logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 - Kamuhian

Troy's Point of View
Pananghalian na noong makarating kami sa campus, bigla pa akong naalarma dahil hinahanap daw si Ken niyong driver niya. Hindi ko alam kung pagagalitan ba siya o ano.
So, ayon nga, nandito na naman ako sa school, I haven't yet eaten for lunch, at masyado nang late para kumain.
Kira: Wala naman palang klase eh! Why won't you visit me for awhile?
She texted me. I touched the reply box.
Me: I'll see kung makakaabot ako sa oras :)
I replied tsaka sinuksok sa bulsa ang phone. I am busily trudging my way up to the second floor when somebody held my wrist. Syempre, sobrang nagulat ako dahil sa ginawa niya, muntik ko pang sikuhin.
Kaso, nakita ko 'yong maputla niyang mukha, maliliit niyang bibig at ang nangungusap niyang mga mata.
Para siyang may sakit palagi dahil sa suot niyang hoody jacket. 'Kala niya naman nasa amerika siya.
"Tsk!" inis na palatak ko sa kaniya at binawi ang kamay ko na hawak niya.
"Could you come with me for awhile?" aniya.
Umirap ako at inayos ang pagkakatayo, itinuro ko ang aking leeg dahilan upang mangunot-noo siya. 'Di niya gets. 'Hay! Naku naman, anak mayaman kasi!'
"Ano?" hindi niya talaga gets. Kumunot ang kanyang noo.
"Tss! Nek-nek mo 'kako!" sigaw ko sa mukha niya at humakbang palayo.
Subalit muli niya akong pinahinto by holding my wrist, mas mahigpit 'di gaya kanina.
"What the heck are you doing!"
"Halting you to go away, I guess? I think you have forgotten what did you do lately? Remember? You owe me regarding that acciden-" I covered his filthy mouth, nang sagano'y walang makarinig.
I almost forgot na nandito pala kami sa hallway at mayroon pang mga tao. Hinila ko siya sa may garden and gave him a death glare.
"Perwisyo ka rin 'no? Do you know what will happen if ever may nakarinig sa'yo regarding that effin incident!?" inis na sigaw ko sa kanya, okay lang magsisigaw dito kasi wala namang tao maliban sa amin.
Nainis ako nang pamulsahan niya lamang ako.
"I thought you have forgotten?"
"Wala akong sakit! Hindi ako makakalimuting tao!" galit na sigaw ko sa kanya, paano eh pinalalabas niyang may karamdaman ako.
Bigla siyang natahimik sa kinalalagyan niya at naupo sa isang bench. Nakita ko na nasasaktan siya sa mga sinabi ko sa kanya.
"Yah, you're right, wala kang sakit but you're trying to avoid me..." usal niya na muli kong sininghapan. Nagmumukha tuloy akong babaeng may dalaw!
"And that's the point! Dapat nga ay naroon na ako ngayon sa classroom, hindi kita nilulubayan, 'yon ay dahil hindi naman kita kakilala, bakit kita ieentertain? Tanga ako? Tanga?" duro ko sa sarili, nakakahiya na 'to, naiinis na rin ako sa kanya dahil hinahayaan ko ang sarili kong magsisigaw dito at ipahiya ang sarili ko sa harapan niya.
"Ang ingay mo naman! Isa lang naman kasi ang hiniling ko sa'yo eh!" sigaw niya rin sa akin while sitting there. Pinamewangan ko muli siya kahitna bitbit ko pa ang libro.
"Bakit naman kita sasamahan!" I screamed unbelievably.
'This is so surreal.'
"Dahil may utang ka sa 'kin!" he screamed back.
'Aba't!'
"Then, babayaran ko!" I sarcastically replied.
"Napaayos ko na, at hindi kakayanin ng bulsa mo ang halaga ng mga piyesa ng sasakyan ko..." hambog na saad niya habang nakahalukipkip doon sa kinauupan niya.
Nainis ako lalo sa ginagawa niya, sinasayang niya 'yong oras ko eh!
"Bahala ka nga sa buhay mo! I'm done with your immaturity!" galit na usal ko at humakbang paalis, kaso, muli akong napahinto dahil sa sinabi niyang pangbabanta.
"I'll call your dad..." anya na nakatayo na roon habang winawagayway ang kanyang mamahaling cellphone.
"Subukan mo!" biglang kumulo ang dugo ko sa kanya.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya at tinitigan siya ng masama sa mga mata. Lumunok siya, natatakot at nangangamba. Umiwas siya ng tingin.
"K-kaya ko..." utal niya.
Dahilan para mas lalo akong lumapit sa kanya, sa mukha niya. Nakita ko ang pagkailang sa mukha niya. Mas inilapit ko pa ang mukha, 'yong langhap nalanghap ko na 'yong mint niyang hininga.
"A-anong g-ginagawa mo?" nauutal pa rin siya at namumula na ang kanyang mukha.
"Call my dad, at may kalalagyan ka sa 'kin..." ngising usal ko.
Hindi ko inilayo ang mukha ko sa kanya, tinitigan ko pa ang kanyang mga mata, nangungusap pa rin ang mga iyon. Ang mapuputla niyang mga labi ganoon na rin ang kanyang mukha ay napalitan ng pamumula. Weird.
Ibinaba niya ang kamay niyang nakahawak sa kanyang phone at isinuksok ito sa kanyang bulsa. Nagulat ako sa mga lalaking biglang nagsalita sa gilid namin.
"Ayiiieh! Maghahalikan ba kayo?" nakangiting usal niyong isa.
"Taena! Wala na ba akong makikitang normal sa mundo?" insulto namang sabi niyong isa pa.
"Shhss! 'Kaw naman masyado kang harsh sa mga bisexual, hayaan mo sila, hindi ka naman nila inaano eh!" puna niyong isa na halatang may gusto roon sa sinita niyang kasama niya. Nakita ko kasi kung paano niya ito tingnan at kung paano siya ngumiti rito. Kaya bigla akong natauhan.
"A-ano? Hahalikan? Ito? Hahalikan ko? Magunaw na ang mundo!" giit ko at dali-daling naglakad paalis. Iniwan ko na siya roon at wala akong pakialam kung tawagan niya pa si daddy.
--
Habang nasa daan na ako papunta sa room namin ay napag-isip-isip ko 'yong ginawa ko kanina. Nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili.
'Did I really do that?'
Wala naman talaga akong balak na halikan siya 'di ba? Napa-face palm ako ng 'di oras.
'What the f__k did I just do?'
Wala ako sa sariling naglakad sa hallway, hindi ko rin napapansin na may mga nakakabangga na pala ako rito. Hanggang sa may humawak sa balikat ko dahilan upang matauhan ako kaso bigla lang din akong nailing dahil sa kanya.
Si Lester, siya na naman ito.
"Hi! Troy, are you okay? Mukhang wala ka sa sarili mo, did something happen?" nakita ko sa ekspresyon ng mukha niya na nag-aalala siya.
Napatingin ako sa mga kamay niyang nakahawak sa magkabila kong balikat, napapahiya niyang tinanggal ang kanyang mga kamay.
"Hehe, okay lang naman ako, bigla lang may naalala kaya ayon..." sagot ko.
Wala naman talaga akong dapat ipaliwanag sa kanya, kaso mukhang alam na alam niya kung paano ako mawala sa sarili simula kanina.
"Are you sure?" paninigurado niya.
"Y-yeah?" naguluhan ako bigla.
"Yes, he's fine..." usal ng kung sinuman sa likuran ko dahilan upang humakbang ng kaonti paatras si Lester.
Hindi ko na nilingon pa kung sino siya dahil alam na alam ko kung sino siya.
'Panira ng araw...'
Iniwan ko na sila roon at wala akong balak lingunin sila. Paki ko ba!
Me: Hindi ako makakadalaw diyan sa apartment mo, may klase kami, katatapos lang ng meeting.
Tineks ko siya dahil talagang hindi ako makakapunta, sabayan pa ng pag-aalboroto ng sikmura ko dahil nagugutom ako. Tsk!
***
Champ's Point of View
Sakto, narito na ako sa garahe ng salubungin ako ni mama. Nakangiti siya sa 'kin. Lumapit ako at niyakap siya at hinalikan sa pisngi.
"Narito na ang lolo mo..." ngiting sabi ni mama sa 'kin.
"P-po? Ang aga naman yata, ma?" kinabahang usal ko.
"Paano e gustung-gusto raw niya makita ang mga naggwagwapuhang mga apo niya..." ani mama.
"Mama naman, mabiro e!"
Naglakad kami papasok, five na ng hapon at may mga nakahain na sa mesa. Nakaupo na roon sina kuya, papa at lolo. They are all smiling ng makita ako.
"Apo ko, narito ka na pala... maupo ka rito sa aking tabi!" ngiting sabi ni lolo na halos mapalunok pa ako.
"Hmm..."
Naupo nga ako sa tabi niya at kinabahan talaga ako ng todo. Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil sa kaba but then mom held my hand, pinakalma niya ako, nasa tabi ko lang kasi siya.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang magsalita si lolo.
"Tristan, may nobya ka na ba?" tanong ni lolo dahilan upang mabulunan si kuya Tristan.
"Wala po, lo!" natatawang sagot ni kuya.
Bumaling si lolo kay kuya Ralph. "Ikaw, panganay?"
"Meron po, lo..." magalang na sagot ni kuya Ralph.
"Ganon ba? Kailan mo siya ipapakilala sa amin?" tanong muli ni lolo sa kanya. Napalunok si kuya. Palihim naman siyang tinutukso niyong dalawa kong mga kuya.
"Ah hehe, malapit na po lolo..." pilit ang mga ngiti ni kuya.
"Malapit? Pero 'yan din ang sinabi noon sa akin? May balak ka bang ipakilala sa amin 'yang nobya mo o hihintayin mo pang mawala ako?" natahimik kaming lahat.
"Papa naman... 'wag ka namang magsasalita ng ganyan..." Mama's voice cracked.
"Hayy, o siya, ikaw Dennis?" tanong niya kay kuya.
"Ako po?"
"Sino pa bang nagngangalang Dennis dito?" sarkastikong tanong muli ni lolo, kaya ako takot sa kanya dahil napaka-pranka niya kung magsalita e.
"Wala po akong nobya, lolo..." pagsisinungaling ni kuya.
Alam nina mama at papa kung ano ang totoo. Kung ano si kuya Dennis. Kung bakit nagsisinungaling siya palagi kay lolo at pinagtatakpan din siya nina mama dahil ayaw nilang mapahiya si kuya.
"Dahil may nobyo ka?" gulat kaming napatingin kay lolo.
"Pa naman..." pagmamakaawa ni mama, si papa ay nananatiling tahimik.
"Totoo ba ako?" galit na tanong ni lolo.
"Pa, 'wag naman dito sa harap ng pagkain..." pagmamakaawa ni mama ay lolo.
"Eh kailan matatauhan iyang anak ninyo kung kinukonsinte niyo!"
"Enough, pa! Wala po kayong karapatang ipahiya ang anak ko mismo sa loob ng pamamahay ko!" galit na galit na sigaw ni papa, ngayon ko na lamang ulit siya nakitang galit ng ganito.
"Yan! Kaya nagkakaganyan 'yang anak niyo dahil sa pangungonsinte ninyo! Salamat sa dinner na ito, ikaw Champ, 'wag kang gumaya sa kuya mong bakla ha..." ginulo ni lolo ang buhok ko.
"Pa naman... please, 'wag niyo namang ganyanin ang apo ninyo..." umiiyak na usal ni mama.
"Aalis na ako, at hinding-hindi ko kailanman matatanggap na mayroong ganyan sa pamilya ko!" sigaw ni lolo at lumabas ng bahay.
Nakita ko ang paghagulgol ni kuya Dennis, dahil sa pagkapahiya ay dali-dali siyang tumungo sa kanyang kwarto. Ganoon na rin si mama ay umiiyak din, si papa naman ay nagngingitngit habang pinatatahan si mama. 'Yong dalawa kong kuya ay sinundan si kuya Dennis doon sa taas.
Hindi ko alam kung bakit hindi tanggap ni lolo ang kasariang mayroon ang kuya ko. Ang buong Pilipinas ay niyayakap na ang kasariang mayroon ang karamihan at nakakapanghinayang na hindi sumusunod si lolo. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa ibang kasarian.
Kinakabahan ako sa kung ano ang maaaring malaman ni lolo tungkol sa akin. Hindi ko alam kung papaano ko ipaliliwanag sa kanila ganoon na rin kina mama at papa.
Gayoong malawak ang koneksyon ni lolo, nalalasap namin ang karangyaan dahil sa yaman na mayroon si lolo.
Kung ano ang nais niya ay sinusunod nina mama at papa. Ginagawa naman nila ang lahat masunnod lamang ang kagustuhan niya. Nagtatrabaho naman ang mga kuya ko sa kompanya niya maliban kay kuya Dennis dahil tiyak hindi niya ito kailanman matatanggap.
'Haist!'
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw ni lolo sa mga ganoon. Hindi ko mapigilang hindi mangamba. Lalo pa at kinakamuhian ni lolo ang mga tulad ni kuya.

Book Comment (29)

  • avatar
    ApiladoAngelou

    so nice I like story

    11/07

      0
  • avatar
    GabAndrea Clado

    haha

    09/07

      0
  • avatar
    Shan Michael Pangan

    hyyjo

    08/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters