logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3


JIRO's POINT OF VIEW
Pinagmasdan ko ang mukha nito na walang pinapakitang kahit na anong emosyon. What is she thinking?
Inilibot niya ang paningin sa paligid, dahil sa dilim ay walang ibang makikita kundi ang mga nagtataasang puno at ang fountain na walang tubig. Mataas ang sikat ng buwan at ang liwanag lamang nito ang nagbibigay repleksyon sa lahat.
Napaigtad ako nang tumingin siya sa'kin saka kumunot ang noo, waring nagtataka kung bakit nasa ganito kaming lugar. I just gave her a tin smile as a respond. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
Hindi naman ako makapagpaliwanag ng maayos dahil wala pa 'yon sa utos ni Lolo Shin. Hindi ako pwedeng basta-basta nalang magsabi sa kanya ng mga nangyare.
I know she's confused but still choose to be silent, this is the Vanessa that I know. Gagawa ng basta-bastang hakbang pero tahimik lang at pipiliing mag-obserba hanggang sa makakuha ng nararapat na impormasyon.
Napaatras ako sa gilid nang bigla siyang tumalikod at naglakad pabalik sa mansyon. Hindi kaagad ako nakagalaw at hindi na namalayang nakapasok na siya sa loob. I thought, she'll run away.
Napalunok ako't sumunod sa kanya sa loob. Automatic naman na sumara ang pintuan ng mansyon pagkapasok ko.
Hindi ako nag-atubili't umakyat sa taas ng silid niya. Napabuntong hininga ako nang pagbukas ko ng pinto'y nasa loob na siya't nakahiga na, and as usual, nakataklob ng kumot.
"If you need anything," ani ko bago napabuntong hininga ulit, "just go to the third floor. The first door on the left is my room, you can approach me there."
Lumabas din kaagad ako ng silid nang hindi ito marinig magsalita. Hindi ko na inilock ang pinto ng silid niya't panigurado naman akong hindi na siya ulit lalabas ng masyon.
Base kasi sa kilos niya kanina, mukhang chineck lang niya ang labas. She's still confused and I understand her. She's been sleeping for four years tapos wala ka pang maalala. That feeling is the worst.
Bumalik ako sa kwarto't mabilis na nag-dive sa higaan, "H, lock down the mansion and turn off the lights," ani ko habang nakapikit.
Maya-maya pa'y nakarinig ako ng tunog na bling hudyat na tapos na ang pinapagawa ko rito. H is an artificial intelligence assistant that is programmed by my father to this mansion para siguraduhing safe ang bawat taong maninirahan dito.
Isa din 'yong dahilan kung bakit dito pinili ni Lolo Shin na dalhin ang apo niyang si V.
Hindi ko na namalayang nakatulog ako kaya kinabukasan ay isang kalabog ang hindi ko inaasahan kaya mabilis akong napabalikwas sa pagkakahiga, si V.
Mabilis akong tumakbo pababa saka pinuntahan ang silid niya. Wala siya sa kama kaya agad akong bumaba sa may sala pero mabilis akong napahinto nang makaamoy ng parang sunog.
Dumiretso ako sa kusina at doon naabutan si V na may hawak na sandok at sa harapan niya'y may umuusok na kalan. Ang kalat ng kusina na ikinahawak ko nalang sa noo.
"What happened?" Tinignan ko ito na ikinatawa ko naman, ang dungis niya.
"I'm trying to cook pero hindi ko alam ang mga kagamitan mo dito." Ngumiwi siya na talagang ikinatawa ko na. "Why are you laughing?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya agad kong itinikom ang bibig.
"Nothing," naiiling kong ani, kahit kalian talaga. "Sabi ko sayo kagabi kung may kailangan ka akyatin mo lang ako sa kwarto ko."
Nilapitan ko ang kalan na umuusok saka tinignan ito, pinilit niyang buksan kaya umusok, napa-iling ako saka chineck ang ilalim kung saan nakasaksak ang electric stove.
Hindi talaga gagana lahat ng nandito sa kusina once na nilockdown ko ang buong mansion. Tinignan ko si V na nakatingin lang sa ginagawa ko.
"Electric pala 'yan?"
Inalis ko ang pagkakasaksak ng electric stove saka tinaggal ang stove sa ibabaw ng counter. Binuhan ko ito't pumunta sa likod ng kusina.
"Yeah," sagot ko kay V habang bitbit ang stove.
Naramdaman ko naman ang presensya niyang sumunod sa'kin. Inilapag ko ang stove sa tabi ng tambakan ng iba pang appliances na sira.
Lumapit ako sa pinagsasandalan ni V, agad naman siyang umalis sa pagkakasandal kaya kinuha ko kaagad ang kahon sa likod niya.
"You have spare appliances here?"
Bahagya akong natawa dahil nakikita ko ang pagiging curious niya kung saan ang unang naging dahilan kung bakit kami nagkakilala noon. "Yeah."
Bumalik kami sa loob ng kusina at inasikaso ko naman ang pagkabit sa bagong stove, "H, unlock the mansion," ani ko matapos ikabit ang stove.
Nag-ilawan naman ang mga dapat bukas na appliances at nakarinig ulit kami ng bling sound pagkatapos. Tinignan ko si V nang nakangiti pero nawala ang ngiti ko nang makita ko ang pagiging seryoso sa mukha niya.
Hindi ko alam kung anong nangyare at naging tahimik siya bigla.
Hindi siya kumibo ng ilang segundo pero maya-maya rin ay nilinis niya ang kalat sa kusina na mabilis ko namang tinulungan.
Nang malinis ang kusina'y bigla siyang nawala sa paligid. Pagtingin ko sa sala'y nandoon lang pala siya't naka-upo. Napabuntong hininga nalang ako saka lumunok.
"Ako na ang magluluto, anong gusto mo?" tanong ko habang nakasilip mula sa dinning area.
Nilingon niya lamang ako't walang imik na bumalik ng tingin sa kawalan, o-kay? I guess that's a cue na akong bahala? Napapakamot ulo akong bumalik sa kusina.
I cook her favorite food and blended her favorite fruit drink. Bumalik ako sa sala't tinawag siya para kumain.
Walang imik naman niya akong sinundan at tahimik kaming kumain sa dinning area. Para naman akong matutuyuan ng lalamunan dahil sa katahimikan. Ano kayang iniisip niya? Bakit siya biglang nanahimik?
Hindi ko maiwasan ang pasimpleng tignan siya habang kumakain. Nararamdaman ko ang nakakatakot niyang aura at hindi ko alam ang dahilan noon. Did I say or do something para magkaganyan siya?
Natapos kaming kumain ng walang imikan.
"Ako na ang maghuhugas," pigil ko rito nang dumiretso siya sa lababo, pero kaagad akong napataas ng dalawang kamay nang tignan niya ako ng masama. "Sabi ko nga ikaw na." Napakamot nalang ako sa ulo. "Akyat lang muna ako sa kwarto," ani ko na ginantihan lang niya ng tango.
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim bago umakyat sa taas. Dumiretso ako sa banyo't naligo saka nag-intindi. Nang matapos ay agad kong chineck ang hinanda kong kwarto para kay V.
Bumaba ako sa sala para sabihan siya tungkol sa bago niyang kwarto nang wala akong makitang ni katiting na anino niya sa sala at kusina. Shit, did she run away already?!
Mabilis kong kinuha ang cellphone sa pants at chineck ang mga CCTV footage. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko siya sa labas, naka-upo sa gilid ng fountain at tulala.
Nakaramdam kaagad ako ng kirot sa dibdib nang makita ko ang itsura niya. I know she's having a hard time coping up with everything.
Hindi ako nag-atubiling puntahan siya sa kinaroroonan saka siya tinabihan sa pagkakaupo. Naramdaman ko naman ang paglingon niya sa'kin kaya agad ko siyang nginitian.
"Sa ibang kwarto ka na matutulog n'yan. Hindi na doon sa parang hospital room," ani ko sa kanya at tanging pagtitig lang ang natanggap kong sagot, "and it's your Lolo Shin's order."
Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa mata niya pero parang nabuhayan siya ng loob nang marinig ang pangalan ng kanyang Lolo. Is she expecting that her family will come and get her here?
Nalungkot ako sa isiping 'yon. Sa tinagal-tagal ng pagbabantay ko sa kanya, ni minsan ay hindi dumalaw ang pamilya niya dito. Hindi ko alam kung anong rason pero nasisigurado kong may pakealam pa rin sila kay V dahil nagagawa nila akong tawagan at kamustahin tungkol sa lagay niya.
"Tara," anyaya ko saka tumayo't naunang maglakad.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya na ikinangiti ko, kahit na hindi siya nagsasalita'y nababasa ko pa rin ang bawat kilos niya. Isang teknik na namaster ko noon pa man, simula ng maging magkaibigan kami.
Binuksan ko ang pinto ng bago niyang silid. "Come in, ito na ang bago mong kwarto," ani ko habang nakangiti.
Pumasok naman siya sa loob saka inilibot ang tingin sa paligid. Maya-maya'y tinignan niya ako at tinaasan ng kilay, waring sinasabing pwede na 'kong umalis.
Napa-iling nalang ako sa inasta niya. "If you need anything, katapat lang ng kwarto mo ang kwarto ko, okay?"
Tanging tango lang ang isinagot niya kaya isinara ko na ang pinto ng kwarto niya. Bumaba ako sa second floor at dumiretso sa library. Naupo ako sa sofa na nasa gitna saka idinial ang number ng taong kailangan ko ngayon.
Angie Calling...
Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin niya ang tawag, "Hello, Jiro?"
"Yeah, it's me." Napalunok ako saka napapikit ng mariin, tama bang sabihin sa kanya?
"What's up?"
"It's about V," ani ko dahilan para makarinig ako ng kalabog sa kabilang linya. "Oh, okay ka lang?"
"Yes, yes. What about her? Anong nangyare?" halata sa boses niya ang pag-aalala, okay lang sigurong sabihin sa kanya besides, she's our best friend.
"She's awake." Isang mahabang katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Tinignan ko ang cellphone kung namatay ba ang tawag pero hindi naman. "Angie?" tawag ko rito.
"SHIT! I KNEW IT!"
Nailayo ko ang tenga sa cellphone dahil sa lakas ng boses niya, kahit kailan din talaga 'tong babaeng 'to. Nangunot ang noo ko nang maya-maya'y hikbi na ang naririnig ko sa kabilang linya.
"Are you—" hindi ko naituloy ang sasabihin nang bigla niyang pinatay ang tawag. What the.
Napatingin ako sa cellphone ko, akala ko pa naman siya na ang makakatulong sa'kin, tsk. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa stress. Hindi ko kinakaya 'tong katahimikan ni V, at tanging si Angie lang ang makakatulong sa'kin para malaman ko kung paano pagsasalitain ang babaeng 'yon.
Dumating ang kinabukasan at ganoon pa rin ang setup. Tahimik pa rin si V habang ako'y lahat na ng kadaldalan ginawa ko na para lang sumagot siya pero, wala pa rin.
Tanging pag-iling, tango at pagtaas ng kilay niya ang nakukuha kong sagot na talaga namang ikinakamot ko nalang sa ulo. Natatakot na 'ko sa katahimikan niya, baka may binabalak pala siya't hindi ko kaagad mabasa dahil hindi siya nagsasalita.
Kapag titignan ko naman sa mata'y parang papatayin naman ako sa tingin, what did I do wrong to deserve this?
Natapos ang maghapon namin ng hindi ako nakakarinig ni katiting na salita sa kanya, pero may napansin ako, paborito niyang tambayan ang gilid ng fountain.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko, hudyat na may nakapasok sa mansyon, argh, who the hell is that? Bumaba ako habang kinukusot pa ang mata nang bigla nalang may lumilipad na kutsilyo ang papunta sa gawi ko.
Mabilis ko itong nasalo't tinignan kung saan galing. "What are you doing?!"
Nawala ang antok ko habang nakatingin sa kanya na nakasabit sa gilid ng bintana mula sa second floor.
"Tinatawagan kita hindi mo sinasagot!" bulyaw niya pa sa'kin habang dahan-dahang bumababa sa pagkakasabit. "And you know me, Jiro," ngisi niya.
Napailing nalang ako. "You should have atleast informed me, Angie."
- • -

Book Comment (80)

  • avatar
    LI VE

    i like this story

    6d

      0
  • avatar
    Charity Parina

    Goodjob

    25d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good story

    26/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters