logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Sunset with Megan

Sunset with Megan

Kudoxxx


Simula

Ang bilis ng oras..
Ang bilis ng panahon..
Parang kailan lang, narito pa rin sa puso ko yung sakit..
Habang nakasandal sa puno, pinapanuod kong lumubog ang araw. Apat taon na pala ang nakakalipas ngunit parang sariwa pa rin sa akin ang nangyari.
Marami na ang nagbago sa lugar na ito simula nang umalis kami. Ang dating kaunting kabahayan ay marami na ngayon. Naglisawan na ang ilang mga batang naglalaro sa lugar na ito, na mas ikinadami pa kaysa noon. Ang malawak na kabukiran ay mayroon ng nakatayong ilang tower at ilang kabahayan.
Mula sa pwesto ko, maganda pa rin ang view dahil tanaw na tanaw mo ang papalubog na araw.
Alas-singko na nang hapon pero mas pinili ko pa rin dumiretso dito kahit na pagod ang katawan ko dahil sa trabaho. Hindi man lang ako napakapagbihis ng pangbahay, dahil hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang pangguro kong uniporme. Iniwanan ko naman ang bag ko sa sasakyan kong nakaparada sa malayo. Mas ninais ko talagang maglakad kaysa dalhin dito sa pwesto ko ang sasakyan ko.
Nilingon ko ang puno na katabi ko, na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin. Bahagya akong napangiti nang makita ko ang pangalan na nakaukit doon.
Joevan x Laura
Joevan..
Hinaplos ko ang pangalan niyang nakaukit doon sa puno.
"Miss na kita.." bulong ko.
Humaplos naman sa balat ko ang malamig na hangin dito sa kabukiran. Mula sa malayo naririnig ko ang ilang tawanan ng mga batang naglalaro sa malayo. May hawak silang saranggola habang tumatakbo para ipalipad iyon sa ere. Hinayaan ko ang sarili kong panuorin sila. At natutuwa ako dahil naalala ko sila sa nakaraan ko.
Ito na ba ang tamang panahon para kalimutan ka? Ito na ba ang tamang oras para ibaon ko sa limot ang lahat?
Pero… paano ko magagawa iyon? Hindi ko alam. Wala akong ideya.
Parang hindi ko pa rin kaya.
"Ate! Ate! Pahawak nga po ako nito?"
Sandali akong natigilan nang lapitan ako ng isang batang lalaki. Dala ang saranggola niya iniabot iyon sa akin.
Pagkatapos ibigay sa akin iyon sinuot niya naman ang kaniyang sumbrelo at saka ngumiti sa akin.
"Marunong ka po ba magpalipad ng saranggola, ate ganda?" nakangiting tanong sa akin ng bata na nasa edad na anim na taon.
Napatingin ako sa saranggolang hawak ko at saka bahagyang tumango sa kaniya. Natuwa siya nang malaman iyon.
"Kaya niyo po ba paliparin 'yan, ate? Hindi ko po kasi mapalipad ng mataas tulad nila," nakangusong sabi niya, nagpapacute.
"Gusto mo turuan kita?" tanong ko.
"Opo, ate! Yeheyy! Turuan niyo po ako!" nagtatalon siya sa tuwa.
Pinakita ko sa kaniya kung paano magpalipad ng saranggola. Pumapalakpak pa siya sa tuwa nang makitang napapalipad ko iyon ng mataas. Nang makita ako ng ibang kalaro niya kaagad silang lumapit sa akin.
"Wow! Ako din po! Ate! Ate!" makulit na sabi nung mga bata.
Natawa ako sa kanila.
"Ate, ako naman po! Mataas din! Mas mataas din po sa kaniya!" sabi ng isang batang babae sakin.
"Sige, sandali lan—-"
"Ako na magpapalipad."
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Kuya. Suot ang pambahay na tshirt at short, kinuha niya sa bata ang saranggola nito at saka siya nagpakita kung paano paliparin ito ng mataas.
Tuwang-tuwa naman ang mga bata nang makitang parehas kami ni Kuya na mataas ang palipad.
"Bakit ang galing niyo po magpalipad ng saranggola?!" nakangiting tanong ng mga bata.
Nagkatinginan kami ni Kuya. Tumawa naman si Kuya sa mga bata.
"Ako kasi pinakamagaling dati magpalipad ng saranggola noong bata pa ako," mayabang na wika nito.
Ngumiwi ako.
"Talaga po?! Wow!" sabay-sabay na sabi ng mga bata.
Matapos ang ilang minutong pakikipaglaro sa mga bata, naisipan na namin bumalik sa sasakyan.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Kuya, na nakapamulsa naman habang naglalakad sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito, kuya?" tanong ko sa kaniya.
"Dumadalaw?" kibit-balikat niyang sagot.
"Kanino?"
"Sa'yo," sagot niya. "Kanina pa ako nandito, dahil alam kong darating ka. Alam kong pumupunta ka pa rin sa tagpuan niyo.."
"Kuya.."
Bumuntong hininga siya at tinitigan ako sa mata. Sumeryoso na ang kaniyang mukha. "Are you okay?" tanong niya sa akin.
Natigilan ako. Nag-iwas ako ng tingin at napatingin sa malayo.
"H-Hindi ko alam, kuya.." nilabanan ko ang kalungkutan ko.
Miss na miss ko na siya.
"Megan.." hinawakan niya ang balikat ko at tinapik iyon. "Forget the past. You will not be whole if you don't let go of your past."
Pumatak na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ang likod ko.
"Hindi ko kaya, kuya.." mahina kong sabi sa kaniya, umiiyak. "I still miss him. I miss Van so much.."
"It's okay.. it's okay.. don't cry.." tinapik niya ng mahina ang likod ko para kumalma ako sa pag-iyak. "I know, one day you will be fine. You will find your happiness again, and you will find your freedom." mahina niyang sabi sa akin. "It's okay if you still haven't moved-on. Just wait for the one day, just like the sunsets. One day you can reset everything and start from the beginning."
********

Book Comment (33)

  • avatar
    Tranh Mai

    xxx

    28/08

      0
  • avatar
    Mikko Belgera

    bvnhhkv

    27/08

      0
  • avatar
    Zain Il

    ktil

    27/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters