logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER SEVEN

Fake friend...  "Everyone, thinks that we're perfect. Please don't let them look through the curtains..."
Parang tumigil ang mundo ko noong nalaman kong pinatay nila ang sariling kaibigan namin. Ni-hindi ko nga alam kung sino pa ang dapat kong paniwalaan sa kanilang lahat. Hindi ako makapaniwalang nag-away silang lahat, nagpatayan pa. Para lang makaalis sa putanginang islang 'to.
Ganoon ba kahalaga ang Ridge clan na 'yon para patayin nila ang kaibigan nila?
Hindi na sila ang mga kaibigang kilala ko.
Hindi ako nagsalita mula kagabi. Iyon ang simula ng lahat. Nakawala na kami kay Sunny pero nandito pa rin sila sa paligid. Nagbabantay sa hangin.
Paano ko sasabihin sa kanilang nasa akin ang susi? Papatayin din ba nila ako gaya ng ginawa nila kay Celine? Isasakripisyo ba talaga nila ang pagkakaibigan namin para lang sa Ridge?
"Gaano ba kahalaga ang Ridge para magpatayan kayo?" nanlulumong tanong ko sa kanila. Nandito sila ngayon sa isang kwarto. Ibang kwarto. Nagpapagamot sila ng sugat.
"R-Rackhie, sorry..." boses iyon ni Ravenne--- ah, Farrah nga pala. Ayaw ko pa rin siyang tawagin sa pangalang iyon dahil sa pagsisinungaling nilang lahat sa akin.
"Puro na lang kayo... sorry," tuluyan nang tumulo ang luha ko. Inaalala ang mukha ng kaibigan kong hindi ko manlang natulungan. Wala manlang akong nagawa para tulungan siya dahil hindi nila sinabi sa akin agad lahat.
"Hindi namin inakala na isasama ka ni Ameer kaya hindi namin napagplanuhan. Hindi ko alam na hahantong sa ganito," sagot naman ni Landrice na nasa kabilang higaan pero kasama lang ni Ravenne rito sa kwarto. Halatang paiyak na rin siya pero pinigilan niya ang sarili.
"Niloko niyo akong lahat eh..." halos pabulong kong sabi.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong kung ano pang tinatago nila sa akin. Ngayon, alam ko na talagang hindi kaibigan ang turing nila sa 'kin.
"Ipapaliwanag ko lahat sa 'yo," naging kalmado ang ekspresyon ni Ravenne. "Pero ngayon, kailangan muna namin ng tulong mo para mahanap 'yung susi palabas. Kapag nakuha 'yon nila Sunny, papatayin na nila tayong lahat at hindi na tayo makakalabas dito." paliwanag niya tsaka tumingin kay Landrice na nakatingin din sa kanya.
"Anong plano mo?" tanong nito sa kanya.
Umiling si Ravenne at napahilamos ng mukha, " Hindi ko alam. Ang hirap kumilos kasi ang dami na nilang pinatay kahapon," sabi niya habang nananatiling nakalagay ang palad sa mukha niya.
"Ano bang susi 'yon? Anong meron do'n?" tanong ko. Paano ko sila matutulungan kung wala manlang akong ka-alam-alam? Pakiramdam ko tuloy ay napakawalang kwenta ko. Kahit na may pakiramdam ako na ang batong hawak ko ang susi, gusto ko pa ring itanong 'yon.
"'Yung susi, 'yon lang ang ginagamit namin palabas. Kami-kaming mga bampira lang ang nakakapasok dito dahil sa kakayahan naming maglaho. Iyon ay dahil noong dumating ka rito ay wala pang nangingialam sa lagusan. Pero kinuha ni Celine 'yon kaya nawawala ngayon. Hindi namin malaman kung saan napunta," paliwanag ni Landrice sa akin. "Bato 'yung susi,"
Napasinghap ako nang sabihan niya nga ang nasa isip ko. Nabalot ako ng kaba dahil doon.
Mukhang napansin nila 'yon kaya agad silang lumapit sa akin, "Okay ka lang ba?" sabay nilang tanong kahit sila sa sarili nila ay hindi pa galing. Nakahawak pa sila sa mga sugat nilang kumikirot pa rin hanggang ngayon.
Tumango na lang ako at sinenyasan silang umayos ng pagkaka-upo dahil baka mas lalong mapatagal ang paggaling nila. Gumagaling naman sila nang kusa pero dahil masyadong marami ang sugat nila, tumatagal ang paggaling nito.
Natahimik ako saglit dahil nakaramdam ako ng pagka-ilang. Mukhang napansin naman ni Ravenne 'yon kaya pinaglaruan niya na lang ang kamay niya.
Tumikhim si Wendy kaya tumingin ako sa kanya.
"K-Kumusta?" Tila kinakabahang tanong niya. Ni hindi nga siya makatingin sa akin nang maayos.
Bumuntong-hininga ako. "Hindi okay kasi nalaman kong nawalan ako ng kaibigan. Tapos isa pa sa mga kaibigan ko ang pumatay..." Halos pabulong na sabi ko. Nagbabadya na ang luha.
"Sorry wala akong nagawa,"
"Nangyari na, ano pa bang magagawa natin?"
Muli kaming natahimik kaya nag-isip na ako kung ano ang pwede kong unahin sa mga tanong ko. 'Simula nung humiwalay sila sa akin, anong nangyari sa kanila?' katulad niyan. Kaso parang bumara ang lalamunan ko at naiwan 'yon sa dulo ng dila ko.
"Nalungkot kami..." Biglang sabi niya ulit. Nakayuko na ngayon. "Nung nawala ka."
Mariin akong napapikit nang mabanggit na naman niya ang tungkol doon. Alam ko sa sarili kong nasagot noon ang tanong ko pero hindi ko malaman sa sarili ko—kung bakit nasasaktan ako sa sinasabi niya kahit wala namang dahilan para masaktan ako.
"Napapansin namin na wala kang kausap tuwing recess tapos lunch. Umuuwi ka na rin mag-isa tapos wala ka pang bagong kaibigan. Gustuhin man naming lapitan ka pero hindi namin nagawa kasi-"
"Kasi ako 'yung dahilan bakit nawawala si Aia no'n." Pagpapatuloy ko sa sinabi niya. Kumuyom ang kamao ko. Nasisi ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. Hindi pumasok sa isip ko na dadating 'yung oras na may papanigan sila sa aming magkakaibigan.
Akala ko pantay-pantay lang.
"Hindi naman sa gano'n," sabat ni Ravenne. "Alam kong sumobra 'yung mga nasabi ko sa 'yo no'n pero kailangan naming gawin 'yon kasi..." Napatingin siya kay Wendy, tila nagtatanong kung itutuloy niya ba ang sasabihin.
Nang tiningnan ko si Wendy ay tumango lang siya.
"Si Celine 'yung former foundress ng Duressa, hindi namin alam kung kailan pa 'to nagsimula pero nabuo kami dahil sa kanya. Ang unang misyon namin noon, hanapin siya para kuhanin 'yung susi. Pero naging magkaibigan kami... kaya hindi namin maisip na traydurin siya. Kaso buhay naming lahat ang nakasalalay roon." Kwento niya.
"Sobrang bait ni Celine sa amin. Dahil sa kanya, nakilala namin si Renzo, ikaw at si Aia." Pagpapatuloy niya. "Masyadong mahaba 'yung kwento pero magkakaibigan kami nila Sunny, Ako tapos si Wendy. Simula pa nung naging ganito kami. Naging kaibigan namin si Celine nang hindi namin inaasahan."
"Buhay niyong lahat ang nakasalalay?" Tanong ko.
Tumango siya. "Oo. Buhay naming lahat. Sa loob ng isang taon, kung hindi namin mahanap ang susing hawak noon ni Celine, ipapapatay kaming lahat. Masyado na kaming close no'n kaya hindi namin maisip kung ano ang pipiliin. Hanggang sa nalaman na lang namin na miyembro pala ng Ridge si Aia. Ipinadala para manmanan kami." Mahabang sagot niya. "Kaya  itinago siya sa akin ni Wendy para protektahan ka tapos ikaw ang nasisi ko..." Humihina ang boses niya kada salitang binibitawan niya.
"Kahit kailan ba..." Lumunok ako para hindi na ako mautal ulit. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung anuman ang isang sasagot nila. "Kahit kalan ba, kahit kaunti, pinagsisihan niyo bang iniwan niyo ako?" Tanong ko.
Umiling siya. "H-Hindi. Pero pinagsisihan ko lahat ng mga sinabi ko sa 'yo noon, lahat 'yon pinagsisihan ko simula nung nalaman kong si Wendy ang nagtago kay Aia. Si Aia kasi ang pinakamalapit sa akin noon kaya sa 'yo ko nabuntong lahat ng galit ko. Sorry."
"Namiss kita," sabi ko tsaka sinugod siya ng yakap. "Namiss ko kayong lahat."
Tinraydor na ako ng luha ako at kusa na 'yong tumulo. Sunod-sunod. Ramdam ko ang init noon kaya napahagulgol ako nang malakas. Sila lang ang meron ako noong mga araw na 'yon. Akala ko hindi nila ako inisip. Nagkamali ako. Masyado kong minaliit ang pagkakaibigan namin.
"Namiss ka rin namin, Racks," Natatawang sabi niya pero naluha na rin. Ramdam ko 'yon dahil may tumulong tubig mula sa likuran ko habang hinahagod niya 'yon.
"P-Pwede bang sumali?" Alanganing tanong ni Wendy sa tabi ko. Halatang kinakabahan siya na baka tanggihan ko siya pero noong tumango ako ay nagliwanag agad ang mga mata niya sabay yakap sa aming dalawa nang mahigpit. "Akala ko hindi na tayo magkakabati."
Para kaming mga tangang sabay-sabay tumatawa habang umiiyak nang maghiwalay kami sa yakap. Kanya-kanyang punas kami ng luha gamit ang likod ng kamay namin.
"Ridge din kayo 'di ba? Bakit parang iba ang tawag niyo kila Sunny at Aia?"
"Si Sunny kasama talaga namin dapat. Kaso naging close masyado kay Aia kaya mula sa Duressa, lumipat siya sa Ridge lang. Kung saan puro kaputanginahan ang mga palakad. Isa rin sa pangako namin kay Celine noong ibinigay niya 'yung susi sa Ridge ay sasali kami sa grupo niya. Kaya nandito kami ngayon. Loyal."
Si Wendy pa rin 'yon.
"True tapos ikaw ba naman ginawang bagong fundadora. Sana all," pang-aasar ni Ravenne kaya sinamaan siya ng tingin ni Wendy.
"Bakit nga pala iba ang mukha niyo?" Tanong ko pa. Hindi ko sila nakilala dahil sa mga bagong anyo nila ngayon.
"Parusa kasi hindi namin nakuha ang susi. Alam kasi ni Celine na ipapapatay kami kaya kusa niyang ibinigay 'yon sa Ridge. Nabuhay kami pero nagbago ang mukha naming lahat dahil doon." Paliwanag ni Wendy.
"May sasabihin ako sa inyo. Kahit nagdadalawang-isip ako ngayon, sasabihin ko sa inyo. Basta sana ipangako niyong hindi na tayo maghiwa-hiwalay ulit." panimula ko. Iniisip kung sasabihin ko ba talaga ang tungkol sa susi.
"Ano 'yon?" halos sabay nilang tanong.
"Nasa akin... 'yung susi. Binigay sa 'kin ni Celine."
-
"Sigurado ka ba sa gagawin natin? Gago kinakabahan ako baka biglang may lumabas sa harapan ko gago." Kinakabahang bulong ko kay Wendy na nasa tabi ko. "Buti pa nga kayo may powers samantalang ako wala. Nakakainis."
"Tanga 'wag mo ngang sabihin 'yan kung may pangalawang buhay pa 'ko—o kahit sa lifetime na 'to, never kong hihilingin magka-powers kapalit ng kaluluwa ko, 'no." sabi niya tsaka ako sinamaan ng tingin.
"Magsitahimik nga kayong dalawa mga gago kayo hindi na nga ako nagsasalita para 'di ako ma-distract puro kayo cheche bureche r'yan," saway ni Ravenne.
Nakasilip kami ngayon sa portal o lagusan palabas ng isla. Puno ng mga tao roon, nagbabantay. Ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala si Aia at Sunny ang mga Ridge. Marami pang nagt-traydor.
"Akala ko ba walang tao rito?" Tanong ni Ravenne kay Wendy na seryoso pa ring nakatingin doon pero halatang may iniisip pa rin. "Kapag tayo nahuli rito putangina diretso tayo sa impyerno."
"Basta sa plano pa rin, ikaw maglagay ng susi roon sa lagusan, Rackhie. Ikaw Ravenne, kaya mo namang makipaglaban ulit, 'di ba? Magaling ka na naman. Ako, susubukan kong maghanap ng ibang Duressa para isama palabas." Paalala niya ulit sa amin kaya tumango ako.
Unang lumabas si Ravenne. May hawak siyang pana pero hindi niya pa 'yon itinataas o nilalagyan ng arrow. Naglalakad lang siya roon para ma-distract muna 'yung mga nagbabantay samantalang ako ay pasimpleng dumaan sa gilid nila para makapasok sa pintuan.
Wala pang isang minuto ng pagka-pasok ko roon ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na barilan. Kahit na kinakabahan ako, alam ko namang walang makakarinig noon kundi kami lang. May tiwala naman ako kay Ravenne. Abala sa paghahanap sa amin ang ibang Ridge kaya alam naming malayo sila.
Pero nagkakamali pala ako.
"Ravenne! Wendy! May mga Ridge na paparating!" Sigaw ko tsaka ako nagmadaling pumunta roon sa lagusan para ilagay 'yung susi pero wala akong makitang pwedeng paglagyan.  Nawawala 'yon!
Habang naghahanap ako ng paglalagyan ay biglang may arrow na tumama sa tabi ko. Muntikan na akong matamaan noon sa dibdib! O sinadya 'yon?
"Rackhie."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sunny—Shivani sa harapan ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa hawak kong susi. Matapos niyang tingnan 'yon ay umangat muli ang tingin niya sa akin tsaka ngumisi.
"Sunny, aalis tayo rito lahat. Basta 'wag ka na ulit sasama kay Aia. Hihingi lang tayo ng tulong tapos babalikan natin silang lahat. Kaya itigil na natin 'to tapos magka-isa tayo sa-"
"Bobo ka ba o tanga ka lang talaga?" Putol niya sa akin.
"Bakit ka ba nagkaganyan? Hindi na kita kilala!" Sigaw ko sa kanya tsaka ko tinalikuran 'yung lagusan na parang normal na pintuan lang. Nakasarado pa rin. Pasimple kong kinakapa 'yon para maghanap ng pagsasaksakan ng susi.
"Akin na 'yung susi, Rackhie," lumapit siya sa akin at inilahad ang palad para ilagay ko roon ang susi pero umiling ako. "Magkaibigan tayo, 'di ba? Inaway ka ni Farrah no'n! Hindi ko ba maintindihan? Ginagamit ka nila!"
"Ginawa nila 'yon para protektahan ako kay Aia! Kaso nakakainis kasi ako lang ang pinrotektahan, samantalang ikaw hindi! Hindi ka nila naprotektahan kaya nalason ni Aia ang isipan mo!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy pa ring naghahanap ng susian.
Hanggang sa may nakapa na ako.
Nanlaki ang mga mata ko. Mukhang napansin 'yon ni Shivani kaya tinutukan niya ako ng baril sa ulo. "Akin na 'yan! Wala na akong paki sa inyong lahat! Basta palabasin niyo na ako sa impyernong ito!" Galit na sigaw niya sa akin. Ganoon na lang ang gulat ko nang ikinasa niya 'yung baril.
"S-Sunny please..."
"Akin na!"
"Kahit patayin mo pa ako, hinding-hindi mo makukuha 'to!" Sinabayan ko ang galit na tono niya tsaka mabilis na ipinasok ang susi sa susian. Pero...
"Rackhie!" Boses 'yon ng kung-sino. Pamilyar ako sa boses na 'yon pero hindi ko masabi kung sino.
Napatingin ako sa likod ko kung saan nagpupumiglas si Ravenne na makaalis sa pagkakahawak noong tatlong babae tapos isang babaeng nakatutok ang baril sa ulo niya.
Pero si Wendy? Nasaan si Wendy?
Nagulat ako nang may biglang sumipa roon sa mga nakahawak kay Ravenne. Si Wendy 'yon, sigurado ako. "Buksan mo na! Putangina!"
Nang makalas ang pagkakahawak kay Ravenne ay inagaw niya 'yung isang baril noong babae tsaka sunod-sunod na pinutukan ng baril ang mga 'yon. Umuusok pa ang dulo ng baril matapos niyang ginawa 'yon.
"See you in hell, bitches!" Sigaw niya rito. Tumatawa pa rin kasabay ng paglalaho ng mga sugat niya sa balat.
Ngayon ko lang din napansin na nawalan ng malay si Sunny na nasa harap ko pa rin hanggang ngayon.
"Tara na!" Sigaw ko atsaka binuksan 'yung pinto.
Unang lumabas si Ravenne kasunod ang ilang tatlong naisama ni Wendy.
"Tatlo lang?" Tanong ko.
"Lahat sila nasa Ridge," bakas ang galit sa boses ni Wendy nang pumasok siya roon sa loob.
Susunod na sana ako sa kanya nang biglang may humawak sa paa ko. Agad kong kinuha ang baril na gamit kanina ni Sunny tsaka sunod-sunod na binaril ang nakahawak sa akin na hindi ko makita kung sino.
Bago pa man ako makalabas ay may natanaw ako mula sa loob.
Celine?
"Alis na! Humingi kayo ng tulong!" Sigaw niya atsaka sinarado 'yung pinto.
Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay tutumba na ako habang pinapanood ko siyang isarado 'yung lagusan para makatakas kami.
Napansin din nila Ravenne 'yon...
"Celine! Celine!" Sigaw ni Ravenne tsaka sinubukang buksan 'yung pinto pero pinigilan siya ni Wendy. Hinawakan ni Wendy ang magkabilang-braso niya para pakalmahin siya pero tinanggal lang 'yon ni Ravenne. "Shit! No, no. We can't leave her there. They will kill her!"
"Alam ko. Please kumalma ka muna. Hihingi tayo ng tulong sa labas para makuha natin siya. Sa ngayon please pull your self together." Sabi niya para pakalmahin si Ravenne. "Mamamatay tayong lahat kapag ipilit nating pumasok sa loob. Hindi gugustuhin ni Celine 'yon. Siya ang gumawa ng Duressa kaya pagkatiwalaan natin siya, okay?" Dagdag pa niya.
Mukhang nakuha ni Ravenne ang punto niya kaya tumango na lang ito kahit halatang ayaw niya pa ring iwan ang kaibigan namin doon. Kahit ako ay hindi ko inaasahang buhay pala si Celine. Mas lalo tuloy napuno ng katanungan ang utak ko.
"Babalik muna tayo sa school, Rackhie," biglang sabi ni Wendy sa akin kaya nagsalubong ang mga kilay ko. "Mag-aaral tayo ulit," dagdag niya pa kaya mas lalo akong nagtaka.
"Mag-aaral? 'Yung kaibigan natin naiwan doon!"
"Mga kaibigan." Pagtatama niya sa akin.
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Wendy?" Sabat ni Ravenne at sarkastikong tumawa. "'Mga kaibigan'? E putangina papatayin na nga tayo kaibigan pa rin tawag mo sa mga babaeng 'yon?!" Masama ang tingin niya kay Wendy.
"Nilason ni Aia ang isipan ni Sunny!"
"At nagpalason siya, Landrice! Choice niya 'yon! Masyado siyang inggitera! Kasi iniisip niya si Rackhie lang ang niligtas natin at hindi siya lang! Selfish siya!" Sigaw pa nito.
"Ravenne?"
Napatingin kami sa gilid namin. Nandoon si Ameer at Lester.
"Lester!" Agad na naglaho sa harapan ko si Ravenne at sumulpot sa harapan ni Lester. Sinunggaban siya nito ng yakap. "Babe, I missed you so much."
Biglang pumasok sa ulo ko ang rule namin sa Duressa. Taka ko tuloy tiningnan si Wendy.
Hindi pa lumalabas ang tanong sa bibig ko ay nakasagot na agad siya. "Si Lester lang ang natirang buhay sa pamilya't kaibigan ni Ravenne simula nung tao pa siya. Naging bampira si Lester dahil gusto niya pang samahan si Ravenne mabuhay. Kaya pinayagan namin sila."
Tumango na lamang ako at napatitig sa magkasintahang nag-aalala sa isa't isa.
Tsaka na lang nahagip ng mga mata ko ang isang pares ng mga mata. Nakatingin siya sa akin, walang ekspresyon sa mukha. Pero pinapasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"West!" Sigaw naman ni Wendy tsaka niyakap nang mahigpit ang kuya niyang kahit kayakap niya na ay nakatingin pa rin sa akin. "Okay ka lang ba?" Doon lang nawala ang tingin sa akin ni Ameer. Nginitian niya lang ang kapatid niya at tinanguan.
"Bakit kayo lumabas? May gera ba? Pero bakit kasama si Rackhie tapos tatlo lang 'yung-"
"Lester." Saway ni Ameer. Halatang naiintindihan niya ang mga nangyayari sa paligid kaya pinahinto na lang niya ang kaibigan. "Kwento niyo na lang sa amin kapag kaya niyo na ikwento." Tiningnan niya kaming lahat. Hinuli niya pa ang pagtingin sa akin tapos medyo napatagal pa 'yon.
"'Yung parents ko, sila lang 'yung dahilan bakit ako napunta rito ngayon. Hindi ko inaasahan lahat ng 'to," bulong ko kaya napatingin silang lagat sa akin. "Sasama naman ako kahit saan kayo magpunta pero pwede bang tulungan niyo akong ipalabas ng kulungan 'yung mga magulang kong wala namang kasalanan?" Mahinang tanong ko sa kanila. Umaasang matutulungan nila ako.
Lumapit sa akin si Ravenne at hinawakan ang dalawang kamay ko at pinisil 'yon pareho.
"H'wag kang mag-alala, tutulungan ka namin kahit anong mangyari."
"Kahit hanggang kamatayan," dagdag naman ni Wendy tsaka ako nginitian.

Book Comment (9)

  • avatar
    Nurhan Palada

    good morning

    09/08

      0
  • avatar
    Badenas Macmac Kenneth Jake

    beautiful ❤️

    29/05

      0
  • avatar
    Nicky Villamor Vega

    good message

    05/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters