logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6.Aid

C H A P T E R 6
Afuro POV :
Unti-unti akong napaatras habang ang stalker slash demonyitong adik sa'kin ay lumalapit.
Kaya lang ang malas ko dahil nasa likod ko ang fountain, at wala akong mapupuntahan.
"Sa ngiti at tawa mo mas lalo pa akong nag-asam na mapa-sa'kin ka." Sambit niya habang nakatitig ang mata niyang may pagnanasa sa'kin.
Anong gagawin ko, ano bang gagawin ko?
Sinubukan kong makahanap ng malulusutan kaya lamang ay bigla niyang nahawakan ang kaliwa kong braso. Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo pang humihigpit ang paghawak niya.
Napilitan akong sumigaw ng malakas, baka sakaling may makarinig sa'kin.
Kaya lang natakpan niya ang bibig ko at inilapit ang mukha niya sa kaliwang pisngi ko sabay bumulong, "Huwag ka na mag-ingay at
magpumiglas. Hindi ba gusto mo akong makilala? Baka may mangyaring hindi maganda dito sa fountain, mabasa pa ang magandang hubog ng katawan mo. Sayang ka."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nararamdaman ko 'yung init na mula sa paghinga niya habang malapit ang mukha niya sa'kin.
Sa isang kisap-mata, naalala ko na naman ang sinapit ko noon sa Kidokawa, tatlong buwan na ang nakararaan.
Sobrang dilim at tahimik ng lugar, tipong wala akong maaninag na mukha ng ilang taong nakapalibot sa'kin. May naririnig akong bulong ng mga lalaki, pero hindi ko maintindihan sa sobrang pagkahilo.
Nanghihina ako.
Hindi ko na kaya pang makita o maramdaman ang mga susunod na mangyayari kaya napapikit na lang ako habang pinipilit pa ring makalaya mula sa 'Secret Admirer' na ito.
'Tulong...'
Hanggang sa naramdaman kong wala nang nakahawak sa'kin, kaya napadilat ako.
Nakita ko ang kaklase kong si Kira na nasa likod ni Michele at hawak nito ang mga kamay ng lalaking nagtangkang gawan ako ng masama.
Pinipilit niyang makawala pero hindi siya pinapayagan ng ka-roommate ko na makatakas.
Sa sobrang kaba na nararamdaman ko ay bigla na lang bumigay ang mga tuhod ko at napaupo na lang ako sa sahig. Napahawak ako sa magkabilang braso ko, nanunuyot ang lalamunan at hindi makapagsalita habang nakatitig kay Kira.
"Pakawalan mo ko!" Sigaw ng demonyo kong admirer.
"Sabi mo eh." Ngisi ni Kira sabay binalibag ang lalaki sa sahig. Halos hindi makatayo 'yung lalaki kaya pinabayaan na siya ni Hiroto at tumingin ito sa'kin. "Sorry kung hindi kaagad ako kumilos. I waited for him to do what he wanted so I can record a video of his attempt to you."
Inilabas niya ang phone niya para ipakitang narecord niya nga ang pangyayari.
Kung gano'n kanina pa siya nandito sa sunken garden? "Ka-Kanina ka pa nandito?"
Itinuro niya ang isang kalapit na puno. "Umakyat ako sa punong 'yon kanina at hinintay kayong dalawa. Kung ikaw lang mag-isa dito sa sunken garden, he will take advantage on the situation as long as he also lowers his guard. Mabuti na lang at gumana."
Hindi ko maramdaman ang sarili kong katawan sa sobrang pagkagigil sa kaniya. Ano 'yon? Pinanood niya munang may mangyari sa'kin bago kumilos? Kahit na anong rason pa ang sabihin niya, wala na akong pakialam. Nang dahil dito halos bumalik ang ala-ala ko na pilit ko na sanang hindi inaalala kasabay ng paglipat ko ng school.
Tumayo ako at balak ko na sanang sapakin si Kira nang biglang tumayo si Michele. Akala ko pa nga ay babawian ng stalker ko si Kira, pero bigla na lang siyang tumakbo sa sobrang takot.
"'Wag ka na mag-alala, kung babalik man siya, may ebidensya na tayo mula sa ginawa niya sa'yo kanina." Sambit niya sabay itinago ang cellphone niya at ngumisi. "Sigurado akong hindi na niya gagawin–"
Nagulat na lang siya nang maramdaman ang kamay ko na humagupit sa pisngi niya, na siyang ikinapula nito.
Halos sumakit ang kamay ko sa pagsampal sa kaniya, pero deserve niya rin 'yan mula sa ginawa niya sa'kin.
"Ganiyan ka ba magpasalamat sa taong tumulong sa'yo?" Kunot-noo niyang tanong. "Kung oo, okay sige! You're welcome ha?"
Hindi ko na siya sinagot. Pinigilan kong umiyak sa harapan ng isang ito at umalis dala ang mga gamit ko. He doesn't even deserve to see my tears.
Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta, kung ito pa ba ang daan ko pabalik ng apartment.
Siya na yata ang pinaka-worst person na nakilala ko sa buong buhay ko.
Chapter 6.5 : Apologize
Afuro Terumi's PoV:
Wala akong ibang makita kung hindi kadiliman. Wala rin akong marinig na kahit ano dahil na rin sa nararamdaman ko.
‘Gising pa ba siya?’
‘Ako muna mauuna!’
‘Saglit lang 'to Aphrodi, masisiyahan ka rin sa gagawin natin...’
Lumalamig ang buong paligid ko.
PEEEEEEP—!!!
May narinig akong isang malakas na busina sa gilid ko, kaya lang huli na dahil sobrang bilis itong umaandar papunta sa'kin, kaya napapikit na lang ako.
Hanggang sa may kung anong humila sa'kin mula sa likod na siyang nagligtas sa akin mula sa pagkakabangga.
"HINDI KA BA TUMITINGIN SA PALIGID MO? Masasagasaan ka na oh!"
Napalingon ako sa nakayakap sa'kin mula sa likuran ko. Si Kira. Ramdam ko mula sa pagkakayakap niya na hinihingal siya. Siguro
tumakbo siya para masagip ako.
"Magpapakamatay ka ba ha, Aphrodi?"
Tsaka lang nag-sink in sa'kin ang lahat. Tumatawid pala ako kanina.
Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sa'kin sabay niyugyog ako. "Gano'n ba talaga kahirap ang pinagdadaanan mo para hindi mapansing tumatawid ka?"
Itataas ko pa lang sana ang hintuturo ko para magsalita nang may maalala na naman ako.
‘Wala namang makakapansin diyan kay Aphrodi, isa pa malulusutan naman natin 'yan sa magandang usapan. 'Di ba?’
"Hoy Terumi." Napatingin ako kay Hiroto. "Kung balak mo magpakamatay, sabihan mo lang ako para naman hindi boring ang kamatayan mo katulad ng pagpapakasagasa ha? Kaya kitang gawan ng magandang murder plot kung gusto mo."
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. "Ba't mo ba ako sinusundan?"
"Sira ka ba? Roommates tayo!"
Ay oo nga pala. Ang engot mo talaga Afuro.
Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila patawid sa pedestrian lane.
"Teka! Bitaw!" Pagpupumiglas ko, kaya lang parang bato ang kausap ko dahil hindi man lang niya ako pinakinggan kahit sandali.
Tsaka niya lang ako hinayaang bumitaw nang makatawid na kaming dalawa sa kalsada.
Nakarating kami sa apartment, pero hindi ko pa rin siya kinikibo. Papasok na sana ako sa kwarto nang bigla siyang humarang sa pinto ng kwarto ko.
"Uhm... Aphrodi, may gusto lang akong sabihin..."
"Ano?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya. Baka maulit lang ulit 'yong nangyari kanina kaya wala pa ako sa mood para kausapin 'to.
"Bilisan mo at may gagawin pa ako-"
"Sorry."
Sandali, huh?
"Kung ano man ang bagay na bumabagabag sa'yo kanina habang tumatawid ka, sorry."
"Sincere na ba 'yang sorry mo? O baka naman napipilitan ka lang para mapatawad kita? Kung talagang humihingi ka ng sorry, dapat totoo 'yon at may puso, hindi dahil sinabi lang ng utak mo na gawin mo."
Napataas siya ng hintuturo sabay ibinaba niya rin at tinapik ang baba niya. "Ohh... Yep, akala ko kailangan lang humingi ng tawad para makagawa ka ng panibagong kasalanan sa mga kakilala o... kaibigan... mo. Parang pagsabi lang din ng salitang 'thank you'.
Sinasabi lang ulit para makahingi ka ng iba pang favor mo sa susunod na may gagawin ka. Bago pa lang 'to sa'kin, totoo. Hehe."
Eh?!? Saang dictionary naman kaya niya nahanap ang depinisyon ng salitang 'thank you' at 'sorry'? Saan bang kweba nakatira itong si Hiroto?
"Halata sa mukha mo na nagtataka ka kung saan ko nakuha 'yon." Ngisi niya. "Nakuha ko 'yon sa mga kaklase natin. I observed them too well at 'yon ang mga natutunan ko. Magso-sorry sila para makagawa ka ulit ng kasalanan kinabukasan, gano'n din sa salitang 'thank you'. Parang gulong, paikot-ikot lang."
Ehh?!? "Paano sa mga kaibigan mo?"
Bigla na lang siyang tumahimik at tumitig sa'kin. Hmmm...
Napataas siya ng hintuturo sabay nagsalita. "Before I answer that question of yours, pareho ba tayo ng kahulugan ng salitang 'kaibigan'? Baka kasi magkaiba tayo ng dictionary na nabasa eh."
Ha! Sabi ko na nga ba. "Alam kong iyan ang sasabihin ng mga loner na tao."
"Interesting!" Tumalikod siya at nagtungo sa kwarto niya, pero bago pa niya buksan ang pinto ay nagsalita siya, "Sino bang nangangailangan ng mga kaibigan? Dagdag lang sila na pabigat sa'yo." Sabay pumasok na siya sa kwarto niya.
Tama nga si Lola Matsuzaka, mukhang walang interes sa tao si Hiroto.
Dumiretso ako sa kwarto ko at ibinaba ang aking mga gamit sa tabi ng kama. Naramdaman ko na lang na unti-unting nagsisipagbagsakan ang tubig mula sa mata ko.
Bigla kong naalala ang mga pangyayari noon bago pa ako lumipat ng school.
‘Wag ka na magpumiglas, Aphrodi. Ito rin naman ang gusto mo kaya ka nga nagpapaganda sa'min 'di ba?’
Napatakip ako ng tainga habang pinipilit ang sarili ko na alisin ang pangyayari sa utak ko.
‘Alam mo ang problema Terumi? Masyado ka kasing pakialamera.’
"Ta-Tama na..." Sumisikip na ang dibdib ko, nahihirapan na akong makahinga. Pinilit kong tumayo at nagtungo sa kama sabay humiga. Napayakap na lang ako sa unan ko at nakataklob na rin ng kumot habang nagbabakasakaling mawala ang sakit na naranasan ko three months ago.
‘Kung hindi mo kinalaban ang reyna, hindi ka sana mapapahamak Aphrodi.’

Book Comment (24)

  • avatar
    BelloNith Nith

    Naolll

    16/08

      0
  • avatar
    Marzel Vergara

    its so good

    13/06

      0
  • avatar
    Zyreill Espenido Bulandrina

    it's just that the world and I don't have a lot of people

    06/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters