logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Habang nasa biyahe nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng jeep na sinasakyan ko.
I wonder kung ano kayang magiging kapalaran ko ngayong bubuksan ko na ang panibagong kabanata ng aking buhay. Kapag sinabi kasing panibagong kabanata ibig sabihin panibagong pagsubok din ang kinakailangang haharapin.
Napag- isipan ko na namang mabuti dati pa na ito ang kukunin ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang tanungin ang sarili ko. Tama kaya ang landas na tinatahak ko? Pa'no kung mali pa lang kurso ang ipu-pursue ko? Pa'no kung mahirapan at bumagsak ako dito? Pa'no na? So, mag-aasawa nalang talaga ako?
Kidding baka mapalayas ako ng wala sa oras.
Ngayon, isa lang naman ako sa thousands or maybe millions na mag-si- senior high school at hanggang ngayon lito padin sa kursong kukunin.
Unang-una hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang pangarap ko sa buhay. Pangalawa sana nakinig ako sa orientation na naganap no'ng time na tinatalakay ang iba't-ibang kurso bago kami grumaduate ng grade 10 eh 'di sana hindi ako bokya ngayon. Hay naku, lagi talagang nasa huli ang pagsisisi.
Bigla akong napalingon nang biglang tumigil ang jeep at sumakay ang isang lalaki. Hindi ko mapigilang mapatulala sa poging nilalang na pumasok. Ang pogi mga beh. Help baka mahimatay ako nito nang wala sa oras!
Inayos ko ang sarili ko para makaupo siya. Pinagmasdan ko lang siya ng pasimple hanggang sa makaupo ito. At dahil nga nasa may bandang tagiliran ko ito nakaupo ay malaya kong nakikita ang kanyang poging mukha. Maitim at makapal ang kanyang kilay, kay tangos din ng kanyang ilong, makapal ang ibabang labi nito at dinaig pa ang lips ko sa pagkapinkish. Messy hair din, pero bagay sakanya. Mukha siyang inosenting bagong gising. Kaya lang sobrang init na nga ng panahon dumagdag pa kahot-an niya. Charot!
Ang gusto kong sabihin, ang init-init na nga ng panahon pero nakajacket ito. Hindi kaya snacther 'to? My gosh!
Agad kong tinago ang phone na hawak ko sa aking shoulder bag. Aba nag-iingat lang, mga tao ngayon mapa-gwapo't maganda kapag gipit sa patalim din kumakapit. OA ko gagstick. Pero kasi sabi nga sa kasabihan, it's better to be safe than sorry.
Napadapo ang aking tingin sa kanyang leeg, kung nasaan ang kanyang adams apple. At dahil napatitinig ako do'n ng mga 3 seconds nakita ko ang bahagya niyang paglunok.
Dahil do'n sa paglunok na ginawa niya parang gusto ko tuloy hawakan ang adams apple niya. Nagulat ako nang bigla itong tumingin sa may gawi ko, kaya dali-dali kong binaling sa ibang direksiyon ang aking mga mata. Mahirap na baka ano isipin nito kapag nahuli ako nakatingin sakanya. Pa'no nagmumukha akong manyak sa ginagawa kong 'to! Pero ano namang pake ko?
Pa-cute kong hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ko at inipit 'yon sa likod ng aking tainga.
Nang silipin ko ito nang pasimple hindi na siya nakatingin sa direksiyon ko kaya do'n ko siya muling pinagmasdan. His eyes was fixed sa ibang tao, nagtataka bakit do'n nakatuon ang atensyon niya. I mean p'wede naman dito sa side ko for at least makakakita siya ng magandang nilalang 'di ba?
Hindi ba nararapat lamang na mapunta sa'kin ang kanyang paningin sa katulad kong marikit na dilag? Psh.
Pa'no niya ako mapapansin? Aha!
Kumuha ako ng bente pesos sa shoulder bag ko. Tutal medyo tanghali na ay p'wedeng- p'wede na naman akong magbayad ng perang papel. Ang sabi lang naman sa karatula ng mga jeep ay, barya lang sa umaga hindi naman nakalagay na pati sa tanghali ay barya din 'di ba? May point ako?
I know right!
Malapit na akong bumaba, kailangan ko na palang magbayad. Sayang kung wala lang pogi at hindi ko gustong mapansin niya magwa-1 2 3 nalang ako.
Charot! 'Di gawain 'yan ng mga diyosang katulad ko.
Nag-ipon muna ako ng kaunting lakas ng loob bago i-abot ang pera- sakanya tutal siya ang nasa unahan ko. "Bayad ho! Paabot, kuya... pogi." Medyo nilakasan ko ang pagkakasabi ko no'ng bayad ho pero humina do'n sa kuya pogi. Mahirap na baka lumaki pa ulo. Sinigurado ko naman na hindi niya maririnig 'yon, parang utot sa hina tipong ako lang makakarinig.
Agad niya naman itong kinuha sa kamay ko at inabot sa babaeng nasa unahan niya. "Bayad raw ho, paabot!" Shocks! Ang pogi rin boses.
"Bente! Saan bababa?" Tanong ni manong driver habang nakataas ang isang kamay na may hawak benteng papel which is 'yung binayad ko.
" lang ho, manong!" Sigaw ko pabalik. Kung bakit kailangan sumigaw? 'Yon ay dahil nasa may bandang hulihan lang naman ako nakaupo, baka hindi marinig. Ayaw na ayaw ko pa naman paulit-ulit. Unli lang ang peg?
"Sukli sa bente!" Sabay abot nito sa likuran niyang pasahero.
Pinagpasa-pasahan ito bago nakarating sa patutunguhan kung saan naghihintay ang tamang taong nagmamay-ari nito.
Ang sukli pala ay parang puso lang din ng isang tao. Dadaan muna sa mga maling tao, matatraffic sa kung saan pero ang ending sa tamang tao pa rin ang patutunguhan. Taong aariin at ike-keep ito.
Aba hugot ka beh? Ang tanong may jowa? May jowa? Sabi ko nga shut up nalang.
Inabot na sakin yung sukli ko ni kuyang pogi, "S-Salamat." Nautal kong sambit. At nautal ako hindi dahil nagpapabebe ako!
Tamang harot ka beh?
Tumingin lang ito saglit pero agad rin umiwas ng tingin. Nagtataka na ako kung ano nga ba nakakuha ng kanyang atensyon kaya naman sinundan ko ang mga mata nito kung saan nakatingin. Napataas ang aking kilay- to the highest level sa nasaksihan mga beh!
My gosh? For real? Bakit?!
Nakatingin siya do'n sa poging nasa harapan niya. Ouch, pain, pighati, lumbay, hinagpis, kirot, hapdi, sakit, pagtangis, iyak, lungkot, siphayo, dalamhati, puot, daing, luha, hina, sawi. 'Di joke lang. Malayo sa atay, balon balonan, kidney at apdo kaya 'di naman masakit... sobrang sakit lang.
Grabe kana talaga 2022. Mga pogi ngayon sila sila nalang din nagkakagustuhan. Umay!
Nakaka-insulto ayaw niya sa diyosa! Kawalan niya hindi ko!
"Para, Manong!" Sigaw ko. Kasi kung hindi pa ako sisigaw baka lumampas na ako.
Dali-dali akong bumaba sa jeep. Hawak ko pa rin pala 'yung sukli ko kanina, hindi ko pala nalagay sa wallet. Namawis tuloy kamay ko.
Habang inilalagay ko na sa wallet ang pera ko, napansin kong sobra ito. Or baka sa pambata ang bayad na kinuha sakin. Iba-iba naman pamasahe, may discount kapag mga bata at mga senior citizens. Tapos ang mga katulad kong dalaga na wala na dapat discount!
Sinamaan ko nga ng tingin ang jeep na binabaan ko. So ano mukha akong bata at hindi dalaga?! Grrr grabe manong, isa kapa, nakaka- insulto ho!
Psh hayaan na nga.
Kasi kunsabagay advantage na din tutal kailangan ko magtipid. Ayos na din.
"Vieeeeeen!" Sigaw ko nang matanaw ko ang aking best friend na si Vivien.
Tatawid palang ako pero kita ko na ang kunot na kunot niyang nuo. Lagot!
Galit 'to panigurado, sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung pinaghintay ka ng ilang oras?
'Di bale na kunting bola lang nito katapat. Hindi ako matitiis niyan, marupok yan eh.
Nang akmang yayakapin ko na siya at hahalik sa pisngi niya ay umiwas ito.
Hala! Galit nga, what to do?
"2 hours, 47 minutes and 25 seconds late! Wow Kem ha? Almost 3 hours mo lang naman ako pinaghintay and worst dito pa sa labas ng school." Seryosong sambit nito, napalunok ako dahil do'n. "Ihhhhh okay lang beh kahit malate ka ng ilang oras. No worries HAHAHHAHA! Kita mo 'yun? 'Yung naka-white T-shirt at black na shorts? Ihhhhh si crush 'yon, beh. Crush ko since grade 6 ako. At sa tinagal-tagal kong crush yon ngayon ko lang siya natitigan ng matagal! My heart hahahhaha!" Tuwang-tuwa ang babaita, hinampas hampas pa ako sa balikat.
Kilig na kilig yarn? Sus akala mo naman may pag-asa naku HAHAHHAHA! Pasulyap- sulyap pa kung nasaan yung crush niya. Nasa may kabila kasi ito, kung baga kapag hindi kapa nakakatawid sa pedestrian line makikita mo silang dalawa magkabilaan. Si Vien sa kaliwa at yung crush niya naman sa kanan habang pumapagitna sakanila yung malaking gate ng school. Nacks magkabilang mundo ang peg nila.
Wow! Kaya pala nabilang niya oras 'no? Isinali pa minuto at segundo. Gano'n niya pala natitigan crush niya.
Bumeso na siya sakin, grabeng arte kanina. May paiwas-iwas effect pa tapos ngayon bebeso-beso siya. Halatang nabuang na 'to. Ay mali, lakas ng amats nito sa crush niyang hanggang sa panaginip niya nalang magiging jowa. Tinamaan ng lintik na pana ni kupido.
"Oh? Ano naman kaya ginagawa niya diyan?" Pasimple kong tanong habang pinagmamasdan magiging reaksiyon niya.
"Ewan ko. Tanungin mo kaya, tingin mo alam ko? Ano ako manghuhula? Malay ko sakanya, nang dumating ako dito ilang minuto lang pum'westo rin siya diyan. Baka napagod kaya nagpahinga siya diyan? Kaso almost 3 na kaya impossibleng nagpahinga lang siya diyan. Baka naman may hinihintay...?" Natigilan ito nang marealize yung huli niyang sinabi.
Ibang klase talaga 'tong bestfriend ko. Isang tanong, ang dami na agad nakuda.
"Nadale mo beh! May inaantay siyang iba. Kilig na kilig ka kahit wala naman itong ginagawa sayo without knowing na may iba pala itong gustong pakiligin, at 'yon ay walang iba kundi ang inaantay niya. Baka girlfriend niya? Kasi come to think of it, hindi siya magtitiis mag-antay ng almost 3 hours kung... kung sino lang ang inaantay niya." Natahimik ito at nag-umpisa nang maglakad papunta sa gate, sumunod naman ako dito.
Luh napasobra yata mga pinagsasabi ko? Pero kasi totoo naman. Yung crush niya kasi parang buwan, kay sarap pagmasdan, kay gandang pangarapin maabot at may kakayahan ito magpaliwanag ng madilim mong mundo pero ang buwan ay mananatiling buwan. In short, masarap tanaw-tanawin pero suntok sa universe kung abutin.
"Alam mo panira ka ng mood. Tagos to the bone mga sinasabi mo. Pero ayaw paawat nito eh..." Sabay turo sa dibdin kung nasaan ang puso. "... baka lang kasi, dumating 'yung time na makukuha ko din 'yung puso niya. Baka lang maaari niya rin akong mapusuan. Wala naman masama mangarap 'di ba? Sabi nga ng teacher natin, taasan raw natin ang mga pangarap natin para hayahay ang buhay!" Kita mo 'tong babaeng 'to, bipolar. Malulungkot tapos biglang sisigla.
"Beh oo nga't sabi ng mga teachers natin na taasan natin ang pangarap. Oo nga't may mataas kang pangarap pero h'wag mo rin kaliligtaan itanong sa sarili mo kung kaya ko ba 'tong maabot? Malaki ba ang possibility na makuha ko 'to? Kasi beh kahit may pangarap tayo kung impossible naman na mangyayari wala lang din patutunguhan. Kaya beh ito lang mapapayo ko sayo, kung mangangarap ka ay 'yung maaabot mo naman sana."
Lilinawin ko lang 'yung side ko ah? First and foremost, alam kong dapat sinusuportahan natin ang mga kaibigan natin hindi 'yung ida-down pa lalo. Pero kasi kung masasakit na salita ang makapagmumulat sakanya sa reyalidad, why not? I mean hindi sa lahat ng oras bilang kaibigan kailangan natin suportahan ang mga ito, may time na kailangan natin sila i-tama sa maling pananaw nila sa buhay. Kasi gano'n naman talaga dapat for I know that as a friend, we, shouldn't tolerate our friend's bad doing or believe. Let's just say na we're saving them from more heartbreaks and stress.
"Waah ang sakit mo naman sa atay, beh. Ginaganahan ako kanina pero bigla mong sinira huhu pero may point ka. Haist! Tara na nga sa loob." Malumbay na sambit nito. Sabay hawak ng mahigpit sa braso ko.
Hindi ko namalayan na narito na pala kami sa tapat ng pintuan ng classroom kung saan kami mag-eentrance exam. Binati namin ang facilitator at agad naman kami nitong pinapasok. Pinaiwan sa amin ang aming dala-dala at tanging lapis at ballpen lang ang required na dala once na makapasok. Naghanap kami ng bakanteng upuan, nang makahanap kami ay umupo na kami. Nasa may bandang likuran na kami nakaupo dahil do'n na lang ang bakante.
Instant artista pa kami ni Vien beh kasi nakatingin sa amin ang lahat. Hindi ko sila tinapon ng tingin, kunyare suplada ang dating pero ang totoo maingay at madaldal pala. Bago nagsimula nagbigay muna ng mga ilang paalala ang facilitator. Nalaman kong pang-second batch na pala kaming mag-eexam ngayong araw, mabuti nalang at nakaabot pa kami. May 50 minutes din kaming palugit bago tapusin ang exam. 100 items pa naman 'tong exam tapos 50 seconds lang. Mayro'n akong 30 seconds per item para matapos ko 'to. Kung hindi ko ito masusunod, tatagilid talaga resulta nito.
Nang ma-idistribute na ang test paper mas lalo akong pinagpawisan although may aircon dito sa loob. Sadyang kinakabahan talaga ako ngayon. Wala naman akong mareview since hindi naman na kailangan magreview. Ano nga naman kasi irereview 'di ba? Ang lagay, bahala na si spiderman.
This is it pancit! Wala ng atrasan. Sinimulan ko nang sagutan ang mga tanong. Nilalampasan ko mga tanong na hindi ko alam ang sagot habang patuloy kong sinasagutan ang mga tanong na alam ko ang sagot. Kasi kung pipilitin kong sagutan ang mga tanong na hindi ko alam baka abutin akong next year bago matapos ang exam.
Pero babalikan ko naman 'yan mga nilaktawan kong mga items after ko matapos sagutan ang mga tanong na alam ko.
30 minutes had passed. 20 minutes to go, pero nangangalahati pa lang ang nasasagutan ko. Kahit shading shading lang ito marami-rami pa akong kailangang i-solve na mathematical equations, tapos nakakadugo rin sa utak mga patungkol sa science. At ang malala mukhang tagilid resulta ko nito ah, gahol pa ako sa oras. Tapos 'di kaya pa 'to, tiwala lang Kem.
"Pen's up, students." At sa wakas ay natapos na rin ang madugo-dugong giyera sa utak. "We will post the announcement once we already got the results of your exams. Just wait for it and goodluck. As of now, ye are dismissed!"
Ang mga test papers na sinagutan namin ay pinaiwan lang sa aming desk saka kami hiyaang lumabas.
Nang makalabas na kami agad na hinanap ng mga mata ko si Vien. Baka hindi ako nun makita agad, ang liit pa naman ng mga mata nun. Ibig kong sabihin sa maliit ay singkit. Tama ang singkit talaga ng babaeng 'to, chinita samantalang akin malaki daw. At mas lalong itong lumalaki kapag kinakailangan.
Nahagip naman siya ng mga mata ko si Vien. Halatang hinahanap ako pero at kita sa mukha niya ang pagiging iretable. Ang bilis talaga nitong mabadtrip. Parang toinks. Sarap kutungan.
"Pssst! Pssssst! Dito, beh!" Sinitsitan ko, parang toinks eh. Sarap kutusan.
Nang makita niya ako ay sumimangot niya. Yack nagpapacute ang babaitang singkit.
"Parang toinks ka kanina, do you know?"
"Whatever, panget mo kabonding." Pagtataray nito.
"Panget man ako kabonding hindi pa rin nun matatabunan ang aking kagandahan." I flip my hair sabay tawa na parang baliw.
"Wow! Sariling angat, beh? Self-love yarn?" Aba ayaw talaga patalo nito. Gagstick hindi nalang mag-support.
"Tara na nga sa next destination natin at baka hindi kita matantiya ipatapon na kita sa mars nang hindi mo na makita yung crush mong hindi naman ikaw ang nais."
Nginusuhan niya lang ako.
Kung pang-iinis lang ang usapan marami akong baon niyan. Unlimited kaya naman lesson learned na dapat yan sakanya.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng gate, kasabayan namin ang mga nakasama namin mag-exam sa room.
"Ang speaking of crush... ayon Tristan mo. Tristan mong sa panaginip mo lang magiging iyo." Napatingin siya sa gawi kung saan nginuso kong pwesto ni Tristan. Emotional savage 'yon I know. Mas maaga siyang magigising sa katotohanan the better.
Dahil mula sa gawi namin kitang-kita namin ang crush niyang may kasamang girl. At hindi lang basta kasama, nagtatawanan sila with matching holding hands. Peste dito pa nagharutan ang mga 'to.
Sarap sigawan ng "Get a room, guys! Huwag kayo dito maglampungan dahil may masasaktan." At 'yon ay ang bestfriend ko. Kahit binubully, nilalait at sinasaktan ko 'to, lave na lave ko naman siya. Kaya bukod sakin wala ng may karapatan na manakit dito.
Speaking of nasasaktan, hindi nga ako nagkamali. Mapatulala pa siya do'n ng malungkot.
"Ay may jowa na pala talaga siya 'no, beh? Hanep ang sakit naman." Sabi na kasing mas maiging huwag na siyang umasa para hindi na masakit eh. Kita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya. I know pipigilan niya lang na huwag siyang umiyak.
Kaya naman inakbayan ko siya at pinalapit sa'kin, do'n ko tinapik-tapik ang balikat niya. "Kalmahan mo lang, beh. Ang puso mo. Masama yan."
"Sana parang chat message nalang yung feelings natin. Para if ever na hindi tayo pupusuan or ni-like ng taong gusto natin p'wedeng-p'wede natin itong i-unsent. P'wede natin i-unsent lalo na kapag inignore lang. Sana gano'n lang kadali para hindi m-masakit...dito." Tinuro niya sa dibdib kung nasaan ang puso. Natahimik ako bigla sa sinabi niya, gano'n na talaga kalalim ang nararamdaman niya para kay Tristan?
"Beh dapat mong tandaan na kapag nagkagusto ka sa isang tao, choice mo 'yon. Kaya nasa sa sa'yo na ang choice kung patuloy kang aasa at sasaktan ang pag-ibig na hindi naman para sa'yo. Kasi hindi naman natin mapipilit na gustuhin din tayo pabalik ng taong gusto natin. Dahil unang-una sa lahat may sarili silang puso. Wala tayong karapatan na magdemand sakanila lalo pa't hindi naman natin hawak ang puso nila."
"Bakit kasi ang tanga niya? Nandito naman ako handang-handa siyang ipaglaban, bakit sa iba parin siya napunta? Bakit hindi nalang ako?" Tanong nito.
Gusto ko sanang sabihin na, aba malay ko naman sakanya. Siya kaya tanungin natin beh nang malaman natin ang kasagutan. Pero huwag na lang pala seryoso usapan namin ngayon at any moment magwawala na 'to. Baka makita ko nalang nagro- rorr rorr na. Dinosaur pala ang babaitang singkit.
"Bakit nga ba tayo nasasaktan sa mga taong hindi tayo kayang mahalin pabalik gaya ng pagmamahal natin sakanila? Pero mas tamang itanong na, bakit parang kasalanan pa nilang hindi nila masuklian ang feelings natin? Where in the first place it's our choice to be blindly in love with them. It's our choice to choose them more than ourselves. It's our choice that led us to false hopes that maybe they will love us too or it's our choice to expect something in return. It's our choice to risk for them without assurance. It's our choice to chase them making us look like fools. Now, nasa sa'yo ang desisyon. It's either stop loving him or keep hurting yourself?" Mahabang lintanya ko sakanya.
"They say, love is true when you know it hurts. So even if we know that loves ends painfully, despite knowing the price we still pay it, over and over again. We pay it for we believe that it makes our life worth living and because love is always worth it. Sa buhay natin minsan lang tayo magmamahal kaya naman I will fight for it. No matter what the circumstances this life may bring to me, I am more than ready to face it all just for him. I will do everything just to get his heart. By hook or crook his heart is going to be mine. Itaga mo yan sa bato!" Pursigidong sambit nito. May diin ngunit walang bahid ng ano mang pag-aalinlangan na makikita sa mukha niya habang nakatingin sa dalawa. Kay Tristan at sa jowa niya. Well it's more like I don't have a choice but to help her with all I can. She's my best ever friend, I don't want to see her cry nor sad. Kaya naman Tristan brace yourself because my best friend will get your heart with or without your will.
"Anyway, english yarn, beh? May jowa? May jowa? Hahaha dami mong alam. Tara na nga!" Pagbabago niya sa topic. Kaya sabay nalang kaming natawa sa mga pinagsasabi namin.
Kasi narealize namin na parehas pala kami walang jowa.
"Pero in all fairness, beh ang galing na natin mag-english 'no? Tapos ang dating para tayong expert sa tinatawag na love hahahaha!" Tama siya kung iisipin wala pa kaming nagiging karelasyon pero ang dami na naming alam.
Well, ano pa bang aasahan mo sa?
Nagtungo na kami sa dapat naming pupuntahan bago pa kami magbardagulan.
We're already here at school supplies store. Naghiwalay muna kami ni Vien para makapamili narin siya ng kailangan niya. Busy ako sa paghahanap ng magandang klase ng ballpen, gusto ko kasi yung maliit lang ang tinta para hindi marumi sa notebook.
Nakita ko naman agad ang brand na gusto ko sa ballpen, nag-iisa nalang ito at medyo may kataasan ito kaya kinakailangan ko pang tumingkayad para maabot ito. Nang aabutin ko na ay may biglang kamay na naunang kumuha. Gagstick ako ang nauna, hindi p'wede ito! Asar ko itong binalingan ng tingin ang pangahas na umagaw sa ballpen ko.
He is-
This can't be! Am I dreaming? No, I'm more than having a nightmare at this time seeing his handsome face.
WHAT? DID I JUST SAY HANDSOME?!

Book Comment (67)

  • avatar
    Kennard M. Manuel

    good

    04/08

      0
  • avatar
    VelasquezDanissa

    ang Ganda po Ng story

    03/08

      0
  • avatar
    Dave Lucino

    I love the story it's great

    06/07

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters