logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHASING NIGHTMARE 4

"Good morning!" Nagulat ako pagkalabas ko sa guests room nila Resh dahil bumungad siya sa harap ko.
"Resh, naman ginulat mo naman ako." tumawa siya. Ang taas ng energy n'ya, sana ako rin. Hindi ako nakabalik ng tulog kagabi, natatakot ako na baka maulit. Palala ng palala ang panaginip ko. Hindi ko alam kung normal paba ito.
Pagkababa namin ay nahihiya akong napatingin kina tito at tita.
"Good morning po." Magalang na bati ko. Ngumiti sila sa'kin at sinabihan ako na kumain na.
Matagal na kaming magkaibigan ni Resh pero hanggang ngayon nahihiya parin ako sa kanila. Siguro dahil na-a-apektuhan pa rin ako sa mga sinasabi ng ibang tao na, piniperahan ko lang daw siya kahit hindi totoo. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil mayaman naman talaga sila Resh.
"Good morning!" Nagulat ako dahil may sumigaw papasok sa dining hall. Si Russel. Mag pinsan nga sila parehong energetic.
"Russel, iho anong ginagawa mo dito?" Humalik sa pisngi si Russel kina tita bago umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Ngumiti siya sa'kin kaya umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.
"Wala naman po. May gusto lang akong makita." Pa-simple akong tumingin sa kan'ya. Nahuli ko siyang nakatingin sa'kin bago binalik ang tingin kila tita.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa kwarto. May pasok pa kami mamaya ni Resh sa trabaho kaya kailangan kong umuwi pa.
Binuksan ko ang pinto ng may kumatok.
"Bakit po?" Tanong ko sa katulong nila.
"Gamit n'yo po sa opisina, tapos may damit na po d'yan." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"Sinong nagpakuha nito?"
"Si ma'am Resh po." Tumango nalang ako at nagpasalamat. Tinignan ko ang laman ng damit. Nakahinga ako ng maluwag dahil meron ding scarf.
Pagkababa ko ay sabay kaming umalis ni Resh. Nagpasalamat ako sa ginagawa n'yang pagkuha sa gamit at damit ko.
"May napansin ka ba sa hating gabi na kakaiba, Resh?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung panaginip nga ba iyon o totoo.
"Ha? Oo." Napatingin ako sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. Kinakaban ako sa malalaman ko.
"A-ano?" Kabadong tanong ko.
"Ah, nagising ako sa hating gabi dahil sa biglang nawala ang kuryente. Gising pa ako no'n kaya alam ko. Akala ko normal lang 'yon pero nang tignan ko ang bintana may ilaw naman sa kapitbahay. Lalabas sana ako ng kwarto dahil baka may problema lang. Ipapatingin ko sa mga guard. Pero bago ko sinara ang kurtina ng binatan ko ay may nakita akong lalaki na tumatakbo sa daan at bumalik ang ilaw. Weird lang kasi bakit walang ilaw sa bahay namin tapos sa iba meron? Diba ang weird no'n" Natuod ako sa narinig. Ibig sabihin totoo 'yon?
"A-anong itsura ng lalaki?" Nag-isip muna siya bago umiling. Nawalan ako ng pag-asa malaman kung sino siya.
"Nakatalikod kasi tapos madilim pa sa parte n'ya kaya di ko makita. Saka, baka taong gusto lang magnakaw. " Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.
"Bakit mo natanong? May nangyari ba kagabi?" Nag-isip muna ako kung sasabihin ko ba o hindi. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. Nagulat siya at kinalibutan, syempre, hindi lahat sinabi ko. Doon lang sa part kung saan may nanonood sa'kin habang natutulog.
Hindi pa n'ya alam tungkol sa mga panaginip ko, lalo na kay Amanda. Baka kasi doon masabi ko sa kan'ya ang matagal ko ng tinago.
Hinawakan ko ang scarf. Natatakot ako na layuan ako ni Reshea, siya lang kaibigan ko.
Pagkadating ko sa trabaho ay may bulaklak na naman sa mesa ko. Natatakot akong kunin pero nang makita ito ni Resh ay kinuha n'ya ito at akmang babasahin ang sulat pero agad kong kinuha ito.
"Grabe naman makahablot, hindi ko naman aagawin iyan." Simangot na sabi n'ya. Ngumiti ako ng hilaw saka tumalikod at binasa ko ang nakasulat na agad kong nilukot.
π‘π‘Žπ’‰π‘Žπ‘€π‘Žπ‘˜π‘Žπ‘› π‘Ÿπ‘–π‘› π‘˜π‘–π‘‘π‘Ž, π΄π‘šπ‘Žπ‘›π‘‘π‘Ž.
Natatakot at nagagalit na ako. Pinaglalaruan n'ya ako, Hindi na ako natutuwa!
"Okay kalang? Kulang nalang saksakin mo na ang bulaklak." Natauhan naman ako.
"Akin nalang ha?" Sabi n'ya. Kinuha n'ya ang bulaklak na hindi ko naman pinalagan.
Nag overtime ulit ako. Ewan ko hindi ko feel umuwi ng maaga. Nang pumasok na ang janitor sa building ay umuwi na rin ako. Sobrang lalim ng gabi.
Napahinto ako sa paglalakad papasok sa lugar namin dahil pakiramdam ko may sumunod sa'kin. Malapit na ako sa bahay ko kaya minadali ko ang paglalakad. Lakadβ€”takbo ang ginawa. Lumingon ako at nakita ko ang isang tao na likod ko, nakayuko ito, ang suot ay kulay itim na jacket na may hood. Tumakbo ako ng sobrang bilis kaya tumakbo na rin siya.
"Tulong!" Sigaw ko.
"Bitawan mo'ko bitawan mo'ko!!" Pagwawala ko dahil pagkaliko ko ay may humawak sa'kin.
"Hey relax, si Marcus 'to." Pagkakasabi n'ya no'n ay napatigil ako. Napasubsob ako sa dibdib n'ya at umiiyak ng tahimik.
"Shhhh nandito na ako." Mas lalo akong napahagulhol sa sinabi n'ya.
Nanginginig parin ako habang nakaupo sa isang parke. Katabi ko si Marcus pero tahimik lang siya. Narinig kong napabuntong hininga siya saka nagsalita.
"Hindi ligtas sayo ang mag-isa sa bahay. Baka mangyari ulit ang nangyari kanina. Paano kung wala ako kanina?" Yumuko ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"S-salamat." Wika ko. Bigla siyang dumikit sa'kin at isinandal ang ulo ko sa balikat n'ya.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa n'ya. Hindi ako makagalaw, lahat ng takot ko ay biglang nawala. Pakiramdam ko ay safe ako sa tabi n'ya.
Siya ba ang sinasabi ng matanda na magtatanggol sa'kin?
Inihatid n'ya ako pauwi pagkatapos. Ayaw n'ya sana na matulog ako roon pero nagpumilit ako.
Nagpaalam na kami sa isa't isa saka pumasok sa loob ng bahay. Nagulat ako dahil may nakatayo na matanda sa sala.
"S-sino ka?" Humarap siya sa'kin kaya lumaki ang mga mata ko. Siya 'yong matanda.
"Lumayo ka sa kan'ya!" Naguluhan ako sa sinabi n'ya at hindi nakapaghanda sa paglapit n'ya. Dinaganan n'ya ako at hinawakan ang dalawa kong pisngi.
Gustong kong sumigaw pero walang lumalabas na kahit kaunting ingay.
"Mamamatay ka! Lumayo ka!" Pumikit ako dahil sa takot. Takot na takot na ako ngayon. Kailan ba ito magtatapos?
"Mamamatay ka!" Dinilat ko ang isang mata ko. Nanlaki bigla ang dalawang mata ko dahil unti-unti siyang naaganas na parang bangkay.
"Mamamatay ka! Lumayo!" Paulit ulit n'yang sabi habang naglalaho. Pumikit ako ulit dahil sa takot.
Biglang may umihip na malakas ma hangin. Naramdaman kong wala nang nakadagan sa'kin kaya dinilat ko na ang mga mata ko.
Dahan-dahan akong bumangon. Pagapang kong Siniksik ko ang sarili ko sa isang sulok at tahimik na umiiyak at doon nakatulog.
"Lucas!" Tawag ng isang babae sa taong kan'yang minamahal. Ngumiti sa kan'ya ang lalaki at nilapitan siya nito.
"Amanda." Patago silang nagkikita dahil ito ay bawal sa kanila, sapagkat si Amanda ay ikakasal na.
"Paumanhin kung hindi kita nadadalaw, sapagkat ang higpit ni ama sa akin." Ngumiti ang binata sa kan'ya. Binigyan n'ya ito ng isang maiinit na yakap biglang tanda ng pagmamahal n'ya para sa dalaga.
"Naiintindihan ko Amanda. Ngunit nakakalungkot dahil hindi ako iyong mapapangasawa." Malungkot na wika ng lalaki. Umiiling si Amanda.
"May naisip ako, itatanan mo ako. Lumayo tayo, lumayo tayo kay ama, kay Eduardo."
"Ngunit Amanda, hindi ko kayang gawin iyon, sa iyo, dahil mahal kita. Gusto ko na maging tayo sa tamang paraan." Umiwas ng tingin si Amanda kay Lucas at bahagyang lumayo. Ito lang tanging paraan ni Amanda upang hindi matuloy ang kasal sa taong hindi naman n'ya iniibig.
"Kung hindi natin gagawin iyon, maikakasal pa rin ako kay Eduardo. Ayaw ni ama sa iyo." Alam ni Lucas na ayaw ng ama ni Amanda sa kan'ya sapagkat magkaaway ang kanilang pamilya sa politika.
"Sa susunod na linggo, magkita tayo dito at lalayo na tayo." Sabi ni Lucas. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Amanda sa sobrang tuwa.
Niyakap n'ya muli si Amanda at hinalikan ito sa labi bago umalis.
Kinabukasan ay nagtataka siya dahil ang daming kasambahay sa kwarto n'ya iyon pala ay pinagbihis siya ng kan'yang ina. Nagtataka man ay sinunod n'ya ito. Nakatingin lang siya sa bintana ng kan'yang kuwarto nang pumasok ang kan'yang ama.
"Anak, bumaba kana naghihintay ang mga bisita at iyong mapapangasawa." Nagulat si Amanda kaya tinanong n'ya sa kan'yang ama.
"Ano po bang okasyon?"
"Mamamanhikan na ang pamilyang, San Jose sapagkat ikakasal kana sa susunod na linggo" nagulat muli si Amanda at hindi makagalaw sa kan'yang kinatatayuan. Dapat makaalis na sila ni Lucas sa lalo madaling panahon.
Una n'yang nakilala si Eduardo at naging magkaibigan sila, dahil doon ay napagkasunduan ng mga pamilya nila na sa pagdating ng tamang edad ay ikakasal na sila. Noong una ay hindi tumutol si Amanda ngunit ng makilala n'ya si Lucas ay nagbago ang lahat. Ayaw na n'yang makasal kay Eduardo.
Walang magawa si Amanda kaya siya ay bumaba nalang at nakisali sa kasiyahan.
"Amanda, maaari ba tayong mag-usap?" Tanong ni Eduardo sa kaniya.
Pumayag naman si Amanda at pumunta sila sa may hardin sa likod ng bahay.
"Matutupad na ang pangarap ko na maikasal sayo, Amanda. Matagal na kitang gusto kaya ng sabihin ng pamilya natin na ikakasal tayo ay hindi ako tumutol." Huminto si Eduardo sa paglalakad at humarap kay Amanda.
"Masaya rin ako na hindi ka tumutol." Pagkasabi ni Eduardo ng mga salitang iyon ay may kung anong gustong lumabas sa mga bibig n'ya.
"Paano kung ayaw ko muna?" Natakot siya sa nakitang reaksyon ni Eduardo sa tanong n'ya. Biglang sumama ang tingin at kumuyom ang mga palad. Napalunok si Amanda bago umiwas ng tingin.
"May iniibig ka ba ngayon?" Gulat na napatingin siya kay Eduardo
"Saan galing ang mga gan'yang tanong mo?" Kinakabahan na tanong n'ya
Lumapit si Eduardo sa kan'ya at yumuko ng bahagya.
"Sa tingin mo hindi ko kayo nakita?" Mas lalong nagulat si Amanda sa tinuran nito.
Hindi n'ya alam ang gagawin kaya patakbo siyang bumalik sa kan'yang kuwarto. Iniwan n'ya si Eduardo roon. Pumunta siya sa lamesa n'ya para sumulat ng sulat upang iparating kay Lucas na kailangan umalis na sila. Lumabas siya ng bahay at nilapitan ang matalik n'yang kaibigan na si Juliana (Hulyana) ang kapatid ni Eduardo. Ito lang nakakaalam tungkol sa kanila ni Lucas.
Binigay n'ya ang sulat sa kan'yang kaibigan at agad naman itong naintindihan ni Juliana.
Magtatanan sila ni Lucas bago ang kasal sa linggo. Kaya sa biyernes palang ay nagbalot na si Amanda ng kaunting gamit at dahang dahan na umalis sa bahay.
Nakita niya si Lucas naghihintay sa kan'ya na may karawahe sa tabi nito. Ngumiti si Lucas sa kan'ya at agad siyang niyakap. Sasakay sana si Amanda sa karawahe ng biglang mayΒ  humila sa kaniya.
Nagulat siya na si Eduardo pala ito at may hawak hawak na palakol sa kamay nito.
"E-Eduardo!" Sigaw ni Amanda. Galit na tumingin si Eduardo sa kan'ya.
"Tatakas ka pa, ano?! Hindi ka tutuloy sa kasal natin?!" Galit na sigaw ni Eduardo.
"Binatawan mo si Amanda!" Sigaw naman ni Lucas kay Eduardo.
"Sa tingin mo? Hahayaan kitang kunin ang mahal ko? Mamamatay ka muna Lucas!" ngumiti ng mala-demonyo si Eduardo kay Amanda bago tinulak sa likod n'ya.
"Papatayin kita!" Biglang tumayo si Amanda, tumakbo siya palapit kay Lucas at hinila ito para tumakbo.
Pumasok sila sa kagubatan kaya nahihirapan sila dahil sa mga ugat na mula sa mga puno.
"Tumakbo ka kabila, sa kabila naman ako upang hindi ka masundan. Magkita nalang tayo sa may ilog na malapit dito." Sabi sa kan'ya ni Lucas. Umiiling si Amanda habang umiiyak.
"Ayoko, hindi ko kayang iwan ka." Ngunit bumitaw si Lucas at umiba ng daan. Walang magawa si Amanda at sinunod nalang n'ya ang sinabi ni Lucas sa kan'ya.
"Amanda, papatayin ko talaga iyang lalaki mo!" Natakot si Amanda ng marinig n'ya ang boses ni Eduardo.
"Hindi!" Nahulog siya sa isang butas kaya napaiyak siya sa sobrang sakit.
Kung noon magaan at pakiramdam n'ya na ligtas siya kapag kasama si Eduardo, ngunit ngayon ay takot at pangamba na ang nararamdaman n'ya para sa binata.
Sobrang lalim na ng gabi at liwanag na galing sa buwan ang nagbibigay liwanag sa kan'ya.
"Amanda!" Pinilit n'yang umakyat dahil naalala n'ya si Lucas.
"Papatayin ko talaga ang lalaki mo." Napatigil si Amanda ng dumungaw ang isang lalaki mula sa butas.
Ngumisi ito at biglang hinila ang buhok n'ya. Nagsisigaw siya sa sakit at pagkaakyat n'ya ay kinaladkad siya nito. Panay sigaw n'ya habang sinubukan na tanggalin ang kamay ni Eduardo sa buhok n'ya.
Tinulak siya sa isang kubo. Sinampal. Hinawakan nito ang kan'yang buhok at pinatingala.
"Mahal na mahal kita Amanda. Ngunit kung hindi ka magiging akin at mapupunta ka lang sa ibang lalaki," umiiyak si Amanda habang nagmamakaawa na h'wag siya patayin. Kinuha ni Eduardo ang palakol. Hinila muli kan'yang buhok at pinatingala.
"Mahal kita Amanda kaya kahit saan kaman magpunta susundan kita." Itinaas nito ang palakol at dumilim ang paligid n'ya.

Book Comment (57)

  • avatar
    Di Ana Ra

    good novel

    15d

    Β Β 0
  • avatar
    Cxav Rryginje Casonete

    ooiuyyvbb

    21d

    Β Β 0
  • avatar
    Aedrich Czian Navor

    ddfckgf

    17/08

    Β Β 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters