logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1.1: First Day of Forever

NAKAHINGA AKO NG MALUWAG NG NAKAPASOK NA AKO SA FACULTY.
Kagaya ng ineexpect ko, maraming estudyante nga ang nakatambay sa corridor, hence the noise na rinig na rinig hanggang sa baba ng Italian. Mabuti na lang hindi ko nakita yung walang modong lalaki kanina sa hagdan.
Agad napatingin sa akin karamihan ng mga professor na nasa loob ng faculty. May ilan na hindi ko kilala at tila ba kasing edad ko lang ang iba sa kanila. Binati ko sila ng malumanay na ‘good morning’ na may kasamang maliit na ngiti tsaka ako dumiretso sa table ni Sir Harold na nasa dulo ng kwarto.
He was busy looking at a piece of paper but when he looked up and saw me approaching, he rose from his seat with a smug smile on his face.
"Hi Sir! I'm back!" Masayang sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya.
"Mabuti naman, Yoanna! Tagal mo rin natigil ah?" Si Sir Harold ang Head ng ECE Department. He has such an intimidating aura pero tropa siya ng mga estudyante.
"Yes sir. Five years yata..." Nahihiyang sabi ko sabay kamot sa batok.
“Wait, si Yoanna ba ‘yan, Sir Harold?”
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Sir Aldrin na pumasok sa faculty galing sa pantry ng professors; he was holding a cup on his right hand.
I smiled at him, “Hello sir Aldrin. Long time no see po.”
“Yeah.” Inilapag niya ang hawak niyang mug sa ibabaw ng kanyang lamesa, bago humakbang papalapit sa amin ni sir Harold. “Napadalaw ka?”
I studied his face for a second and only found genuine surprise on his expression. Tinignan ko si Sir Harold, mukhang hindi nasabi ni Sir sa kanya ang tungkol sa enrolment ko.
“Hindi po sir.” I said, careful with my words. “Actually, estudyante na po ako ulit dito.”
Sir Aldrin’s eyes widened as he turned to Sir Harold for confirmation. Umiling-iling lang si Sir Harold habang may malaking ngiti sa labi na tila ba naeentertain sa nangyayari.
“Wala ka nga pala dito nung nag-enrol si Yoanna.”
“Well, happy to see you back, Yoanna.” Sir Aldrin smiled at me as he patted my back one time before returning to his table, which is facing sir Harold’s.
"Nakita mo na ba mga bago mong classmates?" Tanong ni Sir Harold.
Imiling ako. "Hindi pa sir. Nahihiya nga ako pumunta ng classroom kaya dito ako dumiretso."
"Sus! Ikaw nahihiya?" Singit ni Sir Aldrin na may mapang-asar na ngiti. "Parang hindi ikaw Yoanna!"
"Hoy Sir! Mahiyain naman talaga ako kahit noon pa no?!" Depensa ko pero pinipigilan ko yung tawa ko. Kasi naalala ko yung mga time na, kinukulit namin siya ni Isha para ilibre kami sa Canteen. Si Sir Aldrin kasi yung cool na professor na mahilig makisabay sa mga trip ng estudyante niya. Plus pa na kahit sa klase, mahilig pa rin siya magbiro.
Tumawa lang siya at bumalik sa hinahalukay niyang mga components.
"Mababait ba mga bago kong classmate sir Harold?"
"Oo! Parang kayo rin noon. Mga magugulo." Tumawa pa sya.
"Thank you sir ha?" I said sarcastically but obviously joking.
Saba-sabay kaming napalingon ng biglang bumukas ang pinto ng faculty at isang estudyanteng babae ang pumasok – nakatali ang mahaba niyang buhok at nakasuot din siya ng salamin.
"Oh, tamang tama!” Sir Harold said as soon as she saw the girl approaching us. At nang nakalapit na siya sa amin, ipinakilala kami ni Sir sa isa’t isa. “Jade, this is Yoanna. Yoanna, ito si Jade ang class representative ng klase mo."
Nang lumingon ako para tignan si Jade, nakatingin na ito sa akin. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya sa akin. "Hello, Jade. I'm Yoanna. Nagstop ako five years ago pero ngayon, classmates na tayo."
Lumaki lalo ang ngiti niya. "Hi ate Yoanna."
I was caught off-guard with the 'ate' kahit ineexpect ko na ito ang magiging tawag sa’kin ng mga magiging bago kong kaklase. Then, I heard sir Harold snorted.
"Sir?!" I protested.
"Sorry. Sorry." Pinipigilan niya yung tawa niya but his shoulders kept shaking. It took him a good minute to calm down. "Okay, Jade samahan mo na si 'Ate' Yoanna sa classroom." With an emphasis on the 'Ate'.
Pasimple kong tinignan ng may pagbabanta si Sir Harold. Nakangisi lang siya sa akin hanggang sa nakalabas na kami ng faculty ni Jade.
"Sa 214 po yung classroom natin ate."
I was following Jade, my heart started pounding against my chest again, when suddenly she stopped on her tracks as she turned to look at me with worried eyes. "Okay lang bang tinatawag kitang ate? Naisip ko kasi na ahead ka sa’kin dahil sabi mo kanina nagstop ka five years ago... I don't want to offend you."
My lips curved in a reassuring smile. "Okay lang Jade. Ineexpect ko naman na dahil mas matanda ako, tatawagin talaga akong 'ate' ng mga magiging bago kong kaklase. Don't worry. I am emotionally prepared for that." I spouted my horrible joke like a real boomer but good thing she laughed.
Room 214 is located at the far end of the building. Habang naglalakad kami palapit sa room, lalong lumalakas ang ingay. Pati na rin ang kabog ng dibdib ko. Jade opened the door, then gestured me to come inside. I told her na mauna siya at susunod ako, in which she did.
When I entered the room, I looked around and found at least 20 to 25 students. Just by looking at them, I felt old. These kids are at least 5 years younger than me, with no experience outside this four-walled room.
Halos mabitawan ko yung hawak kong bote ng tubig ng makita ko sa dulo ng classroom yung lalaking may tattoo pati na rin yung mga alipores niya. He was looking at me with his lips half-slanted. Our eyes met and I unconsciously held my breath for a couple of seconds. He's looking at me like he’s a lion and he found his prey. I’m not strong enough to hold a staring contest with a person like him so I averted my gaze and focused on Jade pero nakatingin na pala siya sa akin.
"Sige ate, pili ka na lang ng upuan mo... O gusto mo tabi tayo?" Jade is such a sweet kid. Mukhang siya ang magiging bago kong best friend dito sa bago kong klase. "Wag kang mahiya sa’min ate ah? Magkakaklase na tayo simula ngayon."
"Sige. Sabi mo eh." Ngumiti ako sa kanya. Sinundan ko si Jade kung saan siya nakapwesto sa bandang unahan at naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya.
I settled on my seat as I try to scan the room and take a good look at my new classmates. Hindi ako makapaniwala na nandito na ulit ako.
Nang bigla akong napatingin sa direksyon ni Boy Tattoo. I felt as if someone was boring a hole at the back of my head and when I looked behind me, God, it was him. When our eyes met for the second time since I entered this room, and take note it wasn’t even five minutes since, I watched one corner of his lips curved up into a smirk. Hindi ko alam kong anong problema nitong batang ‘to sa akin pero alam kong sooner or later malalaman ko rin kung ano iyon.
To Be Continued>>>

Book Comment (277)

  • avatar
    Lyn Dequilla

    intense!

    23h

      0
  • avatar
    Rodolfo Graganza Jr.

    maganda na story hahahajajjsjßjsjsjsjajajjsjsjsjisnsnsjamsosknshshshsjsbsbzjjsjsnsksnsnsjnsbzhxopabevksnwjshebejjs

    2d

      0
  • avatar
    JC Banaag

    wow

    2d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters