logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Tila ipinako sa kanyang kinatatayuan si Liana. Hindi siya makagalaw ni makapagsalita.
Nakikita niyang nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Henry, kaya’t mas lalo siyang kinabahan. Hindi siya makatingin ng deretso dito.
Niyuko niya ang larawan at pira-pirasong bubog sa kanyang may paanan. Akmang dadamputin niya iyon ng inilang hakbang lang ni Henry ang pagitan nila at hinaklit siya nito sa braso.
Kaagad siya nitong kinaladkad palabas ng kwarto nito dere-deretso pababa.
“S-Sir… Henry… nasasaktan ho ako…” aniya sa nanginginig na tinig. Pilit niyang binabawi ang braso dito ngunit hindi iyon makahulagpos sa pagkakakapit ni Henry.
Tikom ang mga labing tuloy-tuloy lang ito sa pagkaladkad sa kanya hanggang sa may gate. Nagtataka namang sinundan sila ni Mrs. Enriquez na nasa sala ng mga oras na iyon.
“Henry ano bang nangyayari?” nag-aalalang tanong nito ng makita ang takot na nakalarawan sa mukha ni Liana habang pilit pa ring pinakakawalan ang sariling braso sa kamay ng anak.
“My goodness Henry! You’re hurting the poor child!” anito at ito na mismo ang bumaklas sa mala-bakal na kamay ng anak sa braso ni Liana.
Agad nitong itinabi si Liana at hinarap ang anak na hindi pa rin umiimik ng mga sandaling iyon.
“What was happening to you, Henry? Hindi kita pinalaking bayolente at lalong higit sa babae pa.” Mataas ang tinig na iyon ni Mrs. Enriquez.
Naniningkit ang mga matang tinitigan siya ni Henry na parang hindi naririnig ang ina. “I have made myself clear to you, Liana… but you didn’t listen.” Mariing wika nito. “Now, your one last chance is over.” Nagtatagis ang mga bagang na sabi nito.
Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si Liana ng marinig ang sinabing iyon ni Henry. Hindi siya makatingin ng deretso dito, dahil tila anumang sandali ay lalamunin siya nito ng buhay. Napasiksik siya bigla sa tabi ng ina nito.
Pero hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat. Henry grabbed her arm again at ito na mismo ang nagbukas ng gate.
“I don’t want to see your face ever again! Get out!” sigaw nito at itinulak siya palabas na halos ikatumba niya sa lupa. Nabigla naman si Mrs. Enriquez sa inakto ng anak at napahawak sa dibdib nito.
“P-Pero Sir… kailangan ko po ang trabahong ito… N-Nakikiusap ho ako sa inyo… Bigyan niyo pa ho ako ng isa pang pagkakataon,” nagsusumamong wika niya kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng kanyang mga luha.
Pero malamig lang siyang tiningnan nito at parang walang naririnig sa mga pakiusap niya.
She never saw him that mad. Ngayon lang.
“S-Sir… S-Sige na naman ho…” Pakiusap niyang muli.
Ngunit tinalikuran lang siya nito at malakas na ibinagsak ang gate sa harap mismo ng mukha niya. Mabilis nito iyong isinara pagkatapos.
“S-Sir… S-Sir Henry… Sir!” Liana continued begging while banging the gate but Henry was deaf.
Pumasok itong muli sa loob ng bahay at maang namang sinundan lang siya ng tingin ng kanyang mama. Pagkatapos ay nilingon nito ang nakasarang gate.
Liana was still there crying and begging. Hindi naman malaman ni Mrs. Enriquez kung sino ang uunahin sa dalawa.
She chooses to follow Henry na nasa kwarto na nito at nakatitig sa sahig. Marahan ang mga hakbang na nilapitan siya ng ina pagkakuwa’y nilingon ang kanyang tinitingnan.
Narinig ni Henry ang malakas na pagsinghap nito kasabay ng pagkapit nito sa braso niya. Tila nawalan ito ng lakas ng makita kung sino ang nasa larawan.
Nagtatanong ang mga mata nitong tinitigan siya.
“Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan? It’s been six years Henry…” anito sa nag-aalalang tinig.
Nakita nito ang pagguhit ng sakit sa mga ng anak. Marahan nitong hinaplos ang balikat ni Henry.
“Please, anak… Stop hurting yourself. Alam nating pareho ang nangyari at wala kang kasalanan doon.” Sabi pa nito.
Henry let out a deep sigh. Pagkatapos ay muling pinatigas ang anyo at hinarap ang ina.
“I am not hurting my own self, Mama. I was just reminding myself about what happened. Na sa tuwing nakikita ko ang larawang iyan, bumabalik sa isip ko kung bakit hindi na ako dapat magtiwala pa sa kahit na kanino.” Tiim-bagang na tugon niya.
Ang kanyang ina naman ang napabuntong-hininga.
Hindi nito masisisi ang anak kung bakit ito nagkaganoon. It’s because of that woman in the picture.
Magkahalong pait at sakit ang lumatay sa mga mata ni Mrs. Helga Enriquez ng muling lingunin ang larawan sa sahig.
**
Walang nagawa si Liana kundi ang umuwi sa kanila. Humahangos namang sinalubong siya ni Aling Perla.
“Anong nangyari at bigla kang napauwi?” tanong nito at mataman siyang pinagmasdan. Kumunot ang noo nito. “Bakit tila galing ka sa pag-iyak?” muling tanong nito habang takang nakamata sa kanya.
“Pinalayas na ho ako doon, Aling Perla...” gumagaralgal ang tinig na tugon niya dito.
Tila nauupos na kandilang napasalampak siya sa luma nilang sofa.
“Paano na ho ‘yan? Wala na akong makukunan ng ipambibili ng gamot ni Lester.” Aniya at nagsimula na namang pumatak ang kanyang mga luha habang nakamasid sa kwarto ng ina.
Naupo naman sa tabi niya si Aling Perla at niyakap siya. “Huwag kang mag-alala Liana… May awa ang Diyo... Hindi Niya kayo pababayaan,” pagpapalubag-loob nito sa kanya.
Pinahid ni Liana ang kanyang mga luha at tumitig sa kawalan. “Kung hindi lang dahil sa lalaking iyon may trabaho pa sana ako. Napakalupit niya Aling Perla…” pagsusumbong niya dito.
Inilayo siya ni Aling Perla sa sarili. “Anong ibig mong sabihin? Sino ba ang tinutukoy mo?”
Huminga ng malalim si Liana bago ito tinugon. “’Yong lalaking tinakasan ko noong gabing sumama ako kay Inay, siya ho ang anak ni Mrs. Enriquez.”
Nanlalaki ang mga matang natutop ni Aling Perla ang noo nito. “Anong ginawa niya sa ‘yo? Pinagsamantalahan ka ba niya?” usisa nito. Ang nasa sa isip ay ang gabi kung bakit tumakas si Liana sa kamay ng lalaking tinutukoy.
Mabilis na umiling si Liana. “Hindi ho sa ganoon Aling Perla, pero pinahihirapan niya ho ako ng todo. Wala naman ho sa akin iyon, dahil alam kong may mali din ako. Kaso ho… kanina… hindi ko naman ho sinasadya na mabasag ‘yong frame. Tapos pinalayas na niya ako at galit na galit sa akin. Hindi man lang ho niya pinakinggan ang paliwanag ko.” Salaysay niya dito.
Si Aling Perla naman ang bumuntong-hininga. “Hamo na iyon. Mas maigi na nga siguro ang umalis ka sa kanila kung ganoong nahihirapan ka ng husto. Marami pa namang pwedeng pasukan d'yan at—”
“Aba at umuwi ka rin sa wakas babae ka.” Ani-Cely na mukhang kababangon lang. Naka-duster pa ito at magulo pa ang buhok habang naghihikab.
Pareho silang napatingin dito ni Aling Perla. Para itong pusa na isa-isang tiningnan ang mga gamit sa kusina. Tila may hinahanap ito roon.
“Wala man lang ba tayong pagkain?” nakapamewang na tanong nito ng harapin siya.
“Aba't—”
Makakatikim sana ito ng salita kay Aling Perla pero pinigilan niya ito. Tumayo siya at humugot ng pera sa bulsa.
“Ito ‘Nay… bumili na lang ho kayo sa may labasan.” Aniya sabay abot ng isang daan sa ina.
Napatingin sa kanya ang ina pagkakuwa’y sa perang kanyang iniaabot. “At ako pa ngayon ang uutusan mo?” anito. Pero lumapit ito sa kanya at kinuha pa rin ang pera. “Wala ka na bang naitatabi d'yan?” tanong pa nito sabay ngisi.
Umiling siya. “Wala na ho. Kakatanggal ko nga lang ho sa trabaho.”
Umismid ang kanyang ina. “Panigurado akong may nagawa ka na namang mali Liana. Hay naku! Magpakaayos ka naman ng hindi ganitong kaliit lang ang naiiabot mo sa akin!” nagdadabog na wika nito sabay labas ng kanilang bahay.
Nanggagalaiti naman si Aling Perla sa kanyang tabi. “Naku! Naku! Kung hindi mo nga lang nanay iyang si Cely kanina ko pa iyan nasabunutan. Aba'y kaytanda-tanda na sa anak pa talaga naasa.” Ngunguto-ngutong wika nito.
“Pabayaan niyo na siya, Aling Perla…” sagot niya at pinuntahan ang kapatid sa kwarto ng ina. Sinundan naman siya doon ng babae.
“Kung hindi kamo ‘yan sinanay ni Carding, baka hindi iyan nagkakaganyan ngayon.” Palatak nito na ang tinutukoy ay ang kanyang ama. “Ewan ko ba d'yan sa tatay mo… Kundangang napakabait at lahat ng luho niyang si Cely ay ibinibigay kahit magkandakuba sa trabaho. O… kita mo naman ngayon… wala ng ginawa kundi humingi sa ‘yo ng pera.” Litanya pa nito.
Hindi siya umimik. Tama naman ito. Sinanay talaga ng kanyang ama ang ina sa masarap na buhay kaya ganito sila ngayon.
Tinabihan niya ang kapatid na natutulog pa rin sa maliit na papag doon. Hinawi niya ang may kahabaan nitong buhok na tumatabing sa mukha nito.
Naramdaman yata ni Lester ang presensya nila kaya nagmulat ito ng mga mata. “Ate…” anito at ngumiti sabay bukas ng mga kamay upang magpakarga.
Napangiti naman siya dito at mabilis na binuhat ang kapatid. “Bakit parang ang bigat-bigat mo na?” biro niya dito.
Yumakap ito sa may leeg niya. “Si Aling Perla kasi… dami bigay ng pagkain… Laki tuloy ako,” sagot nito at sinundan pa ng pagnguso.
Natawa naman si Aling Perla sa kanyang tabi. “Tama lang ‘yun Lester. Para mabilis kang lumaki,” anito sa kanyang kapatid.
“Opo… Para tulong na din ako kay Ate. Di ba Ate?” inosenteng tanong nito sa kanya.
Nakangiting tumango naman siya at dinala na ito sa may maliit nilang salas. Iniupo niya ito sa lumang sofa doon at kumuha ng tubig.
“Ate…” anito sabay hawak sa ulo at biglang pumikit ng mariin.
Nabitawan ni Liana ang baso at dali-daling dinaluhan ito. Maging si Aling Perla ay biglang nataranta ng makitang tila nauupos na kandila ang bata.
“Ate… Sakit ulo ko…” umiiyak ng sabi nito ng makalapit siya.
Kaagad na kinuha ni Liana ang gamot ng kapatid sa silid ng kanyang ina. Palabas na siya doon ng marinig ang malakas na hiyaw ni Aling Perla.
“Lester! Lester!” tarantang sigaw nito.
Nakita na lang ni Liana na wala ng malay ang kapatid habang kalong ito ni Aling Perla.

Book Comment (36)

  • avatar
    22Aymee

    ❤️❤️

    11/08

      0
  • avatar
    Cali Mu Tan

    Amazing

    06/08

      0
  • avatar
    castanedamarissa

    nice story. thank you.author 👏👏👏😍😍😍🙏🙏🙏

    17/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters