logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER FIVE

TAHIMIK ang paligid, ramdam ko pa rin ang lamig ng nyebeng pilit na yumayakap sa balat ko. Nandito ako sa taas. Ikinulong ulit nila ako rito. Wala manlang ginawa si Ameer o kahit si Wendy para manlang tulungan ako.
Ang sabi nila Lester, pwede naman daw akong umalis kung gusto ko. Pero mapapaaga raw ang pagpanaw ko kung ang Ridge clan agad ang makakasalubong namin.
Pumayag silang magstay ako rito para magtago dahil kaibigan nila si Ameer-West. Kapag daw nalaman ng mga Ridge na may sinabihan si West tungkol sa sikreto nila, pati si West, paparusahan din. Ang malala, pwede pa raw siyang patayin.
May kundisyon silang ibinigay sa akin tutal alam ko na rin naman ang sikreto nila. Sabay-sabay ko raw silang pinahamak dahil sa ginawa kong pang-iinis kay Ameer. Ang kundisyon na iyon, sumali raw ako sa sisterhood nila Landrice-Wendy.
Nagreplay sa utak ko 'yung tanong ko kanina tapos kung paano nila iyon sinagot.
"Magkakilala kayo?" tanong ko.
"Hindi lang sila magkakilala, Ate," singit noong Shivani. "Magkapatid sila Ate Wendy tapos Kuya West." sabi niya sabay ngiti sa akin.
Nagtataka pa rin ako kung bakit hindi sila parehas ng apelyido. Landrice ang totoong pangalan ni Wendy samantalang West Spencer naman ang totoong pangalan ni Ameer. Bakit parang baliktad? O baka hindi ko lang na-gets?
Iyon lamang ang iniisip ko ngayon kasama na 'yung kung papayag ba ako sa kundisyon o hindi. Tutal alam ko na rin naman.
Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa mga nakikita't nadidiskubre ko.
Anim kaming nandito-o meron pa?
Ako, si Ameer, si Wendy, Shivani, Ravenne at si Lester.
Si Wendy, katamtaman ang pagkakakulot ng itim niyang buhok. Mas makapal ang labi niyang naging pink na dahil sa lamig-kesa sa labi ko.
Sina Shivani at Ravenne, parehas straight ang buhok nila at parehas din silang may makapal na kilay at pilikmata. Ang pagkakaiba lang, si Ravenne ay may bangs tapos mas intimidating ang aura niya kesa kay Shivani na kalmado lang. Mas mapayat din si Shivani kesa kay Ravenne. May malaking hikaw rin si Shivani na pabilog kumpara kay Ravenne na nasa isang tenga lang ang apat na pirasong hikaw.
Kay Lester naman, ayaw ko siyang pag-usapan kahit na nagpaliwanag na siya sa akin kanina na wala siyang kinalaman sa nangyari sa akin noong gabing iyon. Hindi ako naniniwala sa kanya lalo na't sobra niya akong ininis kanina. Parang pinagtatawanan niya pa ang nangyari sa akin noong araw na iyon.
"Hindi ako ang gumawa no'n sa 'yo," seryosong sabi niya sa akin. "Maniwala ka't sa hindi, hinanap ka namin nila Ravenne pero hindi ka namin nakita noong gabing iyon. Nakita na namin si West at hinahanap na siya ng mga magulang niya kaya naiwan ka namin."
Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko dahil mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Lalo na sa mga katulad nila.
Napatingin ako roon sa bintana nang sumilip doon si Ravenne. "Hoy ano? Magkukulong ka na lang diyan forever? Sabihin mo lang kung takot ka sa pamilya nila, ako na papatay sa 'yo para matapos na," masungit niyang sabi.
Tumayo ako para buksan iyong kahoy na pinto.
Kasama niya pala si Shivani. Nasa likod niya lang pero mas inuna niya pang papasukin iyong babaeng walang bangs kesa sa sarili niya.
"Hi!" bati sa'kin ni Shivani.
Mukha naman siyang mabait pero alam kong matapang siya sa loob-loob niya dahil marami akong nakikitang sugat sa braso at malapit doon sa may dibdib niya. Visible iyon dahil naka-sando lang siyang itim.
"Nilalamig ka ba?" tanong niya sa akin nang makita niya ang suot kong jacket.
Tumingin ako roon 'saka ko binalik ang tingin sa sando niyang manipis. Halata namang mas may karapatan siya sa aking lamigin. "Huh? Okay lang ako. Ikaw? Nilalamig ka ba? Bakit naka-sando ka lang?"
She chuckled, "Oo malamig, pero sanay na naman kaming lahat kaya okay lang,"
"Sure ka?" tanong ko ulit. "Baka magkasakit ka niyan,"
"Bida-bida," bulong ni Ravenne pero hindi ko siya pinansin.
"Ano ba, Ravenne? Umayos ka nga," bulong niya kay Ravenne 'saka bahagya siyang siniko. Rinig ko pa rin iyon dahil malapit lang sila sa akin.
Umirap ang katabi niya sa kanya, "Bahala ka na ryan, sipsip lang iyan pero manggagamit lang din naman 'yan. Makikita mo sa huli,"
"Sa huli pa naman iyon," pabirong sabi ni Shivani kaya sinamaan siya ng tingin ni Ravenne bago siya tuluyang umalis doon sa kwarto.
"Pasensya ka na kay Ravenne ah, hindi na kasi nireregla iyon kaya ang sungit. Kapag tumagal na kayong magkakilala babait din siya sa 'yo. Or kapag sumali ka na sa Duressa. Nagseselos 'ata sa 'yo," natatawang sabi niya sa akin tsaka siya umupo sa sahig-sa tabi ko siya umupo.
"Huh? Hindi na siya dinadatnan? Buntis?"
Muli siyang tumawa, "Hindi, baliw," sabi niya tsaka tumingin-tingin pa sa paligid. "Menopause na,"
"Hala--"
"Shhh, 'wag kang maingay." saway niya sa akin. "Hindi ko naman ginagawang biro 'yung pagka-menopause niya pero lahat naman kami hindi na dinadalaw ni Satanas buwan-buwan," dagdag pa niya.
"Ano bang meron doon? Sino ba gumawa no'n?"
"Saan? Sa Duressa?" tanong niya pabalik. Tinanguan ko lamang siya. "Si Landrice-Wendy gumawa no'n. Matagal-tagal na rin kasi siya rito sa Earth at marami na siyang experience kaya gumawa siya ng Sisterhood."
"Para sa'n?" para akong batang nagtatanong kung anong susunod na mangyayari sa isang kwento everytime na nagtatanong ako sa kanya.
"Iyong Duressa Sisterhood, parang feminist group kumbaga pero may mas special na layunin. Kasi nga 'di ba, pumapatay ang mga Ridge ng mga vampires na naglabas ng sikreto sa iba. Tapos pinapatay nila iyong mga nakakaalam kasi gusto nila ng kapayapaan,"
"Ahh," iyon na lamang ang nasabi ko.
"Marami kami roon sa Duressa kasi... nung 2007 nagkagulo lahat. Lahat, pati kami. Dumating kasi iyong mga foreigner na vampires dito. Bibitayin nila iyong mga babaeng inosente na nirape nila pagkatapos nilang pakainin ng lamang loob ng tao," pagpapatuloy niya pa.
Pinakain ng lamang loob!?
"Huh? Bakit nila pinapakain ng lamang loob iyong mga babae?" tanong ko.
"Parang parusaaa, kasi stripper sila sa ibang bansa tapos napunta sila sa client na bampira pala tapos ayon lahat sila nalaman 'yung secret about doon sa lahi namin kaya gusto silang parusahan kung 'di sila papayag maging kauri namin."
"Woah," hindi magprocess sa utak ko ngayon lahat ng information na natatanggap ko. "Di ba kapag kumagat kayo ng tao, magiging vampire na rin iyong kinagat niyo?"
Gulat siyang napatingin sa akin. Para bang nagsabi ako sa iba ng nakakahiyang pangyayari na naranasan niya na ikinwento niya sa akin.
"Huh? Hindi ah! Hindi iyon gano'n!"
"Eh paano?"
"Ang dapat gawin, ipapabinyag. Kailangan papayag sila roon ng kusa. Hindi sila pwedeng pilitin dahil alam iyon ng nakataas sa amin kung pinilit lang siya. Marami kasing rules na kailangan alam kung gusto isali sa amin,"
"Ipabibinyag? Ang sabi sa'kin ni Ameer wala kayong karapatan magdasal?"
"Iyon na nga, iba kasi ang sinasamba niyo. Ay mali, parehas lang pala tayo ng sinasamba pero makasalanan kami dahil sa tukso kaya sinabi niyang wala kaming karapatan,"
"Tapos na ba kayo?" boses iyon ni Ravenne na nasa labas lang pala.
"Gago ka, kanina ka pa ryan!?" gulat na tanong ni Shivani sa kanya. "Saglit pa lang kaming nag-uusap e, teka lang naman!"
Hindi pinansin ni Ravenne ang sinabi niya. "Dalian mo, pupunta na tayo ulit sa kampo-malapit sa barracks pala."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Shivani, "Ngayon? Ngayong araw agad? Kakaalis lang natin kahapon ah!"
"Kung ayaw mong sumama," inilipat niya ang tingin niya sa akin. "Edi h'wag kang sumama."
Tumayo na si Shivani sa pagkakaupo. Pinagpagan niya pa ang pwetan niya 'saka ako inalukan ng kamay, "Ano? Sali ka ba sa'min? Ku-kwentuhan ka pa namin sa barracks."
Nakita ko ang pagpihit ng ulo ni Ravenne sa amin noong sinabi iyon ni Shivani sa akin. "Ano? Isasama mo siya?" tanong nito.
Shivani shrugged, "Why not?"
Inirapan siya ni Ravenne, "Tao 'yan, 'di ba?"
"So?" pumihit ng tingin sa kanya ang katabi ko.
Napanganga si Ravenne dahil sa sinagot ni Shivani sa kanya. "Are you kidding me? I'm not playing."
"So am I, Ravenne," sagot niya rito 'saka ako muling tiningnan. "Ano? Game ba? Sali ka sa'min?"
"Uhm---"
"Hindi mo isasama 'yan," putol ni Ravenne sa sasabihin ko. "Kung isasama mo 'yan, hindi na lang ako sasama pabalik." matigas pa ang tono niya nang sinabi niya iyon.
Padabog na isinarado ni Ravenne 'yung pinto tsaka nagmartsa palabas.
Napabuntong-hininga na lamang ang katabi ko nang kami na lang ulit dalawa ang natira.
Pilit niya akong nginitian, "Uhm,"
"Okay lang, sundan mo na siya," sabi ko tsaka ko siya nginitian. "Tsaka, hindi rin ako interesado kaya don't worry, okay lang ako!"
"Hindi 'yon," bumuntong-hininga ulit siya. "Sorry sa attitude niya ah. Gano'n talaga siya eh kapag may nakikilalang bago. Tapos..."
"Tapos tao pa," pagpapatuloy ko sa sinabi niya. "Naiintindihan ko naman siya kaya okay lang."
"Sure ka?" tanong niya sa akin.
Tinanguan ko lamang siya.
"Kakausapin ko siya! Susubukan ko siyang pakalmahin para makasama ka sa'min mamaya, promise!" itinaas niya pa ang kanang kamay para magsign ng promise. "Hoy bakla, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo manlang ako pinapansin? Ha?" pahabol na sigaw niya rito.
Umalis na siya sa harapan ko pero agad din siyang bumalik ulit. "Sama ka na pala sa'kin. Kakain na tayo. Tara sa baba!"
Sumunod na ako sa kanya pababa.
Nakaramdam ako ng hiya nang makita ko muli ang mukha ni Wendy. Nakatutok siya sa cellphone niya ngayon habang kumakain siya ng--- ano ba 'yung kinakain niya?
"Usa iyon,"
Tumingin ako sa likod ko. Nando'n si Ameer na kakarating lang mula sa kung saan.
Tumango na lamang ako.
Hindi pa rin nawawala 'yung inis ko sa kanya dahil hinayaan niya akong sabunutan nitong mga kamag-anak niya.
Lumapit sa akin si Shivani at binigyan ako ng paper plate, "Oh," sabi niya. "Kain na tayo."
Wala kaming lamesa kaya kanya-kanyang sahod ang ginagawa namin.
Hindi ako kumakain ng usa. Hindi pa ako nakakatikim noon pero ayaw ko talagang tikman. Ang weird siguro ng lasa no'n.
Kinuha ko na lamang iyong isda. Kinilaw iyon.
May kumalabit sa akin. Alam ko na agad na si Shivani iyon na kababalik lang mula roon matapos niyang itapon iyong paper plate niya nang matapos na siyang kumain.
"Oy. Sama ka na raw sa'min,"
"Huh?" tanong ko tsaka ibinaba ang kinakain kong kanin. "Raw? Sinong may sabi?"
Hala! Baka pinilit niya lang si Ravenne. Nakakahiya!
Bakit ka ba nahihiya? E ikaw na nga ang sinabunutan noong babaeng iyon kanina kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanya. Deserve mong sumama kaya hayaan mo lang siyang mag-inarte.
Pinilit ko ang ulo ko para alisin ang mga sinasabi ng nasa kabilang utak ko.
"Hindi nagsasalita si Ravenne pero sabi ni Landrice pwede naman daw. H'wag ka lang aalis sa likod ko ah, baka biglang may humila sa 'yo pagkapasok natin sa barracks. Mapagkamalan ka pang pagkain."
"Landrice?"
"Oo. Si Wendy."
"Si Ravenne---"
Pinutol niya ang sasabihin ko, "Hayaan mo na si Ravenne. Matatanggap ka rin niyan. Hintay-hintay ka lang." sabi niya tsaka ako binigyan ng ngiti. "So ano, sasali ka ba sa'min?"
"Uhm..." napaisip ako. "Ano kasi..."
Ano bang magandang ipalusot? Ayaw kong sumama! Ang awkward no'n kasi nando'n din si Wendy kasama ko.
"Hindi raw interesado," boses iyon ni Ravenne. Alam kong sarkastiko iyon. Sa tono pa lang.
Hindi siya pinansin ni Shivani na naghihintay pa rin ng isasagot ko. "Ano..?" tanong niya sa akin.
"Sige."
Nang isagot ko iyon ay lahat sila napatingin sa akin. Maging si Wendy na nagse-cellphone kanina ay nag angat din ng tingin. Pati si Lester na may nakalagay pang pagkain sa bunganga.
Mas lumawak ang ngiti ni Shivani. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Yehey! Welcome to the fam!"
Niyakap ko rin siya. Magkayakap lang kami nang marinig namin ang paghagis ng paper plate ni Ravenne. May pagkain pa iyon sa loob at baso na may lamang tubig, babasagin kaya maririnig mo talaga.
Sinundan siya ni Lester papunta sa taas.
"Hays." bulong ni Shivani habang nakayakap pa rin sa akin. "Tara na, magready na tayo," sabi niya tsaka bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
Hindi ko alam ang susunod kong gagawin o kung anong dadalhin ko dahil nawala na 'yung mga gamit na kanina'y dala ko. Tanging cellphone ko lang ang natira-nakacharge pa iyon ngayon.
Nang makasalubong ko sina Shivani, Lester, Wendy at Ravenne ay napansin ko agad ang namumula nilang mga mata. Hindi ko alam ang dahilan no'n pero sigurado akong may dahilan kung bakit nagkukulay dugo ulit ang mga mata nila.
"I can feel them," bulong ni Shivani.
Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakita roon. "Sino?" tanong ko pa.
Sinenyasan niya ako na tumahimik. Nakalagay ang hintuturo niya sa kanyang labi.
"Kailangan na nating umalis." boses iyon ni Wendy na may hawak na baril.
Hindi ko alam kung anong klaseng baril iyon dahil ngayon lang ako nakakita no'n. Pero sigurado akong isang putol lang no'n sa 'yo ay tigok ka na.
Pumunta kami roon sa isang kwarto. Walang bubong kaya pumapasok pa rin 'yung snow mula sa labas. Ako lang din ang naka-jacket dito samantalang sila ay maninipis pa ang kasuotan.
Si Shivani ay naka-sando na itim. Meron siyang hugis buwan na pendant sa kanyang kwintas na kulay itim. Mas nakikita ko rin ang tattoo niya sa lower abdomen niya. Butterfly iyon.

Alam ko ang ibigsabihin ng tattoo na iyon. May nawala ba sa kanya dati? Anong nangyari?
Kahit na curious na curious ako ay mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko dahil hindi pa naman kami masyadong close. Wala pa nga kaming isang linggo na magkasama.
Siya lang ang mayroong simpleng klase ng butterfly na tattoo. Silang lahat, celtic butterfly o anchor tattoo na ang nakalagay sa katawan. May celtic butterfly si Ravenne sa paa samantalang si Wendy naman ay may celtic butterfly rin pero nasa likod niya-sa may leeg.
Simula pa lang ay alam ko na may tattoo si Wendy sa leeg. Minsan pa nga siyang nasaway ni ma'am dahil doon.
"Wendy Ridge? May Wendy Ridge po ba rito?"
Tumingin ako sa likuran ko. Nasa likod ng upuan ko ang upuan ni Wendy. Nagsusulat pala siya nang tinawag siya noong isang estudyante mula sa kabilang section.
"Meron po," ako na ang sumagot. "Ito po siya o." itinuro ko si Wendy na nasa likuran ko at clueless pang nakatingin sa akin.
"Ha?" tanong niya.
"May naghahanap sa 'yo na chix tol," sabi ko tsaka tumawa bago ko muling itinuloy ang pagd-drawing ko ng calligraphy ng pangalan ni Wendy sa likod ng notebook ko.
Dumaan si Wendy sa gilid ko kaya muling tumaas ang tingin ko papunta roon sa may pinto kung saan siya hinihintay noong babaeng estudyante na nagpapatawag sa kanya.
Teka, 'yung estudyanteng iyon ang anak ni Ma'am Larosa ah? Taray, anak ng teacher.
Rinig pa namin ang usapan nila mula rito.
"May tattoo ka raw po?" tanong agad noong babae pagkalapit na pagkalapit sa kanya ni Wendy.
"Tawag ako?" balik tanong ni Wendy.
"Oo, may pinapatanong lang si Ma'am Larosa." sagot nung babae. "May nakakita kase sa tattoo mo sa leeg. Pwede patingin ako?" tanong niya pa ulit.
Taka siyang tiningnan ni Wendy. "Para saan?"
"Patingin lang."
"Ayoko."
Hindi na nagsayang ng oras si Wendy roon. Pabalik na sana siya sa upuan niya nang biglang hilain noong babae ang damit niya mula sa leeg kaya nasakal si Wendy.
Napatayo ako dahil sa gulat. Ganoon din ang mga kaklase ko. Dali-dali kaming lumapit kay Wendy para alisin ang kamay nung babae sa kwelyo noong uniform ng kaibigan namin.
"Deputa ilayo niyo sa 'kin 'yan," sabi ni Wendy nang makaalis na siya sa pagkakasakal noong babae. Umubo-ubo pa rin siya dahil hindi siya makahinga nang maayos kanina. "Problema mo? " tanong niya roon sa babae tsaka siya binigyan ng death stare niya.
"Ayan o!" tinuro nung babae iyong likod ni Wendy.
May tattoo siya sa likod ng leeg!
"Hoy gago tol paano ka nagka-tato? Bawal 'yan sa minor, 'di ba?" gulat kong tanong sa kanya habang nakatingin pa rin doon sa tattoo niyang butterfly sa leeg. Maliit lang iyon pero kitang-kita dahil itim na itim iyong ink at halatang kakalagay pa lang. "Kung pwede dapat sinama mo 'ko!"
Nagpapadyak-padyak ako.
"Tarantado talaga," bulong noong president namin na nasa tabi ko pala. "Magsibalik na kayo sa mga upuan niyo. Isusumbong ko kayo kay Ma'am! Wendy sama ka sa 'kin sa Guidance Office."
Sumama naman sa kanya sa guidance office.
Pahabol akong nagtanong kay Wendy nang paalis na siya sa room. "Anong meaning niyang tattoo mo?"
Humarap siya sa akin kahit na malayo-layo na ang pagitan namin sa isa't isa. "Celtic Butterfly. Transformation and rebirth."
"Sabog 'ata 'to," komento ni Shivani kaya napabalik ako sa huwisyo.
"Ha?"
"Aalis na raw tayo," sabi niya. "Okay ka lang ba? Hindi ka ba nakatulog nang maayos?" puno ng pag-aalala ang mga mata niya na bumalik na sa dati nitong kulay.
Sa totoo lang, hindi talaga ako nakatulog nang maayos pero hindi naman iyon ang dahilan. Nakaka-miss lang kasi balikan 'yung dati. Close na close pa kami ng mga kaibigan ko sa dati kong school pero ngayon... parang wala kaming pinagsamahan ni Wendy.
Nasa cellphone lamang nakatingin ang mga mata ni Wendy. Lagi siyang may tini-tipa roon sa tuwing titingin ako sa kanya. Ewan ko ba kung sinasadya niya iyon o sadyang lagi lang siyang may kinakausap.
"Okay lang naman ako. Salamat," nginitian ko si Shivani. Aalis na pala kami. "Malapit lang ba ang pupuntahan natin?" tanong ko.
"Hindi ah. Medyo malayo-layo pa 'yon." si Shivani ulit 'yung sumagot.
Mula kahapon ay wala kaming imikan ni West-Ameer. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kanyang masama o sadyang iniiwasan niya ako dahil nahihiya siya na hindi niya ako pinagtanggol kahapon?
Pinagtanggol amputa. Damsel in distress ka?
Bakit naman siya mahihiya na hindi niya ako pinagtanggol? Amp. Ibang klase talaga 'tong utak ko. Kung saan-saan napupunta.
Tumingin ako sa paligid pero kahit anong pwedeng sakyan ay wala akong makita. Paano kami aalis kung wala kaming sasakyan?
"Hindi tayo aalis gamit 'yung sasakyan."
Gulat akong napatingin nang marinig kong magsalita si Wendy. Ngayon ko lang ulit siya narinig magsalita na para bang sinagot niya ang tanong na nasa isip ko.
"A-Anong gagamitin natin?" tanong ko sabay iwas ng tingin dahil nakatingin din pala siya sa'kin.
Ngisi lang ang binigay niya sa akin bago siya tumingin kay Ravenne. "Una na 'ko," paalam niya sa kanya tsaka tumingin kay Shivani. "Ingat. Kita na lang mamaya."
Nagulat ako nang biglang humangin nang malakas. Kasabay ng paghangin ay ang biglang paglalaho ni Wendy na para bang isa siyang abo na sumama sa hangin.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko samantalang ang mga kasama ko ay tawang-tawa sa reaksyon ko. Pinagt-trip-an ba nila ako? Nakakagulat naman talaga 'yon!
"Ang galing," bulong ko.
Sunod na naglaho si Ravenne, sunod si Lester at si West. Nang kami na lang ni Shivani ang natira ay tumingin ako sa kanya. "Saan sila pumunta? Paano nila 'yon ginawa?"
Tumawa lang siya. "Pumunta sila West at Lester sa ibang bansa. May hahanapin 'ata sila. Sila Ravenne at Landrice naman, nasa kampo na." sabi niya. "Hindi rin namin alam kung paano namin 'to nagagawa pero nakakamangha talaga 'to."
"Paano ako aalis? Hindi naman ako katulad niyo---"
"Shut up nga," putol niya sa sasabihin ko. Sinamaan niya pa ako ng tingin. "Kaya nga ako nagpa-iwan para sabay tayong dalawa eh." sabi niya tsaka ngumuso pa.
"Anong gagawin natin?"
Kinuha niya iyong kamay ko at inilagay niya roon sa kamay niya. "Ayan. Hawak ka lang sa 'kin ah. Parang elevator lang naman feeling nito. Elevator na lumilipad wahaha!" natatawang sabi niya. "Kapag feel mo na pabagsak na tayo, 'wag mong bubuksan mata mo ah. Baka kase kung saan pa tayo mapunta."
"Sige ba," sagot ko. Gulat pa rin.
Biglang humangin nang malakas. Napapikit ako dahil doon. Pagkapikit na pagkapikit ko ay naramdaman ko na agad na pabagsak kami kaya mas lalong humigpit ang kapit ko kay Shivani. Para akong nasa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom kase kahit nakapikit ako ramdam ko pa rin na ang lalim ng babagsakan namin.
"Huy, nandito na tayo. Dilat na aba,"
Pagdilat ko ay isa na namang paraiso ang bumungad sa akin. Napakaganda ng panahon. Tanging huni lang ng ibon at paghampas lang ng tubig mula sa dagat ang naririnig ko.
"Wow," manghang sabi ko.
Nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita ko ang mga babaeng katulad nila Shivani. Mapuputi silang lahat at namumula ang mga mata. Lahat sila ay naka-itim at may mga tattoo. May nakikita rin ako na mga foreigner, iyon 'ata iyong kinu-kwento sa akin ni Shivani kanina.
"Welcome home, Shin!" masayang sabi noong babaeng nakaponytail. Niyakap niya si Shivani.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-itim na bralette at naka-leggings. May malaking hiwa siya sa dibdib niya-malapit sa leeg. Dahil naka-bralette siya, kitang-kita 'yon.
Nang maghiwalay na sila sa pagkakayakap ay ako naman ang tiningnan nung babae. "Hi." bati niya. Tumingin siya ulit kay Shivani, "Sino siya? Dala ni Landrice?"
"Hindi gago, bebe ko 'to," sagot niya sabay tawa. "Sasali siya sa atin."
Napatakip ng bunganga 'yung babae. "Hala? Talaga baaa?" gulat niya akong tiningnan, "Anong pangalan mo? My name is Midnighte. Midnighte Ezekiel, Ikaw?" nag-offer pa siya ng shake hands.
Tinanggap ko ang kamay niya. Bahagya pa siyang nagflinch sa ginawa ko pero muli naman siyang ngumiti sa akin. "Rackhie Sun Mendiola."
Tumango-tango siya tsaka tumingin muli kay Shivani. "Shin, pwede ba tayo mag-usap?"
"Sige, mamaya,"
"Mamaya?" tinaasan siya ng kilay ni Midnighte.
"Alam ko na rin naman kung anong itatanong mo." seryosong sabi ni Shivani. "Oo, tao si Rackhie. Nagdala kami ng tao, isasali siya ni Landrice sa Duressa."
I heard the gasps.
"Tao? Imposible. Hindi magsasali ng tao si Landrice sa grupo natin." sabi ni Midnighte.
"Don't worry, hindi siya magtatagal."
"What do you mean?" biglang lumitaw si Ravenne na galing doon sa isang malaking pinto. "Hindi magtatagal? Aalisin siya agad?"
"Nope." sagot ni Shivani tsaka tumingin sa akin. "She'll become one of us soon."
"Ah. Akala ko naman kung saan. Sa Duressa lang pala." parang nawala ang interes ni Ravenne nang marinig ang sagot ni Shivani sa kanya.
"Tama 'yung iniisip mo."
Napahinto si Ravenne sa sinabi niya. Maging ako ay nagtaka na rin sa mga sinasabi ni Shivani. Wala akong ideya kung ano ba ang dapat kong unahin para intindihin.
"Gagawin natin siyang katulad natin. Magiging bampira rin si Rackhie."

Book Comment (9)

  • avatar
    Nurhan Palada

    good morning

    09/08

      0
  • avatar
    Badenas Macmac Kenneth Jake

    beautiful ❤️

    29/05

      0
  • avatar
    Nicky Villamor Vega

    good message

    05/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters