logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The Immortal

The Immortal

dragonlibran


Kabanata 1

KABANATA 1
MISAKI AKELDAMA
Lalo ko pang tinapakan ang gas pedal ng kotse ko para di nila ko maabutan. Napailing nalang ako ng makita ko sa review mirror na naglabas ng isang baril yung isa sa mga sumusunod sakin.
Nagpaaptawa ba sya?
Tinapakan ko naman yung break at sabay inikot pakanan ng manibela. Napangisi naman ako na sabay sabay silang huminto. Di nila ko nakikita kasi heavy tinted ang kotse ko. Nakatingin lang ako sa harapan ng kotse ko at rinig na rinig ko ang sabay sabay nang pagkasa ng mga baril nila.
What a pathetic humans they are.
*BANG BANG BANG BANG BANG*
*RATATATATATATATATATATATATATATATA*
*BOOOOOOMMM~*
"Mga Tol!" Sigaw nung isang lalaking may hawak na caliber 45. Hinithit naman nang isa pang lalaki ang hawak nyang sigarilyo sabay tapon at tapak dito. Napailing na lang yung may hawak na bazuka at napangisi ng demonyo.
"Mga tol! Sigirado akong matutuwa si boss neto kapag nalaman nya n-" nagtaka naman ang ilan nyang mga kasama ng walang marinig na kasunod na sasabihin.
"To-TOOOOLLLLL!" Napatingin naman sila ng sabay sabay sa gawi ng lalaking kanina'y nagsasalita pa at ngayon ay naliligo na sa sarili nyang dugo.
"Sigurado akong magagalit ang boss nyong walang kwenta," nakangisi kong sabi habang tinititigan ang ulo ng lalaking pinugutan ko kanina. Sabay sabay naman silang sumugod sakin. Wala na kasi silang bala ng baril kaya kamao na ang ginamit. Napailing nalang ako. At sa isang kisap mata they're all lying on the ground... lifeless.
Psh... What a pathetic creatures they are?
I'm Misaki Akledama... The creature that you never wish to mess up.
---
“ILANG PUNG BESE KO BANG SASABIHIN SAYO NA BAWAL LUMABAS NG ACADEMY?! LALO NA’T WALANG PERMISO?!” hiyaw sakin ni Yuki. Napailing nalang ako sa lakas ng boses nang nilalang nato kalamo napakalayo ng kausap kung makasigaw.
“Hinahinaan mo nga lang yang boses mo at baka hindi kita matancha… tangalan kita ng lalamunan... lapit lapit ng kausap makasigaw akala mo limang milya ang layo...” malamig kong sabi sakanya. Napahawak nalang sya sa noo nya at pabalang na umupo sa katapat kong upuan. Pumasok naman si Loren na masama ang aura.
“Misaki... lumabas ka na naman ng academy ng walang paalam? At anong idadahilan mo sakin ngayon?” Tanong nya at sabay baba ng isang folder sa harapan ko. Kinuha ko naman yun ng walang paalam at binasa. Napakunot naman ang noo ko... ahhh~ eto yung mga panget na pinatay ko kahapon. Meron pala silang profile ng mga walang hiya at lahat sila ay kasapi sa iisang grupo ng mga hunters.
“I'm too bored, yesterday... naghanap lang ako ng paglilibangan...” sabi ko. Matanong ko nga sayo kung anong gagawin mo sa loob ng anim na oras na nakatenga lang at walang ginagawa sa classroom? Isip isip din pag may time… diba lalabas ka? Hindi naman ako katulad ng mga bitch and breeder kong mga kaklase na gumagawa ng milagro kahit saan o kaya ang iba namang nerd ay naghihintay lang ng bell para lumabas. Psh~ what a pathetic fucking animals they are?!
“O baka… gusto mong...”
“Gusto kong? Ano? Pabitin pa kasi!” irap sakin ni Yuki. Binalewa ko nalang sya’t tumingin kay Loren na naghihintay ng sasabihin ko.
“O baka naman... gusto mo ang mga estupidyante ng LA ang paglaruan ko...” wika ko na nagpakunot sa noo nya.
“WHAT THE?!?!” sigaw ni Yuki sabay hampas ng table. Sinamaan ko naman sya ng tingin. May pahampas hampas ka pang nalalaman, o ngayon! makuha ka sa tingin babae kung hindi gigilitan kita kita ng leeg.
“Sarreh... ha? Sarreh... nadala lang... nadala lang...” napapailing na lang ako sa ikinikilos ni Yuki. Takot magilitan.
“Anyway... nagpapasalamat na rin ako sayo Misaki dahil na patay mo na kahapon lang ang mga walang kwentang galamay ng hinayupak na yun...” nakangiting wika nya na nagpakunot ng noo ko. Pinaglaruan ko lang naman sila kahapon hanggang sa mawalan na ako ng ganang makipag laro sakanila kaya ko sila binawian ng buhay.
“Ang Black Mamba lang naman ang hunter organization na hindi sangayon sa mabuting relasyon ng lobo’t tao, Sir...” sabat ni Yuki sabay kibit balikat.
“Tama ka jan Yuki... although sakin inutos na bantayan ang mga yun at kapag may ginawa silang hindi kanais nais ay dapat ko na agad silang patayin pero wala na akong magagawa kung hindi makahinga nalang nang maluwag ng matapos na ang nagpapasakit ng ulo ko this past few weeks,” sabi ni Loren. Tch.
“Po? Bakit po Sir? May ginawa ba sila?” tanong nitong babaitang to. Tumango naman si Loren bilang sagot. Kinuha ko naman yung folder at binasa isa isa ang mga nakasulat doon habang nakikinig sakanila.
“Ang mga pinatay ni Misaki kahapon ay mga taong nagmamanman at nagbabantay sa bawat galaw ng mga estudyante dito sa buong LA. Hindi ko nga alam kung para saan ang pagmamanman at pagbabanatay nila,” wika nito habang nakahawak sa kanyang magkabilang sentido.
“Minamanmanan? At paano naman nakapasok ang mga tao dito? Hindi ba’t hindi nila alam kung nasan ang lagusan?” takang tanong nito. Sumingkit naman ang mata ko sa tinanong ng babaeng to.
“They know where the hell is that damn portal, Yuki. Hindi sila makakapasok sa lugar nato kung hindi nila alam ang lagusan, don’t you think?” kunot noong tanong ko sakanya na may kasamang masamang tinging pinupukol sakanya. Ang sarap nang gilitan ng leeg, ang sarap pang tangalan ng utak. Padabog kong binalik ang folder na hawak ko at walang sabing lumabas ng opisina. Tinawag pa ni Loren ang pangalan ko ng ilang ulit but I choose to ignore him.
“San ka pupunta? Misaki?” patuloy lang ako sa paglalakad. I stopped on my track and give him death glare.
“Don’t bother me, Ong or you want me to cut off your throat?” malamig kong tanong sakanya.
“Whoo~ wooo~ easy man! Easy!” natatawang wika nya habang nakataas ang dalawang kamay o sa mas madaling salita ay nakasurrender habang nakangisi sakin.
“When I say don’t bother me, don’t fucking bother me, Kenneth Ong.” gigil kong wika sakanya. I just hate his presence; it gives me eagerness to end his fucking life.
“Okay… okay… I surrender. Kaloka! Itatanong ko lang kung saan you patungo para naman may kasama aketch sa pag walking walk. Ang hirap kayang magisa, baklang toh,” irap nito. Kung kanina ay gesture nya ay lalaking lalaki, ngayon naman ay baklang bakla na.
“Oi! Misaki! Itong babae na toh! Kung sino sinong pinapatulan! Baka naman mamaya mabalitaan ko nalang kay manong guard na wala ka na naman dito!” sita sakin ng makita nyang kinuwelyohan ko na ang baklitang to. Padarag kong binitawan ang kwelyo nya at malanding lumakad papaalisis sa kinatatayuan ko. Sarap nyang gawing letchon.
“Ilang pung beses ko bang sasabihin na huwag nang patulan si Ken? Ha? Alam mo namang panginis ang baklitang yun, papatulan pa.” sermon sakin nito. Hindi ko nalang sya pinansin at nagsimula muling maglakad.
“Oi! Hintayin mo naman ako. Kaloka! Kebabaeng tao ang bilis bilis maglakad!” reklamo nito. Ang sarap nyang tangalan ng vocal chords.
“San ka ba pupunta ha? Para naman masamahan kita, ilang beses ka nang tumatakas ngayong linggo ng hindi ako kasama,” nangasim naman ang mukha ko. Kaya pala nagbubunganga… gusto palang sumama.
Hindi nalang sabihin ng deretcho na “Misaki, sasama ako!” idinadaan pa sa pagpaparinig. Ka-immatur-an ang tawag jan. Kaya kung may gusto kayong sabihin, aba! Ano pang silbi ng salitang STRAIGHT FORWARD? Kailangan ko pa bang espelengin?
S-T-R-A-I-G-H-T F-O-R-W-A-R-D.
STRAIGHT FORWARD!
“Misaki?” Fuck!
“Magmemeditate,” maikling sagot ko para naman tu—
“G na G bes!!” Tuwang tuwa nyang sabi sabay haltak sakin papuntang gubat ng paaralan.
“Ehem!” napatigil naman si Yuki dahil hatak hatak nga nya ako kaya napatigil din ako. Nilingon naman namin ang nag-ehem sa likoran at nakita ko lang naman si Loren na hindi maipinta ang mukha sa sobrang pagkalukot nito.
“At san naman kayo pupunta?” tanong nito.
“Sa ilog Sir,” sagot nitong babaeng to.
“Sa ilog? Hindi ba’t bawal ang mga estudyante roon dahil maraming mga unwanted guest?”
“Well, you just need to adjust there and adapt the nature within your surroundings,” kibit balikat kong wika sakanya at nauna nang maglakad kay Yuki habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa ulo ko. Ramdam ko naman syang humabol sakin at sabay tanong ng—“What?”—nanatili lang na walang emosyon ang mukha ko.
“Don’t mind it,” balewalang sagot ko sakanya.
“Anong don't mind it? Huh? Baka kung ano na namang kalokohan yang gawin mo?! Ha?! Hindi ko gusto ang pananalita mo,” hindi ko nalang sya pinansin kesa naman sagutin ko pa. hahaba pa ang paguusap naming dalawa. I choose to ignore rather than to answer her.
“Misaki! Huwag ka nang pumunta roon!! I’m warning you!” napatigil naman ako sa paglalakad ko at umayos ng tindig. I face him with my bored expression. Warning me huh? Who is this man in my life to warn me going to that fucking forest?
“Who are you?” malamig kong tanong sakanya. Nanliit naman ang mata nya at napabuntong hininga.
“I’m Lo—”
“I didn’t ask your name, idiot. I ask you, who you are in my life.”
“I’m your Un—”
“You’re not my uncle, Loren. We’re not blood related. I’m not your niece, just for you to know. So, don’t act like one,” malamig kong wika sakanya na ikinatigil nya. Magsisimula na sana akong maglakad ng—“Oo nga’t hindi tayo magkaano-ano but… I’m your superior here in school at sagutin ko kung ano man ang mangyari sayo dahil oras iyon ng klase at higit sa lahat ay nagaalala ako sayo…” Napabuntong hininga nalang ako.
“I’m not fond on dramas, Loren…” wika ko’t tuluyan naglakad papaalis sa pwesto nila.
Sa loob ng sampung taon ay wala akong magulang na umalalay o gumabay man sakin. Sa loob ng sampung taon… I isolated myself to others dahil alam kong iiwan din nila ako katulad ng pagiwan sakin ng magulang ko’t mga taong kumopkop sakin. At sa loob ng sampung taon na iyon… isang nilalang lang ang tumayong magulang ko na alam kong hinding hindi ako iiwan magpakailan man. Although Tita Yuri and Tito Clauss took care of me nang mawala na ang mga kumupkop sakin, siya at siya parin ang nanjan para sakin. I just stretch my arms at breath out to release my tension.
“Okay ka lang ba, Misaki?” I just shrugged my shoulder off at nagpatuloy sa paglalakad. Nanahimik lang din sya dahil alam kong alam nya na ayokong pinaguusapan ang mga nangyari.
Pagkatapos naming magsparing ni Yuki ay nagbabad lang ako sa ilog para matangal ang amoy pawis ng katawan ko at nagisip isip nang mga bagay na dapat gawin. Habang si Yuki naman ay may kung anong ginagawa di kalayuan sa ilog. Hindi ko alam sa babaeng yun kung anong ginagawa, siguro’y nageeksperimento na naman ang bruhang yun. Haggang sa nakatulog na pala ako.
“Misaki! Oi! Gising!” tamad kong idinilat ang mata ko’t tumingala dahil nakatayo sya’t nakayuko sa bandang ulonan ko kaya ganoon na lamang ang pagrespond ng katawan ko. Mga ilang minuto pa ang itinagal nya sa pagtititig sakin hanggang sa nainis na ako sa kakatitig nya.
“What?!” iritableng tanong ko sakanya at umayos ng upo.
“Natutulog ka kaya… baka mamaya hindi mo namalayan nalulunod ka na pala…” natatawang sabi nito. Nagkibit balikat nalang ako’t umahon.
“Oh! May Gas! Oh! May Gas! Oh! May Gas! Hindi ka na nahiya sakin! Pati ba naman yang katawan mo pinagkakalandakan mo!” hindi ko nalang sya pinansin at sinoot ang robang hindi ko alam kung saan nangaling. Pati rin naman kasi si Yuki ay may suot na roba na katulad din nito.
“Well… alam kong nagtataka ka kung saan ko nakuha ang mga roba na yan… well… thanks to Nanami the little fairy at napakiusapan ko syang kumuha ng roba sa kwarto ko,” napalingon naman ako sakanya habang itinatali ang tali ng roba sa may bandang bewang ko. Nakita ko pa syang sinusuklayan ang buhok nya.
“Spill the bean out, Yukira Maine Choi,” malamig kong wika sakanya. Napailing nalang sya’t tumingala.
“Bakit ka umalis kahapon?” bumaling naman ang seryoso nya mukha sakin. Hindi ko nalang sya pinansin at tinuyo ang buhok ko gamit ang bimpong nakita ko.
“Bakit ka ng umalis kahapon?!” Napabuntong hininga nalang ako tsaka humarap sakanya.
“Bakit may magagawa ka bang paraan para di ako makaalis at pagpapatayin yung mga hinayupak na yon kahapon?” balik kong tanong sakanya na nagpakunot ng noo nya.
“Kelan pa naging sagot ang tanong sa isa pang tanong? Hah?” tanong nya sakin.
Putah! Bakit ang ingay ng babaeng to? Okay na kanina… hindi sya nagsasalita at may kapayapaan na namamagitan namin tapos ngayon… just what the fuck! Hindi ko nalang sya sinagot at tatalikuran ko na sana sya ng may nahagip ang mata ko sa isang parte ng gubat di kalayuan sa pwesto ko. Tinitigan ko naman yun ng mabuti at… tch! Naghahanap siguro ng kapayapaan (kamatayan) kaya pumunta dito.
“Anong tinitignan mo jan? Ha?” tinignan ko lang sya ng malamig. May lahi na nga ng mabunganga’t matampuhin, may lahi rin pala syang pagkatismosa. Ang akala ko pa naman ay isa lang syang ordinaryong lobo, yun pala may lahing kakaiba. Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot at nagsimula nang maglakad papaalis sa ilog. Bahala na nga yung rouge na yun sa buhay nya. Huwag na huwag lang syang magpapakita sakin.
“Bahala ka na nga sa buhay mo!” iritableng sabi nya sakin at mabilis na tumakbo papuntang eskwelahan.
Hindi ko nalang sya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad, hindi pa man ako nakakalayo sa mismong ilog ay may humarang sa daraanan ko at isa sa mga pangit sa mundo. Isa sa mga salot sa mundo maliban sa kaibigan mong plastic na kay sarap sunugin kaso naalala ko na madadagdagan ang populasyon sa hangin kapag sinunog pa kaya mas mainam na ibaon nalang sila sa lupa hanggang inner core para naman matusta ang mga utak nilang babad na babad na sa kaplastikan. Gigil nila si ako!
“RWAAAARRR!” angil nya na nagpakulo ng dugo ko. Pumikit nalang ako at pilit kinakalma ang sistema ko. Ang gago narinig ko pang ngumisi sakin. Putangina! Parang sinasabi nya na natatakot ako sakanya. Fuck! I’m not a fucking scaredy wolf!
Napabuntong hininga nalang ako at sinigurado ko na ako lang ang nakarinig ng pagangil nya. Pwes! Sya ang mababahag ang buntot sa makikita nya. I open my eyes and see how the ugly creature bows down his ears, face and tail. Good! Dahil kapag hindi mo binaba yang ulo mo ako mismo ang magbababa nyan sa mahirap na paraamn!
Sinipa ko sya na nagpalipad sakanya papunta sa kabilang bahagi ng gubat. Pero hindi pa ako nasiyahan at sinabayan ko pa ang bilis ng paglipad nya at binigyan ko ulit sya ng isang malakas na sipa sa sikmura at nakagawa ito ng isang malaking uka sa lupa nitong gubat.
“What a pathetic creature you are?!” malamig kong wika. Nagsimula na akong maglakad dahil wala akong balak patayin ang isang mahinang nilalang pero—he just attacked me from behind na nailagan ko naman. I punched and punched him hard hanggang sa nadurog ko na ang mga buto nya sa baga.
“What a weak creature! At talagang ako pa ang ginago mo! Hindi man lang pumili kung sinong gagaguhin!” gigil kong wika sa wala nang buhay na rouge. !%t@! Di man lang ako napagod. Psh! Inayos ko naman ang suot kong roba’t maglalakad na sana ako paalis ng may bigla nalang sumulpot na rouge sa harapan ko na syang nailagan ko naman.
“You killed my brother!” wika nito gamit ang sarili nyang wika na syang naintindihan ko naman.
“He provoked me…” maikling sagot ko sakanya.
“*GROWL LOUDLY*” nagpakawala nalang ako ng malalim na hininga’t tinignan sya ng nakakamatay.
“Say my greetings to Helfrina,” wika ko bago ko kitilin ang walang kwentang buhay nya. Pinagpag ko naman ang kamay ko bago ako lumisan sa gubat. Hindi narin naman pala masama ang araw nato.
It’s been a month simula nang many nangyari sa ilog at simula noon ay nakakatamad nang pumunta roon. Although masarap maligo roon dahil may maliit na tagong hot spring roon na kalian ko lang din natuklasan.
Nandito lang ako sa rooftop nakahiga habang nakatitig sa kalangitan at dinarama ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko. Masarap ang buhay kapag ganito lang. Walang pinuproblemang problema na nagpapasakit at nagpapadepress sa mga nilalang. But on the other hand… I never experience depression but stress… yes, lalong lalo na kay Yukira. Nasira lang talaga ng pagmommoment ko, ng makarinig ako ng sigaw mula sa ibaba nitong building. Perks of being different! Fuck!
"KYAAAAAA HANG POGI!!!!"
"POGI!! BUNTISIN MO KO!" Yack! What the fuck!!! Walang hiya sa katawan ang puta! Aish!
"OH MY GAS!!!!! OH MY GAS!!!!! OH MY GAS!!!!! I NEED SOME AIR!!!" geh… bibigyan kita. Isaksak ko pa sa baga mo para makahinga ka pa sa galaxy. Tangina! Pwedeng pagpapatayin ko ang mga ito? Ha? Pwede? masyadong malalandi! Ang sarap pasakan ng patatas ang mga !@#$
"KYAAAAAAAA!!!~" halos iumpog ko na ang ulo ko sa semento kung saan ako nakahiga’t namamahinga. What the fuck! Halos malukot ang mukha ko sa pagkakakunot ng husto ang noo ko sa narinig kong tilian sa ibaba.
Bumangon naman ako at sumilip sa baba. Ah... Mga bagong esdupidyante lang naman pala ang pinagkakaguluhan. Kitang kita ko sa mga mukha nila na nageenjoy sila sa tilian ng mga babae at baklang nakapalibot sakanila. I adjust my sight para mas makita ko pa sila. Nandito kasi ako sa rooftop ng 8 storey building. See? Nasa 8 storey building na ako naririnig ko parin ang tilian nilang lahat mula sa ibaba. Hay… perks of being different.
“Psh! Mga pashnea...” mahinang bigkas ko at tumalikod na tsaka umalis sa rooftop. Siguro sa office nalang ako ni Loren mangugulo. Baka palabasin pa ako ng academy at makahanap pa ako mg mapaglalaruan but on the other side baka ikulong pa ako sa dorm ko kapag nangulo ako sakanya. Argh! This boredom is killing me softly!

Book Comment (8)

  • avatar
    LamelaDaisy Sia

    good

    20d

      0
  • avatar
    SarteMatthew

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Leonard Marcelino

    yes

    22/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters