logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 6

KABANATA 6
MISAKI AKELDAMA
Nakaubob lang ako sa desk ko dito sa classroom. Mahigit isang linggo na ang nakakalipas simula nung TRAINING, kung TRAINING nga ba ang matatawag doon. Medyo nagiimprove naman sila sa nagdaang mahigit isang lingo habang pinanonood ko sila. At mahigit isang lingo na rin ang nakakalipas simula ng iwasan nila ako pwera nalang syempre kay Yuki.
“Oi~ Misaki?” nag-hmm naman ako bilang sagot. Kahit hindi ko naman iangat ang mukha ko ay kilalang kilala ko na kung sino ang tumawag sakin. Prisensya at boses palang nya alam ko na.
“Ano pang ginagawa mo jan? May Physical Excersice tayo…” nagangat naman ako ng tingin at bumungad agad sakin yung dibdib nya na bakat na bakad sa fited nyang t-shirt. Tinignan ko naman sya sa mata.
“Hindi ka ba nahihirapang huminga?” malamig kong tanong sakanya.
“Hindi naman… bakit?” nagtataka nyang tanong sakin. Hindi ba nya nararamdaman ang sarili nya? Putik.
“Bakit? Nagtanong ka pa,” kunot noong sabi sakanya. Nagsisimula na akong mairita sakanya.
“Ano! Ikaw nga jan ang nagtatanong tapos ikaw pa ang may ganang magreact ng ganyan?! Ha! Anong klase ka!”
“Huh?! *umusok ang ilong* Sa laki ng dibdib mo namumutok na yung t-shirt na suot mo,” iritadong wika ko sakanya. Nagulat naman sya sabay yakap sa sarili nya at tingin sa paligid. Napatingin narin ako sa paligid at tsaka ko lang napansin na nanonood na ang mga estipidyante sa paligid namin.
“YAH!!! HINDI MO NA KAILANGAN SABIHIN!!! NAPAKA MO!!! NAPAKA MO!!! NAPAKA MO TALAGA!!! NAPAKA MO!!! MISAKI!!!” sigaw nya sakin sabay tira ng mga suntok na pinababayaan ko lang na tumama sakin. I must say na solid ang mga suntok na tumatama sa iba’t ibang parte ng katawan ko and also I must say na wala namang epekto yun. Mamaya maya ay tumigil din sya habang hinahabol ang hininga nya dahil sa sunod sunod na pagkakawala nya ng mga suntok.
“Tapos ka na?” walang gana kong tanong sakanya. Narinig ko pang nagsinghapan ang mga manonood na bumubulong bulong pa na parang hindi ko naririnig. Napangisi lang sya sakin sabay iling. Susuntukin na sana nya ako ng mahuli ko ang kamao nya. Nagulat naman sila lalo na si Yuki sa nangyari. Sa isang iglap ay nasa likod na nya ko habang hawak hawak ko ang kamao nya na nakapilipit.
“Argh! Ah!” daing nya. That’s your punishment, Yuki.

“Change your clothes or I’m the one who change it,” wika ko sakanya. Tinulak naman nya ko sabay takbo palabas. Naramdaman ko naman na may nakatitig sakin kaya napalingon ako agad sa kung saan galing ang mga titig na yun. Napangisi na lang ako nang makita ko si Abbigail na nakatitig sakin, nagulat pa nga sya nang mahuli ko syang nakatitig sakin. Inirapan nya lang ako sabay titig sa…
“Heh… my… my… don’t you even dare… Abigail… don’t you even dare…” bulong ko. Huwag nya lang subukan.
“Oh? Nagaway na naman ba kayo, Misaki?” napatingin naman ako sa bagong pasok na professor. Si Makuto Iroshiho. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Napailing naman sya at pinapunta na kami sa field.
Nahiga lang ako sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ng acacia dito sa field. Naalala ko bigla na next week na nga pala ang big event dito sa LA na inaabangan ng mga Lycothropians. Todo ensayo na nga ang mga estupidyante dito. Napatingin naman ako kay Baozi na nasaunahan ko. Pah! Naguguton tuloy ako sa pangalan nya. Kamukha pa nung pisngi nya yun. Psh. I want to eat but the question is… where should I eat?
“Uhmm… Misaki…” napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko. It was Zhyn na may hawak na hindi ko alam kung ano. Umupo naman ako sa damuhan at ganoon din sya.
“Dinalhan kita ng karne… hindi ka kasi lumabas ng classroom kanina kaya iniisip ko na hindi ka pa kumakain…” kinuha ko naman yun at binuksan yung pastik.
“WHAT THE F**K!!!” mura ko. Ang baho syete!!! Inihagis ko naman sakanya yun at nasalo naman nya ito. I don’t want to be rude pero nakakatang*** lang. Grabe! Ang tindi ng amoy! Ang baho talaga! Para nang nabubulok. Parang isang linggo nang nakaimbak. Kadiri!
“Oh? Bakit?” he worriedly asks. Umiling nalang ako at nahiga sa damuhan at napabuntong hininga.
“Okay ka lang?” tumango na lang ako.
“Okay lang ba na magstay ako dito?” tinignan ko naman sya.
“Sayo? Okay lang ba na manatili ka dito?” balik na tanong ko saknya. Alanganin naman syang ngumiti at napakamot sa ulo nya.
“Pasenya nga pala kung mahigit isang lingo ka naming hi—”
“No need to say sorry, idiot. I just wanted to voice out what I'm thinking what’s right. And I can’t help to be frank to all of you…” sagot ko.
“I’m sure na sanay na sanay na si Yuki sayo…” napailing naman ako habang naka ngisi.
“Yeah… that bitch… she surely pissed me off always but she’s always there for me… and I must say that she’s always there to all of you too,” sagot ko.
“Gusto pa kitang makilala… pwede ba, Misaki?” tumango lang ako bilang sagot at nahiga sa lap nya. Nagstiffen naman sya na ikinailing ko. Si Yuki lang ang ginaganito ko kapag namamahinga kami sa hardin ng bahay nila. And this is the first time na umunan ako sa iba. Well I think my body responds automatically.
“That’s your punishment for giving me that food; you think that I forgot that?” Pikit matang wika ko sakanya. Narinig ko naman syang tumawa at sumagot ng — “No, Master…” — abno talaga. Minsan sabihan nyo nga lang ako na magdala ng screw driver para naman masikipan ko ang turnilyo nito sa utak… maluwag na kasi. Nasa kalagitnaan ako ng pamamahinga’t pakikinig sa istorya ni Zhyn ng makaamoy ako ng hindi ko mawaring amoy pero ang tamis tamis at nakakahalimuyak ang amoy nito. Napaupo naman ako at lumanghap sa hangin habang nakapikit.
“So~ good~ I want that~ I want that sweet and savoring scent… I want it all!” wala sa sariling bulong ko. *devilish smirk* how fascinating… how damn fascinating.
“Okay ka lang ba?” hindi ko nalang sya pinansin at wala sa sariling sinundan ang amoy na naaamoy ko hanggang sa makapasok na ko ng gubat nitong school pero wala akong pake! Mabilis kong sinundan ang amoy hanggang sa makita ko yung babae na duguan. Gulat na gulat ako sa sarili ko. My thirst of blood.... Bakit ngayon ko lang napagtanto na ang naamoy ko pala ay isang dugo?! Dugo ng isang mortal. Tumalikod nalang ako at aalis na sana ako ng...
“M—Miss…” nanghihinang tawag nito sakin. Hindi ko na lang sya pinakingan at lumakad na papalayo sakanya. Bakit pa ako ngayon inatake ng pagkauhaw sa dugo?
Tch… Nagpunta nalang ako sa masukal na parte nitong kagubatan kung nasaan ang mga hayop eh nagkukumpulan. Pwede na siguro yung mga yun. Pero hindi parin mawala wala sa sistema ko ang dugo ng babaeng yun.
Namamahinga naman ako sa itaas ng puno malapit sa ilog. Kakatapos ko lang manghinain kaya namamahinga naman ako ngayon. Tsaka ko lang napansin na magdidilim na nang tumingala ako sa langit. Ilang oras din pala akong kumain at naghunt. Kaninang umaga pa ako dito eh. Sabagay magiisang buwan na noong huling kain ko ng sariwang laman at huling inom ko ng sariwang dugo nung malaking usa. Iniisip ko nalang na yung dugo ng babaeng yun ang inininom ko.
“Kamahalan…” nailabas ko agad ang espada ko na naglalagablab pa sa apoy at itinutok sa leeg nya. Hindi ko agad naramdaamn ang prisensya nya dahil sa balabal na suot nya.
“Anong kailangan mo sakin? Bakit mo ako tinawag na kamahalan?” Malamig na tanong ko sakanya. Nanatili lang syang nakayuko kaya’y hindi ko makita ang pagmumuhka nya. Although kahit naman hindi sya nakayuko ay hindi ko parin makikita ang mukha nya dahil may spell or something na naghaharang sa mukha nya upang hindi ko makita o ng iba.
“Gusto ko lamang masigurong ligtas ka… kamahalan…” nawala nalang ito nang parang bula sa harapan ko pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang iniwan nya. Psh… once I saw you again… I’ll rip your head. I swear! I'll rip your head. Nagteleport nalang ako sa kwarto ko at nagayos ng sarili. Punong puno na kasi ng dugo ang damit ko.
Six days nalang at magaganap na ang event dito sa LA. Mas tinotodo na ng mga STUPIDents ang pageensayo nila even Yuki and her company. Pinapanood ko nalang silang magsparing.
“Hindi ka ba makikipag-sparing sakanila?" Umiling naman ako. Bakit pa? I trust myself more than anything and also I trust them na kaya nila.
“Huh? Bakit?” Tanong nito. Tinignan ko naman si Den-Den. Yes, si Anthony Jayden.
“Say what you want Anthony. Nagpapaligoy ligoy ka pa eh,” sabi ko sakanya. Tinignan ko naman sya ng masama. Napakamot naman sya sa ulo nya.
“Ano kasi eh.... Gusto ko sanang makilala pa ng lubos si Yuki…” nahihiya nitong sabi.
“Do it by yourself big guy,” sabi ko sakanya. Bumaling naman ako sa anim na katatapos lang magsparing. Tumayo naman ako naginat inat.
“But… how?”
“How? You’re asking me how? Then answer it all by yourself,” balewang sagot ko sakanya. Bakit nya ako tinatanong sa bagay na ganyan. Tch… sarili nyang problema dinadamay ako.
Nagtitingin tingin lang ako sa mga ginagawa ng mga tao sa labas ng Starbucks dito sa mall. Yeah, nandito ako ngayon sa human world. Alam nyo na… tumakas. At limang araw nalang at magaganap na ang event sa LA.
2:30 AM palang nandito na ako sa human world dahil mahimbing at naghihilik pa ang mga nilalang nayun kaya yun ang tamang oras para tumakas ako. 11:30 AM na nga sa orasan ko eh. At buti na lang talaga at bumili ako ng condo. Dito ko trip matulog minsan–ay madalas pala. At dito ko rin trip magpractrice. Masyado ng masikip sa training noom, though malaki naman yun pero para sakin maliit na. Ako lang kasi ang magisang nagtre-train doon noon eh. Tapos may mga epal nang dumating.
Napatingin naman ako sa kanan kung san may narinig akong mga hiyawan. Kumunot naman ang noo ko at mukhang nagaaway pa. Napailing nalang ako. Humans always and always involve into any fights. Napailing nalang ako at uminom ng kape. Muntikan ko nang maisuka ang iniinom ko buti napigilan ko pa. Pweh! Bakit ganto ang lasa? Aish! Hirap naman ng ganito. Pinilit ko nalang lunukin yung kapeng nasa bibig ko kahit sukang suka na talaga ako.
Aish! Lumabas nalang ako ng Starbucks at nag–window shopping. Baka may magustuhan kasi akong damit or something. But in the end napagdesisyonan ko nalang na umuwi sa condo ko.
Pagkabukas ko ng pintuan ng driver seat ay hinagis ko nalang yung bag ko sa passenger seat. Sasakay na sana ako sa kotse ko ng may biglang humila sakin at tinutukan ako ng baril sa mukha.
“Miss, holdup to! Bigay mo sakin lahat ng pera mo!” sigaw nito sa mukha ko. Shock! Ang baho ng hininga! Tangna! Hindi ako mamamatay sa bala ng baril pero mamamatay naman ako sa bagsik ng hininga nya.
“Why would I?” malamig kong sabi sakanya. Ngumisi naman sya sakin at tinignan ako ng malagkit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na bigyan ng nakakamatay na sipa ang lalaki sa pinakaiingatan nyang bahagi. Tumalsik sya patungong puno na nabali dahil sa lakas ng impact nito.
“Tsk! Mamimili ka na nga lang ng bibiktimahin… mali pa…” bulong ko at mabilis ako sumakay sa kotse ko at pinaharurot pabalik sa gubat.
“MISAKI!!!~” tumigil naman ako sa paglalakad ko at tinignan lang yung babae tumatakbo papunta sa pwesto ko.
“What?!” bwisit kong tanong sakanya nang makarating sya sa pwesto ko.
“San ka ba galing kagabi at kaninang umaga?” usisa nito.
“Wala ka na don,” sabi ko at mabilis akong tumakbo papalayo sakanya.
“Misaki Akeldama!!!” napatingin naman ako sa prof namin na masama ang tingin sakin. Tinignan ko lang din sya. Nakakawalang ganang pumasok pero kailangang pumasok. Nakakainis.
“Get out!!! You’re not listening!!!” sigaw nya. Walang gana akong tumayo at lumabas sa silid nayun na walang salisalita. Bwisit! Kahapon pa ko gutom na gutom pero kumain naman ako. Napakadami pa nga ng kinain ko eh. Napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa rooftop at para makapagpahinga ako.
Mabilis naman akong nakarating sa rooftop at nahiga agad ako sa sahig nito. Hindi naman masyadong mainit ang panahon ngayon at napakasarap ng hangin dito sa itaas. Napahawak agad ako sa tyan ko ng maramdaman at marinig ko ang pagkulo nito. Aish! Ano ba yan! Nakakainis naman eh! Bumangon nalang ako at pumunta sa railings. Makikita dito ang kabuoan ng school. Makikita mula dito ang girls and boys dorm na apat na basketball court ang layo sa isa’t isa. Nasa gitna ng dalawang dorm ay isang mini library at playground. Napabuga nalang ako ng hininga ng maramdaman ko ang pagkulo ng tyan ko.
Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko at parang tumitibok din ang buo kong katawan when I smelled that very sweet aroma. Mabilis akong tumalon pababa at tumakbo papuntang gubat kung saan ko naamoy ang mabangong amoy nayun. Pagkaraan ng ilang segundo ay nakarating na ako mismo sa bahagi ng gubat kung saan ko itinago ang portal. Nangunot ang noo ko ng may sumagi sa isip ko na baka may nakapasok na mortal sa mundo namin. Naningkit naman ang mata ko ng may narinig akong daing sa likod ng puno, apat na puno mula sa pwesto ko ang layo. Mabilis akong nagtungo don and to find out a woman lying on the ground half dead.

Book Comment (8)

  • avatar
    LamelaDaisy Sia

    good

    19d

      0
  • avatar
    SarteMatthew

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Leonard Marcelino

    yes

    22/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters