logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 3

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.
"We'll swim. Do you know how to swim?" sarkastikong saad niya.
"Ang saya mong kausap, 'no?" gigil kong tanong.
"Gagawin kitang tao," walang paki niyang sabi, hindi pinansin ang sinabi ko.
"Parang ikaw yata ang kinakailangang gawing tao. Demonyong demonyo ka, oh," sabat ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Gusto mo bang masibak sa trabaho?"
"Sabi ko nga tatahimik na."
Hindi siya sumagot bagkos ay tumango lamang ito at nag-focus sa pagmamaneho. Hindi na ako nangahas pang magsalita dahil baka totohanin niya ang sinabing sisibakin ako sa trabaho.
Siguro ito na ang simula ng pagbago ng buhay ko. Hindi man magbabago na magiging maginhawa at least hindi na magiging katulad noon na isang kahig isang tuka ako. Nakasaad din kasi sa kontrata niya na hanggat nagpapanggap kami, siya ang bahala sa lahat.
Iba talaga kapag mayaman ka dahil kahit saan mo na lang inuubos ang pera mo hindi katulad sa'ming mahihirap na halos umayaw sa pagwaldas ng pera.
"Anne, please buy her clothes that suits her," pakiusap ni Marco sa babaeng nakasuot ng office attaire.
Dumako ang paningin ng babae sa akin at ngumiti. Pilit din akong ngumiti sa kaniya dahil mukhang mabait naman.
"Ma'am, will you please get out of the car so that I can see your body?" tanong niya.
Ang taray naman nitong secretary nitong si Marco englishera. Baka kapag naging secretary niya ako mag-e-english din dapat ako. Matanong ko nga siya mamaya. Aba goodluck na lang sa akin kapag nangyari 'yon.
"Thank you, Ma'am," nakangiting sabi niya kaya naman bumalik na ako sa loob ng kotse.
"Sir, pwede po bang malaman kung kaano-ano mo si madam?" chismosang tanong nito kay Marco.
Nang tingnan ko si Marco ay nakataas na ang kilay nito sa kaniyang sekretarya. Ang sekretarya naman niya ay todo ngiting nakatingin pa rin sa kaniya. Mukhang hindi ito natakot sa masamang tingin ni Marco.
"She's my long term girlfriend and soon to be my wife," masungit nitong saad at nilingon ako bago ibinalik ang paningin sa sekretarya niya. "Deliver the clothes at my house. We'll go now."
Kaagad niyang sinara ang bintana ng kotse niya saka pinaharurot ito paalis. Hindi na niya hinintay pang makapagsalita o makapag-react man lang ang sekretarya niya at basta na lang iniwan doon.
"Hoy, alam mo, napaka-demonyo ng ugali mo," nakangusong sabi ko.
"The fvck you care?" inis niyang baling sa akin. "You know, I regret hiring you as my fvcking pretend wife. You're so loud."
"Aba, anong akala mo, ikaw lang ang nagsisisi rito? Ako rin, 'no! Ano ka sinuswerte?"
"You're irritating my ear, Woman."
"Ewan ko sa'yo!" 
Grabe naman ang ugali ng taong ito. Ang bastos, ignorante, at walang kadala-dala. Bakit pa kaya ako pumayag sa lintek na deal na ito. Kung hindi sana na-hospital si Auntie Rosie hindi sana ako nawalan ng trabaho at kasama ko pa sana sila ngayon. Bigla kong naisip si Sky. Kamusta na kaya ang batang 'yon ngayon. Sigurado akong malungkot 'yon dahil sa nangyari sa mama niya.
Kayo, Mama, Tatay? Kung buhay kayo isang kahig isang tuka kaya ako? Sasama kaya ako sa demonyong Marco na ito para maging maayos lang ang buhay ko?
"Bumaba ka na nandito na tayo sa bahay."
Nagising ako dahil sa malamig na tinig na iyon ni Marco. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang tingnan kung nasaan kami. Namangha ako nang makita ang isang malaking bahay at may malawak na bakuran.
"Wow," maibulalas ko.
"Wow talaga," singit ng lalaking kasama ko.
Hindi ko na siya tiningnan pa dahil pakiramdam ko ay naka-glue na ang paningin ko sa ganda ng paligid.
"Let's go," masungit na sabi ni Marco na hindi ko namalayang nasa harapan ko na at nakabukas na ang pinto. "Mamaya ka na mamangha dahil araw-araw mo na naman itong makikita. Ngayon, sumama ka na lang sa akin para maipakilala na kita sa mga kasambahay ko."
Hindi ko siya sinagot ngunit bumaba na rin sa kotse. Sumunod ako sa kaniya. Dire-diretso lang kaming naglakad papunta sa main door ng mansyon niya. May mga nakakasalubong kaming mga guard na bumabati pero itong kasama ko hindi man lang bumati pabalik. Demonyo talaga.
Kung kanina lang ay namangha ako sa lawak at ganda ng paligid, ngayon naman ay parang nalula ako sa lawak, linis, at ganda ng mga design dito sa loob ng bahay niya. Malayo pa lang ay alam na alam mo nang mamahalin ang mga gamit dito. Sobrang linis at parang hindi nadadapuan ng alikabok. Parang mansyon lang ng beast sa movie na beauty and the beast.
"Manang Fey, she's Via, my girlfriend," pakilala sa akin ni Marco sa babae saka ako inakbayan. "Baby, she's Manang Fey. Siya ang mayordoma rito sa bahay."
Himala na naging sweet itong si Marco sa akin, ah. Sabagay kailangan nga pala naming magpanggap.
"Hello po, Manang," nakangiting sabi ko at inilahad ang aking kamay upang magpakilala. "Ako po si Via. Nice to meet you po."
"Nako, Hija, nice to meet you too," sagot niya. "Matagal na ba kayo nitong si Marco?"
Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Nag-angat ako ng tingin kay Marco at nagulat ako nang makita rin siyang nakatingin sa akin at nakangiti pa.
"We've been together for almost 4 years, Manang Fey," sagot nito sa matanda.
Kitang kita ang gulat sa mukha ni Manang Fey dahil sa narinig.
"Bakit hindi mo sinabi, Bata ka!"
Natawa si Marco dahil sa reaksyong 'yon ni Manang Fey. Plastic lang akong nakatayo rito sa gilid ni Marco at nagulat ako nang bigla niyang hapitin ang bewang at halikan ako sa noo.
"Isn't she gorgeous, Manang?" tanong niya kay Manang Fey at matamis akong tiningnan.
"Ang galing mong pumili, Hijo. Sobrang ganda nitong nobya mo," sagot ni Manang Fey at tiningnan ako.
Nginitian ko lang siya. Inaya ako ni Marco papunta sa taas at pinakilala sa mga iba pa niyang kasambahay. Pinakita rin niya ang kwarto niya at ang magiging kwarto ko. Dumating ang hapon at pumunta rito sa bahay niya ang kaniyang sekretarya upang ihatid ang damit na pinabili niya rito kanina.
Ang ganda ng kwartong binigay ni Marco sa akin. Parang isang apartment na yata dahil sa lawak. Mayroong sariling cr dito sa kwarto. May shower at mga sosyal na gamit panligo. Mayroon ding terrace na kitang kita ang magandang view ng gabi. Sa gilid din nitong kwarto ko ay ang kwarto ni Marco.
Ang ganda ng pamumuhay dito ni Marco. Kitang kita ang pagiging mabuti niya kay Manang Fey. Kahit isang beses ay hindi ko siya narinig na sinungitan ito. Marahil si Manang Fey ang nagpalaki sa kaniya kaya gano'n na lamang ang galang niya rito.
"Hija, anong ginagawa mo?" tanong ni Manang Fey nang makita akong nagluluto rito sa kusina.
Nilingon ko siya saka nginitian. "Pinagluluto ko po kayo ng breakfast, Manang Fey."
"Nako, sana kami na lang ang pinagawa mo niyan," saad niya at nilapitan ako. "Mabuti, Hija, at marunong kang magluto hindi gaya noong nakaraang girlfriend niyang si Marco."
Nakaramdam ako ng pagkataka tungkol sa nakaraan ni Marco. Alam kong bago pa lang kaming nagkakilala pero bigla akong na-curious sa pagkatao niya. Kung bakit ang sungit niya sa iba kahit sa akin pero kay Manang Fey hindi.
"Manang, bakit po ba napaka-sungit niyang si Marco sa iba?" tanong ko.
Iniingatan ko ang mga salitang lalabas sa bibig ko kapag magtatanong ako sa kanila dahil baka mahalata nila na hindi totoong may namamagitan sa amin ni Marco.
"Nako. Lumaking iwas sa mga taong 'yang batang 'yan. Dati kasi iyang napahiya sa napaka-laking event na dinaluhan nila ng mga magulang niya," kwento nito. "Nadulas iyan at natamaan ang mga pagkain kaya ayon nabasag ang mga kobyertos na-trauma yata kaya halos ayaw niyang lumabas."
Kaya ala kanina halos hindi siya bumaba sa kotse noong nasa mall kami. Ang pait din naman pala ng nakaraan nitong si Marcos.
"Kaya pala, Manang," tumatango-tango kong sabi. Bumuntong hininga ako at inayos ang mga niluto ko dahil saktong tapos na rin naman. Naisip kong dalhan ng pagkain si Marco sa kwarto niya ng almusal, pasasalamat sa mga damit na binili niya sa akin dahil sabi niya kagabi bigay lang daw niya iyon. "Manang, dadalhan ko po muna si Marco ng pagkain."
"Sige, Hija. Sana ay hindi magalit sa'yo ang batang 'yon kapag ginising mo siya," sabi niya. Kumunot ang noo kong tumingin sa kaniya. "Ayaw kasi no'n na pinuputol ang tulog niya. Pero mabuti na rin at umuwi ka rito nang sa gano'n ay makakakain na ng tatlong beses sa isang araw 'yang batang 'yan. Madalas kasing nakakalimutan ang pagkain."
"Hay. Pasaway talaga," umiiling iling kong komento na kung wari ay totoong matagal na kaming magkakilala. "Sige po, Manang, ihahatid ko muna ito. Kumuha na rin po kayo ng makakain niyo riyan iwanan niyo na lang po ako ng maliit lang."
"Sige, Hija."
Umakyat ako bitbit ang tray ng pagkain niya. Nagluto ako ng sunny- side-up egg, bacon, spam, at hotdog para sa breakfast dahil ito lang naman ang madaling lutuin at mabilis. Sa pagkaka-alam ko kasi may pasok pa 'yang si Marco. Six am na baka ma-late siya.
"Marco," mahinang tawag ko nang makapasok ako rito sa kwarto niya. Nilapag ko ang tray ng pagkain sa lamesang bakante na nakita ko rito sa loob. "Marco, gising na. Kumain ka na ng breakfast mo, dinalhan kita. Six am na baka ma-late ka pa sa trabaho."
Hindi ito gumawa ng ingay bagkus ay gumalaw ito. Hinarap ako nito na half open ang kaniyang mga mata. Parang pinagmamasdan ang paligid. Ilang segundo pa ay unti-unti na itong bumangon. Nginitian ko siya at itinuro ang pagkain niyang nasa mesa.
"Kumain ka na ng agahan," nakangiting sabi ko. "Pinagluto kita bilang pasasalamat sa damit na binili mo."
Humikab ito at tumango lang sa akin. Muli ko siyang nginitian bago tumalikod upang lumabas. Dumiretso ako sa kusina upang kumain at umakyat sa taas para mag-ayos ng sarili. Wala akong magawa ngayon kaya naisip kong tumulong na lang sa mga gawain ni Manang Fey dito.
"Baby, aalis na ako," paalam ni Marco at fake akong hinalikan sa noo. "I like the breakfast you've made me earlier. If you don't mind, will you bring my lunch in my office?"
Kunot noo ko siyang tiningala, tinatanong kung anong ibig niyang sabihin ngunit itinaas baba lang niya ang kaniyang kilay at ngumuso sa aking likuran. Nakita kong malapad na ngiting pinanonood kami ni Manang Fey kaya napalitan ng pagkalambing ang aking mukha.
"Oo naman, Love, ipagluluto kita ng specialty ko mamaya," nakangiting sagot ko at hiwakan ang kaniyang mukha. "Imgat ka sa trabaho, ha. 'Wag mambababae!"
"Yes, Miss. Ma'am," nakangiting aniya at umaksyong sumasaludo. Yumuko siya sa akin na parang hahalikan ako sa pisngi. "Be ready, my future wife, you'll meet my parents. They're coming tonight."

Book Comment (328)

  • avatar
    Bryle Terrence Santos Bayan

    nice story

    5d

      0
  • avatar
    Bhing Villarin

    nabitin po ako sa binabawa kong wife for hire wla na po ba itong karugtong? salamat po

    10d

      0
  • avatar
    Britanie Musni

    its so hot

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters