logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Interested

• • •
Kagat-kagat ko ang straw ng gatas na iniinom ko habang tinutungo ang susunod kong klase. Recess pa namin kaya sumaglit muna ako sa cafeteria para bumili. Hindi na ako kumain dahil busog pa naman ako. Isa pa, nagbabalak akong magreview dahil may quiz mamaya.
Nasa corridor na ako pabalik sa room ng makarinig ako ng tugtog. Mahina iyon nung una pero habang papalapit ako sa room ko, mas lumalakas iyon. Kung hindi malapit doon, mukhang sa mismong room namin nagmumula ang tugtog.
Napag-alaman kong tama ako ng tumapat ako sa pinto ng silid namin. Napahinto ako sa akmang pagpasok ng makita kung anong meron. Sa bandang likuran ng classroom, nakapwesto si Dale habang sumasayaw at sinusundan ang beat ng music na pinatutugtog niya. Nakatalikod siya sa'kin pero alam kong siya iyon dahil siya lang naman ang may buhok na katulad ng kaniya.
Tanaw na tanaw ko ang walang hirap niyang pagsunod sa ritmo ng musika. Para akong nakapanood ng live na sayaw ng mga hinahangaan kong dancer. Manghang mangha ako habang nakatingin sa kaniya.
Ang galing niya! Marami na akong nakitang sumayaw pero siya pa lang siguro ang nagpamangha sakin ng sobra. Tama ang sinabi ni Gian. He's not exaggerating it when he says that Dale is a good dancer. Ito siguro ang dahilan kaya niya siya nagustuhan.
Paravsa huling step ng kanta, umikot siya at ngayon ay nakaharap na sa'kin. I saw him startled a bit when he saw me. Pumalakpak ako.
"Kanina ka pa?" hinihingal na tanong niya. Lumapit siya sa upuan kung nasaan ang phone niya at pinatay ang tugtog.
"Ang galing mong sumayaw," mangha kong sabi. "Halos kadarating palang."
Nilingon niya ulit ako. Saglit siyang may kinuha sa bag bago pinagsalikop ang buhok niya at itinali iyon. Kumuha rin siya ng panyo at marahang pinunasan ang pawis niya.
"Crush mo na 'ko?" nakangising tanong niya.
"Huh?" Litong sabi ko. Nanatili ang ngisi sa labi niya.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-angal. Siguro dahil masyado pang okupado ang utak ko. Hindi ko siya maiwasang hindi siya puriin ng paulit-ulit sa utak ko. Nakakainggit masyado ang galing niya.
"Paano ka natutong sumayaw?" Subok kong tanong para maalis ang pagkaka-intimidate ko sa kaniya.
Dahan dahan akong naglakad papasok at pumili ng upuan.
"Videos," maikling tugon niya. "Nasanay nalang ako ng tumagal."
Umupo siya sa upuan niya at uminom. Inilabas ko naman ang notes ko at sinubukang mag review. Pero malas lang dahil walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko kayang mag-focus. Sa huli ay sumuko rin. Inis kong sinara ang notes at sumandal sa upuan. Pasimple akong tumingin kay Dale. Nakita ko siyang komportableng nagbabasa ng notes habang may nakasaksak na heaphone sa taenga.
Nang mapagtantong hindi ako makakapag review, napagpasyahan kong lumabas saglit at bumaba. Hindi pa naman tapos ang recess kaya may oras pa ako. Nagsisi rin agad ako sa naging desisyon ng maabutan ko si Sir Clydawn na dumadaan.
Pasimple akong tumalikod para sana bumalik sa taas, kaya lang tinawag niya ako. Wala akong nagawa kung hindi ang harapin at batiin siya.
"Good Morning, Sir" tipid akong ngumiti.
He's wearing his infamous smirk again. "Good Morning. I called you to inform you that we're having your quiz later."
"Okay po, sir." Sabi ko nalang.
"Remind your classmates about it."
Tumango ako. "Sige po."
Hindi siya agad umimik. Tinitignan niya lang ako. Napaiwas ako ng tingin. "Also, help me to bring your papers on the faculty after class," sabi niya
"Sige po, sir" sagot ko ulit.
Lumaki ang ngisi niya. "Hmm. Are you also willing to eat lunch with me?"
Napangiwi ako. Awkward akong tumawa. "I'll... eat with my friends, sir," sagot ko ng hindi siya tinitignan.
Alam kong alam niya na hindi ako komportable. Ngumiti siya ng malapad na parang may naisip. He step forward to close our distance. He instantly towered over me. He crouched a bit to level my vision. Nailang ako ng makita ang lapit ng mukha niya sakin, bahagya akong napaatras pero humakbang ulit siya palapit.
"Are you afraid of me?" Mapaglarong bulong niya.
"No sir," kabadong sabi ko.
Sobra na ang ilang na nararamdaman ko ngayon. I planned to step backward again but he grabbed my uniform's necktie and pulled me closer to him. Sa pagkabigla ko ay marahas ko siyang naitulak palayo sa'kin.
I realized that it is not good when I saw his expression changed. Muntikan siyang mabuwal sa pagkakatayo sa lakas ng utak ko. Nawala ang ngisi at napalitan ng isang mapanganib na tingin.
"I-Im... I'm sorry, sir" gulat na sabi ko. I tried to go near him but he signalled me to stop.
"Detention after class," malamig na sabi niya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napatampal ako sa noo ko. Is it my fault? I won't push him that way if he only talks to me! Dapat ay hindi na siya lumapit para hindi ko na siya naitulak. Is he expecting me to do nothing while doing those moves?
Asar kong sinabunutan ang sariling buhok. I can't believe this! Hanggang dito ba naman ay detention pa rin ang bagsak ko? Kahit anong iwas ko sa gulo, pilit pa rin naman akong nilalapitan.
Pinilit kong maglakad papasok ng room. Dapat talaga ay hindi nalang ako lumabas, napahamak pa tuloy. Bwisit.
Ilang sandali at nagsidatingan na rin ang ibang estudyante. Tahimik ako umupo at humiga sa desk ng upuan ko at tumingin sa labas ng bintana habang hinihintay na dumating ang professor.
Mabilis lumipas ang oras lalo na dahil naiisip ko ang pinakaunang detention ko mamaya. Natapos ang ilang klase namin. Kasama ko na si Grant ngayon dahil kaklase ko siya sa huling subject bago ang lunch. Napagpasyahan naming pumunta na sa cafeteria. Sinikap kong alisin ang pagkabugnutin ko dahil napansin niya iyon kanina. Tinanong niya ako ng ilang beses kung may problema ba, hindi ko siya nagawang sagutin dahil maliban sa nasa kalagitnaan iyon ng klase, medyo irita rin ako at ayaw ng balikan ang nangyari.
Nakihalubilo kami kila Sian ng makita silang kumakain. Nakikinig lang ako at minsang sumasali sa pinag uusapan nila. Hindi ko sadyang nahagip ng tingin si Dale na mag isang kumakain sa bandang sulok ng cafeteria ng mag-angat ng tingin para sana sumagot sa tanong ng mga kasama.
"Kailan nga ulit iyong event?" Tanong ko pagkatapos pagmasdan si Dale na walang pakialam sa paligid at kumakain.
"Next week na. Excited nga ako dahil paniguradong hindi makakapasok ang ibang professor dahil kasama sila sa nagp-plano para sa upcoming event."
"Ngayon pa nga lang ay nae-excuse na kami para magpractice sa performance na gagawin ng mga member ng club," sabi ni Gian.
"Kaya pala. Nakita ko kasi si Dale kanina na mag isang nagp-practice," sabi ko.
Tumingin sa 'kin si Gian. "Talaga? Baka para sa contest ang pinapractice niya. Hindi pa kasi sigurado kung makakasama siya sa mismong performance ng dance club"
Nakuha niya ang atensyon ko. "Bakit naman? Ang galing nga niyang sumayaw e. Hangang-hanga ako kanina habang pinapanood siya," naibulalas ko.
Nang-aasar na ngumiti sakin si Sian. "Sobrang galing diba? Naging interesado ka ba sa kaniya? Gusto mo na?"
Saktong umiinom ako ng tubig ng sinabi niya iyon kaya nasamid ako. Pinukulan ko siya ng masamang tingin habang minamasahe ang lalamunan ko.
Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng marinig ang pagkalansing ng kubyertos, sanhi ng pagkakahulog.
Pinanood ko ang pagkakahulog ng kutsara ni Grant sa ilalim ng mesa. Binalingan ko siya at nakitang na kay Sian ang atensyon niya. Hindi ko na siya tinawag at ako na mismo ang kumuha sa kutsara. Inilapag ko iyon sa malayong banda ng lamesa namin.
"Marumi na iyan. Kuha ka nalang ng bago, pre," sabi ko habang tinitignan ang maruming kutsara.
Binalingan ko si Sian para mapabulahanan ang sinabi niya kanina. Nakatingin siya kay Grant na may halong pagtataka.
"Sinabi ko lang na nagalingan ako, crush ko na agad?" Sabi ko sa kaniya.
Nakatingin parin siya kay Grant. Tinagilid niya ang ulo niya bago ako binalingan. Pinag-taasan niya ako ng isang kilay.
"Iyon rin naman ang kahulugan ng 'crush' ah? Infatuated. Hinahangaan mo siya kaya iyon na rin iyon!" natatawang sabi niya.
Saglit akong napaisip sa sinabi niya. May punto siya pero ayokong ikonsidera iyon. Parang ang sagwang marinig lalo na at lalaki ako.
"Ang sagwang pakinggan. Mas maganda na 'yong idol. Mas magandang pakinggan, hindi nakakabakla," ngiwing sabi ko na tinawanan nila.
"Ibig sabihin, inaamin mo na gusto mo siya?" Ngiwi ko siyang tinignan. "Hindi ka umangal. Gumamit ka lang ng ibang term para hindi kamo 'nakakabaklang' pakinggan," patuloy na pang-aasar niya.
Umiling nalang ako at sumuko na. Hahaba lang ang usapan at mas bibwisitin lang nila ako pag pinagpatuloy ko pa. Inumpisahan kong lantakan ang pagkain ko. Tumigil lang ng mapansing hindi parin pala kumuha ng kutsara si Grant. Nakatingin lang siya sa pagkain niya habang mahigpit na hawak ang tinidor. Takot atang mahulog rin ang tinidor.
"Hindi ka kumuha ng kutsara?" Nagtatakang tanong ko. Para siyang natauhan sa tanong ko at isang beses na tumango.
Umangat ang tingin niya, dumapo iyon kila Sian na kumakain pa rin. Napansin siya ni Sian kaya umangat rin ang tingin niya sa kaniya.
Tumayo ako at napagpasyahang ako nalang ang kukuha. Mukha kasing wala siyang balak.
"Ikukuha na kita. Dito muna kayo," paalam ko sa kanila at dumiretso na sa counter.
Nanghihingi ako ng kutsara ng may tumawag sa 'kin.
Napalingon ako sa lalaki. Sa pagkakatanda ko, siya iyong isa sa mga lalaking kumausap sa 'kin ng hinihintay ko si Grant sa bench.
"Ikaw pala..." ngumiwi ako ng hindi ko matandaan ang pangalan niya. Mukhang hindi niya naman napansin iyon at tumawa.
"Kamusta? May kasama ka bang kumain? Gusto mo sabay na tayo?" Sunud sunod na tanong niya.
"Ah hindi. Kasama ko yung mga kaibigan ko. Kukuha lang ako ng bagong kutsara," paliwanag ko at tinuro ang pwesto nila Grant.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya mula sa kinalalagyan ko. Pero mukhang may seryoso silang pinag uusapan dahil nasa kaniya ang atensyon ng tatlo. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaharap at nakitang nakatingin rin pala siya sa kanila.
"Pasensiya na, pre. Babalik na ako," paalam ko ng iniabot na sa 'kin ang kutsarang hiningi ko.
"Sige. Sa susunod nalang kung ganon," habol na sabi niya bago ako tuluyang makaalis.
Nalingunan ako ni Kent ng malapit na ako sa kanila. Mukhang tapos na silang mag usap dahil wala ng kumikibo sa kanila. Hindi ko nalang pinansin iyon dahil medyo masaya akong nakipag usap si Grant sa kanila.
Inilapag ko sa pinggan niya ang kutsara at tinapos ang pagkain. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila Sian na mauuna na. Nagtagal kami saglit ni Grant doon dahil hinintay ko pa siyang matapos. Inaya ko na siyang umalis ng mapansing pinaglalaruan nalang niya ang pagkain niya.
"Huwag mo na akong ihatid. Kabisado ko na naman ang mga room ko," sabi ko sa kaniya habang tahimik kaming naglalakad.
Bahagya pa akong namangha ng hindi siya umangal, tinanguan lang ako. Madalas kasi ay pinipilit niyang ihatid ako dahil wala siyang tiwala sakin.
"See you in class, then," mahinang sabi niya.
Sumama bigla ang pakiramdam ko ng maalala ang parusa ko.
"Hindi nga pala ako makakasabay mamaya pag uwi, pre. Matatagalan pa ako kaya pwede ka ng mauna."
Tamad niya akong binalingan ng tingin. "May lakad ka?"
Umiling ako. "Na-detention ako," mahinang sabi ko.
Kunot noo niya akong tinignan. "For what reason?"
Nasa akin na ngayon ang buong atensiyon niya. Kanina kasi ay hindi siya nagsasalita habang naglalakad kami. Lagi naman siyang tahimik pero ramdam kong may iba sa katahimikan niya. Baka naman may problema siya?
Then, sasabihin ko ba na si Sir Clydawn ang nagpa-detention sa kin? Baka mamaya, mas lalong sumama ang timpla niya. Mukha pa namang hindi sila magkasundong dalawa.
"Hindi lang masyadong nagkaintindihan," hindi siguradong sabi ko.
Nanatili ang tingin niya sakin. "Sigurado ka? Ano bang nagawa mo?"
"Hindi na importante iyon. Oo nga pala, kayo ang magma-manage sa event next week diba?" Pag iiba ko nang usapan para hindi na siya magtanong pa.
Hindi niya ako sinagot. Nakita ko ang paggalaw ng dila niya sa loob ng bibig. Madalas na ginagawa niya kapag nagpipigil ng inis o galit.
Napansin niya bang sinusubukan kong ibahin ang usapan? Ayoko lang naman na dumagdag sa iniisip niya. Lalo na't magkaaway sila ni Sir Clydawn.
"You're interested to Arcandale Custodio?" Malamig na tanong niya.
Agaran naman akong umiling. "Hindi ah! Idol ko nga lang," angal ko.
Hindi ko na binigyan ng atensyon ang pumapasok sa utak ko. Medyo nag iba kasi ang tingin ko sa kaniya pagkatapos ko siyang makitang sumayaw. Idagdag pa ang mga pinagsasa-sabi kanina ni Sian. Paminsan-minsan din na nagf-flashback iyong kanina.
"I'm straight so it's impossible to be infatuated over a guy, right?" Hindi siguradong tanong ko.
Ayaw kong gawing basehan ang sinabi ni Sian. Sarili niyang pananaw iyon kaya pwedeng magkaiba ang turing namin tungkol sa bagay na iyon, tama?
Nilingon ko si Grant ng hindi niya ako sinagot. Huminga siya ng malalim at binuga iyon ng malakas ng makitang naghihintay ako sa sagot niya. Huminto siya sa paglalakad kaya ganoon rin ang ginawa ko.
"Go inside," malamig na sabi niya at tinuro ang room ko malapit sa kinatatayuan namin.
Hindi ko napansin na dito pala ang tungo namin.
"Una na ako."
Bago pa ako makasagot, umalis na siya at nagpunta sa susunod niyang klase. Wala na namang dahilan para manatili ako roon kaya pumasok na ako.
Lumipas ang oras at namalayan ko nalang na naglalakad na ako patungo sa 21st Literature room namin. Nagbuntong hininga ako. I reaaly need to be careful next time. Ayaw ko ng masundan ang detention ko mamaya. Matagal tagal na akong nakaupo ng pumasok siya at nagsimulang magpatest. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya para hindi niya ako mapansin. Yumuyuko ako sa tuwing nadadaanan niya ang pwesto ko habang tinitignan kung may nangongopya ba.
"Bryll, get all the papers and put them on my table at the faculty," utos niya ng matapos kaming magtest. Nauna na siyang umalis at iniwan kami.
Tamad akong tumayo at kinuha ang mga papel ng kasama ko. Dinala ko na rin ang bag ko dahil paniguradong didiretso na ako sa detention room. Tinignan ko ang orasan at napansing lagpas alas singko na. Siguro naman ay hindi ako magtatagal sa pananatili roon, hindi ba?
Pagkarating sa faculty, natanaw ko agad si Sir Clydawn na nakaupo sa mesa niya habang may pinaiikot na susi sa daliri niya. Pasimple kong nilibot ng tingin ang buong faculty at napansing walang ibang guro. Tumikhim ako at naglakad palapit sa kaniya.
"Heto na po, sir" iniangat ko ang mga kamay kong hawak-hawak ang mga papel sa harap niya.
Saglit niyang tinignan iyon bago ulit ako nilingon. Nakatingin lang ako sa kaniya at naghintay na kunin niya ang mga papel. Kaya lang ay ilang minuto na at nangangalay na ang kamay ko pero hindi niya parin kinukuha iyon. Binaba ko iyon at napagpasyahang humingi nalang muna ng pasensiya.
"Look, sir. I apologize for what I did, for pushing you harshly. You're invading my personal space and you makes me feel uncomfortable so I had no choice but to do that," tinipon ko ang lahat ng tapang ko para masabi iyon.
Bumalik ulit ang kaba ko ng pinagtaasan niya ako ng kilay at walang emosyong pinaangat ang gilid ng labi niya.
"You should know when to speak and not. It's obvious that you're only making excuses," malamig na sabi niya. Tinupi ko ang ibabang labi ko at kinagat iyon mula sa loob.
Ayokong pairalin ang pagkamainitin ko ng ulo. Mas mabuti pang tumahimik nalang at huwag nang sumagot para matapos na.
Bumaba ang tingin niya sa mga hawak kong papel. Umayos siya ng upo at nilagay sa magkabilang bulsa ng pantalon ang kamay.
"Hold it and follow me. I changed my mind. I'll be with you at the detention room while you're doing your punishment," malamig na sabi niya at nagsimulang maglakad.
Binangga niya ako sa balikat ng madaanan ako. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Tiim bagang akong sumunod sa kaniya.
° ° °

Book Comment (112)

  • avatar
    Lago quitoKurt

    it's so cool

    24d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    thank you na binigay motong app nato

    25d

      0
  • avatar
    Ade Lin

    i have fun reading

    12/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters