logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 The Start Of Rivalry

David’s P.O.V.
Huminto naman siya pero hindi lumingon sa akin. Dahil doon ay agad akong pumunta sa harapan niya para makapag-usap kami nang maayos. “I-Itatanong ko lang sana kung b-bakit ka nag-transfer?”
Bahala na, curious ako eh! Pero ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano ang itatanong ko.
Tahimik lamang niya akong tinitigan pagkuwa’y huminga nang malalim bago siya nagsalita, “It was my father’s decision.” Matipid at walang emosyon ang sagot niya pagkaraa’y nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Hindi ko na siya hinabol pa. In the first place, I didn’t even know the reason why I suddenly rushed to start a conversation with her… and the way she responded to me? Parang ayaw niyang makipag-usap, ayaw niyang makipag-close at ayaw niyang makipag-kaibigan sa akin. It seemed like she built a wall, all of a sudden.
Makipag-close at makipag-kaibigan talaga ha? Did I really say those things? Stupid!
Hindi ko namalayang inihatid na pala ako ng mga paa ko malapit sa stage ng buong campus kung saan nakita ko ang mga cheer dancer na nagpa-practice ng kani-kanilang steps.
Hinanap ko si Vanessa pero wala naman siya sa mga iyon… hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip siya ng mga mata ko na nasa isang sulok kausap si Drew. Hindi ako maaaring magkamali dahil si Vanessa lang ang may pulang buhok sa mga cheer dancer.
Si Drew naman ang isa sa mga sikat na varsity player ng school. Lahat ng laban ng basketball, sa loob at maging sa labas ng campus, ay lagi nilang napapanalo. Captain ball na maituturing, pero mahina naman ang ulo pagdating sa academics. Ang alam lang niyang gawin? Puro pa-pogi.
Hindi ako seloso pero bakit parang may mali? Niyaya ko si Vanessa para sabay kaming mag-lunch pero tinanggihan niya ako, pagkatapos ay makikita ko siyang kumakain dito kasama si Drew? At masaya pa talaga silang nagtatawanan habang nagku-kuwentuhan ha? Tawang kailanman ay hindi ko nakita sa tuwing kaming dalawa ang magkasama.
At dahil sa hindi ko nagustuhan ang tanawing nakita ng dalawang mata ko, agad akong umalis sa lugar na ‘yon at tinahak ang daan papuntang canteen para kumain. Marahil ay gutom lang ako at pagkain lang ang sadyang makapagpapawi sa kung ano mang nararamdaman ko ngayon.
Gutom ka lang, Dave. Huwag kang seloso! Mas gwapo ka ro’n!
Bago ako makarating sa canteen ay madadaanan ko muna ang Music Room. Dito nag-eensayo ang mga estudyanteng kasali sa Music Club, o ang mga estudyanteng sadyang gising nang magsabog ang langit ng talento sa musika.
As for me, I didn’t have any talent when it comes to music. Sintunado ako eh.
Lalagpasan ko na sana ‘yong Music Room nang may marinig akong nagpi-piano sa loob, mamayamaya pa ay may kumakanta na…
I couldn’t remember when did the last time I saw your face
You were always proud of me, afraid of letting me go, but I walked away
If only I cherished the time you were still with me, ooh ooh
Maganda at nakakaakit pero bakas ang lungkot sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero nanatili lang ako sa pinto upang patuloy na makinig.
How I wish that I could turn back the time and hold you in my arms
Only you could take the sorrows and forgive all of my mistakes
But there was nothing I could do right now
No matter how much I wanted to hear your voice again
You were already gone, you left me… you left me now…
And you would never be here again even how many times I begged God for you to come back
Medyo gumagaralgal na ang kanyang tinig, hindi naglaon ay tila umiiyak na siya habang umaawit.
Oh, I’m sorry for envying you
For everything that happened to us
And I’ve blamed myself since the day you were gone
Huminto siya sa pagkanta at naulinigan ko na lang na parang nagmamadali siyang lumabas sa exit door. Wala sa sariling binuksan ko naman ang entrance door ng Music Room at tinakbo ang kabilang bahagi nito kung nasaan ang exit door, pero hindi ko na naabutan pa kung sino man ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon.
I guessed I was just too curious. Ang ganda kasi ng boses niya and this is my first time to hear that song… parang self-composed.
Dumiretso na lamang ako sa canteen para kumain at sa isang sulok niyon ay nakita ko si Helena na tahimik lang na kumakain habang may binabasa o pinapanood sa kanyang tablet computer—marahil ay e-book version ng kung ano mang gusto niyang basahin o isang pelikula sa Netfilms.
Napansin ko namang tila naluluha siya habang seryosong nakatingin doon. For that, I frowned.
Was she reading a romance novel or watching a tragic film that seriously, for her to become too emotional?
Nagulat pa ako nang makita kong tila pumatak ang luha niya. Dahil doon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad ko siyang nilapitan at wala sa sariling inabutan ng panyo.
Tumingin siya sa akin at tila nag-isip pa kung kukunin ba niya ang panyo ko. Matagal pero kinuha rin naman niya ‘yon at habang pinupunasan niya ang kanyang pisngi ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makita nang bahagya ang screen ng tablet niya.
Doon ko nalamang tungkol sa Theory of Reactance* in Psychology lang pala ang binabasa niya. Napabuntong-hininga tuloy ako. Akala ko naman ay kung ano na.
‘Yon ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak? Kung ‘yon nga, parang ang babaw naman yata.
“Thank you,” sabi niya sabay abot sa akin ng panyo ko. Hindi pa man niya natatapos ‘yong kinakain niya ay inayos na niya ang mga gamit niya, sinukbit ang knapsack sa kanan niyang balikat at nagsimula na siyang lumakad palayo.
“Wait… H-Helena!” tawag ko sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay hinabol ko siya. Inabutan ko naman siya sa labas ng canteen.
Mabuti na lang at walang gaanong tao rito kahit lunch time namin. I had a girlfriend and I didn’t want to hear any gossips related to Helena that would make Vanessa jealous.
Huminto si Helena at humarap sa akin, pero agad lang niyang itinaas ang kanang kamay upang senyasan at pigilan ako sa ano mang aking sasabihin…
“Please, Mr. Rivera… stop! I don’t know about your motives, but I’m pretty sure that what you think of me is a threat to you. Don’t talk to me, okay? Frankly speaking, I don’t want to do anything with you so please leave me alone! Just… just stay away from me. Consider me as your rival from now on!”
_________________________
Reactance* is a motivational reaction to offers, persons, rules, or regulations that threaten or eliminate specific behavioral freedoms. Reactance occurs when a person feels that someone or something is taking away his or her choices or limiting the range of alternatives.
Reactance can occur when someone is heavily pressured to accept a certain view or attitude. Reactance can cause the person to adopt or strengthen a view or attitude that is contrary to what was intended, and also increases resistance to persuasion. People using reverse psychology are playing on at least an informal awareness of reactance, attempting to influence someone to choose the opposite of what they request.

Book Comment (464)

  • avatar
    Ma Rie

    i love the story so much, feel n feel mo ang bawat moment sa bawat chapter.. so excited for the book 2, hope it will come out soon. thanks to the author nalibang ako sa pagbabasa. ❤😊👏

    21/01/2022

      3
  • avatar
    Ma Ri Ce

    Ang ganda ganda subra ng storya.. pero side ba to ng storya n Glimpse the past kc c dave n kapatid n diane parang may kanya kanya cla kwento.. dko pa natatapos bashin pero npakoment nko ang ganda kc eh.. naeexcite aq sa bawat kabanata😍😍🥰 Galing ng author.👏👏

    21/12/2021

      0
  • avatar
    DelfinRyan

    waiting for the Book 2 sana meron na kc 2024 na ngayon🤣

    5d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters