logo
logo-text

Download this book within the app

Untold Feelings (Game Series #3)

Untold Feelings (Game Series #3)

Gemorya


Simula

Life must go on, that's what they said. Kailangan mong magpatuloy sa buhay kahit gaano pa ito kahirap. I should know how to control my emotions pagdating sa mga bagay-bagay. I need to learn to control my feelings para hindi ako masaktan.
I know myself but not too well. Nasasaktan ako sa maliit na bagay lang, umiiyak na agad ako kahit kaunting lait lang. Pero hindi ko naman sinasabi sa kanila na nasasaktan ako, siguro 'yon ang kaya kong gawin, ang itago ang nararamdaman ko. Kinikimkim.
"Look what you've done? ang tanga mo talaga!" sigaw ng amo ko, "Paano mo mapapalitan 'yan ngayon? susuotin ko 'yan, boba ka talaga. Mommy!" agad naman pumasok ang mommy niya.
"Tignan mo ang ginawa ng tangang 'to, she ruined my dress. Mom!" sigaw nito, halatang galit na galit talaga sa'kin. Nakayuko lang ako, natatakot sumagot.
"Hay nako Rhenise, ano na namang katangahan 'to? pag-plantsa lang palpak ka pa, pambihira naman oh." sermon sa'kin ni ma'am Diane. Hindi ko naman talaga sinadya na nasunog ang damit ng anak niya, tinawag niya kasi ako para shampoohan siya.
"P-pasensya na po, h-hindi k—"
"Pasensya, pasensya! lagi nalang ganyan ang sinasabi mo, magbalot-balot ka na at lumayas ka rito!" nagulat man ako sa sinabi ni ma'am Diane nanatili pa rin akong nakayuko kahit gusto ko nang umiyak.
"Ma'am, h-huwag naman po. Papalitan ko nalang po ang damit." pagmamakaawa ko, ito lang ang bumubuhay sa pamilya ko. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho dahil lang sa maliit na pagkakamali ko.
"Kulang ang sweldo mo, anong papalitan? Lumayas ka na rito, hindi namin kailangan ng tangang kasambahay katulad mo!" sigaw sa'kin ni ma'am Diane.
Gusto ko pa sanang mag-makaawa ngunit tinulak na nila akong dalawa palabas ng bahay, tinapon nila ang mga damit ko sa lupa. Isa-isa ko itong pinulot. Nakarinig ako ng pagbagsak ng pagkasarado ng pinto. Doon na tumulo ang luha ko. Nahihirapan akong huminga, iniisip kung saan na naman ako makakahanap ng trabaho.
Inilagay ko ang mga damit ko sa maliit kong bag na may punit pa. Pangalawang beses ng nangyari ito sa'kin, unang beses na pinalayas ako ng amo ko ay sinunog talaga ang mga damit ko. Siguro maayos na rin ngayon dahil tinapon lang.
Nag hanap ako ng barya sa bag ko pang pamasahe pauwi sa'min. Buti nalang isang sakay lang pauwi pero kung wala akong pamasahe kahit otso pesos lang maglalakad ako, malayo pa ang lalakarin ko kung ganon.
Nag labas ako ng buntong hininga, papagalitan na naman ako ni inay dahil nawalan na naman ako ng trabaho.
"Lintek naman, kahit peso wala ako." grabeng life na 'to!
"Wala akong ibang choice kundi maglakad, bawal pa naman tawaran mga driver ng jeep. Nakakaiyak maging tao! Gusto ko nalang maging halaman tapos didiligan nalang araw-araw." para na akong baliw kakasalita mag-isa rito sa daan.
Habang naglalakad ako, naghahanap na rin ako kung meron man akong makitang poster para puwedeng maging kasambahay. Iyon lang naman ang kaya kong pasukan e, hindi ako nag-aaral kaya wala akong alam sa ibang bagay. Gusto kong mag-aral kahit hanggang high school lang. Grade six pa lang ang natapos ko ngunit hindi iyon sapat, nahihirapan akong magbasa pa, lalo na yung mga mahahabang salita at mahirap bigkasin.
Nanliit ang mga mata ko nang may makita akong poster. Hindi lang isa ang kinuha kong poster, lahat ng nakikita ko ay pinagtatanggal ko sa pader at mga nakadikit sa pos—
"What are you doing?"
"Ay poste ka!" halos mapatalon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.
"What?" sabi ng lalaking mala-anghel ang mukha.
Lord, ito na po ba ang ibinigay mo sa'kin na biyaya? binigyan niyo po ako ng katulong sa buhay? kung oo Lord, salamat at ang gwapo pa ng binigay mo.
Grabe naman kasing mukha 'to, mapupula ang labi na para bang laging naka lipstick pero natural. Makinis ang mukha, halatang mayaman talaga at inaalagaan ang mukha. Nawa'y lahat. Matangkad siya at kitang-kita sa katawan na nag-eexercise rin ito dahil malalaki ang braso. Makapal din ang kilay niya at mahahaba ang pilik mata, sana all mahal ni Lord.
Samantalang ako, parang babaeng yagit.
"Titingin ka lang? Tumabi ka nga," sabi nito at bigla akong tinulak patabi. Lord, may anghel bang nanunulak?
Napakunot ang noo ko nang pinunit niya ang mga papel na nakadikit sa poste at pader. Ito 'yong isa kong nakuha kanina, anong trip ng anghel na 'to at bakit niya sinisira ang mga nakadikit na papel?
"Hoy, bakit mo inaalis yan?" tanong ko pero hindi man lang lumingon sa'kin o pinansin ako.
"Hoy, alam mo bang maraming naghahanap ng trabaho at ang mga 'yan lang ang nakakatulong sa kanila para makahanap tapos sisirain mo lang? Ang lakas ng trip mo ah!" sunod-sunod kong sabi sa kanya.
"I don't care, can you please shut up and go away." luh, kupal naman to. Buti nalang naintindihan ko yung English niya.
"K bye," sabi ko at akmang tatalikod na nang pinigilan niya ako.
"Ano?" inis kong sabi, ang init na nga makikipag chika pa siya, pero sabagay ayos lang gwapo naman kaso hindi rin, ang sungit ng isang to. Pasalamat siya wala ako sa mood makipag-away sa kanya, broken ako today.
"Hoy, akin yan!" nagulat ako nang agawin niya ang papel na hawak ko, katulad iyon sa mga pinunit niya. "Gago ka! Bakit mo pinunit?" inis kong sabi. Lumingon ako sa paligid, nagbabasakali na may mahanap pa akong ibang katulad non.
"This is mine kaya pinunit ko," sabi nito.
 
"Anong sa'yo? Palibhasa ang mga mayayaman na katulad mo, walang pakealam kung gaano kahalaga sa'ming mahihirap makahanap ng trabaho. Bahala ka nga sa buhay mo, antipatiko!" huling sinabi ko at tinalikuran siya.
Nakakainis, may mga nakuha pa naman akong ibang papel pero kapag kasi marami akong susubokan mas maraming chance. Iyon ata yung sinasabi nila, the many you are the many you have. Ah, basta narinig ko lang 'yon sa kapatid ko.
"Hey." Hindi ko nilingon ang lalaking tinawag ako, hindi naman hey ang pangalan ko, bakit ako lilingon?
Pinoproblema ko kung paano ko sasabihin kina inay na wala na naman akong trabaho. Gusto kong umiyak pero wala pa ako sa kwarto ko, roon ko binubuhos kapag hirap na hirap na akong mabuhay. Nakakapagod maging anak.
Kanina pa ako naglalakad, uminit na rin ng sobra at pakiramdam ko masisira na naman tong tsinelas ko kakalakad.
"Hoy!" halos mapatalon ako nang may sumigaw sa likod kasabay ang ingay ng isang motor. Lumingon ako at nakita ko ang lalaki kanina na nakasakay sa motor ngayon. Huminto ito sa gilid na malapit sa'kin at bumaba. "Bingi ka ba? tinatawag kita," nakataas ang isang kilay nito habang nagsasalita.
Hindi mapagkaila na ang gwapo niya nga pero ugaling kupal.
"Hindi hey at hoy ang pangalan ko." sabi ko at tatalikod na sana nang magsalita ulit siya.
"Then, what's your name?" tanong nito, potek English nang english, nasa Pinas naman tayo.
"Bakit? may bayad kapag inalam ang pangalan ko." pagtataray ko.
Napa-awang ang labi ko nang maglabas siya ng pitaka at kumuha ng isang libo. Inabot niya ito sa'kin na para bang nagbabayad lang ng kendi.
"A-anong gagawin ko r'yan?" nakakunot kong tanong. Halos bawiin ko ang kamay ko nang hilahin niya at inilagay ang pera sa palad ko. Napa-awang ang labi kong nakatingin doon.
"Now tell me your name, don't waste my time." sabi nito. True ba 'to? nagbibiro lang naman ako.
"R-rhenise, Rhenise ang pangalan ko." sagot ko na nakatingin pa rin sa pera na nasa palad ko.
"Okay Rhenise or whatever, come with me." gulat akong tumingin sa kanya.
"Huh?" tanong ko, naninigurado na hindi ako nabingi sa sinabi niya.
"Naghahanap ka ng trabaho hindi ba? then come with me, huwag kang mabagal." sabi niya at tumalikod sa'kin.
Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko, hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi. Baka kasi rapist siya pero rapist na binigyan ako ng pera para lang alamin ang pangalan ko? may ganon ba?
"Sasakay ka ba o papalakarin nalang kita papunta sa amin?" huh? ano ulit? sa kanila, potek ano na!
"Anong gagawin natin sa inyo? hindi pa kita kilala tapos kung maka-aya ka na para bang close na tayo?" sabi ko. Nakita ko kung paano siya umirap.
"My mom posted those shits of papers para maghanap ng puwedeng maging nanny ko, then I found you. Kaya tara na, ikaw nalang gagawin kong nanny." huh ulit?
"Ano?" tanong ko ulit, bahala siyang mainis. Wala akong maintindihan sa kanya.
Bumuntong hininga ulit siya at tumingin sa'kin na para bang naiinis na.
"Okay fine, I am Rexford and I will be your master from now on. May trabaho ka na ulit." hala, teka lang naman hindi pa napoproseso sa utak ko lahat. Mahina ako.
"Ano? kakaladkarin pa ba kita para sumakay sa'kin o ano? sabihin mo lang, marami pa akong gagawin. Pakibilisan naman." dahil siguro sa hindi malaman ang sasabihin, lutang akong lumapit sa kanya at sumakay sa motor niya.
"Sasakay ka rin pala e, hold tight."

Book Comment (199)

  • avatar
    Jenna Joy Cruz Umali

    omg diko alam sa bawat pag basa ko nababaliw na pala ako HAHAHAHHAHA btw Ang ganda ng story huhu!! more story pa po. thankyouu sa magandang babasahin🤎

    23/07/2022

      0
  • avatar
    GacasanVannjospeh

    Ganda nang story

    24/10

      0
  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    10/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters