logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Pangalawang Liham

Dear, Vin
Three years passed, I gradually got used to Tiya Sabel’s life. I got used to live in a small house, sleep on a pallet and sell all kinds of foods. I also learned to do household chores that my nanny used to do. Like washing clothes, washing dishes, cleaning and cooking.
Mahirap yun nung una, para sa batang tulad ko na lumaki na halos iabot na lang sakin lahat ng kailangan ko, napakahirap. Tapos galit pa sakin si Tiya Sabel, lagi ako nitong napapagalitan, kaya lalong humirap. Pero nung magtagal-tagal nga nasanay na rin ako.
May tumayo rin kasing parang ama ko, si Tiyo Ruben. Asawa siya ni Tiya Sabel pero mas bata ito ng ilang taon kay Tiya Sabel. Naging mabait sakin si Tiyo Ruben at itinuring akong parang anak. Kahit kay Belle naging mabuti ito.
Inako niya ang mga bayarin sa hospital. Ilang taon man kasi ang dumaan hindi parin gumigising si Belle.
Tiya Sabel didn't like it at first, she got angry. Fortunately, Tiyo Ruben made an agreement that I would do all the housework in exchange for paying  the hospital bills. And also I won't ask them for money, school expenses and snacks, I'll take care of it.
Hindi ko alam noon kung paano ako magkakaroon ng pera hanggang sa natuto akong gumawa ng ice candy na gawa sa milo, inilalako ko iyun sa school o di kaya’y sa amin pag walang pasok. Mura lang iyun pero nakakasapat na para panggastos ko sa school at mga pangmeryenda. Tsaka minsan naman ay binibigyan ako ng pera ni Tiyo Ruben, patago nga lang dahil nagagalit si Tiya Sabel pagnalalaman nito.
Another year passed, Belle still in coma. Gustong-gusto ng tapusin ni Tiya Sabel ang responsibilidad niya kay Belle pero nagmakaawa akong huwag. Lumuhod ako sa harap nito habang umiiyak.
Ilang beses nilang sinabi sakin na nahihirapan lang daw ang kapatid ko. Na kung gigising daw ito dapat noon pa. Pero hindi parin ako pumayag.
Bakit? Kasi lumalaban yung kapatid ko. Hanggang sa hindi siya ang kusang sumusuko hindi ko rin siya isusuko.
Month of January, lalong lumala ang lagay ni Belle. Kung ano-ano ang naging problema sa katawan nito habang wala itong malay. Lalong lumaki ang gastos sa hospital, inako na naman lahat ni Tiyo Ruben at syempre sobrang galit na naman sakin ni Tiya Sabel.
Palagi ako nitong sinasabihang pabigat daw kaming magkapatid. Hindi ako nagagalit, never akong nagalit sa kanya. Kasi tinanggap parin niya kami kahit ayaw niya, inaalagaan parin niya ako kahit ilang beses niyang ipamukha sakin na pabigat lamang ako.
Tapos si Tiyo Ruben, lagi niyang pinapagaan ang loob ko. At sa sobra-sobrang pasasalamat ko sa kanya, hindi ko naisip na baka may kapalit din lahat ng ito. Sa ikalawang pagkakataon, nagtiwala ako dahil nakita ko siya na parang ama ko.
Lumipas muli ang ilang buwan, naka graduate ako ng elementary tapos nag birthday ako. Binigyan na naman ako ng pera ni Tiyo Ruben, sobrang laking halaga nun.
Ilang sandali akong nagtaka sa kung saan ito kumukuha ng malaking pera pero nakalimutan ko din agad iyun dahil sa tuwa.
Sabi sakin noon ni Tiyo Ruben, ibili ko daw iyun nang mga damit at ibang bagay na gusto ko but instead of spending the money he gave me, I hid it with my other savings. Nag-iipon kasi ako para sa paggising at paggaling ni Belle.
Alam ko kasing marami itong kakailanganing therapy dahil sa tagal nitong nakahiga lamang at walang malay. At pag tuluyan siyang naging okay, ipapasyal ko siya at ibibili ng mga gamit.
Naiimagine ko na si Belle na kumakain ng paborito niyang ice cream, namimili ng mga damit at laruan, pumapasok sa paaralan at nakikipaglaro.
Ang laki nang ngiti ko habang hawak ang alkansya kong kahoy. Naiisip ko kasi ang pwedeng mangyari pag nagising na ang kapatid ko. Pero ang mga ngiti ay biglang nawala nang pumasok sa kwarto ko si Tiya Sabel at galit na galit akong pinaghampas ng kawayan.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyong wag kang tatanggap ng pera kay Ruben. Napakatigas niyang ulo mo” galit na galit niyang sigaw habang patuloy ang paghampas sa akin.
Wala akong magawa noon kundi umiyak at humingi ng tawad. Bawat lapat ng kawayan sa katawan ko ay naaalala ko ang mga memoryang kasama ko ang mga magulang ko at masaya kami.
Ilang minuto ako noon na pinalo ni Tiya Sabel at pinagsisigawan dahil lamang sa pera. Sinubukan din nitong kunin ang alkansya ko pero hindi ko yun ibinigay, mahigpit ko iyung niyakap habang paulit-ulit na ibinubulong na para iyun sa kapatid ko.
Para iyun sa paggising ng kapatid ko.
Nang magsawa sa pakikipag-agawan ay iniwan din ako ni Tiya sa kwarto. Pagsara ng pinto ay nilamon ng dilim ang buong paligid ng kwarto ko, gabi na rin kasi at hindi ako nagbuhay ng ilaw. Bukod kasi sa hirap akong tumayo dahil sa hapdi ng mga hita at binti ko, pakiramdam ko ay kahit buksan ang ilaw ay mananatiling madilim ang mundo ko.
Kaya hinayaan ko na lang noon na madilim ang paligid habang namamaluktot ako yakap ang alkansya at umiiyak.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako noon dahil sa pag-iyak. Nagising na lang ako nang maramdaman kong may humahapos sa hita ko. Pabalikwas akong bumangon at gulat na hinarap si Tiyo Ruben.
“Ano pong ginagawa niyo rito” kabado kong tanong dahil sa hindi malamang dahilan.
Agad namang ngumiti si Tiyo Ruben at muli akong inabot. “Gagamutin ko sana ang mga pasa mo, pasensya ka na kung nagising kita at pasensya na rin sa Tiya Sabel mo. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya”.
Gusto kong magpaalo, gusto kong lumapit uli sa kanya at yumakap katulad ng dati pero may pumipigil sa akin. Ayaw ng katawan kong gawin iyun
Ilang araw ang lumipas, naging maayos ang sitwasyon sa bahay. Nagagalit parin si Tiya Sabel pero hindi na uli ako nito pinagbuhatan ng kamay. Si Tiyo Ruben naman, mas bumait ito sa akin pero mas nailang din ako sa mga galaw nito.
Tulad nung minsan, nanonood ako ng TV nang bigla itong tumabi nang upo sa akin at bigla na lang ipinatong ang kamay niya sa hita ko at tinanong ako kung kailangan ko ba daw ng pera.
Grabeng kaba ang naramdaman ko nung mga oras na iyun. Agad akong umiling at nagpaalam na maglilinis sa bakuran namin.
Bakasyon at palaging wala si Tiya Sabel dahil nasa sugalan. Palagi din tuloy akong naiiwan kasama si Tiyo Ruben, dumalas kasi ang hindi nito pagpasok sa trabaho.
Matapos kong maglinis noon sa bakuran namin, pumasok ako sa bahay at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko. Sinubukan kong magbasa-basa para paghahanda sa dadating na pasukan kaya lang ay ilang minuto ay nakatulog din ako. Dahil yata sa pagod, ang dami ko kasing nilinis tapos naglaba pa ako nung umaga.
Sa study table ako nakatulog noon pero nang magising ako nasa kama na at may magaspang na kamay ang humahaplos sa hita ko. Nanatili akong pikit dahil sa takot, ang kamay kong nasa gilid lamang ay nangangatal na.
Si Tiyo Ruben iyun, alam ko. Maya-maya pa ay may dumadampi ng labi sa balikat ko. Naipon ang luha sa mga mata ko. Ang ilang noon ay napalitan na ng takot ngayon.
Again another months passed, nagtuloy-tuloy ang ganung gawain ni Tiyo Ruben. Gabi-gabi ay pinapasok ako nito sa kwarto ko, wala naman itong ginagawa kundi hawakan ako at halikan pero ang takot at pandidiri ko sa kanya ay hindi na nawala.
Palagi rin ako nitong binibigyan ng pera pero tinatanggihan ko na minsan din ay sadya ko ng ipinapahuli kay Tiya Sabel. Hindi ko na rin hinahayaan ang sarili kong mapalapit at mahawakan nito lalo na pag gising ako.
Sa gabi ay gusto kong ipakitang gising ako dito kaya lang ay baka may gawin itong mas malala. Gusto ko ring sumigaw kaya lang ay natatakot akong hindi paniwalaan ni Tiya Sabel.
I could do nothing before but endure everything. Vin, at the age of twelve I was sexually harassed by someone I trusted.
As I write this letter I can’t help but cry. I still can't help but be hurt and scared because of what happened before. And when I remembered how I met and became friends with Sydney, I cried even more. Not out of pain and fear, but out of gratitude because she came at times when I thought I had no hope.
Love,
Aliyah

Book Comment (48)

  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    12d

      0
  • avatar
    YguasJosephine

    Ang Ganda po

    08/08

      0
  • avatar
    CabangonRavelyn

    💖💖

    22/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters