logo
logo-text

Download this book within the app

VISITOR

GALE HUME RYLE
Hindi natatanggal ang kaba ko habang paalis ng school. Nagtungo ao sa isang shop, my favorite milk tea shop. Tumambay muna ako room upang hintayin si Ponty Augustine dito. Monthsarry na kasi namin so I decided na mag-milk tea na lang. I also prepared my gift to him.
"Hey! Nandito ako," agaw atensyon ko sa kakapasok lamang na si Ponty with his black bag. Messy hair palagi kapag tapos na ang school. Inilagay ko sa likod ang mahaba kong buhok para hindi sagabal.
"Kumusta ka?" I asked rapidly.
"Ayos naman. Pero kanina namutla ka talaga nung tinawag ka ni Sir," he chuckled.
"Oo nga eh, yun pala one of the highest score," I giggled.
Tumayo naman siya upang mag-order ng milk tea. I bother myself na ilagay ang regalo ko sa bag niya not until I saw a bracelet na kumikinang. Tinago ko sa pinakailalim ang regalo ko para hindi halata na binuksan. I sweetly smiled at him after he put in the table our milk tea. Ngunit natapos ang date namin na wala man lang siyang inilalabas. Baka nakimutan niya or so what.
"Hahatid na kita sa inyo," alok niya.
"No problem, Ponty," excited na saad ko.
Nakarating kami sa bahay na wala man lang siyang inaabot pati pagbati ay nakalimutan na ata. Hindi ko inabala ang sarili ko na magpaalala since I always remind myself na dapat lalaki muna ang unang mag-a-appoach.
Pagkauwi ko ay inasikaso ako ni ate Arithmetyk na kasalukuyang nag-so-solve ng Arithmetic sequence. Nagtataka ba kayo kung bakit 'yan ang name niya. Wala na kasing maisip ang mama ko noong nanganganak siya. As she saw the room number and remember the possible expenses ay numbers ang nakikita niya. So she remembered the Arithmetic sequence.
Naupo ako sa sofa ay nakipag-kulitan sa aso naming aspin na gala nang gala kahit saan. "Butis na naman 'to," reklamo ko. Tumayo ako at nagtungo sa kusina. "Hi ma, musta ka po?" masayang pagbati ko.
I washed my hands para tulungan siya sa pag-aayos ng plato sa mesa namin.
"Mukhang masaya ka na naman ah," pagpansin niya. Sinandok niya na ang ulam at kanina. Ako naman ang naglagay sa mesa.
"Actually, mataas ang mga nakuha ko sa 3th quarter examination namin. Magkakapag-grade 12 na'ko!" Pagtaas ko ng aking mga braso na akala mo ay champion sa isang competition.
"That's good!" My father greeted me. I hugged him.
"I miss you pa, musta work?"
"Pagod pero masaya na makita ang dalaga ko," yakap niya din pabalik.
After dinner ay tumambay kami sa balcony. Unexpectedly, there's a visitors na ngayon ko lang nakita.
"Mare!" sigaw ng dalawang magkaibigan. Tuwang-tuwa si Papa na makita ang kumpare niya. Ang kasama naman ng bisita na anak ata nila ay nakatango lamang. Hindi ko maaninag ang mukha.
"Gale, ipaghanda natin sila ng maiinom," alok ni ate.
I preferred the juice and she preferred the cake. Nang makarating kami sa sala ay walang katapusan na usapan ang naabutan namin. Ang lalaki naman ay nakaupo lamang na hindi na alam ang gagawin.
"This is my son, Stuart Kant," pagpapakilala ni tita Maki sa anak niya. Wait! Parang familiar 'yon ah.
"Actually, pare kaya kami napadalaw ay nais sana naming makiusap sainyo na dito muna pansamantala si Stuart. Pupunta lang kami sa Singapore to fix something," tito plead my father.
"Walang kaso sa'kin. Kada araw ay magbabalita naman sainyo ang anak niyo at may kwarto pa naman kami sa itaas na magagamit niya habang nandito pa siya samin." Masayang paunlak ni papa.
"Hoy! Kaklase kita ah," kalabit ko sa kaniya na ikina-angat ng ulo niya.
"Oo."
Ang tipid sumagot. Problemado ata sa pagsasalita.
"Gale ikaw na ang bahala sa anak ko," tita Maki Kant taunted.
"No, I can take care of myself. Thanks," a serious tone of him. Wala ba sa mood si Stuart, ni ngiti ayaw nang labi niya na akala mo naman ay mapupunit kapag ginawa niya.
"Pasensya na medyo masungit talaga ang anak ko pero marunong sa gawaing bahay," pahayag ni tito Sebastian Kant. "He's happy person naman, parang asawa ko kapag may topak," biro pa niya.
"Ah, naiintindihan ko naman," sagot ni Papa Arturo Ryle na nilingon ang binata.
"I will help every morning po, tito. Kapag vacant time, tutulong ako," pahayag ni Stuart.
"Mrs. Maki Ryle, I am grateful sa pagpayag mo. Don't worry pagbalik namin ay tutulong kami sa kahit anong problema just inform us," pahayag pa ni Mr. Sebastian.
"It was nothing to me."
Nang oras na iyon ay naninibago kaming lahat dahil sobrang seryoso nito na parang siya ang may-ari ng bahay. Wala din akong masyadong alam sa pamilyang Kant kaya nababahala na tuloy ako. Binalewala naman ni mama iyon as he is a visitor na magiging part ng family temporarily.
Inutusan kami na ayusin ang magiging kwarto niya after umalis ng parents ni Stuart. He knocked on the door. "Ako nalang mag-aayos, thanks anyway," pasintabi niya.
"Kami na," pilit ni ate. Ngunit kinuha na ni Stuart ang vacuum cleaner at masigasig na naglinis. "Sipag," komento ni ate.
"If you need to review, you may go na po ate Arithmetyk," magalang na pahayag niya. Napanganga na lamang si ate. Mukhang magka-edad kasi sila kaya bakit nakiki-ate 'to.
Naiwan ako roon. Hindi man lang ako hinili at basta iniwan. "How about you? Di ba, may assignments tayo? You better to do your obligations in school, Gale," pahayag nito sa'kin.
"Ilang taon ka na ba?" wala sa sariling naitanong ko sa kaniya.

Book Comment (48)

  • avatar
    Mylene Cabaguio

    thank u

    1d

      0
  • avatar
    ebidoRazel ann

    real kaya

    24d

      0
  • avatar
    Yagleg Udmaguti

    thank you

    12/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters