logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7: Back Home

Umuwi na sa Turkey ang lawyer na tumulong sa akin. He doesn't know how grateful I am with his help. Si Dad na raw bahala sa bayad sa kaniya. Lihim akong natuwa dahil nakalibre ako. Hindi, biro lang. Ang totoo ay nahihiya akong magdagdag sa bayad sa kaniya dahil hindi ko siya gaanong kilala kaya mabuti na rin na sila na lang ni Dad ang mag-usap dalawa.
After getting the divorce papers, sunod kong ginawa ay umpisahan ang pagbebenta ng assets ko, including those na nakuha ko galing kay Finn. Lumipat din ako ng hotel and made sure na hindi niya na ako masusundan. Wala na rin naman siyang dahilan para hanapin at puntahan ako dahil tapos na at naresolba na ang lahat sa pagitan namin, at oo, I received a huge amount for him after combining both of our assets. Malaking panghihinayang sa side niya dahil malaki ang nawala sa kaniya gaya nang sabi ko noong una.
Ang pinakauna kong ibinenta ang resthouse, huwag niyo na akong tanungin sa dahilan. Kung hindi lang ako nasasayangan ay baka pina-bulldozer ko na lang iyon o kaya sinilaban, pero kapag sinunog ko ay may ibang pwedeng madamay. Hindi naman ako ganoon kawalang puso.
Madali lang nakahanap ng buyer sa resthouse na 'yon dahil pinaalagaan ko. Resthouse na napakaimportante noon sa akin pero dahil sa dalawang walang mga hiya ay naging pinakakinaiinisan ko na.
Pinahandle ko sa isang kakilala rito ang lahat, ganoon din ang iba sa mga properties na sa akin na nakapangalan. Gusto kong ibenta lahat para wala na akong dahilan pa para bumalik. I want to stay in the Philippines for good at mag-umpisa at makalimot.
ANOTHER WEEK HAD PASSED, naging busy ako. Ayaw ko mang malaman kung anong nangyayari kay Finn, nakatatanggap naman ako ng mga mensahe mula sa mga empleyado mula sa company, but I made them understand na ayaw ko nang makarinig ng kahit anong tungkol sa lalaking 'yon and because of that, huminto na rin sila sa pangungulit sa akin.
They also helped me to find buyers sa mga ibinebenta kong properties and makalipas nga ang isang linggo ay may iba nang nagmamay-ari na ng lahat. I'm happy and sad as well, masaya na alam kong they will take good care of those pretty houses. Lima rin ang lahat, tatlong nasa countryside, isang resthouse at ang huli, nasa City.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo anak?" tanong ni Mom. Nag-uusap kami through video call habang nag-aayos ako ng mga gamit. Isa-isang itinutupi at isinisilid sa di kalakihan kong maleta ang mga damit kong wala na akong balak dahil ang lahat.
I'm preparing for my flight. Uuwi na ako sa Pilipinas. Like finally! It's been years. Sa sobrang busy ko at Finn doesn't want to come with me dahil mainit daw sa bansang 'yon. Palibhasa lumaki sa malamig na bansa. Iba tayong mga Pinoy alam n'yo na, sanay tayo sa init.
Nga pala, kunga nagtataka kayo, kapag kami lang talaga ang nag-uusap ni Mom, Filipino talaga ang lenggwaheng gamit namin. Sinanay rin kasi ako ng nanay ko bata pa lang at dahil sa Pilipinas din ako lumaki at nag-aral hanggang high school. Marunong din si Dad, nakaiintindi pero bulol kapag susubukan niyang makipag-usap. Hindi lang bulol, nakakatawa rin dahil may kakaiba siyang accent.
"Yes, Mom, sure na po ito," sagot ko nang hindi tumitingin sa screen ng laptop na gamit ko sa pakikipag-usap sa kaniya nang mga sandaling 'yon.
"Hindi ba pwedeng dito ka muna sa amin sa Turkey? Para naman makapamasyal tayo," aniya na dama ko sa boses na na-mi-miss na naman niya ako. Napabaling ako sa screen nang itanong niya ito at nahinto sa ginagawa. I looked at her with a sly smile and gave her the reason why I chose Philippines to stay for good at hindi sa Turkey kung nasaan sila ni Dad.
"You know that's the country Finn and I met. Almost every place and corner of our house, we have memories. I want to forget, Mom, and heal. Mukha lang po akong okay at hindi iniisip ang mga nangyari, but deep inside, I'm not,"
Mas lalong nalungkot ang mga mata ng ina ko dahil sa sagot ko. Biglang sumulpot si Dad at sumilip sa camera.
"Let her decide, hon. I trust our daughter," aniya sabay patong ng isang kamay niya sa balikat ni Mom at pinisil bahagya. He stared at me for a second at binigyan ng ngiti. I'm glad that Dad understands me especially during this time na bihira lang mangyari dahil siya ang mas overprotective pagdating sa akin sa kanilang dalawa.
"Okay, I let you go home to the Philippines. Ipapalinis ko na ang mansion at kukuha ng mga makakasama mo sa bahay," aniya maya-maya pero hindi pa rin ngumingiti.
"Hindi na po kailangan—"
"Anong hindi? Sa mansion ka na mag-stay para naman kampante akong ayos ka lang at kumakain ka. Kapag may kasama ka hindi ka malulungkot doon mag-isa. Kahit 'yan na lang anak pagbigyan mo ako." Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. Nasupalpal agad ako. Hindi na ako nakaangal, baka makagalitan lang ako at magtampo pa sa akin.
Ang plano ko sana ay maghanap ng maliit lang na condo unit. Iyong malapit lang kina tita Eugene, kina Felix para madali akong makapunta sa kanila. Pwede rin ang minutes away, kukuha na lang ako ng sasakyan para I could travel din in places by myself.
After ng pag-uusap namin ay pinagpatuloy ko na ang pag-aayos. My flight is early in the morning na tatagal ng more than thirteen minutes. Nakaiinip sa haba ng biyahe pero mas excited akong makabalik sa Pilipinas kaya hindi ko na iniisip kung gaano katagal akong nakaupo at maghihintay ng paglapag ng eroplano.
Dahil nga excited ako, maaga pa lamang ay gising na ako't nakaligo. I settled the payment bago umalis sa hotel at binigyan ng mga tip ang mababait na staff na nag-accommodate sa akin nang maayos. Even the chef and servers ng pagkain ay isinama ko na. Matagal-tagal din kasi nila akong pinagsilbihan at isang tawag ko lang kapag may kailangan ay may ipinadadala na agad silang mag-aayos o mahahatid ng kailangan ko.
Almost three weeks din 'yon at kung pwede kang i-rate ng 6 stars are hotel accommodation and hospitality nila ay gagawin ko, e kaso hindi, hanggang lima lang e, but I left a honest review para sa kanila sa mismong website.
I ate breakfast sa cafeteria ng airport, naghintay ng higit kumulang isang oras bago nakasakay mismo sa eroplano. I took one last glance sa kalupaan ng England sa bintana. Trying to leave all the bad memories, the pain at sana sa pag-alis ko ay hindi na muli ako iiyak nang grabe dahil sa isang lalaki.
I took a direct flight, ginamit ko ang mahabang oras na 'yon para magbasa ng isang nobela sa isang online reading site sa laptop ko. Hindi ko namalayan ang oras at aminado akong nag-enjoy ako sa binabasa dahil naka-re-relate ako sa kwento ng bidang babae na niloko rin ng kaniyang asawa.
Mukhang uso ang mga kabit. Season yata nila. Hindi kaya sila nahihiya? Naninira sila ng pamilya. Pwede naman silang magmamahal pero iyon naman sanang hindi kasal. Pero hindi rin natin masisisi ang ibang mga babae, kasi mismong mga lalaki rin naman ay itinatago na kasal na sila't may mga anak na.
I had lunch and dinner, pero halos hindi ko maalis ang mata ko sa pagbabasa. Nakalahatian ko na halos ang libro nang marinig ko ang announcement na kami ay lalapag na. Bigla na lang tuloy nahati ang attention ko. Naglagay na lang ako ng bookmark sa page kung nasaang parte na ako at nag-ayos na ng gamit.
Eksaktong 9:27 am nang makalabas ako sa airport. Mom told me na may susundo sa akin kaya h'wag na akong mag-alala sa sasakyan papunta sa mansion. Hindi ko alam kung paano ako makikilala ng susundo sa akin at kung paano ko siya mahahanap pero—isang malaking cardboard ang nakaagaw ng pansin ko.
Nakasulat ang 'Miss Elyana B.' at malaking arrow na nakatutok pababa. Eksakto sa ulo ng lalaking may hawak dahil nakataas iyon sa ulunan niya. Nagsubong ang kilay ko at nag-isip muna kung siya ba ang sundo ko. Nagpalinga-linga muna sa paligid at binasa ang mga nakasulat sa ibang cardboard.
"Baka siya na nga," usal ko matapos walang makitang iba na maaring magsabi na sundo ko siya kaya naglakad na ko habang hila ang maleta ko at nakasukbit sa balikat ang isang may kalakihang bag kung saan naroon ang mga importante kong gamit.
"Excuse me—Elyana Begum ba ang hinihintay mo?" tanong ko sa lalaki na mukhang teenager lang sa height at pangangatawan nito. Mistulang nagulat pa siya sa pagsulpot ko sa harapan at hindi agad nakasagot sa tanong ko sa kaniya.
"Y-Yes, Ma'am, pinadala po kami rito ni Madam Elena," sagot niya at doon ko nakumpirma na si Mom ang amo nila.
"Okay, tara na," yaya ko sa kaniya at mabilis itong kumilos upang kunin ang maleta ko at isinakay sa compartment matapos akong pagbuksan sa backseat ng isang itim na kotse na mukhang kabibili lang dahil sa kakintaban. Bukod sa kaniya ay may driver pa siyang kasama.
Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi ako mapakali, para akong naiihi na ewan sa sobrang kagalakan. Gusto kong puntahan sina Felix at supresahin sila. Sinadya ko pa naman din na hindi ipaalam sa mga Martincu na uuwi na ako.
Na-stuck kami sa traffic. Iyong limampung minuto lang sanang biyahe mahigit ay naging higit dalawang oras ang itinagal. Pakiramdam ko ay gutom na gutom ako.
Dumating kami maghahatinggabi na. I was expecting na nagpapahinga na ang mga bagong hired ni Mom na mga makakasama ko sa mansion, but to my surprise, gising pa sila. Hinintay raw nila ako para salubungin at batiin sa aking pagdating.
Na-touch naman ako roon.
Akala ko after nilang magpakita't pakilala sa akin ay matutulog na sila. Halata sa kanilang lahat ang pagkailang nang makaharap ako. Bukod dito ay napansin kong tila nagsisikuhan silang apat na nga babae.
Walo silang lahat, dalawang guwardiya na nasa gate naka-assign, apat na kasambahay na may kani-kaniyang mga tasks, isang driver at isang house boy na kasama ng driver na sumundo sa akin aa paliparan.
"M-Miss Elyana, d-do you—
"Hay naku ate, i-Tagalog mo na lang," putol ko sa kaniya't suhestiyon dahil mukhang nahihirapan siyang mag-Ingles.
Mistulang nakahinga naman siya nang maluwang sa sinabi ko.
"Gusto mo po bang kumain muna bago ka po magpahinga? Nagluto po kasi kami kanina ng marami gaya ng bilin ng Mom mo sa amin," kaniyang tanong na pinag-isipan ko nang husto bago sinagot—ng isang tanong din.
"Ano po bang iniluto n'yo?"
"Kare-kare po—"
"Talaga?" malakas na tanong ko na ikinagulat nilang lahat. Naitikom ko bigla ang bibig ko dahil sa reaksyon kong 'yon.
Isa kasi sa mga paborito ko 'yon. Ang totoo n'yan pati ang magkakambal na Martincu ay Kare-kare rin nang isa sa mga paborito. Isa sa putaheng na-miss ko dahil malayo ako sa Mom ko na marunong magluto noon at kapag sa mga restaurant naman ay hindi ko gusto ang lasa.
Kare-kare lang okay na 'ko, pero dahil marami silang iniluto, inihain na nila lahat. Sa dami ay hindi ko alam ang uunahin.
"Oh Gosh! These are too much for one stomach," untag ko habang tinitignan ang nasa hapag ang while staring at each huge plate of seafoods and other dish, some happy memories cross my mind.
"Pupuntahan ko talaga ang mga Martincu bukas," sambit ko sa isip dahil sa bahay nila lagi akong nakatitikim ng masasarap.

Book Comment (83)

  • avatar
    Rayzel Herrera

    sobrang ganda po guys nitong nuvelah

    26d

      0
  • avatar
    Tobi Espiritu

    wow

    28d

      0
  • avatar
    Arjina Alvin

    thank you for supporting me

    25/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters