logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 5

"Yes," nakangiting sagot ko.
Pinasok niya ang singsing sa aking daliri saka niyakap ako ng mahigpit. Peke akong ngumiti at niyakap siya pabalik.
"Remember, Via, we're pretending," mahinang sabi niya.
Dahan-dahan akong tumango upang ipagbigay alam sa kaniya na alam ko na ang gagawin. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinapit ako sa bewang paharap sa kaniyang mga magulang.
"Congratulations to the both of you," nakangiting bati ni Tita Cass.
"I'm so proud of you, Son, manang mana ka talaga sa akin," gatong naman ni Tito Mark.
Lumapit sa akin si Tita Cass saka ako hinagkan sa pisngi. Niyakap niya ako saka nilagay ang iilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga bago hinawakan ang aking mukha.
"Welcome to the family, Hija," emosyonal nitong sabi.
"Salamat po, Tita," sabi ko.
"Welcome to the family, Hija," sabi naman ni Tito at niyakap ako. "So, when's the wedding?"
"Gusto kong sa susunod na araw na, Dad," seryosong sagot ni Marco dahilan upang gulat na napatingin sa kaniya ang kaniyang mga magulang.
"Bakit ang bilis? Paano ang preperation? Ang mga invitations?" nag-pa-panic at sunod-sunod na tanong ni Tita Cass. "Via deserve a grand wedding!"
"Ma, calm down," mahinahong sabi ni Marco at hinawakan sa balikat ang ina. "I want Via to be my wife as soon as possible. Gusto ko na pong itali siya sa akin para wala nang makaka-agaw pa sa kaniya."
"Such a sweet man. I think me and your dad raised you well," emosyonal na sabi ni Tita Cass saka hinimas ang mukha ni Marco.
"Of course. Mabuti kayong mga magulang kaya mabuting anak din ang resulta," mayabang namang sagot ni Marco.
"But, is it okay with you, Hija, na hindi grand ang wedding ninyo nitong si Marco?" singit na tanong ni Tito.
Ngumiti ako at tumango sa kanila. "Oo naman po, Tito. Ang mahalaga lang naman sa akin ay 'yong pagmamahalan naming dalawa."
Nag-usap pa kaming apat bago nila napagdesisyonang umuwi na. Hinatid namin sila ni Marco sa pintuan ng mansyon. Tuloy ang pagpapanggap namin hanggang sa magkahiwalay na kaming dalawa nang makapasok na sa kani-kaniyang kwarto.
Bumuntong hininga ako habang iniisip ang mga naganap ngayon. Sino man ang mag-aakalang mapupunta ako sa ganitong klaseng trabaho. Dati lang ay isa akong simpleng taga hugas ng plano at taga luto ng mga putahe sa karenderya tapos ngayon, hito ako nakahiga sa malambot na kama makakatanggap ng sixty thousand na sahod buwan-buwan at sa susunod na araw lang ay ikakasal sa mayamang business man.
Ma, Pa, sana po ay gabayan ninyo ako.
"Marco, dali na samahan mo na akong bumili ng dress para bukas," pamimilit ko kay Marco na naka-upo ngayon sa sofa habang nakaharap sa laptop niya.
"As far as I knew you already know about my condition?" masungit na tanong nito habang ang mga paningin ay nasa laptop pa rin.
Ngumuso ako at sinundot siya sa tagiliran para kilitiin. "Sumama ka na kasi. Kasama mo naman ako, eh, saka hindi ka naman kakainin ng mga taong makakasalubong natin doon sa mall."
"The fvck. I told you I have trauma seing lots and lots of people," inis niyang sabi.
"Sabi nga nila you need to conquer your fear," pangungulit ko pa.
Nilingon niya ako saka tinaasan ng kilay. "And now you're speaking english because of the stupid quote to convince me?"
"Ah, ayaw mo talagang sumama?" nauubusan ng pasensyang tanong ko. Tiningnan niya lang ako nang walang emosyon ang mukha. "Paano kaya kung sabihin ko sa mga magulang mo na wala talaga tayong relasyon? Na hindi talaga tayo tunay na nagmamahalan?"
"Fvck!"
Malakas akong tumawa nang makitang pikon na pikon siya dahil sinabi ko. Ang sama at sobrang talim ng tingin niya sa akin. Parang anytime ay mapapatay na niya ako.
"Saan mas maganda, ito o ito?" tanong ko kay Marco na prenteng naka-upo sa upuan. Tinuro niya ang hawak kong dress sa kanang kamay.
Narito kami ngayon sa isang sikat na botique. Dito niya ako dinala matapos ko siyang i-blackmail kanina. Alam ko na ngayon ang kinatatakutan niya para mautusan ko siya.
Kanina noong papasok kami ng mall ay nagpanic siya pero hinimas ko ang likod niya at niyakap bago binulungan ng matatamis na mga salita. Gusto kong mawala na sa kaniya ang trauma niya dahil talagang mahirap 'yon para sa kaniya lalo pa at nasa larangan siya ng negosyo.
"Saan na tayo next?" tanong ko nang makalabas kami sa wedding dress store.
"We'll go home," sagot niya.
Hinampas ko siya sa braso dahil atat na atat siyang umuwi.
"Gumala-gala naman muna tayo," sabi ko.
Umiling ito. "I want you to cook for me."
"Bakit?"
"You cook unfamiliar yet delicious dishes," sabi niya at patuloy lang sa paglalakad.
"Oh, kung gano'n pala edi mag-grocery tayo!" masiglang sabi ko at sinabayan siya sa paglalakad. "Ipagluluto kita ng ginataang kangkong kaya do'n tayo sa public market pumunta." 
Tinaasan niya ako ng kilay saka pinitik ang noo ko. "Do you think I'm going to that market? Mabaho at madumi ro'n, Via, my skin is sensitive."
"Oh, edi rito na lang tayo mamili. Ayaw mo sa public market, for sure gusto mo rito kaya halikana wala nang reklamo," mabilis kong saad saka siya hinila.
Himala na hindi siya nagreklamo sa ginataang kangkong. Usually ang mga mayayaman kapag narinig lang ang salitang ginataan ay nandidiri na kaagad. Mukhang kakaiba ang isang ito, ah.
"Dinner is serve!" sigaw ko upang marinig ni Marco na nasa living room at kusa nang pumunta rito.
"Ano ang niluto mo, Hija?" tanong ni Manang Fey.
Ipinakita ko sa kaniya ang niluto ko at kitang kita sa reaksyon niya ang tuwa. "Ginataang kangkong po."
"Mukhang masarap 'yan, Hija, ah? Kitang kita pa ang sili, oh. Saglit at magluluto muna ako ng adobo," nakangiting sabi ni Manang at tinalikuran ako.
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit po kayo magluluto ng adobo, Manang, eh may ulam naman na po?"
"Para kay sir, Hija. Hindi siya kumakain ng ganiyang ulam." Inayos niya ang nagusot na mesa.
"Ay, hindi, Manang. 'Yan po ang nakahain kailangan niya pong kumain talaga," sabi ko.
Dumaan ang gulat at pagtataka sa mga mata niya ngunit nginitian ko lang siya. In-excuse ko ang aking sarili sa kaniya upang tawagin si Marco. Naabutan ko siyang pagod na nakaharap sa laptop niya.
"Kain na," aya ko.
Tumango siya saka sinara ang laptop niya saka sumunod sa akin. Nauna akong umupo sa mesa.
"Manang, sumabay ka na po sa amin," paanyaya ko kay Manang Fey na kaagad din itong umiling.
"Hindi na, Hija, mamaya na lang kami nila Nelia."
"Sigurado po kayo?" paniniguro ko.
Tumango ito at umalis na. Hinarap ko si Marco at tinaasan ng kilay nang makita ang pandidiri sa mukha nito.
"What's this?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ulam."
"I mean, what kind."
Kinuha ko ang lalagyanan ng ginataang kangkong saka kumuha at nilagay sa plato ko. "Ginataang kangkong. Sinabi ko na kanina, 'diba?"
"The fvck, ayoko nito," kunot noong sabi niya. "I can't eat this coconut grass."
"Anong coconut grass? Huwag kang maarte Marco sinasabi ko sa'yo kung hindi malalaman talaga ng mga magulang mo na nag-pe-pretend lang tayo," sunod-sunod kong pananakot.
"Fine, fine, I'll eat this grass," inis niya asik at galit pang kumuha ng ulam.
Pinanood ko siyang magsalin ng ulam sa kaniyang plato. Kitang kita ang pandidiri sa mukha nito habang nakatingin sa ulam at nang ini-angat niya ang paningin sa akin, matalim na paningin ang binigay niya sa akin ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Oh, ano?"
"Tsk," asik nito.
"Sinasabi ko sa'yo, Marco, kapag hindi mo kinain 'yan, malalaman talaga ng mga magulang mo," suplada kong sabi.
"Fine, fine."
Kinain niya ang niluto ko. Noong una ay nandidiri pa siya ngunit nang magtuloy-tuloy na ang pagkain niya ay unti-unti niyang sinabi kung gaano kasarap sa panlasa niya ang ginataang kangkong.
"Why did you accept the deal?" tanong ni Marco at sumimsim sa wine glass niya.
Narito kami ngayon sa terrece ng bahay niya. Umiinom siya ng wine habang ako naman ay nakagingala sa langit habang tinitingnan ang kalangitan. Kapwa kaming naka-upo sa lamesang mayroon dito.
"Kasi natanggal ako sa trabaho, pina-alis ako sa apartment ko tapos namatay ang kapitbahay kong kumupkop sa akin noon," malungkot kong sabi habang nakatingi parin sa langit.
"What a curse day," bulalas niya.
"Ikaw, bakit ang sungit mo?" Nilingon ko siya nang may tanong sa mukha.
"Mapagsamantala ang mga tao, Aven," sagot lang nito sa akin. Magtatanong pa sana ako ngunit hindi na niya ako pinagsalita pa. "I'm so used to it."
Bumuntong hininga ako saka tumango na lang sa kaniya. Ibinalik ko ang aking paningin sa kalangitan habang pinagmamasdan ang kagandahan nito.
Mama, Papa, alam ko po na ginagabayan niyo ako araw-araw. Bukas na po ang peke kong kasal, pagpasensyahan niyo na po ako dahil ginaaa ko lang ito para mabuhay.
Auntie Rosie, alam ko po na masaya na kayo sa kung nasaan kayo ngayon. Bantayan niyo po palagi si Sky.
"By the power vested in me, I now pronounce you as husband and wife," sabi ng pari at napuno ng palakpakan ang simbahan. "You may now kiss the bride."

Book Comment (328)

  • avatar
    Bryle Terrence Santos Bayan

    nice story

    5d

      0
  • avatar
    Bhing Villarin

    nabitin po ako sa binabawa kong wife for hire wla na po ba itong karugtong? salamat po

    10d

      0
  • avatar
    Britanie Musni

    its so hot

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters