logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 11

"Okay class before we dismiss, any questions regarding our topic?” Tanong ko sa aking mga estudyante. Nakatayo ako sa harapan ng mga ito na nakasandal sa teachers table, at nakacross arm at ang mga binti ko ay naka ekis rin.
"Doc!” Taas kamay ng isang estudyanteng lalaki mula sa likuran.
"May girlfriend na raw po ba kayo? pinapatanong po ni becca!” ang tinutukoy nito ay ang katabi niyang babae. Habang ito naman ay halatang kinikilig at inaantay ang sagot ko. Nabalutan naman ng tuksuhan at hiyawan ang buong klase napahilot na lang ako sa aking sentido at muli nagsalita.
"Is that related on our topic?” Masungit kong sagot na nakataas ang isang kilay.
"Sige na po doc sagutin niyo na gusto lang namin malaman." Iyong isang estudyanteng babae naman ang nagtanong.
"Don't ask my personal life, kung hindi naman related sa subject ‘yang itatanong niyo hindi ko ‘yan sasagutin”
"Aaay! Napaka misteryoso niyo naman pala doc”
"E anong status niyo naman ni Miss Andrea doc?”
"A friend, a colleague, thats all!” Mabilis kong sagot sa isang estudyante. "Kung wala na kayong itatanong about sa diniscuss natin today, well class dismiss.” Nauna na akong lumabas sa mga estudyante ko dahil ayaw ko nang marinig pa ang mga tanong nila kung sakali. Naglalakad na ako papuntang faculty ng may mapansin akong mga estudyanteng nagkukumpulan malapit sa faculty, may nagpapapicture at authograph din. Hindi ko makilala ang babae dahil nakatalikod ito at natatakpan ng mga estudyante. Lumapit ako sa mga ito at nagsalita.
"What's going on here?” pumihit naman paharap ang babae nang marinig niya ang boses ko.
"Marco," nakangiti niyang bati sa'kin.
"K-kristine,” nagpalit-palit naman ng tingin ang mga estudyante sa amin ni Kristine. At maya-maya ay lumabas naman mula sa faculty si Ms. Andrea dahil sa narinig na ingay mula sa labas.
"Students! anong ginagawa niyo rito? saka bawal kayo rito ah, wala ba kayong mga klase?” Nagsialisan na isa-isa ang mga estudyante at nabaling naman ang tingin ni andrea sa amin ni Kristine. Lumapit si Kristine sa akin at saka lamang siya muling nagsalita.
"Can we talk?” Tinitigan ko lamang s'ya at bumuntong hininga.
"Okay, let's go." Inalalayan ko naman si Kristine sa braso at iginiya siya palabas ng Med. building. Naiwan namang nagtataka si Andrea pagkaalis namin.
"Macelyn narinig mo na ba?” tanong ni Mary sa'kin habang bumababa kami ng hagdan, kakatapos lang ng huling klase namin at pupunta muna kami sa coffee shop para hintayin na lang do’n si Jk dahil hindi pa tapos ang huling klase nito.
"Ang alin?”
"Pumunta raw dito ‘yong girlfriend ni Doctor Marco! my gosh ang ganda raw! siya ‘yong sikat na fashion designer sa ibang bansa.” Halata kay Mary na manghang mangha ito, napansin naman nito ang pananahimik ko kaya napabaling ang tingin niya sa'kin.
"Uy friend pasensya na,” hinging paumanhin naman nito sa akin. Humarap ako kay Mary at ngumiti ng tipid.
"Ayos lang ano ka ba? pero sa tingin mo girlfriend niya kaya ‘yon Mary?”
"Ewan, siguro? ‘yon kasi iyong mga naririnig ko eh. Pero mukha namang hindi friend”
"Paano mo naman nasabi?”
"E kasi base sa nakalap kong tsismis ‘yong umalis sila kanina palabas ng school hindi naman daw sila sweet at saka parang normal lang daw gano’n”
"Baka naman hindi lang showy si Doc Marco? Bakit naman kami ni Jk hindi magkasintahan pero sweet ‘di ba? Malay mo kabaligtaran ‘yon.” Pero shit ang sakit pag malaman mo ‘yong totoo! Sana naman hindi totoo ‘yon, wala pa nga kami sa climax tapos malalaman ko may girlfriend? Umiling iling na lang ako sa mga naiisip kong ‘yon.
"Alam mo friend sinasaktan mo lang ‘yang sarili mo sa naiisip mo! Ipagpray mo na hindi sila magjowa at wala pang jowa si Doc Marco para may pag-asa ka pa!” sabay tawa nito na ikinasama ng tingin ko sa kan’ya.
Tahimik kami ni Kristine habang kumakain sa malapit na restaurant sa Southville University. Natapos kaming kumain at saka lang kami muling nag-usap.
"aaah marco, hows your teaching? balita ko magaling ka raw magturo?”
"Okay lang din naman, mas stress ako kaysa sa ospital”
"Maiistress ka talaga dahil mas marami kang admirer ngayon,” Sabay pa kaming natawa dahil sa sinabi ni Kristine. Muling naalala ko si Macelyn dahil araw-araw na lang akong kinukulit nito, napangiti na lang ako at tumingin sa labas ng bintana ng restaurant.
"Kinausap ako ni tito Cedric." Napatingin akong muli sa kan’ya, walang ekspresyon ang kan’yang mukha at mataman din siyang nakatitig sa'kin at hinihintay lang din ako magsalita. Nang wala siyang marinig mula sa akin ay nagpatuloy siya sa kan’yang sasabihin. "He wants us to get back together Marco"
"You know it wont happen kristine"
"Why Marco? why?” saglit akong natahimik at yumuko. Narinig ko pa ang malakas na pagbuntong hininga niya at dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
"Siya pa rin ba? till now Marco siya pa rin?” pumikit muna akong at kinagat ang ibabang labi at muli siyang binalingan, Tumango ako sa kan’ya bilang pagsagot ko sa kan’yang mga tanong. Nakita ko pang hinahid nito ang luha niya sa isang pisngi at tumingin sa labas ng bintana.
"Paano mo siyang minahal kung isang beses mo pa lang naman siyang nakita at isa pa Marco my god! you're still young at that time! how could you say that you love her?! medyo tumaas na rin ang boses niya ng sabihin niya sa’kin ang mga katagang ‘yon na naagaw naman namin ang atensyon ng mga taong kumakain dito.
"Hindi ko alam Kristine, nagising na lang ako isang araw na iba na ang nararamdaman ko, hindi na siya maalis sa isip ko, I know I'm too young that time na hindi dapat muna gano’n ang pakiramdam ko. Pero hindi nagpapigil ito eh,” turo ko sa aking puso. “I'll try to find her, but I failed. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito." Hindi ko lubos maisip na masasabi ko ‘yon lahat-lahat ng saloobin ko kay Kristine. I dont want to hurt her.
"I'm gonna win you back Marco! and thats final!” Pagkasabi niyang ‘yon ay tumayo na siya at iniwan na ‘ko at hinahabol na lang siya ng tingin habang palabas ng restaurant.
Ilang minuto pa ang nilagi ko sa loob pagkatapos umalis ni Kristine ay nagpasya na rin akong umalis. Nasa parking lot na ako at akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ng may marinig akong tumawag sa isang napaka pamilyar na pangalan. Kumalabog ng husto ang dibdib ko at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan hawak ko pa ang pinto ng kotse ko.
"LYN!”

Book Comment (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters