logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The real reason

"Excuse me, my lord. But something urgent came, it needed your presence." Magalang na saad ng isang tauhan nito.
Nakayuko ito parang 90 degress. Napangiwi nalang ako, jusko ang hirap naman niyan. Ang sakit siguro niyan sa likod.
"Alright, I'll go check it." Magalang na tumango ang tauhan at nagpa alam na para umalis.
Bumaling ang tingin ni Mr. Kamatayan sa akin at tinignan ako. Tumaas ang kilay ko.
"Bakit?" Mataray na tanong ko sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ito magsalita at malamig lang akong tinignan.
Lihim akong napalunok. Dyosko naman, maaga ata akong mamamatay nito dahil sa bibig ko.
Please Mr, wag kang magalit sakin. Hayup na bibig to.
"Let's go." Malamig nitong sabi at tumayo. Nagsimula itong maglakad at nilampasan ako.
Nagpaka-wala ako ng hininga at sinundan ito.
Horay! Ligtas na naman ako. Teka, ilang buhay naba sana ang mawawala sa akin?
Napabuntong hininga nalang ako. Tinatayaran ko itong mafia boss na ito, deds talaga ako pag napikon ito.
Bumukas ang malaking pinto at lumabas na kami.
Tumingin ako sa paligid habang naglalakad.
"Wow." Hindi ko mapigilang sambit. Ang ganda naman ng lugar na ito.
Kahit saan ako tumingin, lahat ng gamit ay puro ginto at grabe ang kinang. Napalunok nalang ako.
Pag nagnakaw kaya ako dito, makakalabas pa ba ako ng buhay? Syempre hindi jusko.
Bawat silid na aming madadaanan ay may mga gwardya na naka bantay.
Sa tuwing nakikita nila si Mr. Kamatayan ay yuyuko sila ng 90 degrees.
Ha, iba talaga pag mafia boss.
Napatingin ako sa aking harap at tinignan ito. Malapad ang katawan nito at may mga muscle.
Naka black ito mula ulo hanggang paa. Itim na itim din ang buhok nito.
Putek, ang gwapo at hot talaga.
"Ha.. walangya, ilang oras na ba kaming naglalakad?" Hinahangos na na sabi ko.
Tumigil ako sa paglalakad at huminga. Pinahid ko ang pawisan kong mukha gamit ang aking kamay.
Hindi kagaya ng ibang mga tao na ang daming enerhiya, lalo na si Tisay. Ako ay iba, kung e r-rate ko man ang aking lakas, mga 1 over 10 siguro.
Ha, ngayon ko lang naalala na ang weak ko pala. Napansin siguro iyon ni Mr. Kamatayan.
"What are you doing?" Napatingin ako kay Mr na nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ako.
Hindi ko namalayan napatigil narin pala ito sa paglalakad.
"W-wait lang, ang bilis mong maglakad." Hinihingal na sabi ko sa kanya. Mas kumunot ang noo nito.
"What? I walk slower than usual though." Walang ka gana gana nitong saad. Napatanga ako sa sinabi niya.
"Yan? Yan na ang slow sayo? Eh ang lalaki ng hakbang mo, liitan mo naman." Naiinis na saad ko sa kanya pagkaraan ay kinagat ang labi.
Napa sabunot nalang ako sa aking sarili sa aking isip, tangna naman. Mamatay na talaga ako.
Napabuntong hininga ito at lumapit sa akin.
"L-let me just breath okay?" Nagmamaka-awang saad ko sa kanya. Parang maiiyak na. Hindi ito umimik kaya nagpatuloy nalang ako sa pagpapahinga saglit.
Mga ilang minuto akong nagpahinga. Ng maramdaman kong okay na ako at tumingin ako kay Mr.
Napatalon ako ng makita siyang matiim na tinitignan ako.
"B-bakit?" Natatakot na tanong ko sa kanya. Putek, papatayin na ba ako nito?
"Nothing, let's go." Tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.
Napataas ang aking kilay ng mapansin na hindi na ito ganun ka bilis maglakad, hindi kagaya noong una.
Lihim akong napangisi, may kabaitan naman pala sa katawan tong lalaking to. Diko sure ah.
Mga ilang minuto kaming naglakad bago ulit ako napatigil.
Yawa. Ba't ba ang laki ng bahay nato?! Pinahiran ko ang aking pawis at tumingin kay Mr.
"T-teka lang, wala na akong energy. Magpapahinga muna ako." Walang ka lakas lakas kong sabi. Ha, gusto ko ng tubig.
Mabilis akong umupo sa sofa na nakita ko at humiga. Ha, ang dami palang nangyari sa araw nato.
Kaninang umaga may ginawa kaming physical activities, kanina din bago ako nakidnap ay naglalakad. At ngayon naman naglalakad ulit.
Ha, gusto ko ng mamatay kesa maglakad. Char, wala na talaga akong energy.
Napabuntong hininga ako at pinikit ang mga mata. Ah, ang lambot naman ng sofang ito.
"Nagugutom na alaga ko sa tiyan..." Mahinang saad ko. Naramdaman kong may lumapit sa akin pero tinatamad talaga ako.
Hindi ko magawang tignan kung sino ang lumapit sa akin. Wala na akong enerhiya para buksan pa ang aking mga mata.
"Tsk." Naramdaman kong lumutang ang aking katawan pero hindi parin ako gumagalaw. Gusto ko matulog.
Walang gana kong sinandal ang aking ulo sa dibdib ng kumarga sa akin.
"Matutulog lang ako..." Mahina kong saad at pinaikot ang aking mga kamay sa leeg nito ng magsimula na itong maglakad.
"Ha.. wala na akong energy." Mahinay sambit ko at napag desisyonang matulog.
As I closed my eyes, a minute after. I can feek my conciousnes being taken away.
-
"Umm..." Mahinang ungol ko. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang kisami.
Nangunot ang noo ko at bumangon. Nilibot ko ang aking paningin at doon lang napansin na nasa isang silid pala ako.
"Wooah, ang ganda naman dito." Mahina kong ani.
Ang mga gamit na nandito sa loob ay kagaya din sa labas. Nag ningning ang aking mga mata sa naisip.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarta.
Yosh, parang ako lang mag-isa dito. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa mga gintong gamit pero napatigil ng tumunog ang aking tiyan.
"Ah, gabi na ba?" Nanghihina kong tanong habang hinihimas ang tumutunog na tiyan.
Bumaling ako sa isang vase na ginto at lumapit dito.
Napalunok ako ng makita ito sa malapitan.
Hala ka mga sis! Ginto talaga!
Hahawakan ko sana ang gintong vase na may magandang design ng biglang bumukas ang pinto. Mabilis kong binawi ang aking mga kamay at humarap sa pintuan.
Sumalubong sa akin ang nakangising si Luke.
"Hey, you're awake now. Let's go eat." Masaya nitong sabi. Kumunot ang noo ko.
Aangal pa sana ako baka lagyan nila ito ng lason at baka mamatay pa ako, ng biglang tumunog ang aking tiyan.
Mas lalong lumaki ang ngisi sa labi ni Luke at napapahiyang tumango nalang ako sa kanya.
"Hahaha, follow me." Natatawang sabi nito. Nagsimula na itong maglakad at sinundan ko na ito.
Mga dalawang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa isang magarbong dining area.
Sumalubong sa akin ang nakangiting si Felix at ang mga maid na akala ko mga robot.
Jusko, hindi ata gumagalaw itong mga maid. Kahit na kagatin paman sila ng lamok.
Nasa gilid ang mga ito nakalinya. Hindi ko mapigilang mapa hanga, iba talaga pag mayayaman.
Teka, ganito ba mga bahay ng mga mafia boss na nakikita ko sa movie?
"You're here! Let's eat." Masayang sabi ni Felix. Tumango nalang ako at umupo sa upuan na tinuro niya.
Ngayon kaharap ko na ang magkatabing Felix at Luke. Nilibot ko ang aking paningin sa buong mesa.
Napalunok ako sa dami ng pagkain na nasa hapag. Jusme marimar, may piesta  ba? May okasyon ba? Ba't ang dami?
"Don't be shy." Nakangising sabi ni Luke sa akin pero sinamaan ko lang ito ng tingin?
Gutom na gutom na ako, mahihiya pa ba ako? Pagkain na lumalapit sa akin.
Nagsimula na akong kumuha ng mga pagkaing gusto ko at nilagay sa plato.
Nagsimula na sila na kaming kumain. Nilibot ko ang aking paningin.
Wow, hindi parin gumagalaw mga maid. Ilang minuto naba silang nakayuko unti? Ako namamanhid sa kanila eh.
"By the way, I've been wanting to ask you this. But why of all people did you kidnapped me?" Nakataas kilay kong tanong sa kanila.
Natigilan ang dalawa sa pagkain. At nagkatinginan.
Lumiit ang mga mata habang pinagmamasdan silang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.
Humarap sa akin si Felix at ngumiti ng malapad.
Walang emosyon ko siyang tinignan. Kahit anong pagpapa-kyut niya sa harapan ko, hinding hindi na ako mahuhulog diyan.
"The truth is, we've made a deal. The three of us." Nakangiting saad ni Felix. Ang noo ko.
"Ano?" Mataray kong tanong. Ngumisi si Luke sa akin.
"Boss need a woman who will become his temporary wife, and because he doesn't like it, he's annoyed and he ordered us three." Mahabang lintanya ni Luke.
"And?" Tanong ko sa nakangising Luke.
"If we don't find him a girl in one hour, he will kill us." Malungkot na saad nito. Tinignan ko siya ng parang nahihibang na ito.
"We don't want to die yet." Naiiyak na sabi nito at pinahid kuno ang luha na tumulo sa kanyang pisngi.
Napipikon akong tumingin sa kanilang dalawa. Napansin ni Felix ang pagtingin ko sa kanya kay umakting narin ito.
"So we made a deal, we're going to kidnapped the first person we see on the street." Napaawang ang aking mga labi habang hindi makapaniwalang tumingin sa dalawang demonyo na nasa harap ko.
"And it is you who we found first, so yeah you got it." Parang wala lang sabi nito.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa dalawa. Nag-iwas lang ang mga ito ng tingin habang nakangiti parin.
Mga yawaa mo!!!

Book Comment (2110)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    hehehe

    19h

      0
  • avatar
    Merry Claire Ramos

    goods

    2d

      0
  • avatar
    DacutananEric

    It's great

    4d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters