logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 4:

Kabanata 4.
  "Madeline anak, kumusta ang pag aaral mo?" tanong sa akin ni Mama habang nagvivideo call kami.
  "Ayos lang po mama, kapag nakuha ko na po ang card ko, ipapakita ko po sa inyo 'yung grades ko."
  "Mabuti naman kung ganon at nag aaral ka ng mabuti, anak. Bata ka pa pero maaasahan at mapagkakatiwalaan ka na namin ng papa mo."
  "Huwag po kayong mag alala ma, kahit kailan hindi ko po kayo susuwayin."
  Pagkatapos kong sabihin iyon ay tila nanikip ang dibdib ko, pakiramdam ko kasi hindi ko matutupad ang pangako ko kila mama. Nagsisimula na akong maging curious sa mga bagay bagay, at sana mapigilan ko pa ito.
  Walang pasok ngayon, sabado kasi. Nagbalak ako na pumunta na lamang sa isang bookstore para mamili ng bagong librong pwedeng basahin. Wala na kasi akong mabasang bago sa mga nasa book shelves ko. Hindi pa naman ako mapakali kapag wala akong nababasa.
  Wala akong makasama. Sila Mikaela kasi nagpapahinga sa mga bahay nila dahil pare-parehong may hang-over. Minsan nga pinagsabihan ko na sila na itigil naman na nila ang pag-inom ng alak lalo na't Grade 9 pa lang kami. Masyado pa silang mga bata para sirain ang mga atay nila.
  Huminto ako sa paglalakad nang makarating ako sa harap ng bookstore. Napangiti ako dahil naaamoy ko na naman ang mabangong amoy ng mga bagong libro. Nang makapasok, agad na kumuha ako ng basket para ilagay doon ang matitipuhan kong libro.
  Kumuha ako ng iba't ibang genre ng libro. Romance, Sci-fi, Horror, Fantasy at kung anu-ano pa. Hindi lang kasi ako nagfofocus sa isang genre. Gusto ko ay paiba iba para naman mas malawak ang mga nasa utak ko.
  Pipihit na sana ako papunta sa counter nang mapahinto ako dahil sa dalawang ka-edad ko. Nag-uusap kasi sila at nakaka-curious iyon...
  "Ganon pala yung feeling 'non bes, oh my gosh! Masakit sa umpisa, tapos unti unting sasarap."
  "Malandi ka talaga, sinunod mo naman yung sinabi ko sa'yo."
  Naghagikgikan pa silang dalawa. Ganoon ba talaga iyong feeling 'non? Bakit parang totoong masarap kung ikinukwento nila?
  Nagkibit balikat na lamang ako at saka dumiretso na sa counter para bayaran ang mga binili ko. Umabot din ng walong libro na makakapal at ang bigat 'non pero ayos lang. Kasiyahan ko naman ang mga libro.
  Matapos kong mabayaran lahat, dumiretso ako sa katabing coffee shop ng bookstore. Doon ako palagi tumatambay kapag ganitong walang pasok. Masarap kasi ang kape at cake sa kanila.
  Ang sarap sa feeling habang nagbabasa ng libro at humihigop ng mainit na kape. Nakakarelax at nakakaginhawa.
  Abala na ako at nasa kalagitnaan na ako ng chapter 6 nang may naupo sa kaharap kong upuan.
  "Can I sit here, ate?"
  Nag angat ako nang tingin sa lalaking nagsalita. Bata pa iyon at sa tansya ko ay mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. Nginitian ko siya at tumango. Hawak ang apat na libro ay inilapag niya iyon sa lamesa. Mukhang ang bibigat 'non base sa pagbagsak sa lamesa.
  "Ang sipag mo namang mag aral, pati dito mag-aaral ka?" Tanong ko. Grabe, ang kakapal ng mga librong babasahin niya.
  Nag angat siya ng tingin sa akin. Nangunot ang noo ko ng pamilyar na pares ng mga mata ang nakita ko sa kanya. Pero ang alam ko hindi ko talaga siya kilala.
  "Mabuti pang dito na lang ako mag aral kaysa marinig si papa at kuya na maglaro ng xbox buong maghapon. Ang ingay kasi nila."
  Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Baka kasi mairita rin siya kung tatanungin ko pa siya nang tatanungin.
  Magbabasa na sana ako ulit kaya lang ay pilit ko talagang iniisip kung kaninong pares ng mga mata ang kahawig ng sa kaniya. Napapasulyap tuloy ako sa kaniya nang hindi ko namamalayan.
  Maya-maya ay napansin kong nangunot ang noo niya at napakamot sa ulo. Nag-angat siya ng tingin sa akin at saka bahagyang ngumiti. Medyo nailang tuloy ako. Nahuli niya yata akong nakatingin.
  "Ang hirap talaga ng math. Lalo na Algebra," pagrereklamo niya.
  Naiilang na ngumiti ako. Akala ko pa naman maiinis siya dahil tingin ako nang tingin. "Anong topic niyo na ba? Halika tuturuan kita." Lumipat ako sa tabing upuan niya at tiningnan iyong binabasa niyang libro. "Tuturuan kita, alam ko 'yan."
  Inabot kami ng ilang oras bago natapos, minsan nagbibiruan kami at nagtatawanan. Ang sarap sigurong magkaroon ng kapatid! Wala kasi akong kapatid na matuturuan ko ng ganito.
  "Ano nga palang pangalan mo, ate?" Tanong n'ya.
  "Madeline."
  "Pati apilyedo, para i-add kita sa facebook."
  Natawa ako sa sinabi niya. Ang cute niyang bata.
  "Madeline Holmes. Ikaw?"
  Ngumiti siya at kinuha ang cellphone niya. Nagtype siya roon bago ibinalik ang tingin sa akin.
  "Ako si Alvin Patrick Hutterson. 'Yun ang pangalan ko sa facebook, i-confirm mo ang friend request ko, huh?"
  Tumango ako at saka ngumiti. Talaga namang sinugurado niya na i-aaccept ko siya.
  "Sure!" maligayang sabi ko.
  Nag usap pa kami saglit bago tuluyang tumayo at nagpasyang umuwi na, alas kwatro na rin kasi ng hapon.
  Naguluhan ako nang pagtayo niya ay mas lalo siyang naging pamilyar sa akin. Kasing-tangkad ko lang naman siya pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit masyado siyang pamilyar.
  Sabay kaming lumabas ng coffee shop. Naabutan namin ang isang sasakyan na nakaparada 'di kalayuan sa amin. Lumingon sa akin si Alvin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat pa nga ako dahil bigla niya akong hinila palapit sa sasakyan.
  "T-teka, saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
  "Ipapakilala kita kay kuya," sagot n'ya.
  Hindi na lang ako umalma nang nakarating kami sa tapat ng kotseng nakaparada roon.
  Kinatok niya ang bintana ng kotse, ilang katok ang ginawa niya bago bumaba ang bintana.
  "Akala ko bukas ka pa matatapos mag aral. Kanina pa ako dito, isang oras na." Sabi nung kuya niya na mukhang kagagaling lang sa tulog.
  Pamilyar din ang boses na 'yon kaya hindi ko napigilan sumilip. Hindi ko naman masyadong makita dahil nakaharang si Alvin.
  "Ah, napasarap kasi ako sa kwentuhan kay ate Madeline!" Tuwang tuwang sabi niya doon sa Kuya niya.
  "Madeline?" Takang tanong ng kuya niya at tuluyan nang umalis si Alvin sa harapan ko.
  Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Shivan sa loob ng kotse. Kaya naman pala pamilyar ang mga mata ni Alvin dahil pareho sila ng mga mata ni Shivan at magkapatid pala sila.
  "Madeline! Magkakilala kayo ni Alvin?" Gulat na tanong ni Shivan.  Umatras kami nang buksan niya ang pinto ng kotse. "Ihahatid na kita sa inyo!" Alok niya pa.
  Kinalabit naman ako ni Alvin sa gilid ko.
  "Ate, magkakilala kayo ni kuya?" Nagtatakang tanong niya.
  "Ah, schoolmate kami." Sagot ko sa kanya.
  Nagulat naman ako nang biglang umakbay sa akin si Shivan.
  "Kuya, may gusto ka ba kay ate?" Ginulo ni Shivan ang buhok ni Alvin at saka binuksan ang pinto sa likod ng kotse.
  "Crush ko siya." Natatawang sabi ni Shivan na ikinainit ng pisngi ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya pero... Naapektuhan ako.
  Itinulak ko siya palayo sa akin dahil sa kahihiyang nararamdaman ko at saka nauna nang pumasok sa kotse.
  Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang mapaisip kung paanong nakakapag-drive siya, eh ang bata pa niya?
  "Kainis naman, bakit ang lapit ng bahay ninyo?" Inis na tanong niya ng makababa na ako sa kotse.
  "Alangan namang mag-adjust iyong bahay namin para sa'yo?"
  "Kung pwede lang nga, eh..."
  Tumawa ako at mahinang hinampas siya sa balikat.
  "Sige na, naghihintay si Alvin sa loob! Pasok na ako sa bahay."
  "Kiss ko muna?"
  Ngumuso siya at lumapit sa akin.
  "Aba, ang kapal mo, huh? Boyfriend ba kita?" tanong ko sabay mahinang sampal sa labi niya.
  Mas lalo tuloy siyang napanguso sa sinabi ko.
  "Hindi ba pwedeng friendly kiss?" Umaasang tanong niya.
  "Umuwi na nga kayo!"
  Nagkibit balikat siya. "Oh sige, see you tomorrow!"
  Tatanungin ko na sana siya kung bakit see you tomorrow. Eh, Linggo palang naman bukas pero hinayaan ko nalang kasi baka nagkamali lang siya.
  Binati ko si Manang Luisa pagkapasok ko ng bahay, iyong yaya ko na itinuring ko ng pangalawang ina.
  "Anong gusto mong ulam sa hapunan, anak?" Tanong ni Manang Luisa.
  "Gusto ko ng kare kare Manang."
  Ngumiti sya sa akin.
  "Hindi parin talaga nagbago ang paborito mo. Oh, sige ipagluluto kita."
  Tumango lang ako 'tsaka umakyat para pumasok na sa kwarto. Naligo muna ako at nagbihis pagkatapos ay humarap sa laptop ko. Nagpasya akong mag log in sa facebook ko para tingnan kung nag friend request na ba si Alvin. Marami akong notifications dahil buong araw akong hindi nag online.Sinilip ko muna 'yong notifications ko. Ini-scroll ko kung ano ang mga nandoon. Wala naman, tinadtad lang ni Mikaela ng likes iyong mga posts ko. Kaya sinilip ko na 'yung friend request. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Alvin doon.
  Agad kong in-accept ang friend request niya pagkatapos ay nag scroll down lang sa news feed.
  Nalaman ko na may bagong boyfriend na naman si Jamila. Nagpost siya ng picture nilang dalawa, 2 hours ago lang. Sa aming apat, siya iyong paiba iba ng boyfriend. Nagcomment nga ako sa post niya ng "Magseryoso ka na nga!"
  Tapos nagscroll pa ulit ako sa newsfeed hanggang sa nakita ko 'yong post ni Mikaela. "Ako nalang kasi, bakit siya pa?"
  Nalungkot ako para sa kaibigan ko, gustong gusto niya talaga si Harold.
  Nagcomment ako sa post niya; "Huwag ka na kasing umasa, iba nalang wag na sya."
  Pagkatapos 'non ay nag log out na ako at nahiga sa kama. Tumitig ako sa kisame at naalala ang mga nangyari.
  Bakit ba kapag kinukwento ng mga kaibigan ko 'yung tungkol sa mga karanasan nila, feeling ko out of place ako? Feeling ko hindi ako kasama sa kanila. Minsan nacurious na ako sa bagay na iyon, iyong pinag uusapan ng dalawang babae kanina sa bookstore. Pero pilit kong isinasantabi, dahil alam kong hindi pa iyon pwede sa katulad kong kinse anyos pa lamang.
  Alam kong sila Jamila, Mikaela at Roxy ay naranasan na 'yong bagay na 'yun. Ang alam nga nila, may nangyari na sa amin ni Shivan...
  Si Shivan, sya lang 'yong nagparamdam sa akin ng ganito. Kung noon, hindi ako curious sa ganitong bagay at hinahayaan ko lang. Ngayon, magmula nang maranasan kong makipag inuman sa kanya. Magmula 'nong nagpustahan kami at natalo ako. Mula noong mahalikan niya ako, nagkaroon ng munting curiousity ang utak ko. Hindi ko alam, pero...
  "Iha?" Kumatok si Manang Luisa sa pinto.
  "Po?"
  "Kakain na."

Book Comment (157)

  • avatar
    bansiljohn paul

    good story

    12d

      0
  • avatar
    April Jhoy Valdez

    nice

    14/03

      0
  • avatar
    Charlene

    super Ganda

    28/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters