logo
logo-text

Download this book within the app

02

"Aalis ka?" lumingon ako sa taong kasama ko rito sa kwarto. Si Nita, ang isang kasambahay pa.
"Aalis daw kami ni sir Rexford," sagot ko naman sa kanya at inayos ang damit ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mas okay na 'yong maayos ang suot ko baka mga mayayaman din ang mga nandon.
"Ayan lang susuotin mo? T-shirt at maong na pants?" nakakunot na tanong niya, tiningnan ko siya na may pagtataka. Wala naman sigurong problema na simple lang ang susuotin ko.
"Ah, oo." sagot ko. Nakita ko kung paano siya ngumiwi at tumalikod sa'kin, may binuksan siya sa cabinet niya, nagulat ako nang iharap niya sa'kin ang isang damit.
"Anong gagawin ko r'yan?" taka kong tanong.
"Sure ako beh na sa mamahaling lugar kayo pupunta, baka e-judge ka ng mga taong nandon kapag 'yan lang ang suot mo. Ito hiramin mo yung dress ko, hindi ko pa nasusuot 'yan kasi hindi kasya sa'kin, sayo nalang. Katas yan ng sweldo ko." nakangiti nitong sabi, bigla akong nahiya.
Dahan-dahan kong kinuha ang damit sa kamay niya, maganda nga ito halatang mamahalin din. Sayang naman kung hindi niya nagamit, pang-bayad na siguro ng kuryente ang presyo nito.
"Ano, titignan mo lang 'yan hanggang 'yan na mismo ang magsusuot sa katawan mo?" nabalik ang attention ko sa kanya at binalik ang damit niya.
"Sayang, mukhang mamahalin." sabi ko.
Mukha rin namang hindi bagaya sa'kin ang damit, kulay asul ito at halata kapag isusuot ko ay ipit ang katawan ko, nakakahiya hindi rin naman ako sanay sa mga ganitong damit.
"Marami akong ganyan, mayaman akong kasambahay." sabi niya at binigay sa'kin ulit ang damit. "Bilisan mo na at baka nainip na ang kamahalan mo kaka-antay sa'yo." dahil sa sinabi niya, naalala ko agad si Rexford na nag-aantay nga. Panigurado tatalakan niya na naman ako, potek naman unang araw ko palang ito agad ang gagawin ko sa trabaho. Kasama ba sa trabaho ko ang bantayan siya kahit saan?
Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang damit at nagpalit na, ayaw ko naman na papagalitan ako dahil lang mabagal ako kumilos, baka palayasin ulit ako. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakahanap ng trabaho.
"Ayan, ang ganda mo na lalo." nahiya ako bigla sa sinabi ni Nita, twenty-five palang siya, kaya bata pa at kita naman sa kanya na may taste talaga siya sa mga damit.
"Lumabas ka na, mag-ingat ka sa mga kaibigan niya ah." biglang sabi niya, kinunotan ko siya ng noo.
"Bakit ate?" tanong ko, kinakabahan.
"Wala, sige na at nag-aantay na si Rex." tinulak niya na ako palabas ng kwarto, bigla akong kinabahan. Bakit ba kasi gusto pa akong isama ni Rexford kung saan siya pupunta. Magmumukha lang akong basahan kapag sinama niya ako, hindi ba siya nahihiya na isama ako?
"Ang tagal mo, late na tayo." laking gulat kong tumayo siya mula sa pagka-upo at hinila ako palabas. Nakaramdam ako ng pag-kuryente sa aking katawan nang hawakan niya ang kamay ko, nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa na mag-kadikit.
"Do you want me to carry you? ang bagal mong kumilos." gulat parin akong nakatingin sa kanya, hindi parin niya inaalis ang pagkahawak sa kamay ko. "What? titingin ka lang ba, hindi ka papasok?" pagsusungit na naman nito. Hindi ko alam kung sinong mas tanga sa'ming dalawa, paano ako papasok kung hawak niya parin ang kamay ko.
"S-sir, yung kamay ko po hawak niyo." pagkasabi ko non, agad niyang inalis ang kamay niya sa kamay ko.
"O-oh, get in." sabi niya at iniwan ako sa labas ng kotse, nauna siyang pumasok.
"Fasten your seatbelt," tumingin ako sa kanya ng bahagy, hindi naiintindihan ang sinasabi. "Ikabit mo na at aalis na tayo." hindi parin ako gumalaw, hindi ko naman alam kung paano. Unang beses akong nakasakay ng kotse.
"Damn, don't tell me even that, hindi mo alam?" napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya, nakakahiya.
"S-sir," gulat akong tumingin sa kanya nang lumapit siya bigla, amoy na amoy ko ang pabango niya, ang hininga niya na nagpapa-init sa balat ko. Ang lapit niya sa'kin.
"Ganito ikabit," bumalik ang wisyo ko nang lumayo na siya sa'kin, tumingin ako sa bagay na ikinabit niya. Hindi ko manlang alam kun paano niya ginawa, mas nakatingin ako sa mukha niya.
Naramdaman kong umandar na ang kotse, tahimik lang ang buong byahe. Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang hininga niya sa balat ko. Sa sobrang lapit niya siguro kanina, dumikit sa'kin.
"We're here," huminto ang kotse sa harap ng malaking gusali. "Look, sinama kita rito para hindi mag-alala sila mommy kung nasaan man ako, kapag nagkamali kang sabihin sa kanila kung saan tayo nagpunta malilintikan kita." luh, halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Dinamay niya lang ba ako rito?
"Ano po bang gagawin natin dito sir?" tanong ko. Baka mapano kami rito.
"Huwag nang maraming tanong, sinabi ko lang kina mommy na may birthday akong pupuntahan at isasama kita." seryusong sabi nito, magsasalit pa sana ako nang lumabas na siya sa kotse.
"Mga mayayaman talaga," sabi ko bago tuloyang lumabas narin.
"Sandali," napairap ako ng palihim nang pigilan niya ako maglakad. "Wala akong pakealam kung anong gagawin mo sa loob basta huwag mo rin akong pakealaman. May cellphone ka ba?" umiling ako sa tanong niya, napabuntong hininga siya at hinilot ang sentido.
E, sa wala akong cellphone anong magagawa ko.
"Magkita nalang tayo kapag ala-una na," gulat akong tumingin sa kanya.
"Masyado na po yung late sir, baka pagalitan na tayo nina ma'am Elaine." sabi ko sa kanya, nakakapgtaka kung bakit sobrang late na ng oras kung uuwi kami. Ano bang meron sa loob ng gusali na ito.
"Aish, just do what I say, pagkapasok natin sa loob lumayo ka sa'kin ah." edi lumayo, akala niya naman susundan ko siya. Tanging tango nalang ang isinagot ko sa kanya, nauna siyang maglakad at sinundan ko lang siya.
Ang daming tao, magagara rin ang kanilang mga damit. "Sir, ano po bang meron sa loob?" tanong ko sa lalaking kasama ko kung maglakad na para bang may nag-aantay sa kanya, ang bilis, akala niya wala siyang kasama.
"It's a party, oh by the way don't drink hard alcohol ayaw kong magbuhat ng lasing na babae." mahina niyang sabi na tama lang para marinig ko, bakit ba siya bumubulong, nahihiya siyang kasama ako? kung ganon, bakit niya pa ako sinama rito.
May binuksan siyang isang kwarto at doon na siya pumasok, dahil hindi niya naman ako inaya na pumasok sinundan ko lang siya. Pagkapasok ko, maraming tao ang bumungad sa'kin, may dala-dalang baso na may laman na hindi ko alam kung ano.
"Rexford, you came!" napatingin ako sa babaeng lumapit kay Rexford, hubog na hubog ang katawan nito, maganda at maputi, mahaba rin ang buhok, bagay na bagay sa tindig niya.
"You brought a nanny?" lumingon ang babae sa'kin na nakangiti.
"Who?" takang tanong ni Rexford sa babae. "Oh, no. I don't know her, let's go there?" sabi nito at tuloyan na nila akong tinalikuran. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko o kung saan ako masasaktan, yung sinabi ng babae na nanny ako o yung sinabi ni Rexford na hindi niya ako kilala at iniwan bigla.
Kinalma ko ang sarili ko bago naglibot sa loob. Pinagmasdan ko lang sila na masayang nag-uusap kasama ang mga kaibigan pa nito. Malaki ang kwarto kaya siguro nagkasya ang maraming tao na nandito.
"Hey," napalingon ako sa taong nagsalita malapit sa'kin, taka ko siyang tiningnan dahil ngiting-ngiti ito.
"First time kitang makita rito, are you a friend of Randz?" nakangiti parin niyang tanong, kitang-kita ang maliit na butas sa pisngi niya tuwing ngingiti siya at ang singkit ng kanyang mata ay nababagay sa hulma ng mukha nito, matangkad din siya at maayos ang buhok.
"Tapos kana bang kilatasin ako miss?" biglang tanong nito na nakangiti parin.
"Pasensya na, hindi ko kilala ang sinasabi mo." sagot ko, bakit pa ba ako sumama rito.
"Ey? one of a friend here? sinong kasama mo sa mga kaibigan ko?" tanong ulit nito, naisip ko si Rexford. Sasabihin ko na sana kung sino ang kasama ko nang maalala ang ginawa sa'kin ng lalaking 'yon. Hindi niya pala ako kasama.
"Hindi ko na mahanap ang kasama ko pero puwede bang magtanong?" tanong ko sa kanya, nahihiya na ako dahil pinagtitinginan kami ng iilan, bakas sa mukha nila ang pagtataka.
"Nasaan yung parte ng kwartong ito ang tahimik at walang tao?" dahil sa tanong ko, kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti sa labi, napalitan ito ng pagtataka.
"Bakit mo naitanong? you don't want noisy place ba?" tanong nito sa'kin. Maingay narin ang paligid at hindi ako makasabay dahil wala naman akong kasama rito, salin-pusa lang kumbaga.
"Nahihiya kasi ako rito, wala akong kilala." sagot ko naman at yumuko.
"Samahan nalang kita? by the way I'm Leyron, Leyron Martinez." pagpapakilala niya sa'kin, nakalahad ang kanyang kamay. Tiningnan ko lang ito at hindi tinanggap.
"Rhenise," tipid kong sagot, tanging isang ngiti lang ang ibinigay niya sa'kin.
"Tara, sa veranda nalang tayo wala namang tumatambay doon." aya niya sa'kin, ramdam kong dumapo ang kamay nito sa bewang ko kaya agad akong napa-atras palayo sa kanya. "Shit, I'm sorry." sabi niya nang mapagtanto sigurong lumikot ang kamay nito.
Aalis na sana kami nang may biglang humarang sa dinaanan ko kaya napatigil ako, ganon din si Leyron. Tiningnan namin ang taong kakasulpot lang kung saan.
"Bro Rex, bakit?" tanong ni Leyron, dinapoan niya ng saglit na tingin si Leyron at hinila ako bigla. Laking gulat ko sa ginawa niya, nakaramdam ako ng mga matang tumitingin sa'min.
"Rexford, babe." kahit yung babaeng lumapit sa kanya kanina ay hindi niya pinansin, dire-diretso lang siya sa paglalakad habang hinihila ako hanggang sa makalabas kami ng kwarto.
"Why are you with him?" galit nitong tanong, kinunotan ko siya ng noo. Anong pinagsasabi niya at bakit siya galit?
Naka-isip ako ng pang-asar dahil natutuwa ako sa mukha niyang galit.  "Excuse me? sino ka ba?" kunyari kong tanong, umaawang ang kanyang labi. Hindi ata inaasahan ang sasabihin ko. "Bakit mo ba ako hinila?" tanong ko ulit. Napahilamos siya sa mukha niya, inis na inis na.
Gumanti lang naman ako sa ginawa niya kanina pero mukhang mali, nakalimutan ko atang amo ko siya at dinala niya lang ako rito para samahan siya. Nako naman Rhenise, anong ginagawa mo sa buhay mo?
"Rexford," sabay kaming lumingon sa dalawang taong lumabas. si Leyron at ang babae kanina. "Bakit ka ba umalis agad? and I thought you don't know this girl na mukhang nanny mo, bakit mo siya hinila rito?" sarap mo untog girl, maganda ka nga panget naman ugali.
"Camille, your mouth." saway sa kanya ni Leyron.
"Totoo naman kuya," eh? magkapatid sila?
"Babe, I'm sorry, I and my cousin need to go. Kailangan ko nang iuwi ang pinsan ko sa kanila, ako ang papagalitan ni tita Stephaniee" hala, sino 'yon at anong pinsan pinagsasabi ng gagong 'to?
"Oh, I'm sorry. She's  your pinsan pala, bakit mo sinabing hindi mo siya kilala kanina?" tanong ni Camille. Hindi niya ako pinsan, potek na pakulo 'to.
"Asaran lang namin 'yon," sabi ni Rexford at nilapitan si Camille, napa-iwas ako ng tingin nang yakapin niya ito. "I'm sorry, babawi ako sa'yo bukas. I love you." dagdag pa nito. Edi ew.
"It's okay babe," sabi naman ni Camille, taka ko siyang tiningnan nang lumapit ito sa'kin. Gulat akong napatingin sa kanya nang yakapin niya ako. Hindi ako makagalaw dahil sa yakap niya. "I'm sorry a while ago, I'm Camille, Rexford's girlfriend." pake ko? ngumiti ako sa kanya at tinangoan lang.
Hindi rin naman nagtagal, nakarating kami sa kotse niya. "Kaya pala hindi kita mahanap kanina kasama mo lang pala 'yon." biglang sabi nito nang makapasok kami.
"Uuwi na po ba tayo sir?" pag-iiba ko ng topic, hindi ko talaga maintindihan ang isang 'to. Siguro kaya siya pinainom ng mga gamot ng magulang niya kasi may saltik ang anak nila.
"Malamang, next time huwag kang lumapit kahit kanino lalo na kay Leyron." bakas sa boses nito ang inis.
"Bakit ka nagagalit? kanina nga hindi mo ako kilala at ginawa mo pa akong pinsan agad sa harap ng girlfriend mo." halos takpan ko ang bibig ko nang sabihin 'yon. Nagmumukha akong nagseselos kahit hindi naman, pero nakaka-inis kasi ang isang 'to. Ang lakas ng saltik sa utak.
"Ah basta, hindi na kita isasama sa susunod. Let's go home." para talagang timang 'tong amo ko. Paano ba ito pinanganak?
"K sir," sabi ko nalang.
"Oh by the way, kapag wala sa bahay huwag mo akong tawaging sir. Call me Rexford, you are my cousin if I'm with my friends." gulo talaga, akala ko ba hindi niya na ako isasama.
"Sige po," sagot ko nalang.
"Dala mo ba yung gamot ko?" agad akong lumingon sa kanya dahil sa tanong nito, anong gamot? wala naman akong dala ng kahit ano.
"P-po? h-hindi ko po ata dala," mahina kong sabi.
"Never mind, buksan mo nalang 'yang nasa harap mo. May gamot d'yan." agad kong ginawa ang inutos niya at kinalkal ang laman ng nasa harap ko rito sa kotse. Ang daming gamot sa loob.
Agad niya itong kinuha mula sa kamay ko at ininom na. Nakatingin lang ako sa kanya, para siyang nahihirapan huminga, bigla akong kinabahan.
"Ayos lang po ba kayo?' tanong ko, iba naman ang sinagot niya sa'kin nang dahilan na mas lalo akong nagtataka sa kanya.
"Don't tell mom na uminom ako, ayaw kong mag-alala siya.  "

Book Comment (199)

  • avatar
    Jenna Joy Cruz Umali

    omg diko alam sa bawat pag basa ko nababaliw na pala ako HAHAHAHHAHA btw Ang ganda ng story huhu!! more story pa po. thankyouu sa magandang babasahin🤎

    23/07/2022

      0
  • avatar
    GacasanVannjospeh

    Ganda nang story

    24/10

      0
  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    10/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters