logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 4

"Sino ba ang may gawa ng sugat mo na 'yan, hija?" tanong sa akin nung matandang katulong nila Vien. Siya kasi ang gumagamot sa akin, habang ang dalawa nakatingin at nakaalalay.
"Edi ang magaling niyang kaklase na akala mong dyosa!" si vien ang sumagot.
"Vien, ang bibig mo."
"Tsk! Totoo naman kasi manang! Pabida ang anima! Patapon naman ang bwiset!"
"Vien."
"Sorry po, manang.."
Pagkatapos akong magamot. Kumaen na muna kami nang tanghalian kila Vien saka bumalik sa kani-kanila naming room. Makalipas ang ilang oras..
Natapos na ang klase namin ng bandang alas-tres at wala ng kasunod pa. Sinundo ako ng dalawa kong kaibigan sa room para ayain akong sumabay sa kanila pauwe. Kaagad akong tumanggi at nagdahilan nalang na may gagawin pa ako. Wala na silang nagawa pa kaya umuwe na din sila.
Pagsapit ng alas-singko naglakad na ako pauwe samin. Pero hindi pa man ako nakakapasok sa pinto nang marinig ko ang sigaw ni Mama. Nagulat ako kaya nagmamadali akong tumakbo papasok sa bahay namin. Hawak ni Kuya si Mago at parehas silang nakaupo sa kahoy na higaan. Samantalang si Mama naman at si Papa ay magkaharap.
"Anong nangyayari?" nag-aalala ko agad tanong. Ibinaba ko nalang kung saan ang bag ko. Nilapitan ko sila doon.
Hindi nila ako nilingon.
"Bakit naman kasi hinayaan mo! Alam mo namang manloloko 'yung tao nagpaloko ka pa!" naluluhang sigaw ni Mama, hindi makapaniwala.
Kumunot ang noo ko.
Napahawak sa ulo si Papa at nakayuko. Narinig ko pa ang ilang mura niya.
"A-ano po bang nangyayari bakit kayo nagsisigawan??" pumagitna ako sa kanila.
Kaagad na tumalikod si Mama at pinunasan ang luha. Nakapameywang pa rin ang kanihang isang kamay. Tumitingala pa siya sa itaas para pigilan ang luhang bumabagsak sa kaniyang mata.
"'Yang papa mo.." bumaling siya sakin. Napatingin ako kay Papa na umiiyak na rin. May kung ano sa puso kong gustong maiyak dahil masakit para sakin makita ang ganito. Naghintay ako ng sasabihin ni Mama. "Nagpaloko sa kumpare niyang manloloko!"
Nagulat ako.
"H-hindi ko maintindihan.. anong nagpaloko?"
"Ang kaibigan niyang si Jun nagpresintang siya na raw magbabantay ng paninda ng papa mo do'n sa Maynila. Ang papa mo nagpaalam na iihi lang sandali pero pagbalik niya tinangay na nung jun ang lahat ng paninda niya, ni ang perang pinagbentahan sa ilang gulay tinangay niya!" lumuluhang saad ni Mama.
Lalo akong natigilan at napahawak sa bibig para pigilan ang pag-iyak ko, ngunit nabigo ako. Halos mapaluhod na ako dahil sa narinig ko.
"Ang akala ko pa man din mabibigyan ko na kayo ng baon ng kuya mo.. para sa pangpasok niyo pero... nagkamali ako.." dagdag na hagulgol ni Mama. "Lahat ng pinaghirapan natin naglaho nalang ng parang bula! Hindi ako makapaniwala!" yumuko na siya para umiyak ng umiyak.
Niyakap ko si Mama.
"Pa..." tawag ko kay Papa na tahimik namang umiiyak. Hindi niya ako nilingon. "Wala bang kahit na magkanong naiwan sa'yo?"
Umiling siya ng umiling. "Wala.. wala, anak. Tinangay niya lahat sakin.."
Nagulat kaming tatlo nang tumayo si kuya Mateo. Seryoso ang kaniyang mukha.
"Kuya?" tawag ko. Napabitaw si Mama sakin at nilingon si Kuya.
"Mateo.." tawag ni Mama. "Saan ka pupunta?"
"Pupuntahan ko ang tarantadong 'yon. Ang kapal ng mukha niyang kunin ang para satin! Wala siyang pinaghirapan do'n!"
Halos maestatwa ako ng nagmamadali siyang lumabas sa bahay namin. Kaagad na kumabog ang dibdib ko dahil gabi na rin at delikado na.
Napatayo si Papa at sinundan ang kapatid ko. Hinawakan naman ni Mama ang dalwang braso ko at iniharap sa kaniya.
"Dito ka muna, megan. Susundan lang namin ang kapatid mo... baka mapano siya," sabay haplos sa mukha ko at hinalikan ang noo ko.
"Mama.." tawag ko.
Hindi na niya ako nilingon pa kaya naman diretso rin siyang lumabas para sundan sila Papa at kuya.
Napaluhod nalang ako at napayakap sa dalawang tuhod ko para doon umiyak. Napatigil lang ako ng yakapin ako ni Mago. Tiningala ko siya at niyakap ng mahigpit.
"'Wag iyak.. ate.." saad sakin ni Mago. Lalong bumuhos ang luha ko. "Wag iyak.."
"Mago.."
"Why're you crying?"
Halos mahulog na ako sa tulay nang marinig ko ang hindi kilalang boses. Kaagad kong pinunasan ang luha ko at nilingon siya. Alam kong halata pa rin ang pag-iyak ko dahil mugto na ang mga mata ko.
Tinitigan niya ako saka tumingin rin sa malayo, ginaya niya pa ang pwesto ko. Nakaupo ako sa lupa habang nakasandal ang likod ko sa katawan ng puno ng mangga habang nakaharap rin ako sa malawak na bukiran dito sa San Miguel. Madilim na ang buong lugar pero ang liwanag ng buwan ay nagbibigay ng liwanag sa lahat. Mula rito kitang-kita mo ang ibang bahay na nasa malalayo, parang bituin ang kanilang ilaw dahil sa liwanag na iyon. Hindi ko rin alam kung anong oras na.
"Hindi ako umiiyak, 'no! Wala kang pakielam!" inis kong sabi.
Napabuntong hininga siya at ginawang unang ang dalawang braso niya habang nakasandal puno.
"A-ano bang ginagawa mo dito?" inis kong baling sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa malayo at akala mong nagbibilang ng bituin sa langit.
"May narinig kasi akong iyak ng bata sa daan kaya hinanap ko 'yon, at eto.. nakita ko na at katabi ko na.." walang kwenta niyang sinabi nang hindi bumabaling sakin.
Pinagkunutan ko siya ng noo ko. "Hindi ako bata at hindi din ako umiiyak!" singhal ko, pero napatigil din ako nang maamoy ko ang mabango niyang pabango.
Napanguso nalang ako at niyakap ang dalawang tuhod ko.
Naging matunog ang pangisi niya kaya napatingin ako sa kaniya at napatitig sa kaniyang itsura.
"Eh, ano lang?"
Halos mawala na ako sa sarili nang bigla niya akong lingunin. Dali-dali akong tumingin sa malayo.
"W-wala!"
Bahagya siyang natawa at napailing. Sumeryoso siya. Napakabilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil katabi ko siya ngayon dito sa isang puno, magkasamang nakasilong at nakatingin sa malayo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"A-ano ba kasing ginagawa mo dito?" pinilit kong hindi mautal pero nabigo ako.
Nakatingin pa rin siya sa malayo at mukhang may iniisip din siya. May problema din ba siya katulad ko?
"B-b-bumalik ka na sa bahay niyo. Baka napadaan ka lang dito dahil sa lakas ng iyak ko. Nakakahiya.."
"Edi inaamin mo na nga din na umiiyak ka?" aniya, nilingon na ako. Hindi na pinansin ang sinabi ko kanina. "Huwag mo pigilan ang luha mo, hayaan mo silang tumulo para mailabas ang lahat ng nararamdaman mo. Pwede ka sumigaw dito para mas lalong mawala iyang sakit na nararamdaman mo. Mahirap kasi kung kikimkimin mo lang, baka magulat ka sumabog ka dyan. Huwag ka mag-alala hindi naman kita pagtatawanan. Makikinig lang ako dito. At nandito lang ako kasama mo.." seryoso niyang dagdag.
Napalunok ako at nag-iwas nanaman ng tingin. Nakaramdam ako ng pagiging komportable sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko.
"Tapos nakong umiyak, okay na ko. Umuwe ka na." saad ko, binabalewala ang sinasabi niya.
Napabuntong hininga siya.
"Mag-open ka sakin, papakinggan kita."
"Pero hindi kita kaibigan,"
"Hindi lang naman ang kaibigan ang pwedeng paglabasan ng hinanakit. Kaibigan mo man ako o hindi, papakinggan kita." seryosong sabi ulit niya.
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Napabuntong hininga ako. Sasabihin ko ba talaga sa kaniya? Bahala na nga..
"T-Tungkol lang naman iyon sa pamilya ko.." panimula ko sa kwento ko. Nakinig kaagad siya. "Naloko si papa ng kumpare niya kanina doon sa Maynila. Si papa kasi.. nagtitinda siya ng mga gulay doon sa Maynila, idinideliver niya pa iyon doon para makabenta at para magkaroon kami ng baon sa pangkaen sa araw-araw namin," malungkot na kwento ko. "Pasensya ka na, naiiyak nanaman ako.." pilit kong tinatago ang pagpatak ng luha.
"Okay lang.. tuloy mo lang ang kwento mo kahit umiiyak ka.."
"Alam mo yung pakiramdam na.. nagpapakapagod silang magtanim sa gitna ng bukid para sa amin, pero niloko pa sila nung tanginang lalaking yon!" galit kong sabi. Kumuyom. ang kamao ko. "Yung taong yon.. alam niya kung gaano kahirap ang pamilya ko. Sa totoo lang.. para nga kaming daga, na gusto pang makihati sa kayamanan ng ibang tao. Madalas mangutang si mama kung kani-kanino para lang may pambigay siya saming baon o pambili ng makakaen namin sa bahay," dagdag ko pa. Inalala ko pa ang nakaraan. "Yung binibigay na pera ni mama samin, hindi namin ginagastos yon ng kapatid ko. Itinatabi lang namin iyon sa lalagyanan namin para maibalik muli sa may ari. Tapos yung sa tarantadong taong yon, ganun pa ang ginawa niya samin?! Napakakapal ng pagmumukha niya! Itinuring ko pa naman din siyang paboritong ninong ko noon. Napaka walang hiya niya! Bakit niya kailangan lokohin ang magulang ko?! Ni piso wala siyang tinira samin! Nagmukhang kawawa ang papa ko sa Maynila! Alam mo bang nagmakaawa pa si papa sa ibang tao na sana makauwe siya samin?!" lumuluha kong sabi. Galit na galit ako ngayon at para akong sasabog!
"Nakakainis pa yung tipong wala pang liwanag sa bukiran, naroon na kaagad sila mama at papa para asikasuhin ang mga tanim nila. Madalas kapag umuuwe ako.. nakikita ko silang pagod na pagod, pero binabalewala nila iyon para sa aming magkakapatid. Dumadating sila sa bahay ng nakangiti at parang walang nangyari." saad ko.
Nagpalipas pa ako ng ilang oras doon saka ko napag-isipang tumayo na para umuwe sa amin. Baka gising na si Mago.
"Uuwe na ko, umuwe ka na din. Salamat sa pakikinig sakin, alam kong naboringan ka.. pasensya kana.." nahihiya kong sabi. Bahagyang ngumiti ako sa kaniya at saka. tinalikuran siya para umalis na pero nagulat ako nang sabayan niya ako maglakad.
Hinahangin ang buhok ko habang naglalakad kami, nakalugay kasi iyon.
"Ano bang pangalan mo?" tanong ko. sa kaniya. Okay na ang pakiramdam ko kesa kanina.
Nilingon niya ako. "Bakit mo tinatanong? Interesado ka sakin?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Kaaga dko siyang pinagkunutan ng noo. "Tinatanong ko lang naman, tss." irap ko. "Ako nga pala si Megan. Megan Laura Nicolas ang buo kong pangalan." nakangiting saad ko saka huminto at nakipagkamay sa kaniya.
"I'm Joevan Anderson. Van for short," pakilala din niya.
Natuwa ako. "Okay," tumango ako. "Saan ba banda ang bahay niyo?" tanong ko sabay hanap ng bahay nila.
"Diyan lang, pagkatapos makadaan sa bahay niyo." aniya, hindi tinuro kung saan mismo.
Naglakad na ulit kami. Ang tahimik, wala man alng nagsasalita sa aming dalawa. Nang makarating na kami sa tapat ng bakuran namin, nilingon ko. ulit siya at nginitian.
"Salamat ulit kanina, kuya van. Pasok na ako sa loob," sabay kaway ko. Pumasok na kaagad ako sa loob ng bakuran namin.
"Laura,"
Napahinto ako nang tawagin niya ang second name ko. Hindi ko inaasahan iyon! Siya lang ang kauna-unahang tumawag sa second name ko. Sa totoo lang, ayoko talagang tinatawag ang second name ko.. para kasing ang pangit pakinggan sa iba, pero siya.. kakaiba. Yung tipong masarap pakinggan at masarap ulit-ulitin sa tenga.
Napapalunok ko siyang nilingon. Mas nagulat ako nang makita ang ngiti sa labi niya. Bahagya niyang itinaas ang kanang kamay niya, samantalang ang kaliwang kamay niya naman ay nakapasok sa bulsa niya.
"Good night."

Book Comment (33)

  • avatar
    Tranh Mai

    xxx

    28/08

      0
  • avatar
    Mikko Belgera

    bvnhhkv

    27/08

      0
  • avatar
    Zain Il

    ktil

    27/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters