga alaga ko sa tiyan.” Napahawak siya sa tiyan nito. Napasuntok naman ako ng mahina sa nakahawak niyang tiyan.
“Sige na, magkita na lang tayo sa lunch,” paalam ko sa kaniya. Tumalikod na ako at gano'n din siya pero napaligon ulit ako.
“Enan!” tawag ko sa pangalan niya. Napalingon naman agad ito. “Nagbibiro lang ako, wala kang utang sa akin.” Ngumiti ako sa kaniya saka tumalikod na.
Isa si Enan sa taong nagpapangiti sa akin sa tuwing nalulungkot ako kaya paraan ko na rin ito para pasalamatan siya.
-----
Nasa grocery store ako namimili ng stocks para sa bahay. After ng class ko dumiretso na agad ako rito.
“Beshie?” patanong na tawag nito. Napalingon ako sa bandang kanan at laking gulat ko nang makita ang aking bestfriend. “Sabi ko nga ba ikaw iyan,” sabi ni Cindy pagkalapit niya.
“Grabe namiss kita beshie,” wika ko sabay yakap sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko pagkatapos naming magyakapan.
“Namimili ng makakain, actually nandito rin sina Jenny at Donna. Teka, nasaan na ba iyong dalawa?” Ginala niya ang paningin nito kaya pati ako napahanap din. “Jenny! Donna!” napalakas na tawag ni Cindy sa dalawa.
Nang mapatingin sila sa pwesto namin kinawayan ko sila. Nagkatinginan naman ang dalawa at agad silang nagtungo sa kinaroroonan namin.
“Namiss ko kayo,” sabi ko at masuyong niyakap ang dalawa. Nung kasal ko pa sila huling nakita. Hindi kami madalas magkita-kita dahil busy sa trabaho at iba pa.
“Namiss ka rin namin beshie. Weekend bukas kaya naisipan naming mag-sleep over sa condo ni Cindy. Sama ka matagal na rin nating hindi ginagawa.” Pamimilit sa akin ni Jenny pati ang dalawa ay nakisali na rin.
“Hmm, hindi ako puwede mga beshie alam niyo naman kung ano ang dahilan ko,” nahihiya kong wika. Gusto ko naman silang pagbigyan pero iniisip ko kung ano ang pwedeng gawin sa akin ni Primo kapag hindi ako umuwi.
“Well, dahil ba sa fake husband mo. Wala naman pakialam sa'yo, kahit hindi ka umuwi hindi ka niya hahanapin,” matary na sabi ni Donna.
“Ganito na lang kumain na lang tayo sa favorite nating restaurant,” masiglang sambit ko.
Kahit hindi ako makasama sa sleep over nila makakasama ko naman sila sa palagi naming kinakainan nung college pa kami. Last na ginawa namin ang mag-sleep over after graduation napakatagal na rin pala.
Pagkatapos naming mamili umalis na kami. Pagdating namin sa restaurant walang halos nagbago. Glass pa rin ang wall kaya kitang-kita sa labas at loob. Naglalakihan din ang mga chandelier na nakasabit sa kisame. Ang mga ilaw ay light lang hindi masakit sa mata tapos nilagyan ng mga scented candles ang bawat mesa. Classic music ang pinapatugtog. Inokupahan namin kung saan kami madalas umupo noon. Gano'n pa rin ang menu nila puro finger foods ang sine-serve nila, tanging mga waiter lang ang nagbago. Karamihan sa kanila ay bagong mukha kaya hindi sila familiar sa amin.
“Bakit maitim ang gilid ng mata mo, hindi ka ba nakakatulog ng maayos?” tanong ni Cindy habang nilalantakan ang sausage rolls. Tulad ng dati puro finger foods ang in-order namin.
“Halatang stress ka rin. Pinapahirapan ka ba ng fake mong asawa?” tanong din ni Jenny. Sinusuri nito ang buo kong mukha.
“Huwag niyo na siyang tanungin dahil hindi naman siya sasagot. Tama ako 'di ba?” nakataas na kilay na tanong ni Donna.
“Nagtanong ka rin beshie,” natatawang sabi ko. “Okay lang ako, buhay pa at humihinga,” biro ko sa kanila.
Nagkibit-balikat lang sila saka tinuon ang atensiyon sa pagkain. Kapag may pagkain na sa harapan nila mapapatigil ang mga ito sa kakadada.
-----
Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa kusina para ayusin ang pinamili. Napatingin ako sa trash can nang makita ang pagkaing tinapon. Napahawak ako sa island counter para ro'n kumuha ng lakas. Tinapon lang niya ang pagkaing pinabaon ko sa kaniya. Sana binigay na lang niya sa mga nagugutom kaysa itatapon lang. Nakarinig ako nang kalabog mula sa itaas. Kaya tiningnan ko ito, nakabukas ng kaunti ang pinto sa kwarto ni Primo.
“Primo, nariyan ka ba?” tanong ko habang pumapasok ako. Unang beses akong makapasok sa kwarto niya. “Primo!” sigaw ko sa pangalan niya nang makita ko ito sa kama, namumula ang mukha at halos hindi na makahinga. Pati sa ibang parte ng katawan nito ay may mga rashes. “S-saan nakalagay ang gamot mo?” natatarantang tanong ko. Nahihirapan naman niyang tinuro, agad kong kinuha ang gamot at pinainom sa kaniya. Nang mahimasmasan na siya pinatitigan ko ito. “Ano bang kinain mo at umatake ang allergy mo?” mahinahon kong tanong.
“K-kinain ko iyong dala ng sekretarya ko. Hindi ko alam na may halo pa lang nuts,” sabi niya na nahihirapang magsalita.
“Kaya nga kita pinapabaunan dahil hindi ako sigurado sa mga kinakain mo. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto mo na kinakain ang pinapakain sa'yo ng sekretarya mo, kaysa sa pagkain na pinapabaon kong tinatapon mo lang naman,” malumanay na saad ko.
“Hinihingi ko ba ang opinion mo? Bakit sinabi ko ba sa'yo na pagbaunan mo ako? Hindi naman 'di ba? Ikaw ang may gusto dahil pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa akin! Get lost!” bulyaw ni Primo sa akin.
Napaigtad ako sa lakas ng boses nito. Tiningnan ko siya at gano'n na lang ang panlilisik ng mata nitong nakatingin sa akin. Bago pa magbagsakan ang luha ko mabilis akong lumabas sa kwarto niya. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago tawagan ang personal doktor niya.
“Anong karapatan mo para tawagin pa ang doktor ko?” galit na tanong nito sa akin kahit nasa harapan namin ang doktor.
“Doc, tingnan niyo na po siya,” sabi ko sa doktor hindi ko sinagot ang tanong nito.
Nasa gilid ako habang sinusuri siya ng doktor. Walang imik si Primo pero makikita sa mukha nito na galit.
“Miss, dapat maging alerto ka sa kinakain niya. Suriin mong mabuti kung may nakahalo. If possible, dapat palagi niyang dala ang kaniyang gamot,” paalala sa akin ng doktor.
“Okay po doc,” tipid kong pagsangayon. Hinatid ko siya hanggang sa pintuan. “Narinig mo ang sinabi ng doktor mag-ingat ka sa mga kinakain mo, hindi mo alam pinapakain ka na pala ng lason.”
“Anong karapatan mo para pangaralan ako?! Sinasabi mo ba na lalasunin ako ng sekretarya ko o ikaw ang gustong lumason sa akin?!” sigaw na tanong nito.
“Hindi kita pinapangaralan kung 'di pinapaalalahanan. Nag-aalala ako sa'yo hindi mo ba iyon nakikita? Ang hirap sa'yo madali kang magtiwala sa ibang tao pero pagdating sa akin ang hirap mong magtiwala. Bakit ka ba ganiyan sa akin, Primo?!” napalakas na tanong ko. Kahit ayaw niyang makakita ng taong umiiyak hindi ko na napigilan pa.
“Get out!” galit nitong tinuro ang pinto.
Iniwan ko siya kahit gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ginagawa niya sa akin ang lahat ng ito. Nagpunta ako sa aking kwarto at do'n ko binuhos ang lahat ng luha ko. Tahimik akong umiiyak ayaw kong marinig niya. Nakarinig ako ng katok, pinunasan ko ang aking luha saka binuksan ang pinto. Nagulat ako nang makita ko si Primo sa harapan ko. Unti-unti ng nawawala ang rashes nito sa mukha pati na rin sa katawan. Normal na rin ang paghinga niya, kahit papano nawala ang pangamba sa aking dibdib.
“M-may kailangan ka?” humihikbing tanong ko.
“Walang halaga ang bawat patak ng luha mo. Kaya hindi mo ako madadaan sa pag-iyak mo. Kung hindi lang sa mana at sa kompanya hindi ko gugustuhin na makasama ka lalo na sa buhay ko.”

Book Comment (263)

  • avatar
    Emie Cabanban

    super like the story.

    19d

      0
  • avatar
    Thor Odin

    Nice story

    22d

      0
  • avatar
    Zyrene Mendoza

    good

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters