logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

HC 7

KABANATA 6
LINNEA
Ganito ba talaga kawalang galang ang Dawin na 'to at nakakaya n'yang sagot-sagutin ang Daddy niya sa harap pa talaga namin hindi manlang nahiya. Kahit hindi namin sinasadya ay wala kaming nagawa upang 'wag pakinggan ang usapan nila.
Marahil nga ay talagang ayaw umuwi ni Dawin at ikinagulat na lang namin ng bigla itong tumakbo ng mabilis upang takasan ang Daddy niya.
"Napakapasaway talaga," nagpipigil sa inis na saad ng ama nito.
"Habulin mo siya Lucas at siguraduhin mong makakasama siya pabalik sa ayaw at sa gusto niya ako ang masusunod." maawtoridad na utos ng Daddy ni Dawin sa lalaking sinabi ni Dawin na alalay niya.
"Sige po." patakbo ring naglakad si Lucas upang sundan si Dawin at sunod namang humarap sa'min ang lalaki, makikita ang pagkaistrekto ng mukha nito at makisig na katawan na mapapansing hindi pa naman katandaan.
"Paumanhin sa inyo hindi ko na alam kong anong gagawin ko sa anak kong iyan." paghingi nito ng pasensya samin bumalik na sa pagiging kalmado ang boses nito na talaga namang sa pananalita pa lang nito ay mahahalatang kagalang-galang siya, pero kung sagutin siya ni Dawin ay parang hindi nya manlang ito kaano-ano.
"Hindi n'yo po kailangang humingi ng pasensya sanay na po ako jan sa anak ninyo." sagot naman ni Fenn dahil siguro ito ang madalas na kasama ni Dawin kaya nakasanayan na niya ang ugali nito.
"Maraming salamat at nauunawaan ninyo mauuna na ako at 'wag na rin ninyong asahan na babalik si Dawin dito dahil iuuwi ko na siya hindi ko na siya papayagang bumalik pa sa lugar na ito." saad pa ng lalaki na ikinagulat namin.
"Pero sir nag-aaral po siya bakit naman po hindi siya babalik?" nagtatakang tanong ni Fenn na kahit kami ni Ada ay nagtaka rin sa sinabi ng lalaki.
"Hindi katulad ng buhay na meron kayo ang buhay na meron ang anak ko napakahabang paliwanagan at alam kong hindi ninyo mauunawaan," makahulugang saad nito.
"Ano po bang buhay meron siya?" tanong parin ni Fenn.
"Hindi na ninyo kailangan malaman mauuna na ako," huling sinabi nito at agad na kaming tinilikuran.
Narinig ko pa ang pag buntong hininga ni Fenn habang pinapanood namin ang ama ni Dawin na naglalakad na papalayo.
"Napaka misteryoso naman yata ng buhay n'yang si Dawin, sa napansin ko sa tatay niya mukhang nagmula sa mayamang pamilya si Dawin," basag ni Ada sa katahimikan matapos kaming talikuran ng ama ni Dawin.
"Sinabi mo pa sa ilang buwan kong kasama ang ugok na 'yan wala manlang akong alam sa pagkatao n'ya maliban sa pangalan lang, akalain nyo ba namang tinanong ko siya minsan kong taga saan siya sinagot ba naman akong nagmula daw siya sa Jupiter tangina alien ang potek." saad naman ni Fenn na ikinahagalpak ng tawa ni Ada.
"Wag niyo nang problemahin 'yon buhay naman niya 'yun umuwi na tayo p'wede," awat ko naman sa dalawa at nagpauna na ako sa paglalakad pauwi.
DAWIN
"Hoy saan ka pa pupunta tatakas ka pa sumama ka na lang wala ka naman nang magagawa master." paghabol sa'kin ni Lucas habang malayo na rin ang distansyang narating ko.
Napahinto ako't hinarap ito kasabay ng masama kong tingin sa kanya.
"Bakit niyo pa kasi ako hinanap maayos ako rito babalik ako sa mundong iyon kung kailan ko gusto," singhal ko sa kanya.
"Paanong hindi ka namin mahahanap sira ba ulo mo talaga, alam ng limang pinuno ang ginawa mo."
"Anong ginawa ko?" takang tanong sa kanya.
"Wag kanang mag maangmaangan alam mo naman ginawa ko kaninang umaga hindi ba," saad nito at agad ko namang inalala ang ginawa ko.
"Nalaman ng mga pinuno ang ginawa mo lalo pa at ginamit mo ang pana mo. 'Di ka nag-iisip sa aso at pusa mo ginamit ang pana ulol ka ba?"
Kahit nahihimigan ang galit sa pananalita nito nakikita ko ang pagpipigil ng tawa niya.
"Anong masama do'n gusto ko lang silang magmahalan," pagmamagaling ko pa.
"Ang panang iyong ginagamit ay para pag-isahin ang dalawang taong nakatakda hindi para sa dalawang hayop na mortal na magkaaway," pagpapasensya pa nitong sambit.
"Nagawa ko na eh, tsk." Nagkibit balikat pa ako kasabay ng pag ngisi ko sa kanya.
"Nagawa mo na kaya hindi mo na maayos pa, sumama ka pauwi kung ayaw mong dito sa mundo ng mga tao kita parusahan." biglang sambit ni Ama na ikinagulat ko pang nasundan na rin pala kami nito.
Tila ba pinagpawisan ako ng malamig sa sinabi nitong 'parusahan', alam ko na kasi ang parusang ipapataw sa isang kupido kapag lumabag ito sa ano mang patakaran.
Kabilang sa mga parusa ay isang buwang hindi makakalipad dahil sa mahikang ilalagay sa pakpak na dahilan upang mawalan ito ng pakiramdam, at kailangan din gawin ang misyon na walang pumapalya kahit isang beses, sa madaling salita sisiguraduhin ng kupidong pinatawan ng parusa na magkakatuluyan ang kung sino mang nakatakdang papanain.
Napakadaling parusa lang iyon kung iisipin sa ibang kupido ngunit para sa'kin hindi, dahil kahit isang beses sa buong buhay ko wala pang nagkatuluyang tao sa lahat ng mga pinana ko paano ko gagawin iyon walangya.
"Wag kanang magmagaling pa at sumama ka na pauwi," saad pa ni Ama sakin habang seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa'kin.
Wala na nga akong nagawa at wala na rin naman talaga akong magagawa pa kaya sasama na ako pero sisiguraduhin kong makakatakas ako ulit kung kinakailangan ano akala nila sa'kin mautak 'to hmp.
"Babalik muna ako sa tinutuluyan ko para mag paalam," ani ko ngunit agad itong sumagot.
"Hindi na kailangan ako na ang nagsabing hindi ka na babalik sa lugar na iyon."
"Anong sabi mo hindi p'wede mag-aaral pa ako," pagrereklamo ko.
"Mag-aaral ka sa mundo natin at hindi sa lugar na 'to naiintindihan mo halika na umalis na tayo," saad nito at kahit gustuhin ko pang magmaktol sa galit ay wala na akong nagawa pa.
Inis na inis ako na tila ba di ko na magawang ihakbang ang mga paa ko, bawat hakbang na ginagawa ko ay para bang ang bigat na may parang may hila-hila akong kadena dahilan upang hindi ko magawang ipagpatuloy ang paglalakad kasi alam kong labag sa loob kung umuwi.
"Dale?"
Tinig ng isang babae ang tumawag sa pangalan ng ama ko, sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa pinagmulan ng boses na iyon.
"Dale ikaw nga," natutuwang sambit ng isang ginang na mukhang ikinatuwang makita ang aking ama.
Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa upang suriin ang kabuuan nito katulad ng madalas kong gawin sa mga nakikita kung tao. Makikitang hindi nalalayo ang gulang nito sa aking ama, maayos ang pananamit nito mula sa suot n'yang bistida katirno ng sapatos na may tatlong pulgada siguro ang taas may hawak na isang bag na hindi masyadong mahaba ang hawakan at tila mamahaling alahas na naka suot din sa palasing-singang daliri niya sa kanang kamay.
Hindi ko lubos akalain na may nakakakilala rin pala sa aking ama sa lugar na 'to.
Matapos ang sinabi ng ginang ay nabaling ang tingin nito sa akin na ikinagulat ko pang biglang naglaho ang tuwa sa mukha nito at napalitan ng pananabik na lubos ko namang ipinagtaka.
"Dawin?"
Gulat akong napatingin ng diretso sa mga mata niya na hindi ko lubos akalaing kilala rin nito ang pangalan ko na kahit ni minsan ay hindi ko pa ito nakita.
Nais ko pa sanang tanungin ito upang malaman kung sino siya ngunit mabilis na pumagitna sa amin si Ama.
"Wala na kaming oras mauuna na kami, Dawin tara na."

Ikinagulat ko ang inasta ni Ama, mabilis pa ako nitong hinawakan sa braso at halos makaladkad ako papalayo na subrang pagmamadali nito mas lalo ko 'yung ipinagtaka kung ano nga ba ang ugnayan nila ng babaeng ito dahilan upang ilayo niya ko.
"Dale sandali lang pakiusap bigyan mo 'ko kahit ilang minuto para makausap manlang ang anak ko!" pasigaw na saad ng babae habang patakbo pa itong sumunod sa'min.
Anak?
Sinong anak?
Ako ba ang tinutukoy n'yang anak?
S'ya ba ang ina ko?
Sunod-sunod na katanungan ang pumasok sa isip ko.
"Dale pakiusap hayaan mo 'kong makilala ang anak ko!" pagmamakaawang saad parin nito, sinubukan kong mag pumiglas sa pagkakahawak ni Ama sa'kin ngunit sadyang malakas ito kaya hindi ko nagawang maka-alpas sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso ko.
Nilingon ko ang babae na patuloy pa rin sa pagsunod sa'min, nakikita ko na ang awa sa mga mata nito kasabay ng pakiusap niya.
"Ama sino s'ya?" nagtatakang tanong ko kay Ama ngunit wala akong nakuhang sagot rito, habang pinagpapatuloy namin ang paglalakad.
"Dale please..." pakiusap pa rin ng babae kay Ama ngunit wala na din itong nagawa ng patuloy na kaming naglakad at tuluyang tinalikuran ang babae.
Nang mapunta kami sa bakanting lugar ay mabilis na lumikha ng lagusan si Lucas gamit ang mahika sa pursilan nitong suot agad na pumasok roon si Lucas habang pahila naman akong hinawakan ni Ama upang tuluyang sumama sa kanila pabalik sa mundo ng mga kupido.
Hindi umabot ng ilang sugundo ang tagal no'n at agad kaming nakauwi.
"Iwan mo na kami Lucas," saad ni Ama kay Lucas ng mismong sa loob ng bahay kami dinala ng lagusang pinasukan namin.
"Masusunod po."
Agad na ring umalis si Lucas kaya kaming dalawa na lang ni Ama ang naiwan, agad ko na ring tinanggal ang dala-dala kong bag at pabagsak ko pang nilapag sa lamesang nando'n malapit sa kinatatayuan ko.
"Mag-usap tayo Dawin," basag ni Ama sa ilang sigundong katahimikan.
Tinitigan ko ito ng seryoso at saka sumagot sa kanya.
"Kailangan talaga nating mag-usap Ama," sarkastikong ani ko. "Sino ang babaing 'yon at bakit kilala niya ako, ako ba ang tinutukoy n'yang anak ang babaing iyon ba ang ina ko?" magkakasunod kong tanong sa kanya ngunit umiwas ito ng tingin sa'kin na kahit hindi pa man sumasagot ay alam ko na na tama nga ako ng hinala.
"Ano sagutin niyo ko, 'yon ba ang ina ko buong buhay ko hindi ko manlang alam na buhay pa pala siya!" galit ko nang sabi, wala pa rin akong makuhang sagot sa lahat ng katanungan ko.
"Bakit may sinabi ba akong patay na siya wala naman hindi ba?" bulyaw nito sa'kin do'n ko na tuluyang nakumpirma na ang babae ngang iyon ang ina ko.
"Wala ka ngang sinabi sa'kin kaya ang buong akala ko simula pa lang wala na siya dahil kahit minsan ay wala ka manlang binanggit tungkol sa kalahating pagkatao ko wala ba akong karapan malaman iyon huh?" tanong ko pa rin sa kanya ngunit wala na naman akong nakuhang sagot mula rito.
"Kilala n'ya ako, pero ako wala manlang akong kaalam-alam sa kaniya na buhay pa pala siya, kung hindi niya pa pala tayo nakita kanina 'di ko pa malalaman na may ina pa lang naghahanap sa anak niya sabihin mo sa'kin pwede ba Ama, ipaliwanag mo sa'kin ngayon kung paano nauwi sa ganito ang lahat!" pasigaw ko nang saad sa harapan niya dahil gulong-gulo na ako sa totoong ako.
"Bakit ikaw lang ang kasama ko kung p'wede rin naman pala nating makasama siya at maging buo tayong pamilya?"
"Yun ang katutuhanang hindi kailanman mangyayari naiintindihan mo ba!" mataas na tonong sambit nito dahilan upang matahimik ako sa sigaw na iyon kahit gustong-gusto ko pang magsalita ay mas pinili ko ang manahimik.
"Yun ang katutuhanang kahit naisin mo ay hindi mangyayari," pag-uulit nito.
"Pero bakit nga kung hindi ko pala maiintindihan bakit hindi niyo subukang ipaliwanag," sarkastikong saad ko.
"Labing siyam na taon na ang nakakalipas ngunit alam kong karapan mong malaman kaya sige sasabihin ko sa'yo, dati kong kasintahan si Windy sa mundo ng mga mortal at sa pag-iibigan naming iyon ikaw ang naging bunga ngunit sa hindi inaasahan nalaman kong hindi kami ang nakatadhana kaya mas pinili kong palayain siya upang mahanap niya ang tamang tao para sa kanya, nakipaghiwalay ako kahit labag sa loob ko at kinuha kita sa kanya upang ako ang magpalaki sa'yo ayaw n'yang pumayag nung una ngunit wala siyang nagawa," mahabang kwento nito sa'kin.
"Pinaubaya ko siya kasi kahit pilitin ko mang ipaglaban 'yung samin alam kong hindi siya sasaya kasi hindi ako ang nakatadhana upang ibigin niya."
"Hindi ba pwedeng kahit hindi kayo ang naka tadhana ay kayo ang kusang mag desisyon para sa sarili niyo, para sa pagmamahalan niyo mahirap bang gawin 'yon?" nagpipigil sa inis kong tanong rito.
"Mahirap iyon lalo pa at hindi mo naiintindihan."
"Pero nabuo ako Ama, hindi mo manlang ba ipinaglaban ang dapat ay sa'yo na pero ipinaubaya mo pa."
"Kasi 'yon ang alam kong tama sinubukan ko naman eh, sinubukan kong balikan siya isang taon ka na no'n ngunit ikinasal na siya at alam kong do'n wala na talaga akong karapatan upang ipaglaban pa siya," aniya.
"Kaya ba inilihim mo din sa akin ang totoo kasi alam mong wala ka nang babalikan?" mariing tanong ko at hindi na ito umimik.
"Kung hindi niyo nagawang ipaglaban siya dati, ako ang gagawa," sambit ko rito at mabilis na dinampot ang bag ko na nasa lamesa.
"Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
"Sinabi ko na 'di ba kung hindi mo nagawang ipaglaban siya ako ang gagawa bilang anak niya at hindi mo na ako mapipigilan sa nais kong gawin dahil gagawa ako ng paraan para makasama siya sa ayaw at sa gusto mo."
Matapos ng mga sinabi ko ay agad ko na itong tinalikuran upang tumungo sa aking silid.
"Dawin hindi mo maaaring gawin iyan naiintindihan mo ba makakasira ka lang sa kung anong buhay na ang mayroon siya ngayon!" pasigaw pa nitong sabi habang naglalakad ako papalayo.
Napahinto naman ako saglit matapos ang sinabi niya ay marahan ko pa itong nilingon, "Buhay pa talaga niya ang iisipin ko, paano naman ang buhay ko?" sarkastikong saad ko at hindi ko na hinintay kung ano pang sasabihin niya at dumiretso na ako paakyat sa hagdan.

Book Comment (59)

  • avatar
    AvelinoApril rose

    nice story,nakaka 😊

    24d

      0
  • avatar
    Raniya L Mamintal

    nice this game

    15/05

      0
  • avatar
    AconoBryan

    5000

    02/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters