logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

MAURINE'S POV'S
Kasalukuyan kaming nandito sa restaurant, kung saan kami nag tatrabaho ni Aika. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami matapos tapos sa pag dediskusyon kung sasama ba talaga kami sa mga taong nag aalok sa amin ng isang scholarship. Ehh kasi naman itong si beshy, parang ayaw tanggapin dahil nakakahiya daw, t'saka baka hindi totoo. Ehh sobrang ganda naman kasi talaga ng inaalok. S'an ka nga naman makakahanap kasi ng mag-aalok ng scholarship sa isang napaka laking private school na'ng walang required na average rate, ta's may monthly allowance ka pa, pak!! ohh di ba nakakatukso.
— Talaga ba?, ohh besh sige na kasi pumayag ka na, siya na mismo nagsabi na talagang mayaman yung si ma'am, t'saka wala namang masama kung susubukan, natin diba? (pamimilit ko dito sa kaibigan ko'ng, punong puno ng pride)
— Sige na nga, pero pwedeng sandali lang, magpapa alam lang muna kami sa supervisor namin. ( Sagot ni beshy, dahilan para ikatuwa ko )
Hayy na ko buti naman, pumayag na siya, pagkatapos ng ilang oras na pangungumbinsi ko, hayy salamat, buti na lang talaga, pumayag siya kung hindi ibibitin ko talaga siya patiwarik sa sobrang panghihinayang ko.
— No, it's ok nagpaalam na kami sa boss niyo, all we need to do is to go, as soon as possible. Dahil baka gabihin kayo sa pag-uwi, baka mag-alala ang mga magulang kayo. (saad nitong si venus, habang nakangiti)
Sabay sabay kaming sumakay sa van na dala nila. Sa di ko malamang dahilan, bigla nalang akong nakaramdam ng kaba, siguro dahil nalang din sa mga pinagsasa sabi nitong kaibigan kong napaka overthinker. Huhuhu, ohh my gosh palayo na kami nang palayo, palala na rin nang palala ang kabang nararamdaman ko.
— Besh, ano na, ba't para yata akong kinakabahan. ( kabadong bulong ko kay aika)
— Ikaw kasi, ka'la mo ba hindi ako kinakabahan. Sobrang tindi na rin kaya ng kabang nararamdaman ko ngayon. Alam mo, pag talaga na kidnap tayo, ikaw ang unang ituturo ko para ikaw unang pasayawin. hmm kala mo, ikaw mauunang sasayaw ng jumbo hotdog sa harap nila( Pabulong niyang pangagasar sa akin)
— Ano ka, ikaw naman ang unang makakatikim ng t*t* ng mga arabo, kasi ikaw unang ibebenta nila, ahahahaha. (Pabulong na ganti ko sa kanya, hahaha kala mo ha)
— Ahmm excuse me, we're here, baba na po kayo. (saad ni ate venus, nang huminto ang sasakyan)
Agad kaming bumaba ng van, t'saka pumusok sa isang pintuan na napakalaki. Ohh my gosh, sobrang laki naman dito, feeling ko na sa disney world ako sa sobrang ganda, kala ko nga palasyo na to ehh. Napatingala kami, at agad naming nilibot ang paningin namin ni aika. Natulala kami, nang makita na namin ang loob ng bahay.......
— oh my gosh ang ganda ( pabulong na sabi ko, habang inililibot ang paningin sa bawat sulok ng bahay)
— just sit down, and wait for miss mariel. ( Sabi sa amin ni ate venus, dahilan upang umupo kami sa sofa)
Maya maya pa'y dumating na si ma'am mariel.....
— ohh nandito na pala kayo, good morning ( Sambit ni ma'am mariel na galing sa likuran namin )
— ahmm good morning po ma'am, pinapunta po.... (sabay na wika namin ni beshy, pero naputol dahil senenyasan niya kaming umupo na lamang)
— I know, and i'm glad na pinaunlakan ninyo ang aking imbetasyon. ( Saad niya, na abot tenga ang ngiti)
— Ahmm ma'am, totoo po bang....Bibigyan niyo po kami ng scholarship? ( Saad ni beshy na parang na hihiya)
— Oo nga po ma'am (saad ko)
— Yes, and i'm willing to give you a scholarship para na rin matulungan niyo ang pamilya niyo balang araw. I know na napaka taas ng pangarap niyo para sa pamilya niyo, at ikatutuwa ko, kung magiging parte ako ng pag tupad niyo ng mga pangarap na yun. I will give a scholarship, monthly allowance at karapatan para kumain nang libri sa aming maliit na cafeteria sa loob ng school (saad niya nang nakangiti)
— Talaga po ma'am, hindi po ba nakakahiya na po yun? ang dami niyo na pong inaalok sa amin. (saad ko, dahil talaga namang nakakahiya na)
— No, hindi kayo dapat mahiya, dahil hindi lang naman kayo ang binigyan ko nang pagkakataong makapagtapos nang libri. And isa pa kayo pa nga ang dapat hindi mahiya, dahil sa dinami dami ng mga scholar ko, kayo lang ang nagligtas nang buhay ko. Utang ko ang buhay ko sa inyo, that's why don't be shy, ok. You don't even know, kung gaano ako nag papasalamat, dahil sa ginawa niyong kabutihan sa'kin, kung tutuusin kulang pa ang lahat nang ito, kulang pa ang salitang salamat sa ginawa niyong pagtulong sa akin. I'm very thankful that i met both of you. ( pasasalamat niya nang upang hindi kami mahiya sa kaniya)
— Hindi niyo naman po kailangang mag pasalamat sa'min ma'am, kung tutuusin kayo lang din naman ang tumulong sa sarili niyo eh. Kasi kung hindi kayo mabait, hindi rin naman po kayo bibigyan pa nang pangalawang pagkakataon nang diyos, para mabuhay. (Saad ni beshy, na ikinatango ko)
— ohh, andito na pala kayo ehh, hello welcome to our home, i'm her elder daughter, celine ( Nakangiting pagbati sa amin ng isang babaeng nagpakilalang anak ni ma'am mariel, na mula sa aming likuran, dahilan upang mapalingon kami)
— Magandang umaga po ma'am ( sabay na pagbati namin sa kanya)
— No, don't call me ma'am, just call me ate, ate celine. (Nakangiti niyang saad)
— O-ok po, ate (wika ni aika)
— Tomorrow, bumalik kayo dito, bring your own report card, certificate of completion, and your Birth certificate. And si venus na ang bahalang sumama sa inyo sa pagpapa enroll sa inyo tomorrow morning. Wala naman ata na kayong pasok tomorrow right? (Saad ni ate celine)
— Opo, pero bukas po ba ang school niyo tomorrow? Linggo po diba bukas (Tanong ko)
— Actually no, but you can direct to the dean, tatawag na lang ako mamaya sa kaniya, para malaman niya'ng pupunta kayo tommorow sa bahay nila. And after that, pwede na kayong dumeretso sa book store to buy some school supplies na kakailanganin niyo, this coming next month ( Sagot ni ma'am mariel)
— ok po ma'am, thank you po talaga ha, sobra po nami'ng na a-appreciate ang lahat ng tulong ninyo sa amin ( Saad ko)
— oo nga po ma'am sobrang salamat po talaga, hindi po namin alam kung kailan po namin kayo mababayaran, pero sisikapin po naming gawin ang lahat para maging proud po kayo sa amin ( mangiyak ngiyak na pasasalamat nitong si beshy)
Langyang to, kinabog pa ang ganda ko, hahahaha but wait sobra talaga akong nag papasalamat kay god na nakakuha na kami sa wakas nang scholarship. Ohh my gosh parang panaginip wahhhh!!! hahahahaha
Maya maya pa'y umuwi na rin kami, inihatid kami ng driver nila, kaya't napabilis ang pag-uwi namin. Hayyy, talaga namang ang haba nang naging araw namin ngayon ni beshy, pero sobra sobrang saya naman nag naiuwi namin ngayong araw, sulit na sulit talaga. Buti na lang talaga, pumayag ka'gad kanina si beshy na tanggapin namin ngayon ang scholarship na inaalok nila.
— ohh my ghad parang gusto kong tumalon sa sobrang saya besh wahhh. ( Wika ko kay aika habang abot tenga ang ngiti dahil sa wakas ay nakakuha na rin kami ng scholarship)
— oo nga ehh, ako rin..... grabe noh, parang paginip lang, akalain mo yun, dahil lang sa simpleng pag tulong natin sa kanya, instant scholar na niya tayo. Grabe ang sarap sa feeling na wala nang iniisip na problema, parang kani kanina lang, sobrang problemado tayo, kung saan na naman tayo pupuntang university bukas. Tas ngayon, instant scholar na ka'gad tayo, na e-exite na tuloy ako sa mga susunod na mangyayari sa atin. (Nakangiting saad ni beshy, na kagaya kong masayang masaya rin)
— dito na ko baba besh, mauna na ko sayo besh, ingat ka ha, babush (pagpapaalam ko at saka bumaba)
Pagka uwi ko dito sa bahay, ay hindi ko sinabi muna kay mama ang tungkol sa scholarship para ma surprise siya sa pasukan, bhwahahahaha. Dumiretso ako sa kwarto ko, pagkatapos kong kumain at maghugas.

Book Comment (169)

  • avatar
    Viojan Eva

    💕🥰❤️

    8d

      0
  • avatar
    Ricci Jewel Famaran

    It's good.

    18d

      0
  • avatar
    Jane Gante Manaya

    so love all

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters