logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 Bun

“May natanggap ka raw na regalo? Mula sa confession booth.”
Tumigil ako sa pagsipsip sa float. Pinandilatan ko ng mata si Aki. Ang gaga dito pa talaga tinanong.
“There is?” tanong ni Cedrick.
“Sinong nagbigay?”
Hindi ko na pinansin si Callum. Ako ba ang kausap niya o ang multong hindi namin nakikita sa kaniyang tabi?
Pagkatapos ng program ngayong araw ay napagdesisyonan ni Aki na magmeryenda muna sa fast food. Hindi ko akalain na pati pala si Cedrick at Callum ay kasama. Ngayon ay pinag-sisihan ko na ang desisyong aking ginawa.
Kung kailan ko iniiwasan si Callum ay siya namang hindi pag-sang-ayon ng tadhana sa akin. Nakakainis.
“Bakit naman kayo naku-kuryoso? E, hindi ko pa nabubuksan. Sa bahay na lang.”
“Seriously? Ayaw mong i-bahagi sa amin?”
Napairap na lamang ako. Dumapo ang aking tingin kay Cedrick. Bumagal siya sa pag-kain at parang hinihintay ang aking sagot.
“Sa bahay ko na lang bubuksan. Sulat lang naman siguro iyon dahil nakalagay sa envelope.”
“I’m sure it’s a love letter tho. Sino naman kaya ang taong may lakas ng loob na mag-confess ng pagsintang turorot sa’yo sa isang makalumang paraan? Ha?” nanliit ang mga matang tumingin sa akin si Aki, “May hindi ka ba sinasabi sa akin, Lara?” pang-iintriga niya.
Nabilaukan ako sa sinabi ni Aki. Tumaas ang aking balahibo sa batok.
“Gago, sino namang mag-kakagusto sa akin mula sa UC? Kapre?”
Si Cedrick naman ang nabilaukan. Lahat kami ay napatingin sa bigla niyang pagtawa. Umuubo pa siya habang tinatakpan ang kaniyang bibig. His eyes twinkled with playfulness.
Maging si Aki ay parang naiirita ang mga matang pinapanood si Cedrcik. Ramdam ko ang kaniyang inis.
“You’re funny, Lara,” aniya sa pagitan ng kaniyang pagtawa.
Ngumiwi ako. Seriously?
“It’s kinda sweet tho. Pero ang creepy pa rin.”
“I agree. Sino ba ang lalaking mag-co-confess sa isang sulat? That’s not right. Sana man lang nagconfess siya in personal. Before sending you letters as a sign of courting.”
Inubos ko ang float at sumandal sa likod ng upuan. Napaisip ako sa sinabi ni Aki. May parte sa akin na gustong sumang-ayon sa kaniyang sinasabi.
I’ve never been in UC. Sa mga kalsada at mataas na parte ko lang tinatanaw iyon. However, the thought of someone liking me from that University gave me goosbumps. Hindi dahil sa may nagkakagusto sa akin. Kung hindi dahil sa sarili ko.
That so low confidence I have. Sino namang tao ang magkakagusto sa akin? I believe, puro magaganda at gwapo ang nag-aaral sa UC. Usap-usapan din iyon sa iba’t ibang eskwelahan sa tuwing may mga patimpalak sa mga eskwelahan ng Cordillera.
No one would ever like me like what Aki is saying. Napakaimposible…
“Well—”
“Hindi niyo pa nga nabubuksan iyong envelope parang sigurado na kayo na confession letter iyon. Paano kung sulat iyon mula sa UC saying they are now open for entrance exam for scholars?”
Mabilis ang ginawa kong paglipat ng tingin kay Callum. Ang kaniyang tingin ay deretso lamang sa float na nasa kaniyang harapan habang pinaglalaruan iyon ng kaniyang mga daliri. Swabe ang kaniyang pagkaka-upo sa kaniyang upuan na para bang wala siyang paki-alam kung nasa public place siya.
He’s been quiet the whole time. Tapos ngayong nagsalita na siya ay mukhang magkakaroon na naman ng panibagong away.
“Potangina mo, Callum tumahimik ka.”
Napahilot ako sa aking sentido. Ang lutong magmura ni Aki.
“Just saying.”
Sumulyap sa akin si Callum ngunit mabilis ding ibinalik ang tingin sa float na hawak. Naku. Nagsalita pa kasi.
“Hindi ka naman nagseselos diba? Tumahimik ka na lang, Callum dahil ako. I am proud of Lara, dahil sa wakas may nag-confess na rin na may gusto sa kaniya. At sa makalumang paraan pa ginawa. Ang sweet hindi ba—”
Napatigil sa pagsasalita si Aki nang bigla siyang subuan ni Cedrick ng burger na kinakain. Kunot na kunot ang noo ni Aki habang pilit inilalayo ang kamay ni Cedrick sa kaniyang bibig.
“Ikaw ang tumahimik. You are reading too much romance, Aki.”
Napahagikgik ako sa asal nilang dalawa. Kung magrarambulan man ang dalawa ngayon ay aalis na lang ako ng hindi nagpapaalam. Nakakahiya sila. Kahit saang lugar ay nag-aaway sila sa tuwing nakakakuha ng tamang tyempo.
Nginuya ni Aki ang nakagat na burger bago nilunok. Umangat ang kamay ni Aki. Malakas niyang kinutusan si Cedrick nang makuha niya ang kaniyang buwelo.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa. Napa-subsub na kase sa mesa si Cedrick at mukhang nauntog pa. That’s too much force...
“What the hell, Akira?!”
“Gago ka kasi! Bakit mo ako sinubuan ng burger gamit kamay mo ha?! Malay ko ba kung ginamit mo yan sa pagmasturbate noong nag-cr ka. Gross… Kadiri ka!”
Umakto si Aki na nasusuka sa harap ni Cedrick. Inilabas niya ang kaniyang panyo at pinunasan ang kaniyang dila.
Napangiwi ako. Mas lalong sumasakit ang ulo ko habang patagal ng patagal kong pinapanood ang dalawa. Nagdadalawang isip na ako kung iiwan ko na ba sila o hindi.
Cedrick stared at Aki. Blank and dangerous. Ako na ang natatakot kay Aki dahil sa tinging iginagawad sa kaniya ni Cedrick. Mukhang magkakapatayan na nga ang dalawa.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo. Kaya na nilang dalawang ang sarili nila. Sa tuwing may nangyayaring masama naman ay cargo naman ni Cedrick si Aki. Alam kong hindi niya hahayaan lang na mag-isa ang kaibigan ko.
Kinabukasan ay maag akong nag-ayos para maghanap ng bagong trabaho. Malaking adjustment ang gagawin ko dahil labas na sa pagpitas ng prutas ang gagawin ko.
Isa pa ay hindi ko pa nakakausap si Lola Merlin tungkol sa pag-alis ko sa planta. Ayos lang iyon sa akin dahil ayaw ko naman talagang pag-usapan ang nangyari.
Isang oras na akong naglalakad ay wala pa rin akong nahahanap na mga nakadikit sa mga restaurant o mga poste na nakalagay man lang na wanted o naghahanap ng mga katulong. Akala ko madali lang dahil ilang araw na rin akong naghahanap.
Where can I find good place for part time jobs though?
Nakakita ako ng isang lalaki na nagbibigay ng papel sa mga bawat taong dumadaan sa gilid ng kalsada. Ngumingiti siya sa bawat taong kaniyang binibigyan.
Kumunot ang aking noo. May voice amplifier na siya ngunit hindi ko rinig ang lalaki mula sa aking kinatatayuan.
Luminga linga ako sa paligid at mabilis na tumawid ng kalsada. Nilapitan ko ang lalaki.
“Hope you visit our company ma’am—”
Tumigil ang lalaki sa pagsasalita nang makita ako sa kaniyang tabi ngunit agad ding ngumiti at iniabot sa akin ang isa sa mga papel na hawak.
“Good morning ma’am! We are now in an urgent hiring for efficient people who can join our team. Apply now and be a part of our company!”
I slightly bowed my head infront of the guy. Inabot ko ang kaniyang hawak na papel at binasa ang mga nilalaman. Hiring sila ng mga nararapat na maging call center agent sa kanilang kompanya.
Sa itaas ay may nakasulat na malalaking letra ng ‘Urgent hiring’ gamitt ang Eras Bold ITC font at naka-italic. Sa baba ay nakasulat ang pangalan ng kompanya at ang mga kakailanganin upang makapasok. May interview pa palang kailangan na puntahan.
Nadismaya lamang ako nang makitang SHS graduate ang hinahanap nila.
Lumunok ako at tumalikod. Sayang…
I’m interested. Confident ako sa boses ko. I’m fluent in english and I can speak some different languages. Kahit nga mga malalalim na salitang pinoy ay kaya kong bigkasin ng tama. Kaya kong isabay ang aking iba’t-ibang mga banyagang salita sa tamang pagbigkas ng mga ito.
Tumigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng pagtawag.
“Hindi po kayo interesado ma’am?” nakangiti pa ring tanong ng lalaki.
Ngumiti naman ako at iniabot sa kaniya ang flyer.
“I am… Pero hindi ako pasado sa mga requirements,” sagot ko.
Tumalikod na ako ngunit pinigilan pa rin ako ng lalaki.
“Ano pong problema? May training pong gaganapin ng isang linggo before you can actually work para mahasa po ang pakikipag-usap niyo sa aming mga kliyente.”
“I’m not worried about that. Ang sinasabi sa requirements, you are looking for SHS graduates. Currently studying palang ako sa senior year.”
Lumapad naman ang kaniyang mga ngiti.
“No problem ma’am! Basta 18 above ang taon niyo.”
Ang aking ngiti naman ngayon ang lumapad.
Seryoso?
“Sigurado ka?”
“Opo. As long as kompleto po iyong ibang requirements.”
Malapad ang aking ngiti nang umalis doon. Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng mga taong aking nadadaanan dahil sa malapad na ngiting naka-dikit sa aking mga labi. Sa sobrang saya ay nae-excite ako para bukas.
Hanggang kaya ko pang pagsabayin ang pag-aaral at pag-tratrabaho ay gagawin ko. Hindi pwedeng si Lola lang ang nagta-trabaho sa aming dalawa.
Tumingin ako sa hawak kong maliit na card. Wala pa namang sahod si Lola ngayon. Kaya sigurado akong hindi pa nadgadagdagan ang laman nito. Isa pa ay inililista ko ang mga nagagasto ko tuwing ginagamit ko ang credit card namin ni Lola.
Sa isang credit card lang kasi inihuhulog ang mga sinasahod namin ni Lola sa planta.
Bago umuwi ay dumaan muna ako sa SM para bumili ng cellphone. Sigurado akong kakailanganin ko ito sa magiging bago kong trabaho.
Isa pa ay hindi ko na pwedeng hiramin na lang ng basta basta ang cellphone ni Aki. As we grow older, there are things that are meant to keep as a secret. Even though, we’ve known each other for a very long time.
Nang makauwi ako sa bahay ay agad kong inayos ang cellphone. Kinuha ko ang notebook kung saan nakasulat ang number ni Aki at mabilis na i-sinave iyon.
Matapos kong kumain ng tanghalian ay tinapos ko na ang aking ipinipinta. Tatlong oras din akong nangalay sa kaka-upo matapos lang ang pinta ko ngayong araw.
Kinuhanan ko iyon ng litrato bago nag-text kay Aki.
Ako:
Tapos na iyong ginagawa ko, Aki. Gusto mong tignan?
Na-eexcite ako sa magiging reply ni Aki. Hindi sa kung ano ang kaniyang magiging reaksiyon o komplimento sa aking ginawa kung hindi ay upang ibalita ang nangyari sa akin ang ngayong araw.
Gusto kong ikwento kay Aki ang nangyari. Para may mapang-huhugutan ako ng lakas ng loob. She knows how to cheer me up.
Napatalon ako sa gulat nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Nakita ko agad ang caller name ni Aki kaya’t mabilis kong sinagot ang tawag.
“Hello?” tanong ng sa kabilang linya.
Nawala ang ngiti sa aking labi. Ang ngiti ng kasiyahan kanina ay unti-unting napalitan ng kaba.
Ang boses na iyon…
Kakaiba sa boses niya sa totoo at sa linya ngunit kilala ko ang boses na iyon dahil minsan ko na noong narinig sa voice record.
Hindi ako sumagot. Nanatiling walang imik ang aking bibig. Pinapakiramdaman ko ang aking dibdib na bigla na lamang naghuramentado.
“Who is this?” tanong niya.
Natauhan ako at mabilis na pinatay ang tawag.
Shit! Nakalimutan kong nasa school pa pala sila Aki ngayon. Busy si Aki at Cedrick. Kaya siuro ay si Callum ang tumawag… at nakabasa ng text ko!
Damn!
Bago pa lang naman ang number ko. He won’t know. He won’t guest either.
Mabilis ko na lamang binuksan ang cellphone ko at naglog-in sa messenger chrome. Ang facebook account ko na matagal at minsan lang mabuksan noon ay magagamit ko na ngayon.
Nagtipa ako ng mensahe kay Aki. Ayaw kong mag-text ulit sa number niya at sabihing ako ang nagmamay-ari ng number na tinawagan ni Callum. Malaki ang tsansang si Callum ang makabasa ulit non.
Bago ko pa ma-off ang data ng aking cellphone ay mabilis na nakapag-reply si Aki.
Aki:
Hoy! Ikaw yong nagtext kanina?
Mabilis akong nag-tipa ng mensahe pabalik.
Ako:
Oo. Gaga, ba’t si Callum ‘yong tumawag?
Aki:
Gaga, wrong number ka!
Kumunot ang aking noo. Mabilis ang pagdaan ng kaba sa aking dibdib.
Ako:
It was your number. Nakasulat sa notebook ko.
Aki:
Magkita tayo after school. Sa sky ranch.
Ako:
Wala akong pang-entrance fee. Remember, I’m fired.
Aki:
Buraot, gaga. Libre ni Callum.
Nanlaki ang aking mga mata. Ang tawa na gustong lumabas kanina sa pagitan ng aking mga labi ay napalitan ng pagsinghap at kaba.
Ako:
Wtf, Aki?!
Tinawanan ni Aki ang aking naging reaction.
Aki:
Just kidding. Basta after school ha?
Ako:
Okay.
Hindi na muling nagreply si Aki. Sigurado akong malapit na silang umuwi.
Nagmadali naman akong ayosin ang lahat sa bahay. Ang aking mga ginamit sa pagpipinta ay inilagay ko na sa aking mga lalagyan. At itinago lahat sa kwarto.
Naghanap ako ng mapag-sasabitan ng aking ginawa ngunit napagtanto kong puno na pala ang aming maliit na sala ng mga nauna ko ng gawa.
Inilipat ko na lamang ang mga portrait ni Callum sa aking kwarto at doon isinabit lahat. Pinalitan ko iyon ng kakatapos lang. Medyo malaki ang canvas kayat malaki ang nasakop sa espasyo.
Hindi kagaya ng Don na nakita na ang mga porrait ni Callum sa sala. Ngayon ay maiiwasan ko na.
Hinintay ko si Lola na maka-uwi. 5:30 na nang maka-uwi siya.Sabay kaming kumain bago ako nagpaalam na aalis muna kasama si Aki.
Madilim na nang makarating ako sa Sky Ranch. Alam kong medyo matagal ring naghintay si Aki ngunit wala naman akong natanggap na text o chat mula sa kaniya.
Binuksan ko ang aking cellphone upang tanongin si Aki kung nasaan siya.
Ako:
Nasa entrance na ako, Aki. Nasaan ka?
Chat ko. Mabilis naman niyang sineen ang aking mensahe ngunit hindi ko makitang active siya. Marahil ay naka-off ang kaniyang status.
Aki:
Nasa may entrance rin kami. Ang liit mo gaga hindi ka namin makita. Where are you? Anong suot mo? Huwag kang makipagsabayan sa alon ng mga tao. Sa gilid ka dumaan. Nasa may gedli kami.
Sinunod ko ang sinabi ni Aki. Habang naglalakad ako sa may entrance ay mahigpit ang aking pagkakahawak sa aking maliit na sling bag na dala. Kinakabahan ako sa kung anong maabotan ko.
Kami?
Nagpalinga-linga ako hanggang sa mahagip ng aking mga mata si Aki kasama si Callum na nasa may gilid ng entrance. Naglulumikot din ang mga mata ni Aki at alam kong hinahanap ako. Si Callum naman ay pinapanood ang mga dumadaang alon ng mga tao.
Lumunok ako. Hindi ko alam kung lalapit pa ba ako o hindi na. Hindi ko makita si Cedrick.
Shit! Wala naman sigurong binabalak si Aki. Tangina, masasapak ko talaga ‘to kapag ako iniwan kasama si Callum mamaya.
Lumapit ako sa kanila. Hindi ko pinansin si Callum at hinawakan sa balikat si Aki upang palingonin sa akin.
Tumingin siya sa akin ng may pag-kasarkasmo.
“Aga mo ah,” aniya.
Napakibit balikat ako at ngumiti ng malapad.
“Hinintay ko pa kasing umuwi si Lola tsaka nag-paalam.”
“Buti pinayagan ka,” sabi ni Aki.
“Ipinabasa ko kasi sa kaniya ‘yong convo natin,” ani ko.
“Nabasa ba?”
“Hindi.”
Sabay kaming humagikgik ni Aki. Oo nga’t pinabasa ko kay Lola iyong convo namin ni Aki ngunit hindi naman mabasa ni Lola ng maigi lahat. She can read pero medyo malabo na ang mata ni Lola.
I planned on taking her to ophthalmologist next week. Bibili na rin ako ng glasses niya kung ano man ang sasabihin ng doctor. Also, anumang araw mula ngayon ay papatigilin ko na si Lola sa pagtatrabaho sa planta. Ayaw ko ng mahirapan pa siya.
Hindi ko pa rin pala nasabi na may interview akong pupuntahan bukas.
Think positive. Gusto kong pumasa sa interview bukas.
Tinanggap ko ang ibinigay na ticket sa akin ni Aki.
“Who paid the admission fee?” tanong ko.
Itinuro ni Aki si Callum na nasa kaniyang tabi. Kanina pa tahimik.
“Siya.”
Sinulyapan ko siya. Nagtagpo ang aming mga mata ni Callum. Ngunit sabay ding nag-iwas ng tingin.
Muli kong tiningnan si Aki. Tinataasan ako nito ng kilay at malapad ang ngiti.
Pinandilatan ko siya ng mata. Gusto ko siyang kurutin!
It’s nearly 6. Malapit na ang 7 o’clock kung saan magsasara na ang Sky Ranch. May ilang hindi na pinapasok dahil malapit ng magsarado.
The lights are stunning. Ang mga makikinang na mga ilaw na nakasabit sa bawat rides ay mas lalong nakabibighani. Naakit man akong sumakay sa mga rides ay ayaw ko.
Malamig ang simoy ng hangin. At sa bawat pagdaan ng hindi nakikitang elemento ay sumasayaw ang aking buhok. Para akong nasa ibang bansa…
Tiningala ko ang matayog na ferris wheel o mas kilala bilang Baguio Eye. Umaandar pa rin iyon at kita ko ang ilang mga taong laman nito mula sa baba hanggang sa gitna. Ang mga tao sa pinakataas na parte ay hindi na.
“Itali mo ang buhok mo, Lara. Learn to take care of it. Maganda ang buhok mo kapag naalagaan. Dalaga ka na,” ani ni Aki.
Iniabot niya sa akin ang panali ng buhok.
“You sound like my grandmother, Aki. Pero ang gusto niya, manatili akong bata.”
Inabot ko ang panali. Luminga ako sa paligid at hindi ko nakitang kasama niya si Callum.
“Huwag mo ng hanapin si Callum, Lara. Iniiwasan mo rin naman kapag nandito siya.”
Umirap siya kaya’t napatawa ako. Gawain na talaga niya yan.
“Where did he go?” tanong ko.
Ipinagsawalang bahala ko ang kaniyang sinabi.
“May kakilalala siyang nakabanggaan kanina. Ayon, sumama,” sagot niya.
Napailing na lamang ako.
“Mabuti na rin siguro iyon. I feel awkward with his presence. And a little bit…nervous.”
“Mabuti at hindi ka niya muntikang suntukin ulit? Katulad ng ginawa niya—”
“Stop, Aki… Kasalanan ko rin naman kung bakit muntikan na niya akong suntukin noon.”
Napahinga ako ng malalim. Ang unang pag-aaway namin ni Callum na ayaw ko ng balikan ngunit ilang beses na namang pinapaalala sa akin ng aking malikot na isipan.
Ang unang beses na muntikan niya akong masuntok dahil sa kagagahan ko.
“Tapos? Hanggang ngayon siya pa rin ang dahilan kung bakit tumatambol yan ng mabilis?” inginuso ni Aki ang aking dibdib. “Alam mo, Lara. Mas lalo kang mahuhulog kapag ipinagpatuloy mo ang pagtatago niyang nararamdaman mo kay Callum. It’s better if you confess to him directly hindi iyong mga rumors lang ang naririnig niya. Trust me. Baka nga i-crush back ka pa ni Callum.”
Napatawa ako. Napaka-imposible. Kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay hindi ko talaga kailan man naisip o iisipin na magconfess kay Callum.
Tinitigan ko si Aki. Ngayon ko lang napansin na nakadress pala siya. Off-shoulder dress iyon na kulay krema. Hapit sa kaniyang katawan at hanggang baba ng kaniyang tuhod ang haba. Nakalugay ang kaniyang buhok. Ang dating bagsak na kaniyang buhok ay naging kulot.
May kaonti pa siyang make-up sa mukha na hindi natanggal ng make-up remover.
“Kayo ang nagclose ng program?” tanong ko.
“Yep,” she said popping the ‘P’ na mas lalong ikinalitaw ng kaniyang collarbone.
“Anong oras natapos?” tanong ko.
“Around 4.”
“So I was late?” tanong ko, “dito.”
“Hindi. I came here 30 minutes before you arrive.”
“E si Callum?”
“I don’t know. I-tanong mo sa kaniya, hindi ko naman siya close,” sabi niya.
Kumunot ang aking noo.
“Bakit siya nandito?” tanong ko.
“Ask him,” maikling sagot ni Aki.
Nagkibit balikat na lamang ako. Gusto kong tanongin si Callum kung bakit siya nandito ngunit wala namang akong lakas ng loob na lapitan siya. Hindi rin naman kami bati.
Baka mamaya ay humantong na naman sa ibang pangayayari ang usapan namin ni Callum.
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni Aki. We both watched the people passing in front of us. Ang mga batang naghahabolan ay pinanood namin ng may ngiti sa labi.
May mga guard din naglilibot sa loob ng sky ranch.
Nang maalala ko ang dapat nasasabihin ko ay mabilis na ikwinento ko iyon kay Aki. Muntik ko ng makalimutan kong anong pakay ko sa pagsipot.
“Paano mo nalaman na ako ang nagtext kung hindi naman pala ikaw ang nakarecieve ng mensahe ko?” tanong ko kay Aki.
Ipinagpipilitan niya kasi na ibang number ang napadalhan ko ng mensahe. I can still remember. Siya ang nagsulat ng number na iyon sa notebook ko.
“Callum saw my name on it kaya siya nagtanong sa akin,” sagot naman ni Aki.
“And then?” tanong ko.
“You don’t get it, do you?” tanong ni Aki. Pinatunog niya ang kaniyang dila nang hindi ako sumagot. “Compare the number written in your journal tsaka iyong nakasulat sa maliit mong notebook. See the difference,” sabi niya.
Tumango ako. Sa pagkaka-alala ko ay walang numero na nakasulat sa journal ko. It was all clean. Ngunit kailan ba noong huli kong sinulatan ang journal na iyon? Simula noong araw na nawala hanggang sa bumalik bigla?
“How about the painting? Kailan ko makikita?”
Tiningnan ko si Aki. Malapad ang kaniyang ngiti.
“Pwede mong bisitahin sa bahay kahit kailan mo gusto. Nakadisplay naman sa sala,” sabi ko.
“Cool. You’re the best!”
Pumalakpak si Aki at malakas na napahiyaw. Ilang mga tao ang napatingin sa aming pwesto dahil sa kaniyang ginawa. Kita ko ang tuwa niya mula sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang mga labi.
She’s not faking them…Minsan kasi ay pinepeke niya ang kaniyang mga tawa at ngiti lalo kung pagod. Hindi ba siya pinagod ng paghahanda hanggang sa magtapos ang foundation day?
Kasi ako? Kahit magbantay lang sa Book space ang ginawa ko ay napagod na ako.
Nagring ang cellphone ni Aki mula sa loob ng kaniyang bag. Sinagot niya iyon at lumayo sa akin ng kaonti.
Napahaplos ako sa aking leeg nang bigla kong maramdaman ang malamig na pagdampi ng hangin sa aking balat. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Tumalikod ako mula sa mga tao upang harapin ang mga nagkikislapang mga ilaw mula sa mga bahay sa ibaba.
No wonder why it is the capital city of Cordillera. It is so magnificent…
City lights are indeed beautiful especially at night.
“How long are you gonna keep your hair in a bun?”
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses na iyon sa aking likuran. Ang dumadagundong at malamig niyang boses ay nagpataas sa aking balahibo.
Nilingon ko si Callum. Mabuti na lamang at may isang dipang layo siya mula sa akin. Kahit papaano ay napanatag ako.
“Kung gaano katagal ko gusto.”
Pasimple akong napahaplos sa aking dibdib. I wanna keep my straight face.
Tumagilid ang ulo ni Callum. Tumiim ang kaniyang pagtitig sa akin na para bang sinusuri ang buo kong pagkatao.
“Hindi ka nilalamig?” tanong niya.
Umiling ako. Medyo naasiwa sa kaniyang tingin.
“Why do you even care? Akala ko ba umalis ka na?” tanong ko.
I remained calm.
He pressed his lips together upon hearing my question, trying to calm his temper also. I think…
“Baliktad ka. Kung kailan walang init saka ka mag-tatali ng buhok?”
“Uulitin ko lang, Callum. You don’t care kung ano man ang gagawin ko. Please…just shut up. Napapagod na akong makipag-away sa ‘yo. Ang hirap mong kalabanin…”
Nanubig ang aking mga mata. Ngunit sa biglang pagdilim ng aming kinalalagyan ay alam kong hindi niya iyon makikita. My voice sounds like pleading…
Ngunit ang pang-huli kong salita. Ay sigurado akong hindi niya narinig sa sobrang hina ng aking boses.
Naramdaman ko ang kaniyang paglapit sa akin. Kusang umatras ang aking mga paa ngunit napagtanto kong nakasandal pala ako sa batong harang sa aking likuran.
“We should have been in good terms if not about your actions, Lara…” saad niya sa mahinang tono na alam kong kaming dalawa lang ang makakarinig.
Lumagpas ang aking tingin sa kaniyang likuran. Iilan na lamang ang mga tao sa loob ng Sky Ranch. Kahit mag-sigawan pa kami ngayon ay maliit na eskandalo na lamang ito.
“I’m admitting my mistake. Pinagsisihan ko na kung bakit pa ako nakipag-laban sayo. Kaya nga kita iniiwasan, Callum…”
Suminghot ako. I lost it… Tumulo na ang aking mga luha. Alam kong narinig niya rin iyon.
“Umiiyak ka...”
Hindi ko alam kung nabibingi na ako dahil sa biglang paglambing ng kaniyang boses.
Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha.
“Hindi. It’s just the cold breeze,” sabi ko.
Napasinghap ako nang maamoy ko ang kaniyang panlalaking pabango. Nasara na pala niya ang aming distansiya nang hindi ko namamalayan. His manly scent is travelling through my nostrils down to my stomach. Kiniliti nito ang aking tiyan na para bang may mga paru-parung nag-liparan.
Hindi ko na muling narinig ang pag-imik ni Callum. Ngunit ramdam kong sa akin pa rin nakadikit ang kaniyang mga tingin.
Tumingin ako sa aking mga paa at ngumiti.
“Napatalsik mo na ako sa planta ng Lolo mo. Alam kong tapos na rin ang away natin. Let’s go back to being strangers, Callum. Katulad noong unang pag-kikita natin. Walang pansinan, hindi ba?” sabi ko.
I’m fine with it. Kung hanggang tingin na lamang ako ay mabuti. I don’t want this set-up. Ang nagpapansinan naman kami ngunit palaging may away.

Book Comment (104)

  • avatar
    LI NG

    The story is very nice

    21/07

      0
  • avatar
    Kira Lawas

    wow

    17/07

      0
  • avatar
    Dominguez Jay

    nice story

    05/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters