logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 3

"May bagong kapitbahay ba tayo?"
Pagkasundo ko sa magulang ko agad ko silang tinanong pagkatapos naming kumaen. Kinuha ko na ang lahat ng pinagkainan para urungan iyon.
"Oo meron. Nung nakaraang araw pa. Bakit?" si Mama ang sumagot sa tanong ko.
"Taga saan?"
"Balita ko taga-Maynila daw.."
Oohh..
Napatango nalang ako. Saan naman kaya sila gawi dito at bakit hindi ko makita ang bahay nila?
Pinagpatuloy ko nalang ang pag-uurong ko. Nagwalis pa ako ng sahig saka nilatag ang hihigaan namin. Pagod na pagod sila Mama kaya naman maaga silang nakatulog.
Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog, may quiz pa kami sa subject namin sa Mapeh. Kinuha ko nalang ang notes ko saka binasa iyon. Lumabas rin ako ng bahay para mahanginan.
Naupo ako sa duyan para naman pumasok sa isip ko ang binabasa ko. Napapakamot ako pa ako kapag may lamok na dumadapo sakin.
Napabuntong hininga ako at dinuyan ang hinihigaan ko ngayon. Tumingin ako sa kalangitan at pinapanuod ang mga butuin.
KINABUKASAN
Nagising ako bigla nang may kumatok sa kawayan naming pinto. Tumayo kaagad ako at ako na ang nagbukas ng pinto. Anong oras na ba? Nilingon ko pa sila Kuya at ang magulang ko kung nagising ba sila, pero pare-parehas silang tulog at humihilik.
"Sandali, eto na!" sabi ko bago buksan iyon.
Natigilan at nagulat ako nang makita ang lalaking gwapo kahapon. Ayun nanaman ang masungit niyang mukha. Napatingin ako sa kabuuan niya, napatigil ako ng tingin ng makitang may dala pala siya.
"Pinabibigay ni Mommy," aniya sabay abot sakin.
Matagal akong napatitig doon at sa kaniya. "Ano 'yan?"
"Ewan," nababagot niyang sagot. "Kunin mo na nangangawit na ko." masungit niyang sabi sakin.
Ang sungit naman nito.
Kinuha ko 'yon sa kamay niya, magsasalita na sana ko para pasalamatan siya pero kaagad naman niya akong tinalikuran para bumalik kung saan ang bahay nila. Hinabol ko pa siya ng tingin hanggang sa maglaho siya sa paningin ko.
"Umagang-umaga masungit? Tch. Hindi tuloy ako nakapagpasalamat." bulong ko saka sinara muli ang pinto.
Ako na ang nagluto ng kakainin namin. Ibinaba ko na rin sa mesa ang binigay nung lalaki. Ulam iyon kaya naman natuwa ako dahil makakatikim kami ng masarap na pagkaen ngayong araw.
Bumangon na si Kuya at nagulat pang makita ako. Kinusot niya ang mata niya at naghilamos sa lababo.
"Ang aga mo yatang nagising?" aniya, inaantok pa. Tumingin pa siya sa orasang nakasabit sa dingding.
Hindi ko siya sinagot.
"Kumaen ka na d'yan, kuya. Maaga pa yata ang pasok mo sa BASC,"
"Yes, boss. Maaga nga. Teka, ang bait mo naman ngayon? "
Umupo siya sa sahig at binuksan ang nakatakip na ulam sa maliit na lamesa. Kumunot ang noo niya at nilingon ako.
"Bakit?" inosenteng tanong ko.
"Saan namang galing 'to?" kunot-noo niyang tanong habang nakatingin sa nilagang baboy.
"Ah.. 'yan ba... galing 'yan sa bago nating kapitbahay," sagot ko. "Nagising nga ako kanina dahil may kumakatok sa pinto natin. Tapos pagbukas ko nandun yung lalaki sa labas. Inabot kaagad 'yan sakin at ang sabi pinabibigay daw ng mommy niya," kwento ko habang bitbit ang kalderong may kanin. Maingat kong inilagay sa gitna ng mesa iyon.
"Magandang umaga, mga anak ko.." bati ni Mama pagkagising, kasunod niya si Papa at Mago.
Maingat inilalapag ni Papa si Mago sa sahig para paupuin sa tabi nila.
"Maaga kaming aalis ng papa mo ngayon, pupunta kaming bukid para anihin ang mga palay natin. At saka para na rin makakaen tayo ng masarap na ulam mamaya. Mamaya pag-uwe niyo, bibigyan ko na kayo ng allowance niyo. Itago niyo muna at tipirin, ha? Sa ngayon kasi, singkwenta pesos lang ang pera ko. Hindi ko alam kung aabot pa. ito sa pamasahe niyo.. " nakangiting wika ni mama. Maganda ang mood ni Mama niya. Inabot niya samin ang dalawang singkwenta.
"Ma, sa inyo na 'yan.' Wag niyo nako bigyan," pigil ni kuya.
Nagtakha si mama. "Huh? Bakit naman anak? Wala kang pamasahe.."
"May naitabi naman akong pera. Okay na 'yon. Kay megan niyo nalang ibigay baka may babayaran siya sa school niya.."
"Sigurado ka ba, mateo?" tanong ni papa.
Ngumiti si kuya at tumango. Inabot sakin ni mama ang 50pesos ni kuya.
"Kumaen na tayo," wika ko.
Natigilan sila mama at papa nang makita ang masarap na ulam sa mesa.
"Oh, saan galing ang masarap na ulam na 'to?" sabay lingon niya kay Kuya. "Ikaw ba bumili ng baboy at nagluto nito, mateo?"
"Hindi, pa. Bigay daw ng bagong kapitbahay natin' yan sabi nitong si Megan," sagot ni Kuya.
"Mukhang hulog ng langit ang kapitbahay natin at nag-abala pa silang bigyan tayo ng ulam. Hihi!" masayang sabi ni Mama. "Mahal, paborito mong ulam, oh.."
"Wow naman.. ngayon lang ulit yata ako makakaen ng ganito, ah? Mukhang masarap pa!" nakangiti rin sabi ni Papa.
Napatitig pa ako sa kanila at napangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na ganito sila kasaya kapag may nakahain na masarap na pagkaen. Masaya kaming kumaen ng umagahan.
CANTEEN.
Halos mapalundag ako sa gulat nang matapunan ako ni Angelica ng kaniyang juice. Kaagad na nanlaki ang mata ko ng makitang nagmantsa iyon sa puti kong blouse. Agad kaming pinagtinginan ng mga estudyante dito sa canteen.
"Oh my! I'm sorry! Nakaharang ka kasi e!" maarteng sabi niya. "Natapon na tuloy ang baon ko! Nakakainis!" siya pa ang galit sakin.
"Sorry," iyon nalang ang nasabi ko saka tinalikuran siya pero nagulat ako ng hilahin niya ang buhok ko.
"Kapag kinakausap kita 'wag na 'wag mo kong tinatalikuran!" galit niyang sigaw sakin saka mahigpit akong sinabunutan. Napasigaw pa ako sa sakit non.
"Aray! Angelica, ano ba! Nasasaktan ako!"
"Dapat lang sa'yo 'yan basura ka!"
"Aray!" pilit kong inaalis ang kamay niyang nasa buhok ko. Halos maiyak na ako dahil sa higpit non. "Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!"
"Palitan mo ang juice ko!" sigaw niya.
Inis niya akong ibinalibag dahilan para tumama ako sa lamesang malapit samin. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Napahawak ako sa likuran ko dahil masakit iyon.
"HOY!"
Hindi ko na nilingon kung sino 'yon. Nagulat nalang ako ng makitang tumimbawang si Angelica sa sahig malapit sa akin. Nagdudugo ang kaniyang ilong.
Kaagad akong tinulungan sa pagtayo ni Vien at Jia. Niyakap kaagad ako ni Jia samantalang si Vien naman ay hinarap si Angelica. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may dugo sa kamao ni Vien.
"Vien..." gulat na tawag ko sa pangalan niya.
Hindi niya ako nilingon. Nananatili lang siyang nakatingin kay Angelica na kasalukuyang tumatayo habang hawak ang ilong niya. Kaagad rin siyang nilapitan ng mga kaibigan niya. Nagkagulo na ang lahat sa canteen.
"Ano bang kasalanan sa 'yo ng kaibigan ko at para ganyanin niyo nalang siya, ha?!" galit na galit na sigaw ni Vien sa kanila. "Namumuro na kayo sa pananakit sa kaniya!"
Tumawa si Angelica at hindi makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan ko.
"Bakit ba nakikielam ka?" matapang na sagot ni Angelica, hindi sinagot ang tanong ni Vien. Pinunasan niya ang dugong nasa ilong niya gamit ang panyo niya.
Nilingon niya ako.
"Ang basurang 'yan... tinapon ang juice ko na kakabili ko lang! Bakit hindi ka sa kaniya magalit?!" galit niyang turo sakin. "Sabagay, kaibigan mo nga pala 'yan! Saka hindi nyo nga alam ang pinaggagagawa niyan sakin kapag wala kayo e!"
Kumunot ang noo ko.
"Ugh! Ang sakit ng suntok mo sakin!" halos mangiyak-ngiyak na saad ni angelica. "M-may dugo! May dugo yung ilong ko!"
Ngumisi si Vien at tiningnan ang kamao niya.
"Sa tigas ng pagmumukha mo nasaktan pati ang kamao ko. Ang tigas, ah!"
Nanlaki ang mga mata ni Angelica at saka sinugod ni Vien.
"How dare you! Ikaw ang makapal ang mukha!"
"'Wag ka ngang ume-english at hindi bagay sa 'yo. Feeling mo naman ke yaman mo e nakita ko nga ang bahay mo puro tabing lang. So poor! Feeling mayaman kana nga, feeling maganda pa!" pang-aasar ni Vien.
"W-what?! Humanda ka talaga sakin!"
"Oops!" umilag siya sa sampal ni Angelica. Mabilis itong sinabunutan ni Vien at binalibag sa katabing lamesa.
"Isa pa, angelica. Isa pang kanti mo sa kaibigan ko.. hindi lang iyan ang magagawa ko. Tandaan mo 'yan!" galit at seryosong sigaw ng kaibigan ko.
"Omg! Dalin natin siya sa clinic!" nagmamadaling umalis ang kabarkada ni angelica, kasama si angelica para ihatid iyon sa clinic dito sa labas ng school namin.
Kaagad naman akong nilapitan ni Vien at tinulungan din tumayo. Sinuri niya ang mukha ko o ibang parte ng katawan ko.
"Vien.." nag-aalalang tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya saka ako tiningnan sa mata.
Tumango ako. "Okay lang ako. Bakit mo ginawa 'yon? Dapat hindi ka na nakisali sa amin. Away namin iyo--"
"Pwede ba, megan? Huwag puro kabaitan ang pairalin mo, matuto kang lumaban kung alam mong agrabyado ka na!" galit niyang sabi sakin. "'Yan ang napapala mo dahil sa pesteng kabaitan mo! Para kang bato!"
Natikom ang bibig ko. Natakot ako sa titig niya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong galit niya sakin.
"Sumama ka samin, uuwe tayo ngayon sa bahay namin.. para lagyan ng gamot ang ilang sugat mo. Baka makita ka pa yan ng magulang mo, magalit pa sila sayo dahil. dyan," malamig niyang saad saka ako inalalayan maglakad.
Napatitig ako sa kaniya at napakagat ng labi. Pinigilan ko ang luha ko. "S-salamat sa pagtanggol sakin, vien.. "
"Kaibigan kita, at ayokong makita kang sinasaktan ng iba." seryosong wika niya saka diretso kaming naglakad palabas ng gate.

Book Comment (33)

  • avatar
    Tranh Mai

    xxx

    28/08

      0
  • avatar
    Mikko Belgera

    bvnhhkv

    27/08

      0
  • avatar
    Zain Il

    ktil

    27/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters