logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

"Where's Francis?" I asked kuya Alvin first thing in the morning when I saw no sign of him in the kitchen. It's already five thirty in the morning and mostly, kapag gantong oras ay nag kakape na sya sa counter top.
"Maagang umalis." Iyon lang ang sagot ng kapatid ko sa akin bago sya nag salin ng kape sa kanyang mug. Lumapit ako sa kanya at kumuha rin ng mug at tyaka iyon tinabi sa kanya para masalinan nya rin.
It's been a week after that night, simula noon ay naging mailap na si Francis sa akin, at habang tumatagal ay lalo syang nagiging mailap. Ramdam ko ang pag iwas nya dahil sa tuwing nag kakasalubong kami sa kusina ay tanging tango nalang ang nakukuha ko galing sa kanya at tyaka sya aalis, kapag sa sala naman ay agad syang mag papaalam na papasok sya sa kwarto nya. Minsan pa nga ay sinabi sa akin ni kuya Alvin na sa ward sya natulog but that night, I remember that he cooked for our dinner but he didn't eat. Siguro ay hinintay nya muna ako pumasok sa kwarto ko at tyaka sya bumalik ng hospital para doon matulog. Why is he doing that? Nagi-guilty ako lalo.
"Bakit daw?" patay malisya 'kong tanong. Hopefully, kuya Alvin won't notice that Francis is avoiding me, but I think one week is too much and for sure he has a hint already on what's going on.
Hindi ko intensyon na sabihin 'yon kay Francis, hindi ko sinasadya okay? Nadala lang ako ng iritasyon dahil sa nilalaro ko. I didn't mean to be meant. Argh! The guilt is getting into my nerves! How am I supposed to say sorry if he keeps avoiding me?
"I don't know, why don't you ask him instead?"
Napalunok ako dahil sa makahulugang tingin ni kuya Alvin sa akin. I knew it. Sobrang bigat nang titig nya kaya napaiwas agad ako ng tingin. He knows me more than anyone else kaya alam nya at malalaman nya na may tinatago akong kakaiba.
Lumapit sya sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Nakasuot na sya ng pang bahay na damit pero ang amoy ng alcohol at hospital ay naaamoy ko parin sa kaniya. Magulo ang buhok niya at mahahalata ang puyat sa mga mata. Hindi ko sya maintindihan kung bakit nag kakape pa sya sa lagay nyang 'yan imbes na matulog nalang.
He crossed his arms on his chest after he took a sip on his coffee.
"So tell me what's going on between you and Francis?" halos mabuga ko ang iniinom kong kape dahil sa biglaang tanong na 'yon.
Expected ko na mag tatanong sya tungkol sa bagay na 'yon pero hindi ko inaasahan na ngayon nya io-open up, and the way he look at me, I know that he's concern and he's serious right now.
"What do you mean?" patay malisya kong tanong. Pinilit kong itago ang kaba ko at pinilit na pantayan ang mga titig nya pero hindi ako nag tagumpay. Rinig ko ang pag buntong hininga nya nang umiwas ako ng tingin.
What's the point of hiding it to kuya Alvin if he already knows on what's going on? For sure ay nasabi narin ni Francis sa kanya kaya eto sya at kinokompronta ako.
Hindi ko magawang magalit kay Francis dahil sa nag sumbong sya, ako naman ang may kasalanan at alam kong mali ko ito.
"Did Francis told you?" tanong ko habang ang mga paningin ko ay nasa mug na hindi ko na nagalaw.
"He didn't tell me anything." this time ay napatingin na ako sa kanya. His left eyebrow rose when our gaze met. "Hinuhuli lang kita dahil napapansin ko na medyo weird ang kinikilos ni France lately, so, anong nangyari? May nangyari ba sa inyo?"
"Kuya?!" saway ko. Naramdaman kong namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nyang 'yon.
Bakit naman 'yon agad ang pumasok sa isip nya?!
Kahit mainit ang kape ay sumimsim ako doon para maibsan ang init na biglang dumaloy sa mukha ko. Rinig ko pa ang bahagya nyang pag tawa kaya inirapan ko sya.
"Ang dumi nang isip mo!" bulyaw ko.
"What?" natatawa nya paring wika. "Hinuhuli lang ulit kita, baka kasi—"
"I really want to punch your face right now, kuya." pag puputol ko sa sinasabi nyang kabulastugan.
"Then tell me what's going on between you two." seryosong wika nya.
Tumuwid ako sa pag kakaupo at tyaka muling sumimsim sa kape. Kinuwento ko sa kanya ang buong detalye, kung paano nya ako binilinan na matulog na, hanggang sa sagutin ko sya ng pabalang. Kitang kita sa mukha nang kapatid ko ang dismayado at hindi ko sya masisise, dahil kahit man ako ay nadismaya sa ugaling pinakita ko kay Francis.
Walang ibang pinakita si Francis kung hindi puro kabutihan sa akin tapos ganoon lang ang isusukli ko? I feel so bad.
"You need to say sorry, Melody."
"That's my plan but I don't know how, iniiwasan nya ako, kuya." I said hopelessly.
He sighed. "Kung hindi man sya umuwi ngayong gabi, sadyain mo sa hospital."
Nanalaki ang mata ko. "Ha?" wait, did I heard it right?
Muli syang nag taas ng kilay. "Gusto mo ba mag sorry o ayaw mo?"
Well, I think I don't have any choice.
Kaya naman buong araw ay pina-practice ko na sa utak ko ang mga sasabihin ko kay Francis mamaya hanggang sa hindi ko na namalayan na tapos na lahat ng subject ko.
"Are you okay?" napatingin ako kay Rain nang kalabitin nya ako.
Nandito ako ngayon sa mahabang bench malapit sa stadium. Kahit uwian na ay pinili ko paring tumambay rito, feeling ko hindi ko pa kaya umuwi. Kinakabahan ako!
"Yeah, bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko pabalik.
Rain is wearing a maroon crop top polo and a high waist jean. Naka high pony tail rin ang mahaba at straight nyang buhok kaya nadepina ang maliit nyang mukha at magandang hugis ng kanyang leeg. She's really pretty not gonna lie.
"Hinihintay ko pa yung sundo ko, e." sagot nya sa tanong ko sabay upo sa tabi ko.
Right, she's rich. Bakit nakalimutan ko yung part na 'yan?
Hindi rin sya nag tagal sa tabi ko dahil tumawag rin agad yung sundo nya na ikinalungkot ko.
"I have to go, bye Melody!" sabi nya bago bumeso sa akin at tyaka nag tatakbo patungong parking lot.
Napabuntong hininga nalang ako at pinag dasal na mapadpad rito si Cloud. Bakit kung kailangan ko ng kasama ay doon naman sila wala?
Ayoko pa umuwi pero wala akong choice. I need to say sorry. Kung hindi nya tanggapin, at least nagawa ko na yung part ko, right?
Tumayo ako at nag pasya nang umuwi. Habang nag lalakad ay napatigil ako. What if wala pa sya sa bahay? Should I got straight to the hospital? Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang alas-sais na ng gabi. Malapit na sya mag out.
Dali-dali akong lumabas ng gate at tyaka nilakad ang daan patungong hospital. Mas okay na ngayon na ako humingi ng sorry kaysa doon sa condo, mas awkward yon dahil kaming dalawa lang. Kung may mga tao sa paligid namin, baka maibsan rin ang kaba ko at makakuha ng lakas ng loob.
Nag aagaw na ang liwanag at dilim at ang mga poste ng ilaw ay nakabukas na rin. Maliwanag ang side walk na dinadaanan ko gawa ng mga ilaw na ginawang palamuti sa sanga ng mga puno.
Nang makarating ako sa main entrance ng hospital ay napatigil ako. Tumingala ako at humugot ng lakas ng loob bago ko tinahak ang entrance.
Malaki at malawak ang hospital na 'to. Minsan na akong naligaw rito nung hinanap ko kung saang floor naka assign ang kuya ko, at feeling ko ay maliligaw ulit ako kung hahanapin ko kung nasaan si Francis.
May mga iilan na naka tingin sa akin dahil sa uniform kong suot, ang ibang civilian ay walang pakealam sa akin, may iilan ring pasyente na nasa wheelchair at ang iba naman ay mga may dalang prutas at pagkain. Nilibot ko ang paningin ko at nang mamataan ko ang front desk ay agad akong lumapit doon.
"Excuse me, Miss." tawag pansin ko sa isang receptionist na naka-assign. Nang mag tama ang paningin namin ay agad nya akong nginitian.
"Yess, how can I help you, Ma'am?"
"Itatanong ko lang po sana kung saang floor naka assign si doc. Francis John?" sabi ko. Bigla akong nakaramdam ako ng palalamig sa tyan nang banggitin ko ang pangalan nya.
"Tawagan ko lang po yung line nila, Ma'am— oh, ayon po pala sila."
Napalingon ako nang ituro niya ang kinaroroonan nila Francis.
He's not alone. He's with his colleague. Tatlong lalaki ang nakabuntot sa kanya at naka suot rin ng scrubs pero napako ang paningin ko sa babaeng katabi nya. Nakasuot sya ng gown at kung titignan ay mag kaiba sila ng field ni Francis. She's tall and beautiful. Naka ponytail ang buhok nya at naka suot ng black stilleto heels. The way she walk besides him, the way she talks, the way she laugh on what Francis says to her, I clearly tell that they are look good together. Maybe that's his definition of a real woman.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin ng mag tama ang paningin namin ni Francis. Nakita ko rin na napatingin sa akin yung mga kasama nya.
"Ma'am hindi po ba hanap nyo si doc—"
Hindi na ako nag patumpik pa at tinahak na agad ang exit door. Nakakahiya! Hindi ko alam bakit ko pa sya sinadya rito sa Hospital. Sana hinintay ko na lang sya sa condo!
"Melody—Melody, wait!"
Mabilis akong nag buga ng hininga bago ako lumingon sa kanya. Tumingin ako sa kanya na parang wala lang. I probably not do anything stupid!
"Sabi nung receptionist hanap mo daw ako?" takha ngunit may pag aalala sa tono ng boses nya.
Napatingin ako sa likod nya at nakitang lumiko na ang iba nyang kasama.
"B-bakit mo sila iniwan?" patukoy ko sa kasama nya kanina.
Pero imbes na sagutin ay hinili nya ako palabas ng hospital. Hindi narin ako pumiglas at nag patianod nalang sa kanya. Buong akala ko ay kakaladkarin nya ako hanggang condo, pero nang mapansin ko ang mga bench na gawa sa bato at mga halaman ay napag tanto kong sa mini park nya ako dinala, parte parin ng hospital kung saan tumatambay ang ilang nurses, doctor kapag break time nila. Napatingin ako sa paligid ngunit kami lang ang tao.
"Bakit mo ako dinala rito?" tanong ko.
Pinanood ko syang umupo sa isang bench. Tinanggal ang dalawang butones sa scrubs nya bago nya ako tignan.
"Para pag usapan ang sadya mo sa akin?"
Muli kong binaling ang paningin ko sa isang bench para lang hindi sya matignan sa mata.
"H-hindi ikaw ang sadya ko, s-si kuya!" palusot ko. "Oo, si kuya!"
Narinig ko ang bahagya nyang tawa kaya napatingin ako sa kanya. He's now checking his wristwatch. Nang mag angat ang paningin nya ay agad akong umiwas ng tingin.
"It's too early, nasa condo pa kuya mo."
Shit!
Napairap ako sa bench na para bang sya ang may kasalanan ng lahat at tyaka buong lakas kong tinignan si Francis. Kasalukuyan parin akong nakatayo sa harap nya, dalawang hakbang ang layo mula sa kanya at ang makita imahe nya sa harap ko ay nakakapang nginig ng tuhod. Para akong nasa bitay at nag hihintay nalang ng hatol nya sa akin!
"Fine!" I sighed. "I'm here to say sorry because of what I said to you last stream..I didn't mean to say those words..It's just that—that—that I'm frustrated because of the game. I said it out of frustration and believe me.. I didn't mean it. So I'm here to apologize—"
"You don't have to,"
Habol-habol ang hiningang napatitig ako sa kanya. He smile as if that's an assurance that he's not mad.
"I just thaught that me, acting like a kuya to you is annoying. That's why I distance my self and makes everything cool. I'm planning to approach you but you're here now."
"H—hindi ka galit?" nan laki ang mata ko.
"Why would I?" natatawa nyang tanong. "I'm the one who needs to say sorry,"
"H—hindi na kailagan, no!"
Sa tuwa ay naupo ako sa tabi nya at tyaka pinag masdan ang gusali mga halaman sa harap namin.
"Ayaw mo bang maging kuya ako?" pagilid akong tumingin sa kanya.
"Please tama na yung isang Alvin. Just be yourself, you don't have to act though." sabi ko nang may ngiti sa labi. "Let's just be friends. Sounds good, isn't it?"
He chuckled. "Yeah, souds good."
Ang bigat sa dibdib ko ay tuluyan nang nawala.
Nanatili pa kami ng ilang minuto doon bago kami nag pasyang kumain sa isang malapit na restaurant.

Book Comment (430)

  • avatar
    Angelo Ramirez

    Nice to Reading

    11d

      0
  • avatar
    Yannah Constantino Darvin

    nice jobbb

    13d

      0
  • avatar
    Angela Bego

    ganda

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters