logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 .

- Ysabelle's POV -
Sumilip ako sa salas may pinto nang marinig kong may pumasok.
Si Zero.
Bumalik na ako sa kusina para asikasuhin ang niluluto ko. Gabi na pero wala pa rin si El. Nasaan kaya nagpunta 'yun!
"Gusto mo na bang kumain?" tanong ko kay Zero mula sa kusina
"Kumain na ako. Magpapahinga na ako." sagot ko
"Saan ka kumain?"
"Sa labas, may nanlibre sa'kin."
"Himala, di ka tumanggi."
Hindi ko na siya narinig sumagot. Tingin ko ay pumasok na siya sa kwarto niya.
Ilang minuto ko pang pinakuluan 'yung adobo para lumapot 'yung sabaw, then nilagyan ko ng laurel's leave.
"Anong niluluto mo?"
Lilingunin ko pa lang ang nagsalita ay may yumakap na agad sa bewang ko mula sa likod.
"Ang bango, gutom na ako." bulong niya pa
"Saan ka galing?" tanong ko
Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
Dahil ganito siya, e'di matatagalan pa ang pagpapakulo ko sa adobo.
"Sa labas lang."
"Ano'ng ginawa mo sa labas?"
Iniharap niya ako sa kanya pero hindi pa rin siya lumalayo.
"Galit ka pa rin? Sorry na."
"Hindi ka man lang nagpaalam na lalabas ka."
"Galit ka di ba?"
(-_-)
"Inis lang 'yun El! Sana sinabihan mo ako kung aalis ka para hindi ako nag-iisip ng iba."
Tinalikuran ko siya. Pinatay ko 'yung apoy para hindi maubos 'yung sabaw ng niluluto ko.
"Sorry na nga, magpapaalam na ako next time."
"Next time, next time!" bulong ko
"Oy, huwag mo naman akong layasan."
Pinigilan niya pa ako sa braso ko at hinila ulit palapit sa kanya. Napansin ko na suot na niya 'yung isa sa binili ko sa kanyang damit. Nakaayos din ang buhok niya.
"Anong ginawa mo sa labas? Bakit bihis na bihis ka?" tanong ko
"Hmm? Kailangan 'to eh." sagot niya
Binuhat niya ako at iniupo sa may tabi ng sink. Buti na lang at hindi 'yun basa.
"Saan kailangan?"
Habang nakaupo ako ay yakap niya ang bewang ko at nakatinging-nakatingin siya sa'kin.
"I love you, my Ysabelle."
Sus! Ano kayang ginawang kalokohan nito?
"I love you." ulit niya, "Sorry na, hindi ko naman nakalimutan anniversary natin. Nabilisan lang talaga ako."
Nagpout ako. Hindi ko maintindihan kung anong mabilis du'n. Tagal ko kaya naghintay sa kanya. Hindi niya na naramdaman 'yung isang taon na hindi kami magkasama?
"Isa pa, inaasar lang kita." amin niya
"Pang-asar ka lagi." inis kong sambit with irap-irap pa
Pero aaminin ko, gusto ko 'tong ganito siya at ganito kalapit. Mga ganitong moment lang naman gusto ko kasama siya eh, T___T
"Okay na tayo?" malambing niyang tanong then he brush his lips into mine,
Nagulat pa nga ako!
"El."
He kissed me, mabilis lang. Siguro dahil may sasabihin siya.
"Kanina habang nasa labas ako..." sambit niya
Aaaah! Kiss me na lang! Huwag ka na magkwento!
Pero ayu'n, I need to be patient. Kailangan ko siyang pakinggan.
"Na-realized ko kung gaano kita kamahal." pagpapatuloy niya
Nagtaka ako kung ano ba ang ginawa niya sa labas.
"Alam kong mahal kita. Pero higit pa pala du'n. Gusto kitang suportahan sa lahat ng bagay. Gusto kong ibigay lahat ng kailangan mo. Gusto kita i-spoil gaya nu'ng sa iba."
What the? He's been thinking all of that?
I brushed his hair. I want to comfort him. Dahil nakikita ko na parang nasasaktan siya.
"Why? What happened?" tanong ko
Tuluyan na niya akong niyakap. 'Yung mukha niya nasa may balikat ko.
Niyakap ko rin siya kahit na nakaupo pa ako sa may sink.
"Anong problema, El?"
"Wala, naisip ko lang na handa akong gawin kahit ano para sa'yo."
Inilayo ako ang mukha niya sa balikat ko para makita 'yun. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.
Tinitigan ko ang mga mata niya na nagpapatotoo sa lahat ng sinabi niya.
"Sorry, nasaktan ba kita sa mga sinabi ko sa'yo kanina? Iniinis mo kasi ako." sambit ko
Mahina siyang tumawa sa sinabi ko.
"Ako 'tong nagso-sorry, inaagawa mo 'ko ng eksena."
"Kasi naman! Ano ba ang problema?"
Ngumiti siya sa'kin tapos umiling siya.
"Wala." sagot niya
Nagpout ako sa hindi niya pagsasabi sa'kin ng problema niya.
"Basta mahal kita." bulong niya pa
Then he kissed me.
Iniyakap ko ang dalawang braso ko sa batok niya. Ayoko muna siyang pakawalan. Ayoko muna siyang lumayo.
I close my eyes and suddenly gasp as his kiss get intense. I felt like I was drowning.
"El..." nasambit ko nang makawala ako saglit sa kanya
Nangungusap ang mga mata niya na direstong nakatingin sa'kin.
"Sorry, geez, nadala ako masyado." sambit niya tapos binuhat niya ako para ibaba na sa kinauupuan ko
"Ha? T-Teka, bakit..."
Hindi ko naituloy sasabihin ko dahil saktong dating ni Zero sa kusina.
"Oh? Nakaabala ba ako?" biglang tanong ni Zero
Agad nag-init ang mukha ko.
Lumapit si Zero sa ref at kumuha ng tubig.
"Gusto ko lang uminom, aalis din ako agad." dagdag niya pa
Hinawakan ko ang dulo ng damit ni El dahil sobrang nag-iinit ang mukha ko.
Buti hindi niya kami inabot! Nakakahiyaaa! (>////////<)
"Anong nangyari sa lakad mo? Natanggap ka sa in-apply-an mo?"
Napatingin ako kay Zero then kay El.
Apply? Nag-apply siya ng trabaho kanina?
"Ah, susubok ako sa iba." sagot ni El
Natigilan ako.
'Yun ba ang tinutukoy niya sa'kin kanina? 'Yung gagawin niya lahat para masuportahan ako?
"Ikaw bahala, sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ng back up." ani Zero tapos umalis na siya ng kusina
Naglakad ako papunta sa harapan ni El.
"Naghanap ka pala ng trabaho, bakit di mo sinasabi sa'kin?" sambit ko sa kanya
"Sasabihin ko naman kung natanggap na ako."
"Anyway...."
Sabay kaming napalingon kay Zero nang sumulpot na naman siya.
(-_-) ano ba ang problema niya!
"Pwede niyo nang ituloy ang ginagawa niyo kanina, night." sambit pa ni Zero tapos umalis na
Nag-init na naman ang mukha ko. Nakita niya ba kami!!
Tumawa si El.
"Lokong tae!" ani niya kay Zero kahit nakaalis na
Inakbayan ako ni El.
"Gutom na ako. Kain na tayo." sambit niya
Tumango ako.
"Ihahanda ko ang pagkain."
Naupo siya sa isang silya at ni-serve ko naman siya. Ginagawa niya ang best niya to support me, so I have to do my best too. I will support him in everything. I will serve him.
Ipinaglagay ko siya ng pagkain sa plato niya.
"Thanks." sambit niya
Naupo ako sa may tapat niya para sabayan siyang kumain.
"Kumusta naman ang paga-apply mo? Nahirapan ka ba?" tanong ko
"Mahirap pala maghanap ng trabaho. Hahaha! Kailangan may pinag-aralan." tapos tumawa pa siya
Hindi ko alam kung natatawa ba talaga siya. Kahit nasa province kami, mataas na rin ang standard dito. Kahit saan pumunta, kailangan may pinag-aralan ka para magkatrabaho.
"Pero papasukin ko kahit ano." dagdag niya pa
Tumango ako.
"Just be patient with yourself, El. Pwede rin naman akong magtrabaho." sambit ko
"Ayoko."
"Hmm?"
"Ako ang magta-trabaho, Ysabelle. Ako ang nangako sa'yo."
Well, okay lang naman sa'kin na magtrabaho ako.
Hindi ko na lang muna siya kinontra. Hahayaan ko siya na magdesisyon para sa'min dalawa.
"Tell me if there's something I can help, El. Kaya ko naman trumabaho." sambit ko
Tumango siya sa'kin.
"Masarap ka na magluto ha." pagbabago niya sa usap
Syempre, isa sa nabuo kong pangarap ang ipagluto ka.
Pero na-realized ko lang, I shouldn't demand from him, gaya sa anniversary namin bukas. Baka na-pressure siya. Though, I'm not asking anything from him dahil ang hiling ko nga noon ay makalaya siya at makasama ko siya.
Nangyayari na 'yun ngayon.
Well, alam ko rin naman na iniinis niya rin ako. Nainis lang din talaga ako. Hehehe.
Hindi ko na siya aawayin, promise!

Book Comment (448)

  • avatar
    INDAMALINDA

    good

    3h

      0
  • avatar
    Robert Titong

    im injoy your games

    6d

      0
  • avatar
    DouglasMaycon

    muito bom

    9d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters