logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 14

Papunta na ‘ko sa parking lot ng eskwelahan para umuwi ng biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito mula sa aking bulsa. Si dad ang tumatawag, nagpakawala muna ‘ko ng malalim na buntong hininga at saka ito sinagot.
"yes dad?”
"Please be here at seven, let's have dinner together"
"Okay dad.” Pagkatapos namin mag-usap ay tinungo ko na ang aking sasakyan kung saan ito nakaparada. At mabilis akong umalis, uuwi muna ako sa aking Condo para makapagpalit ng damit. Nakarating na ‘ko sa bahay at pinarada ko ang aking sasakyan ng mapansin ko ang kotse ni Wallace at isa pang pamilyar na sasakyan katabi nito. Pumasok na ‘ko sa loob at dumeretso kaagad sa dining area, naabutan ko si dad, Wallace at si Kristine na masayang nagkukuwentuhan. Nagulat ako at hindi muna umupo, si Kristine inimbitahan ni dad. Kaya ba niyaya ako mag-dinner dito sa bahay? Ano na naman kaya ang binabalak ni dad?
"Umupo ka na Marco," utos ng aking ama. Naupo ako sa katabi ni Wallace, kaharap ko naman si Kristine. Tahimik kaming kumakain at tanging mga kubyertos lamang ang naririnig. Nang matapos na kami maghapunan ay nagsalita na ang aking ama.
"Kristine hija, hindi ka na ba talaga babalik ng Italy?” uminom muna ng tubig si Kristine bago nito sagutin.
"Yes po tito Cedric, dito na po ako nagpalipat sa Pilipinas tinapos ko lang po ang kontrata ko do’n”
"Good! dahil gusto ko sanang ayusin niyo na ang relasyon niyo ni Marco”
"What?! baling ko sa aking ama na para bang balewala lang dito.
"Hijo, hindi ba kaya kayo naghiwalay na dalawa dahil malayo kayo sa isa't-isa? nandito na si Kristine magkakasama na ulit kayo"
"You don’t understand dad!”
"You're the one who don’t understand Marco!” Sigaw sa'kin ng aking ama na tila nawawalan na ng pasensya.
"You can't manipulate me anymore!” tumayo na ‘ko at maglalakad na sana ako ng muling magsalita ang aking ama.
"Parehong-pareho kayo ng iyong ina!”
"H’wag mong idadamay ang mommy ko rito!” doon na tumayo si Wallace para pigilan ako. Nanatili pa ring nakaupo ang aking ama at si Kristine na hindi naaalis ang tingin sa'kin. "Ikaw ang dahilan kung bakit umalis si mommy! you doesn't care about her! you manipulate her like you did to me right now!”
"How dare you say that to me!” Saka na rin tumayo ang aking ama para harapin ako. Ngumiti ako ng pilit.
"Masakit bang malaman ang katotohanan dad? Simula noong bata pa lang ako ikaw na ang nagdedesisyon para sa sarili ko. Naging doctor ako dahil sa kagustuhan mo! Lahat sinunod ko kahit ayaw ko. Kaya nga iniwan ka ni mommy ‘di ba? Pero this time dad hindi mo na ‘ko p’wedeng kontrolin.” Pagkasabi kong ‘yon ay lumabas na ako kasunod ko na si Wallace. Naririnig ko pang tinawag ako ni Kristine ngunit hindi ko na ito nilingon.
"Bro sandali lang!” tawag sa’kin ni Wallace ng nasa labas na kami.
"Alam mo ba ‘to Wallace?”
"Wala akong alam sa plano ni tito Cedric pinatawagan lang niya sa'kin si Kristine at pinapunta rito, ‘wag ko raw sabihin sa’yo na pupunta siya.” Bumuntong hininga ako at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Maya-maya pa ay lumabas din si Kristine at tinungo ang kinaroroonan namin.
"Sige bro maiwan ko na muna kayo,” paalam ni Wallace at bumalik ulit sa loob ng mansyon.
"Hindi ka pa ba napapagod ha Kristine?” baling ko sa kan’ya nang makaalis na si Wallace.
"Ikaw Marco hindi ka pa ba napapagod na hanapin siya?! Nangingilid na ang kan’yang mga luha nang harapin ko siya.
"Nandito ako Marco! ako ang nagmamahal sayo!”
"Gusto mong magkabalikan tayo pero wala na kong pagmamahal sa’yo gano’n ba ang gusto mo? mahirap pilitin ang puso Kristine”
"Sa tingin mo ba pag nagkita kayo, at sinabi mong mahal mo siya, mahal ka rin niya?! Natigilan ako sa sinabi niyang ‘yon.
"Nag-decide ako na itigil na ang paghahanap sa kan’ya, tutal wala na rin namang pag-asang makita ko siya, pero hindi ibig sabihin ay kailangan na kitang balikan. Ayokong lokohin ang sarili ko Kristine.” Doon na nagsimulang pumatak ang kan’yang mga luha. Gusto ko siyang aluin pero hindi ko magawa, ayoko siyang saktan.
"Tara Jk dito tayo maupo malapit kina Doc Marco para nakikita ko siya.” Kasama ko si Jk dito sa auditorium dahil Foundation day at may gaganaping program ngayon dito.
"Gusto mong makita si Doc Marco? ayon oh kasama si Miss Andrea!” turo niya sa pamamagitan ng pagnguso. Nasa unahan sila nakapuwesto at katapat lang namin sila, kaya kita rin sa p’westo namin kapag lilingon siya. Kasama niya ang ilang mga faculty members, napaka-guwapo niya sa suot niyang red polo shirt at faded jeans na tinernuhan ng white rubber shoes. Nawala ang pagkakangiti ko ng biglang humilig si Miss Andrea sa kan’yang balikat at mukhang kilig na kilig pa. Hindi naman ito pinansin ni Doc Marco at hinayaan lang siya.
"Grabe makahilig akala mo naman jowa niya! tsansing lang yan eh!” naiinis kong sabi habang nakatingin sa kanila.
"Bakit ka nagseselos? wala ka rin namang karapatan kasi hindi ka din jowa!” Pang-aasar naman sa'kin ni Jk na kanina pa natatawa sa itsura ko. Pinagpapalo ko naman ang braso nito habang pinagtatawanan ako. Pagkaharap ko sa kanila nakita kong nakatitig sa gawi namin si Doc Marco. Nagkatitigan kami saglit at biglang tumingin siya sa ibang direksyon. "My gosh! ang mga tinging yon! kahit seryoso ang itsura napapabilis niya ang tibok ng puso ko, paano pa kaya kung higit don? Nasabi ko na lang sa aking isipan. Nagsimula na ang program at iba’t- ibang department ay nagparticipate sa programang iyon.
"And now we have a special number from HRM student! May we call on Miss Macelyn Brilliantes!” tawag ng MC. Nagulat pa ako at hindi makatayo. Tama ba ang narinig ko? tinawag ang pangalan ko? Nang hindi pa ako tumatayo ay muli akong tinawag ng MC na nasa stage.
"Miss Macelyn Brilliantes are you here?”
"Ah y-yes po!” sabay tayo ko sa aking kinauupuan. Napatingin naman ako kay Doc Marco na nakatingin din sa gawi namin.
"Goodluck Mace! Pagkakataon mo na para maimpress si Doctor Marco!” Wika naman ni Jk sa'kin. "Kantahin mo ‘yong kinanta mo noong high school tayo.” Tumango lamang ako at pumunta na sa stage. Nangangatog ang aking mga tuhod nang umakyat dahil ngayon lang ulit ako kakanta pagkatapos kong maoperahan sa puso. Nahihiya ako dahil sa dami ring tao ang nanunuod iba't-ibang department ang naroroon, at higit sa lahat nandito si Doc Marco at matamang nakatitig sa akin.
"Go Mace!” sigaw ni Jk na halatang inaalis lang ang kaba ko. Nag-cheer na rin ang ibang HRM students, at sinabi ko na rin sa MC kung ano ang kakantahin ko, mahigpit ang pagkakahawak ko sa mic hanggang sa narinig ko na ang intro ng aking kakantahin.
From this moment life has begun
From this moment you are the one
Right beside you is where I belong
From this moment on
From this moment, I have been blessed
I live only, for your happiness
And for your love, I give my last breath
From this moment on
I give my hand to you with all my heart
I can't wait to live my life with you I can't wait to start
You and I will never be apart
My dreams came true because of you
Habang kinakanta ko ‘yon ay naaalala ko pa ‘yong una ko siyang makita at una ring nagpabilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko masabi kung ano ang ibig sabihin no’n. Dahil siya lang ang unang nagpatibok nitong abnormal kong puso. Hanggang sa ilang beses ko na siya nakikita pero hindi pa rin ngbabago ang tibok nito. Kaya doon ko na rin nakumpirma kung ano talaga ang nararamdaman ko. Na-love at first sight ako kay Doc Marco pero habang tumatagal ay patindi nang patindi ang nararamdaman ko para sa kan’ya.
From this moment, as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing, I wouldn't give
From this moment on
You're the reason I believe in love
And you're the answer to my prayers from up above
All we need is just the two of us
My dreams came true because of you
From this moment, as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing, I wouldn't give
From this moment, I will love you
As long as I live from this moment on
Nang matapos ko ang kanta ay nagsipalakpakan naman sila ng may kasamang hiyawan. Napasulyap akong muli sa kinaroroonan ni Doc Marco, at nakita kong papalabas na siya ng auditorium kaya mabilis na rin akong bumaba ng stage para sundan siya.

Book Comment (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters