logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

"Ilang libro ba ang kailangan mo para makahiram na ako kay Ate Lea niyo," tanong ni Mama habang nagtitimpla ng kape.
Kumunot ako ng noo habang isinusuot ang medyas, hindi pa rin ako makapag-isip kung ano ba talaga ang gusto ko.
Masyado bang maaga para pag-isipan ko ang tungkol sa pangarap ko? O talagang sadyang wala lang talaga akong pangarap.
"Wag na pala muna Ma, iisipin ko pa kung ano," mahinang saad ko saka tumayo na.
"Hindi mo naman kailangan seryosohin ang project na yan, ang importante may maipasa ka, kung wala ka pang naiisip kung anong gusto mo, wag mo munang ipilit."
Katulad ng dati ay pumunta na naman ako kung saan ang lugar na pinagpa-praktisan namin. Maraming mga estudyante na naman ang naroon, ang pwesto namin ay sa tabi lamang ng section one, mas marami sila kung ikukumpara sa amin.
Mayroon lamang kaming limang oras para magawa ang dapat na gagawin, sapat na ang tatlong oras na iyon para matapos ang mga props at para pagdating sa lunes ay isang bagsakan na lang sila.
"Mingming ko!"
Mula sa kalayuan ay rinig ko agad ang pamilyar na boses, nakangiti itong nakatitig sa akin na halos mapapikit na dahil sa singkit na mata habang sinasayaw ang hawak na pagkain, suot nito ang kulay itim na t-shirts at ang pulang short na hanggang tuhod, kahit na mainit ay hindi natatakpan ang kaputian nito.
"Adlawan! Ba't ka late?!" sigaw ni Jerome na direktor namin dahilan para mapatingin ang ibang naroon.
"Anong late? Kanina pa ako nandito bumili lang ako, late ka riyan," natatawang sabi nito saka lumapit at naupo sa tabi ko.
Inirapan lang siya ni Jerome at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Sabay kaming nagkatinginan ni Gerald at napatawa na lang.
"Ba't ngayon ka lang? Lakas pa ng loob mong bumili ng kwek kwek," sabi ko rito.
"Bagal kasi no'ng tindera magluto, siya sisihin mo," natatawang sabi nito na binigay pa sa akin ang isang hawak niya.
Tinuloy na lamang namin ang ginagawa namin, si Michelle naman na madalas naming utusan kapag nauubos na ang mga glue sticks na madalas naming gamitin.
Dalawang oras mahigit namin natapos ang props, dahil may natirira pa kaming oras ay nagkwentuhan na lang ang iba at kumain, samantalang ang mga kaklase naming gaganap ay hindi hinayaang makapagpahinga hangga't hindi natapos ang pinaka-huling senaryo.
"Ano na Cath?" tawag ni Gerald saka naupo sa tabi ko.
Nakaharap kami ngayon sa section one kung saan sa bandang kanan nila ay naroon ang iba naming mga kaklase na umaarte, sa kanila lamang ang tingin ko.
"Anong ano?" sagot ko.
Nahiga ito sa balikat ko na madalas na niyang ginagawa sa amin ni Michel, sobrang malapit talaga siya sa babae at sinasabihan pang bakla.
"Yong tungkol sa future me, sa Friday na yon tangek!"
Napabuntong hininga muli ako. Ano na naman bang isasagot ko rito?
"Wala nga maisip e," bulong ko habang nginunguya ang tsitsirya. "E, ikaw?"
Napatawa ito ng mahina saka kinuha ang selpon.
"Surprise na yon, surprise rin kay Mich e," sagot nito saka sinimulang maglaro.
Nakasandal pa rin ang ulo nito sa balikat nito habang abala sa paglalaro ay nanonood lang ako kela Jerome, mahahalata sa itsura niya ang pagiging pilit sa pagseseryoso pero natatawa rin sa tuwing nagkakamali ang iba.
Si Mich naman na abala sa pakikipag-usap sa kabilang section na kaibigan niya rin. Habang nakatingin sa kung saan ay hindi ko maiwasang maisip ang madalas na sinasabi ng mama ko.
Alam kong pinagsisisihan niya ang sumama kay Papa at maniwala sa mga gano'ng salita, hindi nagawa ni Mama ang mga dapat na gawin ng isang dalaga noon dahil sa pag-ibig.
May mga nagsasabi naman na wala naman sa pag-ibig ang problema, nasa tao raw iyon kung magpapakalunod ka sa pagmamahal hanggang sa maging bulag.
Hindi naman ako suwail na anak, alam kong hindi ako nag-iisa na ayaw manatili sa bahay. Sa eskwelahan lamang ako nakakakilos ng maayos at nailalabas ko ang totoong ako.
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila, no'ng bata ako, madalas na sabihin ng magulang ko na delikado sa labas ng bahay lalo na't kapag gabi, pero bakit mas nakakaramdam ako ng takot kapag nasa sarili na akong tahanan? Akala ko ba payapa ang gabi? Bakit parang doon lumalabas ang maraming katanungan sa utak ko? Ang gulo.
Hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing inisip ko ang unti-unting pagbabago ng pagsasama ng magulang ko, no'ng bata madalas silang nagtatawanan, tabi matulog, sabay na kumain, Pero ngayon, wala akong makitang bakas ng nakaraan nila.
Totoo ngang lumilipas ang panahon, pero dapat bang pati ang pinagsamahan ng dalawang tao kumupas rin?
Hinahanap ko ang ngiti nila, pero pati mga labi ay napagod na.
Gusto ko ng masayang pamilya, okay lang sa akin kung may mga butas ang bubong namin, okay lang kung lagi kaming binabaha, okay lang kung lagi kaming walang pera, basta masaya. Maramdaman ko lang ulit yong totoong kahulugan ng pamilya.
Hanggang kailan ko ba ikukumpara ang sarili ko?
Sana, kung gaanong kalawak ang ngiti ng mga kaklase ko, sana kaya rin ng magulang ko. Sana maayos na ang lahat, sana bumalik na ang dati, sana huminto na lang noon ang oras.
Hanggang ilang sana pa ba ang sasabihin ko kung wala naman ng pag-asa?
"Oy Cath, Tara! Sali tayo sa patintero nila," untag ni Gerald dahilan para mabilis akong napalingon sa kaniya.
Nakangiti pa rin ito at hinihintay ang sagot ko.
"Tinatamad ako, ikaw na lang," mahinang sambit ko saka ngumiti.
Ngumuso ito saka hinila ang kamay ko.
"Tara na mingming, libangin mo naman ang sarili mo!" pagpipilit nito.
"May iinisip pa ako," natatawang sabi ko saka niya binitiwan ang braso ko.
Ang mga ngiti nito ay halatang nanunukso saka umiling.
"Iniisip mo siya? Iniisip ka ba?" sabi nitong bigla na lamang humagalpak ng tawa habang naglalakad palayo papunta sa mga naglalaro.
Ewan ko kung alam niya ba ang iniisip ko, si Andrie siguro ang akala niyang iniisip ko, hindi ko naman na maisisi kung bakit hanggang ngayon ay tinutukso pa rin nila ako sa lalaking yon.
"Jane? Nandyan ba si Andrie?" pangangalabit ko sa kaklase niya.
Mahigpit na hawak ko ang yellow paper kung saan nakalagay ang letter ko para sa kaniya. Kahit na magkatabi kami ng room ay nahihiya pa rin ako magbigay ng letter dahil masungit siya, nasa kaniya na ang lahat kaso napaka-sungit niyang tingnan.
"Ay, nasa library e, kasama niya si Yohann, nagre-review sila," nakangiting sambit nito na tinitingnan ang hawak ko.
"Gano'n ba, sige. Salamat Jane," nakangiting Saad ko bago siya umalis.
Recess pa naman kaya dito na lang ako sa hallway, wala rin ang next teacher namin kaya baka pumunta na lang siguro ako sa library para maibigay sa kaniya ito.
Nag-desisyon na akong bumaba papuntang 1st floor dahil nandoon ang library, aabangan ko na lang siguro siya sa labas o baka pasimple ko na lang ilagay sa bag niya.
Kagat-kagat ko ang aking kuko habang paulit-ulit na nilalakad ang corridor. Napangiti na lang ako dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Agad kong inayos ang mahaba kong buhok at inihanda ang malawak na ngiting isasalubong sa kaniya.
"Be ready okay? That's all boys," rinig kong sinabi ng coach nila na tumalikod na.
Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko, pinaghalong kaba at kilig ang namamayani sa dibdib ko nang tuluyang magtama ang paningin namin.
Ang buhok nitong itim na medyo wavy, ang balat nitong maputi kaya naman kitang-kita ang mata niyang dark brown, aakakalahin mong may lahi siya dahil sa itsura niya.
"Cath, ikaw pala," ngiting bati sa akin ni Yohann na katabi lang ni Andrie.
May mga bitbit silang mga libro na inaaral siguro nila. Mahigil ilang pulgada lamang ang lapit ko sa kanila kaya medyo nakatingala ako dahil matatangkad ang mga ito.
"Dadaan ka ba?"
Muntik na akong mapatalon dahil sa boses niyang iyon, ang mukha nitong blangko at diretsong nakatingin sa akin.
"A-Ah, ibibigay ko sana 'to s-sa'yo," kinakabahang sambit ko.
Bumaba ang tingin nito sa hawak kong papel na halos malukot na dahil sa aking pagkakahawak. Bahagya ko iyon itinaas upang makita niya ng lubusan. Umalis ang tingin nito sa papel at diretsong tumingin sa mga mata ko.
Walang ka-buhay-buhay, animo'y laging may kaaway dahil sa paraan ng pagtitig nito. Mata pa lang masungit na.
"Tingin mo ba makukuha ko 'yan dahil sa mag bitbit ko? Pwede bang tumabi ka muna? Daanan yan hindi tambayan," diretsong sabi nito.
Napaawang na lang ang labi ko dahil sa inasta niya, hindi ko alam na kusa na pala akong gumilid dahilan para lagpasan na lang ako.
Pinagmasdan ko lamang ang likuran niya hanggang sa kumanan ito at mawala sa paningin ko. Nakayukong tumalikod na lang ako ngunit may mga paang nananatiling nakatayo pa rin doon.
Nag-angat ako ng tingin at bumungad doon ang nag-aalalang mata ng kaibigan niya.
"Pagpasensyahan mo na 'yon Cath, gano'n talaga yon. Marami kasing ginagawa kaya mainit ang ulo," nakangiting sambit nito na hawak pa rin ang mas maraming libro kumpara kay Andrie.
Bumaba ang ngiti nito na sinilip ang hawak kong papel.
"Gusto mo ba ako na lang ang magbigay niyan?" tanong nito.
Mabilis kong itinago sa likuran ko ang papel na iyon at saka umiling.
"H-Hindi naman ito importante, S-Salamat. Pasensya na rin," pilit na ngiting iginawad ko saka minabuting lagpasan na lang siya.
Narinig ko pa ang mahinang pag-tawag nito sa pangalan ko pero hindi ko na lang iyon pinansin pa. Napahinto na lang ako dahil sa mga tawa na narinig ko sa 2nd Floor na nakatingin pa sa akin, medyo marami silang mga babae at sila ang nagpapakalat ng mga tsismis.
Nakakahiya. Katawa-tawa na lang ako lagi.
"Cath? Hey, gising na."
Mahinang tapik ang naramdaman ko sa balikat ko, naramdaman ko agad ang pangangalay ng likuran ko dahil nakayuko pala ako.
"Gerald," mahinang tawag ko sa katabi ko.
"Umuwi na silang lahat, nakatulog ka kaya hindi ka na nila ginising," pagpapaliwanag nito dahilan para tuluyang magising ang diwa ko.
Ang kaninang mga tawanan ay napalitan ng mga huni ng Ibon at ang mahinang hangin. Wala na ang mga tao, wala na rin ang mga kaklase ko sa pwesto nila kanina.
Napatayo ako ng wala sa oras at tinitigan ang katabi kong nakaupo pa rin at kinukuha ang mga gamit ko.
"Yohann?" tawag ko sa pangalan nito dahilan para umangat ang tingin niya sa akin.
Siya nga. Cath naman!
"Binilin ka kasi nila sa'kin, kaya hinintay na lang kitang magising. W-Wala naman akong ginawa sa'yo, binantayan lang kita. Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita," pagpapaliwanag nito na nakatayo na habang hawak ang gamit ko.
"Hindi na. Salamat," mabilis kong saad saka hinablot ang gamit ko muna sa kamay niya.

Book Comment (78)

  • avatar
    Neneng Virtudazo

    wow nice

    12d

      0
  • avatar
    Ikha Dagupion

    Ang Ganda po

    14d

      0
  • avatar
    peratercharisa

    nice

    04/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters