logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

Chapter 3
Family
"Can you help me?" I asked him over the phone. Pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag niya ay ayon agad ang binungad ko, bastos ba ko? 
Sanay naman siguro siya sa ganiyon o hindi? Omyghad, what to do? Nakakahiya. 
"About?" 
Pinindot ko ang mute button ng call at lumundag agad sa kama ko. Boses pa lang kikiligin ka na talaga rito. 
Ako na kaya ang manligaw sa kaniya? 
Impit akong sumigaw at umayos ng upo sa kama ng marinig ang pagtawag niya sa akin. 
"I'm sorry, nagfocus lang sa pag aaral" pagsisinungaling ko pero mag aaral naman talaga kami. 
"Am I disturbing you?" 
His voice sounds like he just got out of the shower, readying to bed. 
"Tatawagan ba kita kung oo?" pasiring na tanong ko at umupo na sa study table ko. 
"Sorry" 
"Bakit ka nagso sorry? Hindi pa nga ako nagagalit, sinusuyo mo na ako" 
I heard him chuckle... Ilang saglit ay narinig ko lamang ang pagsigaw ng katahimikan. 
"Magsasalita ka ba o ano?" tanong ko. 
"Can you open your cam?" 
"Ikaw ha, you want to see me na, bakit hindi mo na lang ako idate ngayon?" 
Ang kapal naman ng mukha ko. Magagalit kaya sila Selene kapag nalamang ako ang unang gumagalaw ng baso ngayon? 
"You're focusing on your studies, right?" 
Inayos ko ang cellphone ko sa anggulong makikita niya ang mga bagay na nasa pink kong lamesa. 
"See? Nag aaral ako, beng." Tinanggap niya rin ang request kong video call kaya kitang kita ko ang gwapo niyang mukha suot ang specs, ipinatong niya ang phone sa gilid gaya ng akin upang kita ko rin ang ginagawa niya. Naroon muli ang malalapad na libro at ang laptop niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa nakikita ko sa kaniya kahit nag uusap naman kami mula noong pasko. 
Syempre ako palagi ang nauuna mag message sa kaniya, lunok na lunok ang inapakang pride ko. 
"So, how may I help you?" tanong niya, pertaining to my greetings. Kunwari lang naman 'yon, dahil alam kong wala na naman kaming topic na dalawa. 
Tumingin ako sa librong nakabukas sa harap ko, tapos ko nang aralin iyon at naintindihan ko na talaga pero itatanong ko na lang dahil nagpa panic na ang utak ko. 
Nagpasalamat ako sa lahat ng ispiritong narito dahil binuklat niyo ang libro ko at science pa talaga ang napili niyo. Maraming salamat po. 
Tumikhim ako at taas noong tumingin sa
kaniya at pinakita ang cover ng libro. 
"Why do you have that book if you are studying engineering?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko. 
Saka ko lamang napagtanto na hindi iyon akin, kanino 'to? 
"Masama ba mag explore? Bakit ha? Malay mo mag shift ako bigla" 
"Are you sure?" tunog kayabangan iyon. 
"Ha?... matalino naman ako ah" 
"I didn't say you are not" 
"Basted ka na." pikong ani ko. 
"So, I'm courting you?" he continue to tease me. 
"Ay, hindi ba? Sige, sinasagot na kita." ngumiti ako ng mapang asar at may papikit pikit pa. 
"Really? So I can go there now and tell your parents, who I am?" tanong niya na nagpahagilap ng hininga ko. 
Im just joking, right? Pero kung gagawin niya nga, ayos lang. 
"Dalagang Filipina po ako. Hindi basta basta nakukuha, magandang gabi po." pinatay ko agad ang tawag at pumikit ng mariin. 
Ano ba namang bunganga ito?  Kung ano ano pinagsasasabi. 
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing iyon pero masarap ang tulog ko. Kumakanta pa nga ako habang naliligo kaya paniguradong magaan ang magiging araw ko dahil mahimbing nga ang naging tulog. 
"Ma!" sigaw ko sa gitna pa lamang ng pagbaba ko. 
"Huwag mo akong sigawan, Alana ha!" 
"Kanino po 'yung libro sa kwarto ko?" 
Umupo na ako sa hapag at kumuha ng pagkain para sa plato ko. I love pancakes with honey syrup. 
"Galing dito ang mga pinsan mo, baka naiwan ni Ingrid" 
Ang pamilyang Ramos ay puro medisina, ang Acosta naman ay may real state kaya ayos lang ang nakuha kong kurso kahit na ang punong dahilan ko lamang ay para konektado pa rin ako sa gusto nila Selene. 
"Pa, kadiri kayo" ngiwi ko nang siya pa ang magsandok ng pagkain para kay mama. 
"Kapag ikaw nagka boyfriend." 
"Meron na, tatlo." 
"Ayusin mo nga, Serene Alana" 
"Joke lang" 
Nagtuloy na lamang ako sa pagkain at hindi na sila inintindi kahit nakakasuka ang kaharutan nila sa harap ko. Nawawala ang kapatid at mga tita ko. 
We are living at the mansion of my grandmother, masyado raw malaki ito para hindi tirhan ng mga anak at apo niya.
I just want the love I know I deserved at makukuha ko iyon kay Noah.
"Hoy!" sigaw ko kay Kiosk ng makita siyang naka abang sa field na daraan ko patungo sa building ng classroom ko.
Bawal 'to rito, ah?
"Ano ginagawa mo rito?" malamig na tanong ko nang makalapit na ako sa kaniya.
"Where's Seyene?"
Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya at mukha na siyang tumanda kahit iilang araw pa lang naman ang lumipas.
"Umalis."
"Nasaan nga?"
"Nag aasawa na. Umalis ka na rito."
"Why can't you just tell me where she is?" his voice is now filler with anger.
I want to stay calm pero naiirita ako sa kung paanong humagulgol sa balikot ko ang kaibigan ko bago siya umalis dahil sa gagong lalaking ito.
"Stop finding Seyene. Hindi na siya babalik."
"Where. Is. Seyene." pagdidiin niya.
Huminga ako ng malalim upang makapag isip ng ayos. Maraming tao rito kaya't ayokong gumawa ng eksena.
"Come with me"
Lumakad ako patungo sa dulong bahagi ng field kung saan hindi gaanong marami ang tao. Hindi pa siya nakakatigil ay humarap na ako sa kaniya at kinuwelyuhan siya.
Nanginginig ang kamay ko sa galit na nararamdaman ko para sa kaniya. Iniisip ko na hindi ako pwede magpadalos dalos sa mga salitang lalabas sa bibig ko pero baka ayos naman kung maka suntok ako ng isa?
Hindi pa naghihilom ang sugat sa labi niya na paniguradong galing sa kinuwento ni Seqene sa akin na nasuntok niya nga raw ang lalaking ito.
"Huwag mong matanong tanong sa amin ng mga kaibigan ko kung nasaan si Seyene dahil ikaw ang naging dahilan bakit siya sumama sa ibang lalaki."
I lied.
"So she's a cheat--" hindi ko na pinatapos ang salita niya ng itulak ko siya ng bahagya at sinipa ang dibdib para tuluyang dumistansya sa akin.
"Don't ever call my best friend that shit, walang kayo. Step brother ka lang."
"Merong kami. I'm his boyfriend!"
"Then, you should have known her better."  ayon lamang ang nasabi ko at mabilis na umalis sa harap niya.
"Bwisit." paulit ulit na bulong ko kasabay ng iilang mga mura dahil late na ako para sa unang klase ko.
Unang araw ng pagbabalik aral ay late na agad. Naabutan ko ang nagsusulat naming guro kaya umisip ako ng paraan para hindi niya mabuking.
Dahan dahan akong lumakad patalikod. Kitang kita ko ang pagpipigil ng tawa ng mga kaklase ko. Sinamaan ko sila ng tingin at sesenyas sanang manahimik ng mapatigil ako sa gitna, harap na harap sa professor namin.
Ngumiti ako ng mapagkunwari at kumamot sa batok nang istrikta niya akong pinagtaasan ng kilay.
"Where are you going Ms. Acosta?"
Tinuro ko agad si Lea. "Hihiram po sana ako ng ballpen kay Lea."
"Bakit kailangan dala buong bag?"
"Mag switch daw po kami ng seat, sabi niya."
"Sa klase ko pa talaga, Acosta?"
"Sorry, Ms. Babalik na po ako sa upuan ko, sorry po."
Nginitian ko ng matamis si Lea nang matapos ang klase.
"Sorry na. Libre na lang kita."
"Gusto ko ng kwek-kwek at gulaman" aniya at naka pamewang pa sa harap ko. Tumayo na ako at isinukbit ang braso sa kaniya.
"Rain, sama ka?" tanong ko isa kaibigang kaklase na nagliligpit pa ng gamit.
"May klase pa ko" malungkot na sagot niya kaya lumapit agad ako at naki iyak sa kaniya.
May isang bakante kaming klase ni Lea dahil pareho naman kami ng schedule samantalang si Rain ay naiiba.
"Ang high maintenance mo naman magalit, beng."
"Sino ba may kasalanan?"
"Ako"
Pumunta kami sa España dahil nagbago ang isip niya at gusto na lamang ng milktea. Sobrang init kahit alas dies pa lang ng umaga.
Sana lamang ay maraming lalaking gwapo ang makita ng mga mata ko para naman worth it ang pagkain ko rito.
Nagulat ako nang makita ang daming lalaki ang naroon ngunit nilabas ko pa rin ang cellphone ko dahil matutuwa sila Sexene sa gwapo ng mga lalaking naririto.
"Kilala mo mga 'yan?" tanong ko.
Puro gwapo ang mga naroroon at puro rin matatangkad. Woah! Nakasuot sila ng purong puting uniporme para sa mga medical student. Lumaki ang mga mata ko ng mahagilap ng mga mata ko ang tumayong lalaki na palapit na sa amin.
"Tara na, Lea." impit na bulong ko at hihilahin na sana siya palabas ngunit hinila niya ako pabalik, siguro'y napansin ang palapit na gwapong lalaki sa amin.
"Hi" bati ni Noah. He looks neat in his white uniform.
It is the first time I saw him in all white and his hair is on the side sweep, of course, isang linggo pa lang naman kaming nag uusap at puro sa social media lamang iyon, minsan ay hindi pa dahil busy siya sa pag aaral. His shoulder are really broad that's why the uniform looks fit in him.
"Hello, med student in UST?" si Lea.
Hindi ko alam ang gagawin ko o kahit man lang ang sasabihin ko, ang lakas pa ng loob ko magbiro biro kagabi tapos ngayon magkakaganito ako sa harap niya? Hindi naimik at estatwa lang?
"Nope. UP"
Lea, manahimik ka na lang, napapalibutan tayo ng matatalino.
Tumingin siya sa akin kaya ngumiti agad ako ng malawak.
"So, how's my girlfriend?" tanong niya at lumapit pa para ayusin ang natira kong buhok, kumuha pa siya ng panyo mula sa bulsa niya para punasan ang noo kong may pawis na dahil sa init sa labas.
Ang bango niya kaya nag iinit ang pisngi ko lalo na dahil sa distansya namin.
"May boyfriend ka, Serene?"
"Wala, 'wag ka maniwala riyan, mapagbiro ka talaga, haha" may kasama pa iyong mga iling.
Kumunot ang noo ni Noah at hinawakan ang baba ko para igiya paharap sa kaniya. "Akala ko ba sinasagot mo na ako kagabi?"
"Nanliligaw ka pala"
"Dalagang Filipina ka nga pala, I forgot, sorry." pakikisabay niya, pinaningkitan ko siya ng mata.
"Pwede mo na tanggalin 'yang kamay mo"
Tinanggal niya nga iyon ngunit sana ay hindi ko na lang pala sinabi.
"Ah, so nagliligawan kayo?"
Gustong gusto kong magpasalamat ngayon kay Lea dahil iniiwas niya ako sa maaaring panganib sa buhay ko. Kapag sinagot siya ni Noah ay hindi ako malilito sa kung anong mayroon sa aming dalawa pero hindi pa namin kilala ang isa't isa.
Maharot lang naman ako, ano bang gusto ko? Nakakabaliw.
Gusto ko si Noah at gusto kong ligawan niya ako pero masyado pang maaga. Hindi ko pa siya kilala ng lubos at mas lalong hindi ako sigurado kung gusto ko ba talaga siya.
Gusto ko ba talaga siya o attracted lang ako sa kaniya dahil gwapo siya at nadala lang sa tukso ng mga kaibigan ko?
Magulo talaga ako mag isip. Gusto ko magsabi ng masasamang salita para kay Noah.
"I'm courting her." seryosong tono ang gamit ni Noah kaya pinanlakihan ko siya ng mata at tinapik tapik pa ang pisngi niya.
"Mabigat na responsibilidad 'yan." pananakot ko.
"Ayaw mo ba?" ngisi niya.
"Wala akong sinabi"
"Akala ko ba dalagang Filipina ka?"
"Akala ko ba manliligaw ka?"
"Manahimik na kayo, nakakadiri." si Lea at nauna nang umupo sa malapit na upuan.
Kanina pa pala ako nakatayo dahil sa lalaking ito.
"So, can we have a date?" si Noah.
"Tutal nandito ka naman, ikaw ang mag order para sa amin ni Lea. Manliligaw ka, 'di ba?" panunubok ko, tinapik pa ang balikat niya at umupo na sa tapat ni Lea.
"What do you want?" pag sunod niya.
Tinignan ko ang menu. Nakakapagtakang hindi siya hinahanap ng mga kasamahan niya.
"She wants Nachos and Milktea while I want Fries and Ice Cream, your favorite flavor will do" inilabas ko ang wallet ko at handa nang magbigay sa kaniya ng pera nang pagtaasan niya ako ng kilay.
Umalis siya ng hindi kinukuha ang pera ko. Bastos ng ugali.
"Wala bang pasok 'yon?" tanong ni Lea, nakatingin pa rin kay Noah na naglalakad patungong counter hanggang sa lumipat din ang tingin sa mga kasama ni Noah na kumakain.
"Hindi ko alam" sagot ko at humagikhik.
Ngayon ko pa lamang mailalabas ang kilig na nararamdaman ko kanina.
"Gwapo nang nasungkit ah, mayaman pa tapos matalino. Paano mo nakilala?" pang uusia niya
"Reto ng mga kaibigan ko."
"Sabihin mo ako rin" nginuso ko ang mga kasama ni Noah.
"Pili ka roon oh, gwapo naman lahat pero bagay kayo noong naka gray"
"Hindi ko sila bet" pinagtaasan ko siya ng kilay, siya pa umayaw, lahat naman ay malalakas ang dating.
Ilang minuto kaming naghintay kay Noah para sa pagkain namin. Gusto ko sanang iabot sa kaniya ang bayad ko pero nagpaalam siya agad dahil may pasok pa raw siya.
"Anong oras ang tapos ng huling klase mo?" tanong niya.
Tinignan ko ang schedule ko sa phone at pinakita sa kaniya.
"5 PM."
"Hihintayin kita, magkita tayo rito mamaya."
Totoo ba 'yung sabi niyang date? Saan ang punta namin?
Tinignan ko ang suot ko, naka uniform lang din ako. Hindi pa man ako nakakasang ayon ay umalis na siya kasama ang mga kaibigan.

Book Comment (6)

  • avatar
    SemaiChakib

    ghnhvf

    01/07

      0
  • avatar
    OcampoErah

    😍😘🥰 this is beautiful

    21/04

      0
  • avatar
    sellemiaymen

    good taym

    01/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters