logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4: MOONSTONE

HOWARD SMITH'S POIN OF VIEW,
"Historia!" sigaw ko nang biglang humangin ng malakas kasabay ng malaking liwanag na nanggagaling sa espada. Nakasisilaw ang liwanag ngunit sandali lamang iyon at humupa rin ang liwanag at ang hangin. Hindi nasira ang tinadahan dahil tinayo ang tinadahan na ito na matibay dahil na rin sa kapangyarihan ng mga espada. Hindi rin ramdam ang kapangyarihan sa labas dahil protektado ang tindahan na ito.
'Pag mulat ko ng mga mata ko ay hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.
"P-Paano?" usal ni Mang Pio na halata ang pagkagulat sa kaniyang tinig.
Isang dalagang nakapikit habang nakalutang ang bumungad sa aming harapan.
Nakabaluti na pabestidang puti ito na may pakpak ng anghel sa likod. Mahaba ang buhok hanggang ilalim ng tuhod at may suot na puting sapatos. May nakadikit sa noo nito na tila isang kwintas. Nagliliwanag ang dalaga at nakapatong ang kaniyang mga kamay sa dulong hawakan ng espada.
"H-Historia?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"C-Crestria's Knight?" mahinang tanong ni Manong Pio.
"H-Hindi, nagkakamali po k-kayo." Pinipilit ko ang sarili ko na hindi totoo ang nasasaksihan namin ngayon.
Muling lumiwanag ang esapada ngunit wala na itong kasamang hangin. Bumagsak ang espada na sinundan ni Historia. Naging alerto ako at agad ko s'yang nasalo. Wala s'yang malay at bumalik na rin s'ya sa tunay n'yang hitsura.
"Mang Pio, pakiusap po na sana ay hindi ito makarating kung kanino man. Lalo na sa head quarters. Maaasahan ko po ba kayo?" pagmamakaawa ko sa matanda.
Nagbuntong hininga ang matanda at saka ngumiti sa akin.
"Makaaasa ka, hijo. Saglit babalot ko lang ang espada na nakalaan para sa kaniya." Pinulot ni Mang Pio ang espada na nahulog ni Historia at pinasok sa lagayan nito at sinumulang ibalot sa isang tela.
Binuhat ko si Historia na wala pa ring malay hanggang ngayon.
"Ayos na hijo." Sinabit ni manong sa balikat ko ang nakabalot na espada.
"Maraming salamat po Manong Pio," saad ko na kinatango nito sa akin.
Binaba ko sa pagkabuhat si Historia at tinayo. Sinandal ko ang ulo n'ya dibdib ko habang ang isa kong braso ay nakapulupot sa beywang n'ya upang suportahan ang katawan n'ya at hindi matumba. Gamit ang libre kong kamay, kinuha ko ang yellow portal at kinumpas na hugis bilog. Muli kong binuhat na parang bagong kasal si Historia at pumasok sa portal.
Dinala ko s'ya sa clinic ng school dahil hindi ako pwedeng pumasok sa dormitory nila. Hiniga ko s'ya sa isa sa mga kama rito sa clinic.
"Howard? What happened?" nag-aalalang tanong ni Ate Fae- nurse/healer ng school.
"Ate Fae, nahimatay 'yong kasama ko habang namimilí kami ng espada." Napakamot-ulo na lang ako dahil sa kasinungalingan ko.
"Akala ko kung ano na. Normal naman talaga sa mga estudyante na mahimatay kapag na-encounter na nila ang kapangyarihan ng espada nila. Teka, newbie ba 'yang kasama mo? Hindi s'ya familiar sa 'kin," nagtatakang sabi ni Ate Fae.
"Opo. At saka huwag ka ng magtaka ate, start of school year pa lang. Marami ka pang makikilalang newbies and transferees," paalala ko rito.
"Sabagay, may point ka. Pero teka, you can't use your healing spell to her? Dinala mo s'ya dito with minor injury. Bago 'yon, ah!"
'Bakit ba ang daming tanong ni Ate Fae?' inis kong tanong sa sarili ko.
"I can naman ate, but I can't bring her in girls dormitory. Remember?" saad ko at nag-gesture sa kabuoan ko.
Napatampal ng noo si ate. "Oh shoot! I forgot, sorry. Sandali, kukuha lang ako ng soup para pagnagising s'ya ay maalis ang pagkahilo n'ya." Umalis na si Ate Fae. Naiwan akong nakatitig kay Historia.
Crestria's Knight.
'Totoo ba ang nakita ko? S'ya ang may-ari ng espada na ilang taon nang naghahanap ng amo?' tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam ang buong kwento tungkol sa espada na iyon pero ang tunay na nagmamay-ari no'n ay si Lady Crestria- the Goddess of Creation. Posible ba na si Historia at si Lady Crestria ay iisa?
Pero paano?
Maaaring mali ako at maaaring tama. Ayon sa kwento ng mga unang nag-aral dito sa Schwert ay walang sino man ang nakahahawak ng espada na iyon maliban kay Lady Crestria. Maraming nagtatangkang nakawin iyon ngunit niisa ay walang nagtagumpay. Kapag binuhat mo ito ay makararamdam ka ng iba't ibang sakit sa mga parte ng iyong katawan.
Sa tuwing hahawakan iyon ni Manong Pio ay mabilis n'ya rin iyong binibitawan. May oras na tinangka n'ya itong hawakan ng matagal ay nakaramdam s'ya ng sobrang sakit sa ulo na tila sasabog ang utak n'ya. Nakagugulat lang na nabuhat iyon ni Historia nang walang hirap.
Natakot ako sa mangyayari noong mga oras na 'yon. Alam namin ni Manong Pio kung gaano kabangis ang espada na 'yon. Labis ang gulat at hindi kami makapaniwala pareho dahil sa aming nasaksihan. Ang akala ko ay may mangyayaring masama ngunit iba ang kinalabasan.
Umiling-iling ako at winaksi ang iniisip ko.
Tinapat ko ang kamay ko sa ulo n'ya at bumigkas, "I'm summoning the Goddess of Healing- Caburayan, lend me your strength. Healing proper spear, release!"
HISTORIA'S POINT OF VIEW,
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Puti agad ang bumungad sa akin.
"N-Nasaan ako?" nagtataka kong tanong.
"Historia, nasa clinic ka. Nahimatay ka kanina sa Sword Shop," saad ng isang tinig- tinig na nanggagaling kay Howard.
Tumayo ako sa pagkakahiga bago lumingon kay Howard.
"Nahimatay ako? Bakit hindi ko maalala?" nagtataka kong tanong. Pilit kong inaalala ngunit ang naalala ko lang ay 'yong pumipili ako ng espada sa isang mahabang lamesa. Biglang kumirot ang ulo ko kaya napangiwi ako at napahawak sa ulo ko.
"Hey! Don't force yourself to remember. Ang mahalaga ay ayos ka na." Ngumiti si Howard pero may sumisilip na kasinungalingan sa mga labi n'ya o baka mali lang ako nang kilatis.
Tumango ako at hindi na sumagot pa. Namutawi ang katahimikan sa buong silid. Nag-obserba ako sa mga kilos n'ya. Seryoso lang akong nakamasid sa mga bawat galaw ng katawan at mata n'ya.
'Anong klaseng tao ka nga ba? Isa ka ba sa mga kalaban o kakampi? Ano nga ba ang mga bagay na nalalaman ng isang secretary? Anong tinatago mo?' Hindi ko s'ya dapat pagkatiwalaan.
"Historia?" Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang may mahinang tapik sa balikat ko.
"B-Bakit?" nahihiya kong tanong. Tumikhim muna s'ya bago magsalita.
"May dinalang soup si Ate Fae para sa 'yo." Tinuro n'ya ang babae sa tabi n'ya.
Yumuko ako rito bago nagsalita, "maraming salamat po!"
"Walang anuman. I'm Fae, healer ako ng eskwelahan. Your name?" Nilapag nito ang dala-dala n'yang tray sa table sa gilid ng kama na kinalalagyan ko.
"Historia- Historia Snape," maiikli kong sagot. Tumango ito at ngumiti sa akin.
"Maiwan ko na kayo," saad n'ya. Kumindat pa ito kay Howard bago tuluyang umalis.
Nanlaki ang mga mata ko nang kinuha ni Howard ang bowl at tinapat n'ya sa 'king bibig ang kutsarang may laman na soup.
"A-Ako na, kaya ko naman sarili ko," seryoso kong saad.
"No, I insist. Now eat. Ahh!" Tinapat n'ya ulit sa bibig ko ang kutsara habang sinasabi n'ya ang 'Ahh!' na parang bata.
Sumunod na lang ako dahil ayaw ko na lang makipagtalo.
"Woah! Kailan ka pa natutong mag-alaga ng isang babae? Bago 'yan, bro!"
Napalayo ako kay Howard dahil sa tinig na 'yon. Nilingon ko ang taong iyon, isang lalaki. Matangkad, singkit at kulay brown ang buhok.
"Siraulo! Anong kailangan mo, Shiloa?" Umayos ng upo si Howard pero hindi n'ya man lang tinapunan ng tingin ang bagong dating. Nagpatuloy lang ito sa pagsalok sa bowl.
"Eyes on me, Historia. Don't mind him," saad ni Howard at tinapat sa bibig ko ang kutsara.
Napapikit ako at sa tingin ko ay pulang pula na ako sa kahihiyan.
"Hep! Tumigil ka na Howard, nakadidiri. Kailangan ka sa head quarter, pinapatawag ka ni Levi." Nagpipigil pa ito ng tawa. Sinamaan s'ya ng tingin ni Howard bago binaling ulit ang tingin sa akin.
"Paumanhin Historia, hindi na kita maihahatid pa sa dorm mo. Kainin mo ang soup, ubusin mo para gumaan ang pakiramdam mo." Tinap n'ya ang ulo ko at ginulo ang buhok.
Tumango lang ako. Umalis na s'ya sa harap ko pero ang tinawag n'yang Shiloa ay nakatayo sa harap ko at nakangiti.
"Historia pala ang pangalan mo. Nice to meet you!" Kumindat pa ito na kinairap ko. Hahawakan pa sana nito ang kamay ko ngunit hinigit na s'ya ni Howard palayo.
Kinain ko na lang ang dinala ni Ate Fae at pagkatapos ay pumunta na ako sa dorm.
Hindi na natuloy pa ang pag-tour sa akin ni Howard dahil sa nangyari. Nagpahinga na lang ako rito sa kwarto at inaral ang mga spells at ang mapa ng Avanguard at Schwert.
Kinabukasan, maaga akong gumising. Nakararamdam ako ng excitement dahil first day ko ngayon. Nandirito ako ngayon sa harap ng salamin at sinusuklayan ang buhok ko. Hinayaan ko lang ito na nakalugay at inipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko. Nagpulbo at lip gloss lang ako sa mukha at labi.
Suot-suot ko ang kwintas na binigay ni lola, sa aking leeg habang ang kwintas na puso ni Gab ay ginawa kong bracelet. Suot ko na rin ang uniform ko na hanggang tuhod ang palda. Sakto lang ang haba at hindi mainit sa katawan ang tela.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay sinuot ko na ang bag ko. Nagawi pa ang tingin ko sa espada, tila tinatawag ako nito pero winaksi ko ang iniisip ko at tuluyan ng nilisan ang dorm.
Naglalakad ako sa pasilyo ng Building A. Galing ako sa office ng Head Mistress, kinuha ko ang stub na may nakasulat na 'Section C-1, Bb. Laura Ordones'. Sa third floor pa ang room ko, nasa first floor pa lang ako.
Umakyat na ako sa hagdanan, ako pa lang ang tao rito dahil maaga pa.
Habang naglalakad ay nakararamdam ako ng kakaiba sa hagdan, sa tingin ko ay kanina pa ako umaakyat pero hindi ko man lang nararating ang third floor. Pangatlong beses ko nang nakikita ang warning sign na 'Don't Use Magic'. Kalmado lang ako ngunit nag-pa-panic na ang loob ko.
Napahaplos ako sa kamay ko na may bracelet pero bigla na lang itong nagliwanag. Gumaan ang pakiramdam ko at tila bumalik na sa ayos ang hagdan.
'What happened?' naguguluhan kong tanong sa sarili ko.
Muli kong hinaplos ang kamay ko. 'Gab, thank you!'
Tinuloy ko ang pag-akyat sa third floor at sa wakas, nakarating din ako.
"Pinaglaruan ka n'ya." Halos atakihin ako sa puso dahil sa biglaang pagsasalita ng kung sino. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Isang babae na nakasandal sa pader. Ngumunguya ito at nagpapalobo ng bubble gum. Kinunutan ko ito ng noo.
"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
"Mind illusion. He can manipulate your mind, dear." Umayos ito ng tayo at nameywang sa harapan ko.
"He? What do you mean by 'he'?" Hindi ko maintindihan, sino ang taong sinasabi n'ya?
"How imbecile," nakangisi nitong sagot.
'WTH?! Iniinsulto n'ya ba ako?'
"Oh my bad! Newbie? I'm so sorry for being rude. By the way, I'm Haria Stewart." Nahihimigan ko ang ka-plastic-an sa boses n'ya at kitang kita ko ang pagiging peke ng ngiti n'ya.
"Anong nangyayari dito?" malalim na tinig ng isang lalaki na patungo sa kinaroroonan namin.
"Hi Shiloah! Binati ko lang s'ya, 'di ba?" Peke itong tumawa sabay pabirong hinampas ang balikat ko.
'Plastic!' sigaw ng isip ko.
"A-Ahh oo," sagot ko at sinabayan din ng pekeng tawa.
"Alis na ako... What's your name again? Ugh! Nevermind. Ciao!" Kumaripas na ito ng alis sa harapan namin.
'What's wrong with her? May saltik ba sa utak 'yon?'
"Hey! Don't mind her. I think binu-bully ka n'ya 'no? Bawal 'yon dito, labag sa rules ng paaralan. Sadyang matigas lang ang ulo ng isang 'yon. Nakatatawa lang na takot s'yang maparusahan pero ginagawa n'ya pa rin ang pinagbabawal," saad ng lalaki. He looks familiar. Nakatitig lang ako rito, at saka ang daldal n'ya.
'Hindi ko naman tinatanong,' pagtataray ko sa isipan ko.
Binaling nito ang tingin sa akin at napakamot ng ulo.
"Sorry, ang daldal ko pala. Ikaw si Historia, 'di ba? Howard's girl?" paninigurado nito.
"Yes, I'm Historia but let me crash your imagination. I'm not his girl nor one of his 'flings'. So, yeah! Sorry," kalmado kong sagot kahit gustong gusto ko na s'yang durugin dahil sa tanong n'ya.
Well, kaya pala familiar s'ya kasi s'ya 'yong lalaking sumundo kay Howard sa clinic.
"Paumanhin, nagkamali ako. Sa 'yo ko lang s'ya nakita sa ganoong senaryo. Hindi s'ya showy at caring na tao, nabigla lang ako," paliwanag n'ya.
'I don't care.' Gustuhin ko mang isatinig 'yan ay hindi ko ginawa. Ayaw kong magmaldita sa kan'ya o kahit kanino man dito sa Schwert. Hindi ko alam ang takbo ng utak ng mga tao rito.
"Okay lang," nakangiti kong sagot.
"Mauna na ako, good luck sa unang araw mo rito. Hope to see you again," kumindat pa ito bago umalis sa harapan ko.
'Argh! Dukutin ko mata mong impakto ka!' sigaw ko sa isipan ko.
Kinalma ko ang sarili ko at dumiretso na sa magiging room ko.
Sa pagkakaalam ko ay mga kapwa ko baguhan ang mga makakasama ko sa Section C-1 or Moonstone section.
Pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na sa akin ang ingay ng mga magiging kaklase ko. Nagdadaldalan sila na para bang matagal nang magkakilala.
Hindi nila ako pinansin at patuloy lang sa pagkukwentuhan at may mga sari-sariling mundo. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at humanap ng bangko na bakante. Nakahanap naman ako pero nasa dulo pa sa tabi ng bintana, may dalawa pang bakante.
Wala na akong nagawa kun'di dumiretso na lang doon at umupo.
Dahil first day ko pa lang, hindi ko naiwasan na hindi pumunta sa harapan at ipakilala ang sarili ko. Gaya lamang sa ordinaryong paaralan.
Kakaiba ang mga subject dito na taliwas sa expectation ko. May Alchemy, Astronomy, Mythology and many more. But still, may mga ordinary subjects pa rin sila. Ang dahilan nila ay gusto nilang maging pantay ang kaalaman namin sa dalawang mundo. May mga estudyante kasi na rito na pininganak at lumaki. Hindi man lang nila naranasan ang mabuhay sa mundong kinagisnan ko. Ganoon din kaming mga estudyante na galing sa kabilang mundo. Nagiging patas lang sila, which is good and brilliant idea.
So far, wala pang lumalapit sa akin para makipagkaibigan. I don't know their reasons, pero siguro naiilang pa sila or wala talagang balak. Pero sa tingin ko naman ay mababait at friendly sila. Ayaw kong maunang lumapit, gusto ko ako ang lalapitan. Well, mataas pride ko. Kung may lalapit at makipagkaibigan, then good. Kung wala naman,then I don't care. Basic.
Buong hapon ay nanatili lang ako sa loob ng classroom namin. Buti na lang nagdala ng lunch si Howard kaya rito na lang ako kumain, kasabay ko s'ya. Hindi na ako magtataka kung bakit alam n'ya ang section ko, officer s'ya kaya hindi na ako dapat magtaka. At saka gutom na ako kaya tinanggap ko na 'yong dala n'ya.
'Stomach first before arte.'
Noong uwian naman ay hinatid n'ya ako sa dorm, I mean magkatabi naman ang building ng mga dorms namin kaya nagsabay na kami. Nakapagtataka lang na hindi n'ya pa naman ako lubos na kakilala ay ginagawa na n'ya 'yong mga bagay na ginawa n'ya kanina para sa akin. I just can't understand him.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at naghihintay na lamunin ng antok.

Book Comment (124)

  • avatar
    Coleen Peñafiel

    amazing

    14d

      0
  • avatar
    Danan JayaWayan

    ddkfjfffff

    25/07

      0
  • avatar
    Kurt Anthony Palasol

    free gold

    24/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters