IAN JACK SALMENTAR Sonia Francesca Teaser# Madalas mapagkamalang lalaki si Naville dahil sa maiksi niyang buhok, pananamit at pagkilos. Pero balewala iyon sa kanya dahil ang importante ay mapalago nya ang negosyo upang may mapatunayan sa kanyang pamilya. One day, she met Ian Jack Salmentar, Stallion Riding Club’s elusive playboy. Abala ito sa pag-iwas sa mga babae nang mamataan siya. Nagulat siya nang lapitan siya niya Ian Jack at makiusap na magpanggap siyang lover nito. Iyon ang naisip na paraan ng binata upang layuan na ng mga babaeng naghahangad ng mas malalim na relasyon dito. Nang maglaon ay hindi na maipaliwanag ni Naville ang damdaming nabuhay sa kanya para kay Ian Jack. ************************************** DISCLAIMER: UNEDITED CHAPTER 1 NGUMITI LANG si Naville nang makita ang reaksyon ng kanyang pamilya pagharap niya sa mga ito sa hapag kainan. Pito silang miyembro ng pamilya Bacarro. Ang mga magulang nila, at silang limang babae. Siya ang pangatlo. At siyagn tanging abnormal sa kanila, ayon na rin sa standard ng napaka-engrande nilang pamilya. Abnormal dahil hindi siya nagsusuot ng palda at mga bistida gaya ng sinusuot ng kanyang ina at mga kapatid, hindi rin siya marunong mag-high heeled shoes na paborito ng mga ito, eleganteng tingnan ang mga ito samantalang siya, laging napagkakamalang boy sa kanilang tahanan since maiksi ang buhok niya. “Yo!” bahagya pa niyang itinaas ang kanyang kamay bilang pagbati sa mga ito. “Kumustasa? Anong meron? Bakit narito ang buong angkan? Para saan ang mga pagkaing ito? Nasaan ako? Sino kayo?” Parang siya lang ang biniyayaan ng sense of humor ng Diyos sa kanila dahil nanatiling nakamasid lang sa kanya ang mga ito. Pare-pareho lang kasi ang reaksyong makikita sa mukha ng mga ito. Disappointment. Nagkibit lang siya ng balikat at dumampot ng isang piraso ng hita ng manok na agad dumiretso sa mapagpala niyang bibig. “Ano na naman ang problema ninyo?” wika niya na sakmal ang manok sa bibig habang nagsasalin ng orange juice sa kanyang baso. Alam na niya ang ipinagkakaganito ng mga ito. “You know, people, I’m still pretty normal compared to all of you.” “Naville,” saway ng kanyang ama. “What? E kasi naman kayo,minsan na nga lang ako umuwi dito, ganyang mga mukha pa ang isasalubong ninyo sa akin. Kung masama ang loob ninyong maktia ako, e di sana hindi na lang ninyo ako pinapunta rito.” “Sinabi ko na sa iyong magbihis ka ng maayos,” wika ng kanyang ina. Seryoso rin ang itsura nito. Although mababakas na mas may puso pa rin ito kaysa sa mga kasama niya nang mga oras na iyon. “This is a formal gathering. Hindi nararapat iyang suot mong basahan.” “Hmm?” Sinulyapan niya ang suot. Marumi nga naman ang t-shirt niyang itim na may iba’t ibang patak ng kulay ng pintura. “Nagpipinta kasi ako kanina nang i-summon ninyo ako rito kaya hindi na ako nakapagpalit ng damit.” “Hindi ka nagpalit ng damit?” iritadong tanogn ng Ate Clarisse niya. “Oo…at hindi rin pala ako nakaligo. Mga…” Sininghot-singhot niya ang sarili para tantiyahin ang lebel ng amoy niya. “Tatlong araw na.” “Tatlong araw?” “Malamig naman, Denice.” Ito ang pang-apat sa kanilang magkakapatid. “Hindi naman ako pinagpapawisan kaya hindi na ako naliligo muna. Okay nga iyon at nang makatipid ako sa tubig. Di ba?” “Nakakadiri ka talaga kahit kailan, Naville!” “Bakit? Wala naman sa sampung utos ng Diyos na kailangang maligo, ah. Isa pa, bilang alagad ng sining ay naniniwala akong obligasyon ko ang mangamoy.” “Alagad ng sining? At kailan ka pa naging artist?” “Mga…three days ago.” Sinipsip niya ang pinagti-trip-ang manok. “I have found my passion. Magkakaroon na rin ng talented na tao sa pamilyang ito.” Napabuntunghininga na lang ito. Napailing naman ang kanyang ina na talaga nga namang makikita ang matinding panghihinayang kapag napapatingin sa kanya. Ang mga kapatid naman niya ay nagkanya-kanya na ng litanya. “Mama, Papa, we have to do something about Naville,” giit ni Mirriam, ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. “Nakakahiya sa mga kakilala kong socialites. Lagi na lang nila akong niloloko kapag may isa sa kanila ang nag-come up ng pangalan ni Naville sa usapan.” “My boyfriend was like, ‘what’s wrong with your brother?’,” wika ng bunso nilang si Remmi. “Brother!” “Ayoko mang ikahiya si Naville sa mga kaibigan ko,” si Clarisse, ang panganay. “Pero wala akong magawa. Look at her. She’s not even…” Tumingin ito sa kanya. Napadighay siya ng hindi sinasadya. Nang mapalingon siya sa mga ito ay ngumiti lang siya sabay tanggal ng piraso ng laman ng manok na sumingit sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Parang naputol na ang pisi ng mga kapatid niya kaya bumaling na ang mga ito sa kanilang ama. “Alright!” saway na ng kanilang ama. “Naville, quit picking on your teeth! For goodness sake, we’re in the middle of our meal!” Ngumisi lang siya. Nakakatawa talaga ang pamilya niyang ito. Sira ulo na nga yata siya dahil natutuwa pa siya kapag nakikitang nawawalan ng poise ang mga elegante at perpekto niyang mga kapatid. Siguro dahil mas nagmumukhang tao ang mga ito dahil nagkakaroon sila ng reaksyon. Ngayon, kung bakit sa pamilyang ito siya itinambak ng Diyos ay hindi rin niya alam. Basta nagising na lang siya isang araw, Bacarro na siya. Wala naman siyang reklamo, sana, kung hinahayaan lang siya ng mga itong mamuhay sa paraan na gusto niya. In fact, she could have been like them. E nayamot siya na lagi siyang pinaaalalahanan ng mga bagay na dapat at hindi dapat niyang gawin. Its not that she doesn’t want to be a proper lady. Its just she felt so restrained. Hanggang sa itinapon na lang niya ang lahat ng natutunan niya bilang isang mabuting mamamayan at perpektong anak. She just had enough. From then on, ginawa na niya ang mga bagay na gusto talaga niyang gawin sa sarili niyang paraan. Naturally, being a perfect family that they were, nag-freak out ang mga ito at sinubukan ang lahat ng paraan na alam nila para muli siyang irenda. Ngunit hindi na siya nagpatali pa ngayong naramdaman na niya kung gaano kasaya ang maging malaya. She would never let anyone tie her down again. Mananahimik siya sa isang tabi sa panahon na gusto niya. Mula nang araw na magpasya siyang tumiwalag sa perpektong image ng kanilang pamilya, nangako na rin siya sa kanyang sarili na walang sinoman ang maaaring magdikta pa sa kanya. “Naville, nakikinig ka ba?” “Yes, Papa.” “Kung ganon, maghanda ka na.” “Ha?” She would have appreciated it if her father shouted at her instead of just knotting his forehead. “Mamimili ka na ng mapapangasawa mo.” “Ah. Pero, Pa, wala akong pera. At tsaka, puwede na bang mamili ng lalaki ngayon?” “Pick, not buy,” pagtatama ng kanyang ama. Napabuntunghininga na lang ito. “You weren’t listening, are you?” “Nakikinig ako, Pa.” Muli siyang dumampot ng piraso ng manok. Tinampal na ni Mirriam ang kamay niya saka siya binigyan ng tinidor. “Thank you.” Ngunit ginamit lang niya iyon pantinga at mabilis na dinampot ang manok. Sunud-sunod na namang nagreklamo ang mga kapatid niya. Her mother must have given up hope on her because she just touched her temple. 'Poor mother. Kayo kasi, eh. Nagkaroon kayo ng magaganda at perpektong anak. ‘Yan tuloy, problemado kayo ngayon.' “Naville.” “Yes, Pa?” “You’re meeting Ian Jack Salmentar today.” Napansin niyang napatingin sa kanyang ama ang mga kapatid niya at sundo-sunod na nagsalita. “'The' Ian Jack Salmentar?” “Owner and president of Extreme Unlimited?” “Ang pinasikat na terrain park designer for international extreme sports competitions?” “At isa sa miyembro ng exclusive Stallion Riding Club?” Nagsalin siya ng juice sa kanyang baso. Mabuti na lang pala at orange juice ang inuming inihain ngayon ng mga katulong nila. Sinisikmura kasi siya kapag pineapple ang naiinom niya. 'Hmm, ano pa ba ang masarap kainin dito?' Pero hindi na niya pinahirapan ang kanyang sarili na mag-isip. Inilagay na lang niya ang lahat ng magustuhan niyang pagkain sa kanyang plato. “You’ll meet him tonight, Naville,” patuloy ng kanyang ama. “Nakapili na ang mga kapatid mo ng isusuot mo. Huwag ka ng bumalik sa shop mo at nang hindi ka na makasalamuha pa ng mga barako mong tauhan. Para hindi na rin mahirapan ang mga kapatid mo sa paghahanap sa iyo mamaya kapag aayusan ka na.” “Pa, puwede bang ako na lang ang makipag-meet kay Ian Jack?” “Uy, maganda iyan,” singit niya. “Mas okay nga naman na si Ate Clarisse na lang ang makipagkita sa kay Ian John—“ “Ian Jack.” “O, ‘yun nga. Kasi alam mo, Pa, darating ang mga computer spare parts na in-order namin from US. Kailangan ako—“ “No.” “Hindi makakakilos ang mga tauhan ko kung wala ako roon—“ “May manager ka naman doon. Kaya na niya iyon.” “Pa, ako ang manager—“ “That’s enough, Naville. Ako pa rin ang padre de familia dito at hangga’t wala pang sinoman sa inyo ang nag-aasawa, ako lang ang masusunod. Maliwanag?” “Hai!” 'Makapagdala nga ng pasalubong para sa mga kulokoy kong tauhan sa shop.'
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 36 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (90)
duazohhanah danica
wala ung kay baxter,ricos, at lee shin yang, jigger and trigger,..saan pa ba pede mabasa online un??? sana maupload din dto hahaha thanks sofia and sonia francesca!
08/03
0
SiringanRio
parurusahan kita ...sa ngalan Ng buwan shing shing
wala ung kay baxter,ricos, at lee shin yang, jigger and trigger,..saan pa ba pede mabasa online un??? sana maupload din dto hahaha thanks sofia and sonia francesca!
08/03
0parurusahan kita ...sa ngalan Ng buwan shing shing
16/08
0Pa request po ng story ng samaniego twins plsssss
30/07/2025
0View All