logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

Jax’s Point of View
While I was on the kitchen washing the plates and utensils that we used, I suddenly heard Jwi, na biglang nagsalita sa may living room. Looks like Hyze and his girlfriend already arrived.
I just arrived here an hour ago, pero yung mga maruruming plato na dinatnan ko sa may sink, parang one week nang pinagkainan. Sa dami nga mga iyon, iisipin niyo na dalawang dosena ang nakatira sa bahay. Hay, mga tamad talaga.
Hyze told us na that he invited his girlfriend tonight dahil gusto niyang ipakilala sa amin. Actually, kakatapos ko lang mag ihaw ng mga meats and vegetables.
Ako na naman ang naatasan dahil lahat sila ay lumipad na parang lobo noong tinanong ko kung sino ang mag iihaw.
Si Hyze sabi niya kailangan na daw niyang sunduin yung girlfriend niya. Okay, gets ko yon, acceptable ang reason.
Pero silang lima?
Si Martin sabi niya gusto daw niyang magpahinga sandali.
Si Jaiden, in game daw siya, bawal istorbohin.
Si Jwilian, ayun, busy na kinausap ang mga ibon sa labas ng villa.
Hindi ko alam kung saan pumunta si Charlie dahil bigla siyang nawala. Pero pagbalik niya, ayun, may dalang mga pagkain na ako rin naman ang nagluto.
Si Raju naman, parang ewan, biglang naging busy din sa kusina. Naghiwa ng mga prutas tapos ginawang juice. Pero okay lang, binigyan naman niya ako e.
They all left me no choice. Pero okay lang naman.
Sa tagal na ng pagsasama namin, sisiw na lang ang mga ganitong bagay.
Maya maya ay narinig ko na si Hyze na nagtatawag.
“Yung dalawa, nasaan?” I heard Hyze asking kaya naman nagmadali na ako. I wiped my hands dry with a kitchen towel at pagkatapos ay naglakad na ako palabas.
“Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Hindi talaga dapat ako lumalayo. Miss mo na kaagad ako, Hyze?”
Ganito ang bonding naming lahat, nagbibiruan, nag aasaran, pinipikon ang bawat isa, but we know our limitations. We know when is the appropriate time to tell a joke, at alam din namin kapag kailangan naming mag seryoso.
Hyze looked at me while having a smirk on his face.
Nakatalikod yung girlfriend niya na nasa tabi niya. She’s quite tall.
Pumwesto ako sa harapan ni Hyze, and I glanced at the face of his girlfriend who is now looking at me.
Jaymee?
What a fate...
I can’t be wrong here. It’s really her! Oh sh*t.
She looked at me with a shocked face. She quickly glanced away, maybe because she too is not comfortable seeing me here.
I mean – she have all the rights to feel that way.
Pero siyempre, nagulat rin naman ako na nakita ko siya ngayon. Hindi lang dahil nakita ko siya dito, kung hindi dahil siya ang nobya ni Hyze. What a surprise?
She’s eating a barbecue at napansin ko na biglang napatigil ang pag galaw ng bibig niya. Siguro dahil ina-absorb pa ng sistema niya ang nangyayari ngayon.
She still looks the same. Still the Jaymee that Raju used to –
Oh hell, we’re doomed.
Bigla akong kinabahan.
I bet she doesn’t want to see Raize right now. But how? Sa ayaw at sa gusto ko ay magkikita at magkikita sila.
She looks so nervous. Malamig daw ang mga kamay niya sabi ni Hyze.
Isa isa na kaming ipinakilala ni Hyze sa kaniya kahit na wala pa si Raju. Hindi nawala ang mga tingin ko sa kaniya kahit na todo iwas siya ng tingin sa akin.
Alam ko na medyo ang sama ko sa parte na naiilang at umiiwas na nga yung tao pero sige pa rin ako. Hindi ko lang kasi mapigilan.
And in no time ay bumaba na rin si Raju mula sa second floor. At this point, mas kinakabahan na talaga ako. Few seconds from now, magkikita na ulit sila ni Jaymee.
Ilang taon na nga ba ang nakalilipas? Four?
Habang naglalakad patungo sa amin si Raize, naka focus lang sa pagkain si Jaymee.
Pakiramdam ko ay nagkaroon na rin ng konting hinala si Jaymee kanina kung sino pa ang nawawala, pero hindi ko alam kung nahulaan nga ba niya sa isipan niya. Hindi ako si Jaymee kaya hindi ko alam.
Pero hindi nagtagal ay napatingin na rin siya sa taong paparating.
They both stared at each other’s eyes at para bang tumigil ang mundo nilang dalawa dahil nang magtama ang mga mata nila, napatigil sila sa kung ano man ang ginagawa nila. Si Raju na naglalakad kanina ay biglang napako sa kinatatayuan niya, at si Jaymee naman na kumakain ay para bang malapit nang maiyak habang patuloy pa rin sa pag nguya.
Both of them are shocked, of course.
Sino ba namang hindi?
“Ang tagal mo naman.” sabi ni Hyze.
“Magpapalit lang dapat ako ng damit. But I accidentally spilled a juice sa damit ko kaya I took a quick shower”
At ipinakilala na rin ni Hyze si Raju kay Jaymee.
“Aren’t your introduction to me too much? Your... your girlfriend is smart too. Isn’t she?”
Anak ng—
I tapped his legs. Why WOULD HE SAY THAT? Ako yung namomroblema sa kaniya.
Why would he say something like that? Na para bang kilalang kilala niya si Jaymee?
Well alam ko, oo, kilala niya si Jaymee, kilalang kilala. But he should atleast pretend that he don’t.
“How did you know that? Magkakilala ba kayo?”
“No/Hindi.” At nagkasabay pa nga silang dalawa.
“Hindi, hindi ko siya kilala. I think, this is my first time seeing him, babe.”
Pagkatapos sabihin ni Jaymee iyon, napansin ko na napayuko si Raju. Did he felt sad? Ayan kasi eh, parang ewan.
“Yeah, she’s right. Ngayon ko lang din siya nakilala.” dagdag naman ni Raize.
After that, ipinakilala na ni Hyze sa amin si Jaymee.
Bigla akong tinignan ni Julian na para bang tinatanong niya kung anong ginagawa ni Jaymee dito.
Gusto ko na sanang sabihin na, ‘recruit siguro siya si Hyze para maging bago nating kaibigan’.
Pero hindi, I can’t do that. Tinitigan ko na lang din siya na para bang kusa na ring nagsalita ang mga mata ko at sinabing ‘girlfriend siya ni Hyze obviously, kasi hindi ko siya girlfriend, hindi kay Jaiden, Jwi, Li, Martin, at lalong hindi sa’yo’.
“So, if you both don’t mind, gaano na kayo katagal?” biglaang tanong ni Charlie. Unang beses palang ng pagkikita nila ni Jaymee, mukhang ipapakilala na niya kaagad ang chismosong side niya.
“Six months.”
Whoa, six months na kaagad?
Jaymee looks uneasy, but this guy seating beside me? Parang uod na nilagyan ng asin yung paa. Ang likot niya.
Tinapik ko ulit yung legs niya atsaka umiling sa kaniya. Why can’t he act natural?
“Whoa, six months mo ng tinatago sa amin ‘to Hyze?”
“Bro, we only kept it lowkey, hindi secret.”
“How was it?”
Natahimik ang lahat nang biglang magtanong ang katabi ko. I bet he has a lot of question in his mind right now. Like how did they met, how did Hyze manage to capture her heart, paano niya napasagot si Jaymee, at marami pang iba. Pero dahil nasa usapang lowkey relationship kami ay ‘how was it’ nalang ang natanong niya.
Pero sa dinami dami ng tanong na pwede niyang itanong, iyon pa talaga ang tinanong niya.
“What do you mean by ‘how was it?’ bro?” tanong ni Hyze kay Raju.
“I mean, keeping your relationship lowkey...”
“It was fun. Hindi naman namin kailangan ipangalandakan sa lahat na we are in a relationship, di ba?”
At natuluyan na ngang tumahimik si Raju after siyang sagutin ni Jaymee.
The more na nagtatagal ang kuwentuhan, the more na nararamdaman ko ang tension between Raju and Jaymee. I hate Julian too for starring at Jaymee mula kanina pa. Parang ako lang kanina.
Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na tumingin kay Jaymee at inis na inis ako sa part na yon. It feels like we’re making everything hard for her.
Pero hindi ko siya masisisi.
The moment na lumabas siya ng bahay hanggang ngayon, his eyes are still glued on Jaymee’s face.
Todo abot naman ng barbecue si Martin kay Jaymee at si Jaymee ay kinakain naman ang mga iniaabot ni Martin.
Jaymee is not feeling well around me and Raju, i know that. And i know that Raju is also aware about that fact.
Gusto ko na siyang sabihan na tigilan na ang pagtitig ng sobra kay Jaymee pero hindi ko magawa dahil paano? Kanina ko pa siya tinatapik tapik sa likod pero hindi siya tumitingin sa akin. He’s acting like I am not approaching him.
At nang tumingin siya, siguro nasaktan na kakahampas ko sa kaniya, i shook my head like I was telling him to act naturally.
Nagulat kaming lahat nang biglang tumayo si Jaymee. Ang akala ko ay uuwi na siya, ayun pala ay magtatanong lang ng directions papuntang cr.
Nang maka alis si Jaymee ay bigla akong tinignan ni Raju. Tatayo na sana siya pero pinigilan ko. This guy is not keeping himself together.
“Where are you going?” bulong ko. Sa palagay ko ay hindi naman kami narinig ng iba dahil hindi naman sila napalingon sa amin.
Tumingin siya sa direksiyon ni Jaymee na naglalakad palayo at binalik ang tingin sa akin. Parang gusto niyang sabihin sa akin na ‘kay Jaymee’.
Umiling ako bilang sagot. We’re in the villa, nandito ang mga kaibigan namin, at nandito si Hyze. What is he thinking?
He almost insisted, pero inunahan ko na siya sa pagtayo.
“Saan ang punta mo?” tanong ni Jaiden.
“Kukuha lang ako ng prutas.”
And I proceeded to follow Jaymee. Nagmamadali siyang pumasok sa powder room at hinayaan ko naman siyang pumasok doon. Hindi ko naman talaga intensiyon na habulin siya at harapin kaagad dahil kanina ko pa napapansin na parang may iniisip siya.
The moment she closed and locked the door, I heard her sobbing. Hindi ganoon kalakas na super hagulgol, pero kung makikinig ka talaga mula sa pintuan sa labas, maririnig mo. Just hoping na wala sanang sumunod dito sa kaniya, especially Hyze.
Sumandal ako sa pader malapit sa pintuan upang hintayin siyang lumabas. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya the moment na lumabas siya. Basta ang alam ko lang, hindi pwedeng si Raju ang sumunod sa kaniya dito.
This somehow feels illegal. Bakit pakiramdam ko ay may tinatago kaming kasalanan kay Hyze? Matagal nang tapos si Raju at Jaymee, pero pakiramdam ko ay nagtatago kaming tatlo kay Hyze.
Narinig kong tumulo ang gripo sa sink. Maybe, she’s washing her face? Ayun kasi ang ginagawa ng mga babae after nila umiyak... Yeah, she should.
Hindi rin naman nagtagal at na unlock na ang pintuan ng cr. The moment na lumabas siya ay kaagad akong tumayo sa harapan niya.
“Jaymee...”
“Oh, ikaw si Jam di ba?”
She called me Jam... Yun ang pakilala sa akin ni Hyze kanina.
“Jaymee, come on..”
“Bakit mo’ko sinundan? Matagal ba ako? Hinahanap na ba ako si Hyze?” She’s acting weird. She’s acting as if today was really the first time that she met me.
“Jaymee, look, alam ko na uncomfortable ka around me and Raju...” I want to explain to her that I and Raize really know nothing about this. I mean – they kept it lowkey so how are we supposed o know?
“Si Julian? Bakit naman ako magiging uncomfortable sa inyong dalawa ni Raju? Mga kaibigan kayo ni Hyze, ang sabi niya sa akin ay matino daw kayong lahat at mapagkakatiwalaan. Kaya, hindi, hindi ako uncomfortable around you and that Raju.”
She gave me a smile after saying all of that.
“Jaymee, alam ko na naiilang ka. The moment na nakita mo’ko, at lalo na nung nakita mo ulit si Raju. Jay...”
“Hindi kita maintindihan Jam. Mauuna na ako ha? Baka hinahanap na ako ni Hyze.” And she left. Nang lumingon ako, wala na siya, tumakbo yata. She’s avoiding me, obviously.
At bumalik ako sa table nang may dalang prutas, dahil kagaya ng sinabi ko ay kukuha ako ng prutas kahit na ang totoo ay ayoko naman.
Pagbalik ko, inabutan ko na si Jaymee na nakaupo sa tabi ni Hyze. Medyo naglalambingan sila. Sinusubuan kasi ni Hyze si Jaymee ng sliced apples. Si Raju naman ay sumasaglit ng tingin sa kaniya. Nang napansin ko na medyo busy ang lahat sa kaniya kaniya nilang mga buhay ay seryoso ko nang kinalabit si Raju.
“What?” he mouthed.
Nagsalita ako nang malapit sa tenga niya para masiguro ko na siya lang ang makakarinig ng lahat ng sasabihin ko.
“Stop looking at her for now. We’ll talk later.”
He then starred at me with so much curiosity and a puzzled look.
I mouthed ‘later’.
Kulit ah. Sabi nang ‘we’ll talk later e’, nakikinig ba siya?
O si Jaymee pa rin ang laman ng utak niya?
Hay, hindi ko naman problema ‘to, pero ramdam ko na mamomroblema rin ako.

Book Comment (32)

  • avatar
    lumagoddong

    ang ganda

    18d

      0
  • avatar
    Hazel Carreon

    yes 🥰🥰🥰

    04/08

      0
  • avatar
    Jhon Ray Badajos

    wery nice

    24/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters