logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

“Doctor Guillermo kamusta po ang kapatid ko?” Matinding pag-aalalang tanong ni Liana sa doctor ng kapatid ng lumabas ito sa ICU.
Umiling ang doktor pagkatapos ay inalis nito ang suot na mask. “I already told you Liana… only operation can saved your brother.” Deretsong sagot nito.
“Pero, Doc, hindi pa naman ganoon kalala ang tumor niya ‘di ba?” takot na takot ng tanong niya dito.
Malaking pera ang kakailanganin sa operasyon ng kapatid at wala pa siyang ganoong kalaking halaga. Idagdag pang nawalan siya ngayon ng trabaho.
“Yes… But it was pressing on his optic nerve. At hindi maglalaon baka mawalan ng paningin ang kapatid mo. And there will be a lot of severe headaches from time to time na baka hindi kayanin ni Lester ‘pag nagkataon.”
Nakagat ni Liana ang kanyang labi sabay haplos sa kanyang noo. Ano bang gagawin niya?
“I’m sorry, Liana. Wala tayong ibang option kundi ang operasyon. Sabihan mo na lang ako kapag ready ka na,” anang doctor sa kanya sabay tapik sa balikat niya at nagpaalam na ito. Alam niyang ang perang kakailanganin sa operasyon ang tinutukoy nito.
Napatitig na lang siya sa kawalan. Saan ba siya kukuha ng dalawang milyong piso para doon? Kahit magbenta siya ng aliw, matagal pa bago niya iyon makuha.
“Liana, kamusta na si Lester.” Si Aling Perla iyon na pumukaw sa kanyang pag-iisip. Kasama niya ito ng isugod ang kapatid sa ospital. Hindi pa rin pala ito nakakauwi.
“O ito… Alam kong hindi ka pa kumakain ng almusal.” Anito at iniabot ang isang plastic ng pagkain sa kanya.
Malungkot siyang napangiti dito. “Maraming salamat ho, Aling Perla.” Aniya at kinuha ang plastic sa kamay nito.
“Sige na... Kumain ka muna at ako na ang bahala dito.” Pagtataboy nito sa kanya.
Isang tango at ngiti lang ang isinagot niya dito pagkuwa’y naghanap ng pwesto sa labas ng ospital. Pinili niya ang isang punong mangga na malayo sa karamihan. Sa ganoong paraan makakapag-isip siya kung ano ang gagawin.
Kung babalikan sa kanyang alaala ang gabing muntik na niyang ikapahamak, parang hindi niya rin maaatim na gawin iyong muli kung saka-sakali.
At isang tao lang ang sumagi sa isipan niya na maaaring makatulong sa kanya... Si Mrs. Enriquez. Ito lang ang alam niyang may mabuting loob.
Ngunit, paano naman niya gagawin iyon? Wala na siya sa mga ito at nahihinuha niyang hindi papayag si Henry na bumalik siyang muli sa mga ito.
Huminga siya ng malalim. Kung si Mrs. Enriquez lang ang tanging paraan upang hindi siya mapahamak ng todo makahanap lang ng perang ipangpapa-opera sa kapatid, pikit-mata na lang niyang tatanggapin ang kalupitan ni Henry.
She will do everything for his brother. Kahit habang-buhay pa siyang magtrabaho, gagawin niya para dito.
Hinugot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Aling Perla. Nagpaalam siya ditong may pupuntahan lang sandali.
Hindi naman siya nagdalawang-salita at mabilis na pumayag ang babae. Huwag na daw siyang mag-alala kay Lester dahil hindi daw nito iyon iiwan habang wala siya.
Naisip niya ang ina. Kaninang isinugod si Lester ay hindi pa ito nakakauwi, kaya’t alam niyang hindi pa nito alam ang nangyari sa kapatid. Ti-next niya ito pero hindi ito sumasagot.
Isang buntong-hininga ang muli niyang pinakawalan. Kung hindi nag-aalala ang kanyang ina, wala na siyang magagawa doon. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay makausap muli si Mrs. Enriquez at mapairating dito ang kanyang nais.
**
Sunod-sunod na doorbell ang ginawa ni Liana ng marating ang mansyon ng mga Enriquez. Bandang hapon na iyon at alam niyang wala na doon si Henry. May pagkakataon siyang makausap ng maayos ang ina nito.
Si Anji ang nagbukas ng gate. Gulat na gulat ito ng makita siya.
“Liana!” bulalas nito sabay bukas ng malawak sa gate. “Tuloy ka… Tuloy… Alam mo bang ipinahanap ka sa amin ni Ma’am Helga kanina?” nag-aalalang wika nito sa kanya na ang tinutukoy ay si Mrs. Enriquez.
Isang alangang ngiti ang iginanti niya dito. “Nandyan ba si Sir Henry?” nagsisigurong tanong niya.
“Wala.” Mabilis nitong sagot kasabay ng pag-iling. “Halika na. Alalang-alala sa ‘yo si Ma’am kanina. Baka daw kung ano na ang nangyari sa ‘yo,” kwento nito habang naglalakad sila papasok sa loob.
Nasa bungad pa lang sila ng may pintuan ng salubungin siya ni Mrs. Enriquez.
“Oh my God, Liana! Mabuti naman at bumalik ka.” Anito at inakay siya paupo sa sofa. Iniwan na sila doon ni Anji at bumalik na ito sa kusina.
“Pagpasensyahan mo na si Henry kanina… Medyo masama lang ang pakiramdam niya kaya nagawa niya ang mga bagay na iyon.” Pagtatakip nito sa anak.
Hindi naman na iyon pinuna pa ni Liana. May iba siyang pakay sa kanyang pagbabalik doon.
“Ibig po bang sabihin may trabaho pa rin ho ako?” alanganing tanong niya rito.
“Of course, hija. Wala namang nagtatanggal sa ‘yo dito,” mabilis nitong tugon.
“Pero paano po si Sir Henry? Baka po magalit siya sa inyo kapag nalamang bumalik ako.” nag-aalalang saad niya.
“Huwag kang mag-alala sa kanya Liana. Kakausapin ko siya ng maayos. Alam kong kailangan mo ang trabahong ito.”
Salubong ang mga kilay na tiningnan niya ito. “Ano pong ibig ninyong sabihin?”
“Nai-kwento na sa akin ni Perla ang sitwasyon mo. At huwag kang mag-alala… kung kailangan mo ng tulong magsabi ka lang.” Nakangiting wika nito.
Nabuhayan naman ng loob si Liana sa sinabing iyon ni Mrs. Enriquez. “Talaga ho?”
“Oo, hija…” anito at sinabayan pa ng pagtango.
“Naku!” Aniya sabay abot sa kamay nito. Hindi na siya nahiyang hawakan ito dahil sa kasiyahang nadarama. “Maraming salamat po talaga! Hulog po kayo ng langit sa akin.” Maluha-luhang wika niya.
“Alam kong mabuti kang tao, Liana. Unang kita ko pa lang sa ‘yo naramdaman ko na agad iyon. At hindi naman nga ako nagkamali dahil sa mga narinig ko kay Perla.”
Suminghot si Liana upang pigilan ang pag-iyak. Natutuwa siyang malaman na sa ganitong klaseng sitwasyon mayroon pa rin palang taong may kabutihang loob na tutulong sa kanya.
“Hinding-hindi po kayo magsisisi na tinanggap n'yo po akong muli. Pag-iigihin ko pa pong lalo ang trabaho ko. Salamat po talaga, Mrs. Enriquez.” Aniya.
“Basta, kung may kailangan ka magsabi ka lang, ha?” anito bago siya at umakyat na muli sa itaas.
Mabilis namang nagpalit ng kanyang uniporme si Liana. Tinawagan niyang muli si Aling Perla upang ipaalam ditong nasa mansyon na siyang muli. Natutuwa naman ang matanda, pero hindi rin maalis dito ang mag-alala sapagkat alam nitong kakaharapin pa rin niya si Henry.
Ngunit, ano’t anuman ang mangyari, hindi siya papayag na magpaapi dito. Hindi niya iyon kailangan ngayon. Tatag ng loob ang kailangan niya upang mailigtas ang pinakamamahal niyang kapatid. Kaya’t sa isang araw magsasabi siyang muli kay Mrs. Enriquez. Kakapalan na niya ang mukha para kay Lester.
**
Pag-uwi ni Henry sa mansyon, dala-dala pa rin niya ang galit kay Liana. Hindi niya alam kung bakit ganito katindi ang nadarama niyang galit sa dalaga.
He became unreasonable when it comes to her. Makita pa lang niya ito ay kumukulo na ang dugo niya. At hindi niya alam kung kailan iyon nag-umpisa.
He never felt this way before sa ibang babae. May mga tumatanggi din naman sa kanya, pero hindi naman siya nagkakaganito.
Maybe, she really can’t be trusted and he’s allergic to that kind of people. Especially women.
Napansin niyang nakaabang ang kanyang mama sa may lanai. Nagtaka pa siya ng makitang nanghahaba ang leeg nito habang tinatanaw ang sasakyan niya.
Pagbaba niya roon ay mabilis iyang sinalubong nito.
“What is it Mama?” kunot-noong tanong niya rito.
“I hired back Liana. Gusto ko lang iyong ipaalam sa ‘yo,” walang kagatol-gatol na wika nito.
“What!? Why did you do that?” mataas ang tinig na tanong niya sa ina. “Pinaalis ko na siya Mama. Hindi ba mahirap intindihing ayaw ko sa babaeng iyon?”
Pero hindi nagpatinag si Helga sa ipinapakitang disgusto ng anak para kay Liana at seryosong tinitigan siya nito.
“Magsabi ka nga sa akin ng totoo Henry… Ano bang ikinaaayaw mo kay Liana at ganyan na lang ang galit mo sa kanya. May ginawa ba siyang hindi maganda sa iyo?” nanunukat ang mga matang tanong ng kanyang ina sa kanya.
“I don’t have to explain myself to you Mama. Pero isa lang ang masasabi ko... I can’t trust that woman.” Tiim-bagang na sagot niya.
“Why? Because she came from a poor family? Or because she reminded you of someone?”
Hindi sumagot si Henry dahil wala rin namn siyang maisasagot sa ina. And that’s making him more mad.
Huminga ng malalim ang kanyang ina bago siya hinawakan sa balikat. “Liana is not what you think she is. She’s different. At kilala mo ako… I don’t easily trust people.”
Tinitigan niya lang ang ina. Wala siyang magagawa kung ganito ang katwiran nito sa kanya.
“Fine… But don’t expect me to be nice to her.” Pinal na wika niya.
Tumango naman ito at ngumiti sa kanya. “But don’t be too harsh on her.” Pahabol pa nito ng sabay na silang naglalakad papasok ng bahay.
Napailing na lang siya. He’ll try, but he can’t promise to do that.

Book Comment (36)

  • avatar
    22Aymee

    ❤️❤️

    11/08

      0
  • avatar
    Cali Mu Tan

    Amazing

    06/08

      0
  • avatar
    castanedamarissa

    nice story. thank you.author 👏👏👏😍😍😍🙏🙏🙏

    17/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters