logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2


VANESSA's POINT OF VIEW
Umayos siya ng tayo at inayos ang damit na nagusot. Taka niya akong tinignan na hindi ko naman naintindihan ang ibig sabihin. Is he expecting that I'm going to kill him? Tss. Napabuntong hininga nalang ako't ipinatong ang tinidor sa lamesa.
"I'm not hungry," ani ko saka nahiga sa higaan, tinakluban ang sarili ng kumot at pumikit. Itutulog ko nalang 'to, baka sakaling bumalik sa normal ang lahat.
Hindi na kumakalam ang sikmura ko kaya ang balak kong pagtulog nalang sana'y natuloy kaagad.
Naalimpungatan ako nang makaramdam ng presensya sa kanang bahagi. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot pero agad kong napansin na naiba ang pagkakaayos ng kumot, mukhang chineck niya ako kanina. Napailing nalang ako sa isip at babalik ulit sana sa pagtulog nang marinig ko itong magsalita.
"Yeah, 'yun nga din ang iniisip ko," he stops and continue to speak, "I don't know." Para itong may kausap sa telepono.
Ibinaling ko sa kanang bahagi ang ulo at tuluyan nang naimulat ang mata. Mukhang kanina pa siya may kausap dahil kita ko ang silhouette figure niya na nakaupo sa sofa na nasa kanang bahagi ng silid.
"She can't remember me, bro'."
Now, that caught my attention. Alam kong ako ang tinutukoy niya. I need to stop being stubborn here kung gusto kong makalabas at malaman ang totoo, ang totoong nangyare sa'kin, at kung bakit ako nandito.
Naramdaman ko ang pagtayo niya saka lumapit sa gilid ng higaan. "Sige. Thanks, bro'."
Mukhang pinatay na niya ang tawag at kasabay noon ang malalim na pagbuntong hininga na rinig na rinig ko. Nangunot ang noo ko nang hawakan niya ang ulo ko. "I don't know what to do with you, V."
Tuliro ako sa binitawan niyang salita at hindi na namalayan ang pag-alis niya. Sigurado na ako, kilala niya talaga ako, at ako ang nakalimot.
Ilang oras din akong tulala nang mapagdesisyonan kong maupo at sumandal sa headboard ng higaan. Tulala lang ako sa kawalan nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa siya na may dalang tray, mabilis pinasadahan ng mata ko ang laman ng tray, pagkain.
Para akong leon na ready ng lumapa ng kahit anong pagkain dahil talagang hindi ko nilubayan ng tingin ang tray ng pagkain hanggang sa mailapag ito sa lamesa. "Hindi ka kumain kanina, gabi na kaya sana kumain ka na."
Napatingin ako sa labas ng bintana at doon napansing madilim na, gabi na nga. Bumalik ang tingin ko sa pagkain bago siya tinignan sa mata. Mukha pa itong nagulat ng tignan ko, tinanguan ko nalang ito bilang tugon. Hindi ko naman inaasahan ang mabilis niyang pag-usog at lapit ng lamesa sa tabi ng higaan ko. O-kay?
"I'll be back later," aniya na tinanguan ko nalang habang nakatingin sa pagkain.
Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at agad ng kumain. Hindi ko alam kung ilang araw akong tulog at ganito ako kaganang kumain. Simpleng rice and porkchop lang naman ang pagkain pero kung makakain ako ay talagang lamon. Hindi ko maiwasang mapaisip habang nagsasandok ng panibagong kanin sa plato, kilala ba talaga ako ng lalakeng 'yon? Anong pangalan niya? Jin? John? Ah, Jiro nga pala.
Mukhang alam ng lalakeng 'yon na mapaparami ang kain ko dahil talagang nakalagay sa mangkok ang kanin na waring pangdalawang tao ang kakain. Pero, bakit hindi ko siya kilala? Wala akong mahalungkat na kahit anong alaala tungkol sa kanya.
Nakalimot ba talaga ako? Pero bakit naaalala ko sila Lolo Shin, Dad, at bunso? Pabuntong hininga akong natapos kumain. Hindi ko maiwasang kabahan dahil limited lang ang mga naaalala ko. This is bad.
Maya-maya rin lang ay pumasok na si Jiro at inayos ang pinagkainan ko. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya nang bigla siyang huminto't tumingin sa'kin. "May gusto ka bang itanong?"
"Marami," ani ko saka siya tinignan ng taimtim sa mata, "and I need answers, now."
Napansin ko naman ang paglunok niya. "Okay, I'll try to answer them."
He stops from what he's doing and sits on the end of the bed. Hindi ko akalain na madali lang siyang kausap, akala ko'y mahihirapan pa ko sa kanya kung sakaling hindi niya sagutin ang mga katanungan ko.
I cleared my throat and stared at him. "Where are my family? Do you have any contact with them? Sila ba ang nagdala sa'kin dito? Bakit ako nandito?"
"Woah, wait. Isa-isa lang," aniya saka natawa ng bahagya, "mahina ang kalaban."
"Okay," madali lang din naman akong kausap, "do you have any contact with my family?"
"Yes, kakatawag lang nila last week to check your condition. And yes again, they are the ones who brought you here," aniya habang nakangiti na waring pinaparamdam sa'kin na hindi ko kailangan mag-alala.
"Bakit ako nandito? What happaned?" Mabilis naningkit ang mata ko nang makita ko kung paano nawala ang ngiti niya, this is intriguing, huh. Ang tagal ng katahimikan na namayani sa pagitan naming dalawa, talagang hindi niya sinagot ang tanong ko. Napa-iling nalang ako. "Okay, sabihin mo nalang sa'kin kung ilang araw akong walang malay."
"Alam mo?" Gulat niya akong tinignan na ikinakunot naman ng noo ko.
"Hindi ko alam," ani ko habang seryosong nakatitig sa mata niya. "I am just aware na may nangyare, so?" Tinaasan ko siya ng kilay nang manahimik na naman siya.
I may not remember anything but I'm still aware of my surrounding. At hindi ako makakapayag na wala akong makukuhang kahit na anong impormasyon sa kanya.
"Four years kang tulog, V."
Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya, w-what? Bigla ay parang hindi ko alam ang uunahin, hihinga ba ako o ano. Fudge, four fucking... years?! No. Bumilis ang paghinga ko at naging malikot ang pagtingin ko sa paligid. Napahigpit ang kapit ko sa kumot saka pumikit, pilit inaalala ang naging dahilan kung bakit ako nandito sa posisyon kong 'to. What happened?
"V!" Naimulat ko ang mata saka napatingin kay Jiro na nasa harapan ko na. "Calm down."
"I," hindi ko naituloy ang sasabihin dahil parang may bumara sa lalamunan ko, "can't," halos pabulong ko nalang nasambit ang huling salita.
"Wait here, ikukuha kita ng tubig," aniya saka mabilis nawala sa harapan ko.
Napahawak ako sa ulo dahil sa pagkalito, kaba at takot na nararamdaman. Four years akong tulog at wala akong maalala kahit isa, fuck! Hindi 'to pwede. Napatingin ako sa pintuan ng silid nang mamataang nakaawang ito. I need to get out of here.
I was about to stand up when Jiro entered the room. "Here, drink this." He handed me a glass of water.
Kinuha ko naman ito saka ininom. Napabuntong hininga ako matapos uminom, iniabot ko ang baso sa kanya na agad naman niyang tinanggap. Walang imik akong nahiga at nagtalukbong ulit ng kumot.
Narinig ko naman ang malalim niyang pagbuntong hininga bago ako nakarinig ng pagsara ng pinto. I can't beleive this. Napailing nalang ako saka pumikit, hindi namalayan ang pagpatak ng isang luha.
Naalimpungatan ako dahil sa naramdamang kamay sa may ulo ko. Pagmulat ko ng mata'y kakasara lang ng pinto ng silid. Naitakip ko nalang ang braso sa mata saka malalim na napabuntong hininga. Hindi pwedeng nandito lang ako, kailangan ko ng umuwi.
Marahan akong tumayo saka naglakad palapit sa may bintana. Sinilip ko ang paligid ngunit wala akong makita dahil sa dilim. Napaangat ako ng tingin sa kalangitan at tanging ang maliwanag na buwan ang sumalubong sa'kin, wala manlang bituin.
Tinignan ko ang doorknob ng silid bago napagdesisyonang lumapit doon. Napataas ako ng kilay nang pagpihit ko nito'y hindi ito naka-lock. Woah, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at laking gulat nang isang hallway ang bumungad sa'kin.
Hindi sana ako magugulat kung hindi ko lang napansin na kakaiba ang hallway na 'to, parang hallway ng bahay. I slowly step out of the room and scan the place, hindi ito hospital, then... where am I?
- • -
JIRO's POINT OF VIEW
"Four years kang tulog, V," ani ko rito. Hindi ko napigilang makaramdam ng lungkot nang bigla siyang mapahinto. At maraming nangyare sa four years na 'yon, V.
Kaagad akong kinain nang kaba nang mapansin ko ang paghinga niya pati na rin ang pagkapit niya sa kumot. Napatayo ako nang bigla siyang pumikit. "V!" tawag ko rito. Halata ang pagiging tuliro sa mata niya nang magmulat siya. "Calm down," ani ko.
"I... can't," kahit mahina lang ang pagkakasabi niya'y narinig ko pa rin kaya dali-dali kong inasikaso ang pinagkainan niya kanina.
"Wait here, ikukuha kita ng tubig," ani ko saka mabilis na lumabas ng kwarto.
Hindi ako nag-atubili't mabilis pumunta sa kusina. Inilapag ko ang pinagkainan niya sa lababo saka dumiretso sa ref at doon kumuha ng pitsel at isang baso. Patakbo akong umakyat at bumalik sa silid niya. Nagsalin kaagad ako ng tubig sa baso habang papaakyat kaya pagpasok ko'y agad ko siyang inabutan para uminom. "Here, drink this."
Kailangan niyang kumalma lalo na't kakagising palang niya. Hindi ko pa alam ang gagawin sa kanya, hindi ko kasi inaasahan ang biglaan niyang paggising. Halos apat na taon ko rin siyang binantayan at inaalagaan kaya hindi ko talaga inaasahan ito, worst part, hindi niya ako kilala.
Iniabot niya ang baso matapos uminom saka nahiga't talukbong ng kumot. Napabuntong hininga naman ako habang may namumuong kirot sa'king dibdib. Sana ako lang ang nakalimutan niya at hindi ang iba. Iniwan ko nalang sa lamesa ang pitsel at baso saka lumabas ng silid.
Dumiretso ako sa kusina at niligpitan ang iniwan sa lababo kanina. Wala namang ibang gagawa nito kundi ako lang din dahil kada linggo ko lang naman pinapapunta ang mga katulong dito para maglinis. Nagpunas ako ng kamay matapos magligpit saka napasandal sa gilid ng lababo.
Bukas ko nalang tatawagan ang pamilya ni V para balitaan sila na gising na siya, paniguradong kahit sila'y mabibigla rin. Tanggap na kasi ng mga kamag-anak niya na hindi na siya magigising pa, pero kaming mga kaibigan niya, ang Lolo, Dad at bunso niyang kapatid ay naniniwala na magigising siya. Now that she woke up, I bet the rivalry will continue too.
Pumanhik ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko. Kumuha ako ng bagong punda ng unan at bedsheet sa closet saka pumunta sa katapat kong kwarto. Naalala ko ang sabi sa'kin ni Lolo Shin, lolo ni V, na kapag nagising ang apo niya'y ilipat ko ito ng kwarto.
Kaya nasa kwartong mukhang pang-hospital room si V ay para daw hindi ito magpanic pagkagising. Kwento kasi ni Lolo Shin, once na hindi familiar ang kwarto na ikinamulatan ng apo niya'y nasisigurado daw niyang aalis ito ng walang makakapigil.
Tinapos ko ang pag-aayos sa bagong kwartong tutuluyan ni V saka bumalik sa silid kung nasaan siya. Pumasok ako sa loob para i-check siya. Pinatay ko na rin ang aircon nang maramdaman ang simoy ng malamig na hangin saka binuksan ang electric fan at itinutok sa kanya.
Lumapit ako sa gilid ng higaan niya at doon bahagyang napaisip. She's a close friend of mine at masasabi kong marami na din kaming pinagdaanan bago siya mawalan ng malay sa mahigit apat na taon, and it hurts like hell nang malaman kong hindi niya ako nakikilala. I hope she remembers Angie.
I gently pat her head na natatakluban ng kumot saka napangiti ng mapait. Lumabas din ako ng kwarto't hindi na inilock ang pinto ng silid niya. Dumiretso ako sa kwarto ko saka pabagsak na nahiga sa kama. Itinakip ko sa mata ang braso kasabay ng malalim na buntong hininga.
Ngayong gising na siya, paniguradong magsisimula na naman sila.
Napatingin ako sa bedside table nang biglang tumunog ang alarm clock doon. 12:00 o'clock na pala ng madaling araw, pinilit kong tumayo at pinatay ang alarm clock. Kinuha ko ang towel sa likod ng pinto at maliligo na sana nang maramdaman ko ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko na nasa pants na suot.
"Shit!"
Mabilis akong napalabas ng kwarto nang makitang 'yung ininstall kong CCTV app ang nag-a-alarm at ang sanhi noon ay si V na tumatakbo papalabas ng mansyon.
"Bobo! Bakit kasi hindi ko inilock?!" sermon ko pa sa sarili habang pababa ng hagdan.
Tinignan ko ang cellphone at doon hinanap sa bawat footage si V, sa harap! Mabilis akong tumakbo papunta sa main entrance ng mansyon pero kaagad akong napahinto nang maabutan ko siyang nakatayo lang sa mismong harapan ng mansyon, sa gitna kung nasaan ang fountain na pinaglumaan na ng panahon.
Lumapit ako sa tabi niya't bahagya siyang sinilip, shit, why do I have this feeling na may makikita akong familiar n'yang side?
- • -

Book Comment (80)

  • avatar
    LI VE

    i like this story

    6d

      0
  • avatar
    Charity Parina

    Goodjob

    25d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good story

    26/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters