logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 6

"Finish or not finish. Pass your all papers, forward!"
Nagkagulo ang mga kaklase ko sa pagpapasa. Good thing marami akong naisagot dahil nareview ko ang mga 'yon bago pumasok. Uwian nanamin ngayon kaya naman nakangiti kong ipinasok sa bag ko ang notebooks, libro at ballpen ko.
"Oops!"
Nagulat ako nang may umagaw ng bag ko. Kaagad kong nilingon kung sino ang umagaw non, nalaglag pa ang ilan gamit ko dahil hindi ko pa tapos isara 'yon. Nakangising tumingin sakin si Angelica na siyang may hawak ng bag ko, nakataas pa ang kaniyang kaliwang kamay at lumayo sakin. Bumalot kaagad ng tawanan sa buong room dahil kaming apat nalang pala ang natira doon at mukhan hinintay pa nila ko.
"Akin na yung bag ko, angelica," kalmado kong sabi sabay agaw ng bag ko.
Lumayo siya sa akin at parang batang nagpapahabol pa.
"Kunin mo sa kamay ko kung kaya mo!" aniya sabay wasiwas sa ere.
Pinulot ko ang ilang gamit ko na nagkakalaglagan.
"Megan! Kunin mo!" tumatawang sabi niya. "Bahala ka itatapon ko 'to sa labas!"
"Hoy basura kunin mo na! Dalian mo!" nakikisawsaw na saad naman ni Lovely at Trisha.
"Akin na sabi," mahinahon ko parin sabi, ayokong masira ang mood ko dahil sa tatlong ito.
"Kunin mo sabi, e!" naiinis na sabi ni Angelica.
Humakbang ako palapit sa kaniya pro tumakbo siya palayo saka initsa kay Lovely. Si Lovely naman ang humawak ng bag ko at pinapaikot pa niya sa kamay niya ang strap ng bag ko.
"Ano ba! Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo!" naiinis ko nang sabi sabay lapit kay lovely. Initsa naman niya iyon kay Trisha, sinalo niya ito.
Halos napamura ako nang makitang nalaglag ang ilang notebook ko. Natapakan niya iyon.
"Ano ba, yung gamit ko!" sabi ko saka nagmamadaling lumapit sa gamit ko. Nagulat ako nang sipain ni Trisha iyon papunta kay Angelica.
Pinulot ni Angelica iyon tiningnan. "Eeewww! Anong klaseng papel 'to? Hindi ka ba marunong bumili ng bagong papel?" nandidiri niyang sabi saka ibinalibag sa tabi ng trash bin.
Nagulat ako kaya nilapitan ko ang papel na binato niya. Naroon ang mga notes ko e! Halos maluha na ako dahil nabasa iyon ng basang tubig sa sahig.
Bago pa ako makalapit hinablot na ni Angelica ang buhok ko dahilan para mapatayo ako at mapaatras. Napasigaw ako sa sakit non.
"Angelica! Ano ba!" pigil ko sabay hawak sa buhok ko.
"Alam mo nakakainis ka, alam mo ba 'yon?!" inis niyang sabi sakin, inilapit ang mukha sa tenga ko. "Binubwiset na nga kita hindi ka pa sanay magalit! Ano bang kailangan naming gawin para makita namin ang masamang ugali mo, ha?"
Hindi ko siya sinagot.
"Sumagot ka!" sigaw niya.
Masama ko siyang tiningnan sa mata. Ngumisi siya at pabalibag akong binitawan dahilan para bumagsak ako sa katabing upuan. Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Hawak pa rin ni Trisha ang bag ko at ibinalibag sa mukha ko.
"Gan'yan ang gusto ko. Ang magalit ka sakin. Tama 'yan, ipakita mo sakin ang totoong ugali mo, megan." nakangising saad ni Angelica. Niluhod niya ang isang tuhod niya dahil nasa sahig ako. Hinawakan niya ang baba ko saka niya ako tiningala sa kaniya. Ramdam ko na ang mainit na luha sa gilid ng mata ko. "Alam mo ba kapag nakikita kita umiinit kaagad ang dugo ko sayo? Gustong-gusto kitang tirisin na parang garapata."
Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa mga mata niya.
"Anong bang ginawa ko sa inyong mali para ganituhin niyo ako?" naluluha kong tanong sa kanila, pinigilan ko ang luha ko.
Inis akong binitawan ni Angelica. Tumayo siya at tumabi sa mga kaibigan niya. Tumingin siya sa mahaba niyang kuko at saka tiningnan ako. Ngumisi muna siya bago sumagot.
"Wala naman.."
Napalunok ako. Niyakap ko ang bag ko. Kitang-kita ko na ang dumi sa puting medyas at blouse ko. Para nanaman akong basahan nito.
"Naiinis lang ako sa'yo," dagdag niya. Tumawa siya na para bang naluluka.
Napayuko ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko.
Ayokong umiyak. Malakas ako diba? Hindi ka. pwede umiyak, megan. Kailangan mong maging matatag.
Nilapitan ako ni Lovely para sampalin, samantalang si Angelica naman ay binuhusan ako ng budbod ng chalk.
Hindi ko na kaya!
"Wala naman akong ginagawa sa inyo pero bakit niyo ako pinapahirapan sa araw-araw?!" hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha pagkatapos nila akong buhusan at sampalin. "Ang sasama ninyo! Para kayong hindi tao kung tumuring sakin!"
"Duh? Pano ka namin ituturing na tao e basura ka nga?" maarteng wika ni Lovely.
"Nababagay ka dyan sa basura! HAHAHAHA!"
Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya naiyak na ako.
"Awww! Hey, girls, look at her! She's crying like a baby!" tumatawang sabi ni Angelica. "Huhuhu kawawa ka naman!"
Nagtawanan ulit sila.
"Let's go girls! Baka may magsumbong nanaman sa kuya niya! WAHAHAHA! " aya niya sa mga kaibigan niya saka nila nilisan ang room na 'to.
Matagal akong nasa ganoong posisyon. Napatingin pa ako sa papalubog na araw. Napabuntong hininga nalang ako saka pinulot ang mga gamit kong puro tapak ng sapatos nila. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko nang makitang pumatak ang luha ko sa semento.
"Ano ba, meg! 'Wag ka ngang umiyak!" sabi ko pa sa sarili ko saka marahas itong pinunasan gamit ang kamay ko. Kahit umiiyak pinulot ko na lahat at inayos sa bag ko ulit. Sinara ko na ang bintana at pinto ng classroom namin dahil ako nalang ang mag-isa dito.
Nasa bukid na ako pauwe sa bahay namin nang matigilan ako sandali dahil may humarang sa daraanan ko.
"Hey.."
Niyuko ko ang ulo ko at nagpatuloy lang sa paglalakad, nilagpasan ko siya. Nagmamadali siyang sumunod sa akin suot pa ang uniporme niya. Nakasuot pa siya ng puting tshirt at itim na pants habang nakasabit naman sa isang braso niya ang uniporme niyang comoflauge. Nakatuck-in pa ang tshirt niya sa pants niya at nakasuot rin siya ng itim na sapatos. Amoy na amoy rin ang mabango niyang pabango na kahit nasa malayo ka makikilala mo kung kanino iyon, at talagang maaagaw nito ang atensyon mo.
Napatigil lang ako nang hawakan niya ako sa braso kaya dahan-dahan kong inangat ang ulo ko.
"A-are you okay?" nag-aalala niyang tanong. "Bakit namamaga ang mga mata mo. Umiyak ka nanaman ba?"
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tinanggal iyon. Ngumiti ako sa kaniya.
"Hindi ako umiyak. Napuwing lang ako kanina sa daan.." pagsisinungaling ko.
Nag-iwas pa ako ng tingin sa kaniya. Nakatingin na ako ngayon sa papalubog na araw.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkunot niya at pagbuntong hininga niya. Ilang minuto siyang hindi nagsalita para kausapin ako.
"I'm leaving.."
Natigilan ako sandali, pero hindi ko pinahalata iyon. Dahan-dahan ko siyang nilingon at tiningnan sa mata.
"B-bakit ka naman nagpapaalam pa sakin?" tanong ko sa kaniya.
Kinagat niya ang ibabang labi niya. Napatingin siya sa lupa at bahagyang nilingon ang tinitingnan ko kanina. Nilingon ko ulit iyon kaya naman parehas na kaming nanunuod ng papalubog na araw.
Napakagandang pagmasdan, sana hindi na matapos ang ganitong kagandang tanawin.
"Hindi ko alam. Basta gusto ko lang?" patanong niyang sagot sa akin.
Bahagya akong natawa sa kaniya at kaagad din sumeryoso para tingnan siya.
"If you have to leave, then leave. Hindi mo naman kailangan magpaalam pa sakin. Hindi naman kita kaibigan." saad ko sa kaniya ng diretso.
Seryoso siyang napatitig sa akin na para bang sinusuri niya ang mga mata ko.
"How could I leave you if you're not okay, laura?" seryosong tanong niya.
Bahagya akong ngumiti at tinapik ang balikat niya. "Ayos lang ako. 'Wag ka mag-alala sa' kin.."
Kumunot ang noo niya. "Can you tell me.. kung sino ang umaway sa'yo?"
Tumawa ako ng mahina. "Wala nga sakin umaway.. napuwing lang talaga ako.."
"But I see your pain and sadness in your eyes, laura. Please, tell me.."
"Van," tawag ko sa pangalan niya. "Don't mind me. Okay lang talaga ako."
Nakipagtitigan ako sa kaniya para malaman niyang okay lang ako. Napabuntong hininga siya at tumango. Pinamulsa niya ang isang kamay niya sa kaniyang bulsa at nilingon ang maleta niyang medyo malayo pala samin. May kung ano sa'king lungkot.
Totoo ngang aalis na siya. Saan naman siya pupunta? Training? Ilang araw siyang aalis? Babalik pa ba siya dito?
Matagal na katahimikan ang namagitan samin at para kaming tangang nakatingin lang sa papalubog na araw.
"Uuwe na 'ko baka hanapin na 'ko nila kuya. Ingat ka nalang sa pag-alis mo." sabi ko, saka siya nilagpasan.
Nagulat ako nang hawakan ulit niya ang braso ko. Napatingala ulit ako sa kaniya.
Tumingin siya sa mata ko at napalunok.
"Laura," tawag niya sa pangalan ko. "I want to be your friend."

Book Comment (33)

  • avatar
    Tranh Mai

    xxx

    28/08

      0
  • avatar
    Mikko Belgera

    bvnhhkv

    27/08

      0
  • avatar
    Zain Il

    ktil

    27/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters