logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Better Than Revenge

Better Than Revenge

SQQ27


Prologue

“PLEASE, daddy. Don’t do this to me, please… Nagmamakaawa po ako sa inyo.” Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha sa pisngi ni Beatrice habang kausap ang ama at nagmamakaawa sa kahilingan niya. Pero posible bang ibigay nito ang gusto niya kung alam naman niyang sa mata ng Diyos ay isa itong matinding kasalanan?
Oo nga, mahal na mahal siya ng daddy niya, pero hanggan saan? Hanggang saan ang pagmamahal nito sa kanya? Kaya ba nitong tanggapin ang naging kasalanan niya? Kaya ba nitong pagbigyan ang kahilingan ng nag-iisang niyang prinsesa?
Alam ni Beatrice sa sarili niya na kahit gaano pa kalalim ang pagmamahal ng isang tao, hangga’t nakagawa ng isang matinding kasalanan, may hangganan pa rin ang pagmamahal na iyon. Tulad na lang ng kanyang ama.
Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina nito sa Del Rio tower na matatagpuan sa lungsod ng Makati, kung saan ang pinakasentro ng Del Rio Empire.
“Fix your mess and I will accept you again, Beatrice. Dispose that stupid opportunist boy, and I will own you again!” Madilim ang mukhang wika ng kanyang ama. Ang tinuring na leon sa mundo ng business world. Ang may-ari ng Del Rio liner, ang kumpanyang may hawak sa karamihan sa mga buses, na bumabiyahe papuntang Maynila man o probinsiya. Bukod doon, mayro’n ding airline company ang Del Rio liner na bumabiyahe local and international.
Kaya naman naiintindihan ni Beatrice ang galit ng ama dahil sa isang malaking kasalanang nagawa niya. Ang magmahal ng ibang lalaki kahit na mayroon na siyang asawa. Isa iyong malaking pagsabog sa business world, at maapektuhan ang negosyo nila dahil kahit anong tago pa ang gawin niya ay puputok pa rin ang balitang may kinalolokohan siyang lalaki. It will be known worldwide. Maapektuhan niyon hindi lang ang ama niya, kundi pati ang asawa niya.
“No!” Mariin niyang tanggi, at saka matapang itong hinarap. She is stubborn as a mule. Lahat ng gusto niya ay kailangan niyang makuha kahit pa itong kagagahang pinanggagawa niya. “Hindi ko kayang iwan si Fernando, daddy!” Garalgal na muli ang boses niya. Ngunit hindi siya susuko, gagawin niya ang lahat mapawalang bisa lang ang kasal niya. Kung kailangan niyang itakwil ang ama niya ay gagawin niya, matupad lang ang nais.
“Then you know what will be the consequences, Beatrice. It’s either your princess life here or you will live suffering with that boy!” malamig ang boses na sagot ng ama, saka humakbang palapit kay Fernando at matalim ang matang tumingin dito. “At ikaw lalaki, anong pinakain mo sa anak ko at bigla ka niyang nagustuhan? Ito ba ang igaganti mo sa akin pagkatapos kitang i-promote sa trabaho mo?” Puno ng pangungutya ang boses nito habang nagsasalita. Hinagod pa nito ng tingin ng ilang beses ang binata mula ulo hanggang paa habang ang mata ay nakikinitaan ng pagkadisgusto.
Paboritong tauhan nito si Fernando, dahil bukod sa masipag na, madiskarte pa pagdating sa trabaho, kaya na-promote agad ito. Iyon nga lang, nagkaroon sila ng relasyon kaya nauwi sa wala ang tiwalang binigay dito ng daddy niya. Kasalukuyang manager ng Del Rio Liner and Co. si Fernando na nakabase rito sa Pilipinas. Nagsimula ito bilang simpleng driver sa batang edad hanggang sa kalaunan ay naging manager dahil sa sipag at tiyaga sa trabaho.
“Mahal ko po si Beatrice.” sagot ng binata at sinalubong ang matatalim na tingin ng kanyang
ama.
Nahigit ni Beatrice ang kaniyang hininga habang nakatitig sa dalawang lalaki sa buhay niya. Nabuhayan siya ng loob dahil pinaglaban siya ni Fernando, pero nasa dibdib pa rin niya ang lumulukob na kaba at takot sa magiging desisyon ng kanyang ama.
“Mahal? I’m so terrified hearing that from you, you idiot! Hindi anak ko ang mahal mo, kundi ang pera niya! And I won’t let you have it. Hindi ba kaya ka nagpapasikat sa opisina dahil sa simula’t sapul, ‘yon na ang balak mo?” mataginting na wika ng ama ni Beatrice habang nakakuyom ang kamao upang pigilang suntukin ang binata.
“Hindi po, sir. Nagkakamali po kayo. Mahal ko po talaga ang anak n’yo,” Fernando answered.
Puno ng sensiridad ang boses nito.
“Mahal?” Ulit nito, at bahagyang napaismid. “Well, kung totoo ‘yang sinasabi mo,” aniya nito, at naglakad-lakad pabalik at umikot sa mesa nito.
Biglang lumiwanag ang mukha ng dalaga at agad na humawak sa kamay ni Fernando nang marinig ang sinabi ng papa niya.
“Layuan mo siya!” seryosong sabi nito, at diretso ang tingin kay Fernando.
“Po?” Gulat pa na magkasabay na bulalas ng dalawa.
“You heard me right. Leave my daughter alone! Magkano ba ang kailangan mo? Tatapatan ko ang pagmamahal mo sa anak ko. Bibilhin ko ang pagmamahal mo, hiwalayan mo lang si Beatrice.
Bumalik ka na lang sa probinsiyang pinangggalingan mo!” Madin pang dugtong ng ama.
Natameme si Beatrice sa narinig at tuluyang humagulgol. Ano nga bang aasahan niya sa daddy niya? Abot langit ang pagkadisgusto nito kay Fernando. Buti nga at kinakausap pa sila ngayon.
“Sorry, sir, pero ‘di ko po kayang isuko si Beatrice. At hindi ko po kayang ipagbili ang babaeng pinakamamahal ko sa sarili niyang ama. ‘Di ko siya kayang iwan.”
Lalong napaiyak si Beatrice at gumaan lang ng kaunti ang pakiramdam niya ng maramdaman ang pagpisil ni Fernando sa mga palad niya.
“Well, kung ganoon, wala akong choice kundi ang ipakaladkad ka palabas!” Tinungo ng ama ni Beatrice ang mesa. Akmang pipindot na ito sa intercom nang magsalita siya.
“Hindi n’yo puweding gawin ‘yan, daddy! Buntis ako, at ‘di niyo puwedeng ilayo sa ‘kin ang ama ng magiging anak ko!” Naiiyak man ay matapang na nagsalita si Beatrice.
Natigagal ang ama sa sinabi ng kaniyang anak at blanko ang ekspresyon ng mukha nito habang naglalakad palapit sa kanila. Ngunit, nang makalapit na ito sa kanila ay bumigwas ang kamay nito at agad siyang nasampal. Muntik na siyang mabuwal kung ‘di lang siya hawak ni Fernando.
“Get out! Get out of my sight! And get out of my life. From now on, wala na akong Beatrice na kilala! Galit na galit na wika ng ama niya habang itinuturo ang pintuan.
Natigilan si Beatrice, ‘di niya akalain na magagawa iyon sa kanya ng ama niya, ang saktan siya ng pisikal at ipagtabuyan. Alam niyang mahal na mahal siya ng daddy niya, dahil nag-iisang anak lang siya. Pero pagkatapos ng nangyari biglang naglaho ang paniniwala niyang ‘yon.
Natauhan si Beatrice nang maramdaman niyang dahan-dahan siyang inaakay ni Feranando
palabas.
“C’mon sweetie, lets go,” mahinang bulong nito. Ramdam ni Beatrice ang pigil na galit ng kasintahan.
Wala siyang nagawa kundi ang tumango at inihakbang na rin ang mga paa palabas ng opisina. Alam niyang wala ng makakabawi sa desisyon na ‘yon ng ama niya. Matigas ang loob nito at hindi agad-agad mababali ang desisyon. Ni hindi man lang siya lumingon pagkasarado ng pinto.
Wala na rin siyang pakialam kung ano pa ang sasabihin ng ibang tao kung sumama siya sa ibang lalaki kahit na may asawa na siya, kahit na ang ipinagpalit niya ay isang simpleng tao lamang at wala man lang sa kalingkingan nila ang yaman nito.
UMUWI muna sila ng Antique, ito ang probinsya ni Fernando. Balak nilang dito na muna mag-stay sa pamilya ni Fernando. Talagang itinakwil na siya ng ama niya dahil ni katiting ay wala siyang nakuha, isinara kaagad lahat ng bank accounts at pati credit card niya. Ngayon, tanging si Fernando na lang talaga ang maaasahan niya bukod sa sarili niyang savings. Hindi niya alam kung kaya niya. Sa totoo lang hindi siya sanay sa hirap. Marami silang katulong sa bahay kaya wala siyang alam sa gawaing bahay.
Buhay prinsesa siya ika nga. Pero wala siyang choice lalo na ngayong buntis siya.
Napabuntong-hininga si Beatrice sa naisip at bahagyang hinaplos ang maliit pang puson.
Kakarating lang nila sa bahay ng nobyo at kasalukuyan siyang nagpapahinga sa hindi kalakihang kuwarto na may maliit na kama, bagama’t may foam ay hindi naman iyon kasinglambot tulad ng higaan niya sa mansion. Mainit din ang silid dahil tanging electric fan lang ang naroon at walang aircon. Walang TV at walang sariling banyo. Pero para sa kasintahan at sa magiging anak niya, titiisin niya lahat ng ‘iyon.
“Okay, kaya ko ‘to. For my baby’s sake,” tanging bulong niya.
Makalipas ang pitong buwan ay maligayang nairaos ni Beatrice ang panganganak niya. Bakas ang paghihirap sa mukha niya sa loob ng ilang buwan na nasa poder siya ni Fernando. Ngunit ‘di niya iyon alintana. Masaya siya sa piling ng lalaki at sa anak nilang si Elyssa.
“Sweetie, pupunta lang ako sa bayan, mamalengke.” Isang araw na paalam niya. Two months na si Elyssa kaya naman naiiwan-iwanan na niya ito upang makapunta ng palengke.
“Sige, pero sigurado ka bang kaya mo na?” sagot ng katipan na bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.
“Oo naman,” aniya, at hinalikan ito sa labi na agad naman nitong tinugon ng marubdob bago siya tuluyang pinakawalan. “Sige, alis na ako.” Paalam niya saka humakbang na palayo.
Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ay muli siyang bumalik upang muling yakapin ang mag-ama. Mabigat ang pakiramdam niya. First time niyang mahiwalay sa anak.
“Bantayan mong maigi si Elyssa, huh?”
“Oo naman, ah.” natatawang wika ni Fernando. “Sige na, kung makapagpaalam ka naman parang ‘di ka na babalik.” pabiro pang sabi nito.
“Tsk… Babalik ako kaagad, ‘no? ‘Di ko kayang mawalay ng mahabang oras sa anak ko, sa iyo,” aniya, at pinisil ang tungking ilong ni Fernando. “Sige na nga.” huling wika niya at tuluyang umalis.
Nangingiting sinundan ni Fernando ng tingin ang asawa. Ngiting hindi niya alam kung muli pang magagawa.
Malapit na sa bayan ang sinasakyang traysikel ni Beatrice ng bigla itong huminto. Nagulat na lang siya ng biglang may humarang na van sa harapan nila.
“Manong, bakit po? A-Anong nangyari?” kinakabahang tanong niya. Lalo na nang makita ang kalalakihang bumaba mula sa van.
“Ambay lang gid miss!” wika nito sa sariling lenggwahe, na ang ibig sabihin ay, “Ewan ko lang, miss.”
Lalo siyang nataranta ng biglang tumakbo palayo ang driver nang makita na papalapit na sa kanya ang mga kalalakihan na sakay ng van. Huli na. Huli na para bumaba pa siya ng traysikel at tumakbo, hawak na siya ng isa sa mga ito. Wala siyang nagawa ng pilit siyang pinababa ng mga ito at tinakpan ang bibig niya ng panyo. Nagpumiglas siya lalo na ng maamoy niya ang chloroform na ginamit sa panyo. Ngunit dahil malalakas ang dalawang lalaking may hawak sa kanya ay nawalan siya ng lakas at wala na siyang nagawa kundi ang unti-unting ipikit ang mga mata.

Book Comment (23)

  • avatar
    Namo Kie

    I really like this,

    15/06

      0
  • avatar
    FloresHannah sopia

    Thank you

    15/05

      0
  • avatar
    Mel Rose Ann Delossantos

    Ang Ganda

    02/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters