After the incident happen of seeing a ragdoll on the other day, I'm having a hard time sleeping. Grabe ang antok ko ngayon pero i forced my self na gumising ng maaga dahil 7 am pa lang dapat ay nakahanda na kami. Kaya past eight in the morning ay narito na kaming lahat ngayon sa harapan mismo nang lumang gate ng Arcoiris Village. Gawa ito sa matibay na kahoy at bakal. "Akala ko ba ay abandonado ang village na 'yan?" Nagtatakang puna ni Trexie dahil maski ako ay gan'on din ang unang napansin. I'm expecting na masyadong luma na iyong gate, kasi to think it's already abandoned but to my surprise, bagong pintura ang gate ng village base sa amoy pintura pa ito at pale pink ang kulay ng gate. "Mam'ya na kayo magtanong. Alamin n'yo na lang!" Seryosong sagot naman ni Corazon. Kaya imbes magtanong rin sana ako ay pinili ko nalangang manahimik. Inutusan kami ni Kuya Edmundo na idikit ang kanang kamay namin sa gate. Ginawa namin lahat iyon, and voila--the gate open. "High-tech din pala ang village na 'to, "natatawang wika ng kakambal ko. Tumambad sa amin ang isang toll gate booth na nakapwesto sa gitna ng dalawang malalapad na daan na may gawa sa kahoy na bakod, alternate ang kulay ng magkabilaang bakod. Sa right side ay kulay red, yellow and orange fence while on the left side, blue, violet and green. Very colorful. Sinenyasan kami ni Kuya Ed na magregister sa gate booth. "Is this necessary?" Kunot-noong bulong ni Beverly na sakto lang na naririnig namin. Nangunguna kasi sina Kuya Ed at Ate Mercy. Sa likod nila si Zed at Angel then Trexie and Gio, next to them is Sarah and Alawe, Therese, Jerome and Vilma. Katabi ko si Beverly at sa likod naman namin ay sina Corazon at Alfred. "Sumunod ka na lang." Seryosong sagot ni Corazon na halos pabulong na rin. I saw my friend smirked at hindi na nagsalita pa. Nang si Jerome na ang lumapit sa booth ay bigla nalang siyang tumawa. "Is this some kind of a joke? We need to sign a waiver?" Sarcastic na tawa ni Jerome. "Anong nakasulat couz?" Atribidang tanong ni Beverly na nasa likod ko nakapila. Nakasulat sa waiver, ay ipapadala raw sa mga pamilya namin kapag officially part na kami ng Arcoiris Village. May mga name tags pa nga kami na nakasabit sa leeg namin. Parang excursion, thingy. " It's the village rules we need to follow. Isa pa traditional na ito dito at lahat ng papasok sa village na 'to ay necessary na sumunod sa lahat ng gusto ng may-ari." Kalmadong pagpapaliwanag ni Alfred na mas lalong ikinakisig n'ya dahil magaling pala siyang magsalita ng salitang english. "Kung ayaw ninyo sa patakaran nila ay malaya kayong magback-out. " Tinuro pa niya 'yong gate sa likod namin. "Mahaba pa naman ang oras, alas dos pa ng hapon nagsasara ang gate nila dito, kapag galing ka na dito sa loob, pero ang mga nasa labas ay anytime pwedeng pumasok. " Seryosong wika rin ni Ate Mercy. Hindi naman sila nagreak na, kaya dumiretso na kami papasok sa kaliwang bakod. Bumungad sa amin ang isang pathway na may mga punong patay na sa gilid. May puno na puro patay ang mga dahon pero nakakabit pa rin ito sa mga sanga. Ang pagitan ng bakod kanan at kaliwa ay mga pine trees na patay rin lahat ng mga dahon, pero intact pa rin ito sa mga sanga, kaya hindi mo makikita kung anong meron sa kanang bakod. The place wasn't scary at all, as what I'm expecting to but a little bit weird. Mahaba ang pathway na nilakaran namin puro patay na puno lang ang mga nakikita. "Malayo pa ba tayo?" Pagrereklamo ulit ni Beverly. "Wala bang sasakyan dito?" Maarteng tanong niya. Ewan ko ba sa babaeng ito biglang nagbago. Si Trexie kasi ang pinaka-reklamador sa aming magkakaibigan pero tahimik lang si Trexie ngayon. "Half of the island, is the village. Expect the unexpected honey. " Sigaw ni Zed na nasa unahan namin. "Just keep on walking Beverly." Trexie chuckles. "Ang sakit na ng binti ko e," walang pakundangang pagrereklamo pa rin niya. "Mahabang lakaran pa ito at FYI, nasa isang abandonadong village po tayo, kung may makita kang dumaang sasakyan mamaya ay ikaw ang maunang sumakay ha. " Iritadong sagot ni Corazon kay Beverly na hindi ata marunong ngumiti. " Unang pasok pa lang natin pagod ka na. How much more kung ang buong village na ang nalibot mo. " Pabalang na singit ni Therese. "Whatever! " Inis na irap ni Beverly. Tumigil kami sa gitna ng dalawang puno na ang kulay ng katawan neto ay violet. Isang pintuan ng mga tuyong dahon ang hinawi ni Ate Mercy. Nagsimula na akong makaramdam nang kakaiba. Madilim ang looban ng lagusan na dinadaanan namin at apat na tao lang ang pwedeng magbukas ng flashlight para tipid battery. Medyo malamig ang hangin, tahimik lang kaming lahat at walang kahit ni isa sa amin ang nagsasalita. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba pero knowing na nasa likuran ko lang ang binatang si Alfred ay naging panatag ang loob ko. Mga eight-thirty ng umaga kami pumasok at pagkalabas namin ng lagusan ay mga nine-thirty na. Medyo nangangalay na nga ang mga binti ko sa kakalakad pero hindi dapat magreklamo dahil wala pa kami sa kalahati ng village. Sementado na ang daan pagkalabas namin sa lagusan at mataas na masyado ang sikat ng araw. May mga nadadaanan kaming iba't-ibang stall na nakahelira. Bawat stall ay may tig-iisang bantay. Isang taong papel ang bantay. Ang weird at napapansin ko puro kulay violet ang pinakabubong ng bawat stall. "Kanina ko pa talaga napapansin na mukhang hindi naman abandonado itong village? Bakit may mga tinda pa silang dinedisplay?" Takang tanong ni Trexie. "Nakikita niyo ba iyang mga paper dolls sa bawat stall? Antayin natin mamaya kung bakit. " Matalinhagang turi ni Alfred sa mga taong papel. "Dito tayo magpapalipas nang gabi?" Beverly asked again. "Bawat Calle dito ay aabutan tayo ng ilang araw bago natin malibot ang buong village. So more creepy nights here kung hindi na tayo makakalabas." Nakangiting sagot ni Angel na kanina pa tahimik. "What?! Huh?! No way!" Sabay-sabay kaming magkakaibigan nagsasalita. "Alam niyo ang mission natin dito. Kaya please ayoko ng maaarte." Seryosong wika ni Kuya Ed. "Bilisan niyo na d'yan at mahaba pa ang lalakarin natin. " Si Ate Mercy naman ang nagsalita na mukhang naiinip. "Hindi ba tayo kakain at magpahinga muna?" Singit ni Sarah na kanina pa nakakawit sa braso ni Alawe. " I'm already starving." Anas pa nito. I checked the time, quarter to eleven ng umaga na rin pala. Gutom na rin ako at nagwawala na ang mga dragona ko sa tiyan. Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa may nakita kaming cottage sa di kalayuan. Mostly, kasi mga stall ang nasa paligid at ito pa lang ang kauna-unahang bahay na nakita namin. Isang wooden cottage ito na gawa sa kawayan. May mga bulaklak na nakapaligid dito pero kulay violet lahat. Maliit lamang ito, siguro mga limang katao lang ata ang kasya. What do we expect here, everything here is weird and creepy. This cursed village is not totally abandoned but pinamamahayan nang mga weird individuals. Sinenyasan ni Kuya Ed si Angelina na kumatok sa pintuan at tumalima naman agad ito. Naka-tatlong katok na siya ng pinto ng biglang nagbukas ang pintuan ng cottage. Bumungad sa amin ang isang taong papel. Nakipag-usap si Angelina dito. "Que Necesitas? (Anong kailangan ninyo?)" Isang taong papel na nagsasalita, boses babae ito na sa hinuha ko ay nasa mid 30's na ang edad. "Solo seguire, Eso tambien seria bueno. Tenemos algo de comida afuera. (Makikituloy lang po sana. Makikain na rin po. May mga dala po kaming mga pagkain galing sa labas.)" Magalang na sagot ni Angelina dito. Binuksan nang maluwang ang pinto ng babaeng papel. "Tara na," nakangiting aya ni Angel sa amin. "You sure it's safe to go inside?" May pag-alinlangang tanong ni Gio. Tumango naman si Angel at nauna pa itong pumasok na sinundan ni Ate Mercy. Pagod na pagod na ako kaya sumunod agad ako at nagsipag- unahan pa silang pumasok sa akin. Namangha ako pagkapasok ko, maliit lamang kung titingnan sa labas ang cottage pero malaki pa sa cafe ni Zed at Gio ang kabuuan ng cottage na pinasukan namin.
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 31 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (167)
creshinshana
Interesting. I love your story po 💖💖
25/04/2022
0
GaRhonel
Senorita Marah ' ang tagapagligtas hmm.. galing nman.
10h
0
Visitor
Ang exciting basahin. Pang fantaserye ang datingan. May book two po ba ito?
Interesting. I love your story po 💖💖
25/04/2022
0Senorita Marah ' ang tagapagligtas hmm.. galing nman.
10h
0Ang exciting basahin. Pang fantaserye ang datingan. May book two po ba ito?
18/06/2025
0View All