logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 – Determined

It is about zombies. I knew it. Tama nga ang pakiramdam ko. Nangyayari na ngang talaga.
Mangyayari na at hindi ako handa. Hindi ako naging handa.
These past few days after having that conversation with my friend, Mira, pinilit kong kalimutan ang tungkol sa nalaman ko. I stopped searching about it and even stopped thinking about it. Sinunod ko ang payo ni Mira na tumigil na dahil tama naman siya, tinatakot ko lang ang sarili ko. 
But now, nagkamali kaya ako? What if I still get myself entangled with the said issue? Siguro mapaghahandaan ko 'to. Siguro hindi na ako mabibigla, matatakot o kakabahan sa maaaring mangyari kasi syempre malalaman ko, may ideya ako.
Dapat ba pinaniwalaan ko 'yun? Dapat ba inalam ko ang lahat? Dapat ba sinunod ko nalang ang gusto ko at hindi nakinig sa iba? Hindi ko alam. Huli na rin naman. Dapat ko bang pagsisihan pa yun?
I felt a pang in my chest as I see my sister cry. Nakita ko na lamang ang sarili kong nakayakap sa nanginginig na kapatid. It was perhaps my instinct that causes the sudden move. It actually felt like a first time or maybe it really is. 
Hindi ko na maalala ang huling beses na nagyakap kami ng ganito. Sobrang tagal na noon kaya ngayon ay parang hindi na ako pamilyar sa pakiramdam.
"Natat-takot ako, Llana." Kumirot bigla ang puso ko nang marinig 'yon mula kay Rose.
Ang makita siyang ligalig at nangangatal sa takot ay bago sa akin, it's so new in a way that I don't like it.
That moment, I realize how she's still our little Marose who needs a protection, who needs love and care and now, maybe she needs to be saved. She needs someone who will do it all for her... and I guess it's not too late to be the person who will give it all to her.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam dahil maski ako ay nilukuban na rin ng takot. Sa ganitong sitwasyon, sino ba naman ang hindi? Gayong ano mang oras mula ngayon ay pwedeng maglaho ang lahat. Maaring magbago ang lahat. At nakakatakot isipin na walang magagawang pumigil sa maaring masamang maganap. Nakakatakot isipin na alam mong may posibilidad na may mawala sa iyo. Nakakalungkot isipin ang posibilidad na maaaring maging huli na 'to para sa'kin, para sa amin.
Marahang hinimas ko ang likod ni Rose na umiiyak at mahigpit na nakayakap sa akin. I'm having a hard time to comfort her. I don't know what to tell her to feel fine. So let this action of mine speak for myself.
Hindi rin naman ako sigurado kung may salita nga bang makakapagpawi ng nararamdaman niya kaya't hindi nalang din ako nagsalita pa at sinubukan na lamang tahanin siya. This is the least I can do.
Nagpatuloy ang ingay sa labas at habang tumatagal ay lumalala ito. Hindi ko pa rin alam kung anong mga pinag-uusapan nila at ang nangyayari at siguro sa loob-loob ko ay ayaw ko na ring alamin pa. May ideya na 'ko at sapat na siguro iyon.
I don't want to know anything that could add up to the tension that's inhabiting within me as of the moment.
After some time, I loosened our hug. Hinila ko ang kapatid at giniya siya sa aming silid. Hindi naman niya ako pinahirapan pa at sumunod nalang. Agad kong ni-lock ang pinto nang sandaling makapasok kami sa kuwarto.
Litong-lito ako. Parang ang bilis ng mga pangyayari at hindi ko alam ang gagawin.
Basta gusto ko nalang magtago, gusto kong umalis pero saan naman tutungo? Wala kaming ibang mapupuntahan. Kung sa dating bahay naman namin ay hindi maaari dahil may kalayuan iyon at hindi ko rin alam kung paano pa kami pupunta roon gayong wala na yatang maghahatid sa amin patungo room dahil sa nangyayari ngayon.
Wala sina Auntie, kaming dalawa lang ang narito at ngayon ko lang iyon hindi nagustuhan. Dati kasi ay gustong gusto ko ang mapag-isa sa bahay, pero hindi na ngayon. We need someone right now kasi hindi ko alam kung kakayanin kong mailigtas kaming pareho sa nagbabadyang panganib. I wasn't ready for this. I'm scared I'd give up easily as I'm not really that strong. Natatakot din akong madamay ang kapatid sa karuwagan ko.
"Llana a-anong gagaw-win natin?" Bakas ang panginginig sa boses ni Rose. Ang higpit ng kapit niya sa kamay ko. Masakit 'yon pero hindi ako nagreklamo, tiniis ko nalang at hinayaan siya.
Umiling ako sakanya. "'Di ko alam." I said without looking at her.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Maliit yun kaya kaunti lang ang gamit namin dito, isang kama, bedside table, cabinet at study table namin na punong-puno ng mga libro at kung ano-anong dokumento at mga papel.
"Siguro mas mabuti kung dito na lang muna tayo." Sabi ko. Tumango naman siya. 
Naglakad ako at umupo sa talim ng kama namin. Sumunod si Rose na nakalingkis pa rin sa braso ko. Kung ibang pagkakataon siguro ito ay sisinghalan ko siya, sasabihin na lubayan ako. Pero ngayon ay muli ko siyang hinayaan, pakiramdam ko ayos lang yun. I don't mind because I want her close to me as well.
Naging tahimik kami sa mga sumunod na oras. It wasn't an awkward one, though.
One moment, I'm thinking of any possible ways but I just found myself overthinking. My mind is too occupied with a lot of things, about possibilities and even beyond that.
Anong mangyayari sa amin? What if mabigo ako at madamay pa ang kapatid? I'm scared to fail my sister, I'm scared to disappoint myself. I'm so scared that I can't even think right!
I was never a good sister, alam ko naman yun. But now, for once, I wanted to be one or at least do something right for Marose.
Duwag ako at natatakot akong manatiling duwag hanggang sa dulo.
I thought of Ate Vanji, hoping she's here for us because I still don't know how to handle situation we're in, but then in the end I just wish for her safety wherever she is right now. Sana maging maayos siya, so that after that chaos we'll still see each other. At sana sa susunod naming pagkikita, hindi na kami muling maghiwalay.
Ganun talaga siguro. At times like this, thoughts will attack our minds about how can we live better if we ever made it safe. Mapapaisip nalang tayo kung paano magbabago para sa ikakabuti upang hindi masayang ang pananatili natin sa mundo.
Patuloy pa rin ang ingay at kaguluhan sa labas. Nakakabahalang pakinggan iyon pero wala akong magagawa. Hindi ko naman mapipigil ang sarili na huwag makinig, 'di ko naman sila makokontrol, at hindi ko rin naman sila magagawang patahimikin.
Ilang sandali pa ay tumayo si Rose at pumunta sa harap ng bintana at doon ay dumungaw. Tumingin siya sa ibaba at pinanood ang mga tao roon. I can still hear the commotion.
Tahimik kong sinundan ng tingin si Rose. Her skinny figure makes her look fragile. She has a tanned skin that she probably get from always playing under the scorching heat of the sun, ang itim na buhok niyang hanggang balikat ay nakalugay and her fuchsia pink colored dress that falls above her knee suited her so well.
For a moment, I feel the need to be an ate and make sure her safety.
In the back off my mind, I am sure and determined to be someone that I should have been a long time ago.

Book Comment (45)

  • avatar
    EspañolaJoevanie

    it's good

    29/09

      0
  • avatar
    Juvin Andulos

    that's a good

    08/06/2025

      0
  • avatar
    John Carlo Ordeniza

    thank

    17/03/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters