logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Pinanood ko sa Youtube ang performance nila kina umagahan sa channel ng Wish. Dagsaan kaagad ang views pati ang comments. Puro papuri lang at walang negatibong komento.
Thank God! Dahil hindi ko na kailangan pang makipag trashtalk-an kung sakali mang may comment ng basher. Bilang lang sa daliri ang nagdislike ng kanilang performance. Million likes ang natanggap nila.
I'm so super proud of them. They did it nang walang kahirap-hirap. Sigurado akong mas marami pang kukuha sa kanila. Kung saan man sila papunta ngayon at kung ano ang marating nila ay karapat-dapat lang sa kanila.
I DM James on his IG account.
"Congratssss! We need to celebrate your successful performance."
Kahit alam kong hindi ako rereplyan nito ay kailangan ko pa rin syang batiin. Ilang minuto lang ay sineen na nya. Napangiti ako dahil kahit na ganon ay pinaglaanan nya pa rin ng oras para basahin.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saglit na natulala. Ano kayang kulang sa akin na ayaw ni James? Masama kaya ang ugali ko kaya doon sya natu-turn off? Handa naman akong baguhin lahat basta sabihin nya lang sa akin.
Nagmadali ako sa pagtipa ng pangalan sa search box, dahil may napagtanto ako. Why not I tried to be Hershey?
I stalk Hershey in all of her social media accounts. How she dressed, how she talked, her hair styles and all.
Sinubukan ko ang pormahan nya. It didn't suit me. Maging ang hairstyle at pananalita nya. Lahat, halatang pilit sa akin. Hindi natural ang dating at muka talagang may ginagaya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. One month lang 'to, promise. Hindi na ako uulit. Ita-try ko lang, titignan ko kung may mababago ba sa pagtingin ni James sa akin. Kung titignan nya pa rin ba ako as a normal fan or mas higit na katulad ng pagtingin nya kay Hershey.
Sure, malaki ang inggit ko kay Hershey. Sino ba naman ang hindi, di ba? Sigurado din akong marami pang katulad kong ganon ang nararamdaman.
Weekend ngayon at plano kong kulitin na naman si Manong Ed, 'yung driver namin na ipagdrive ako sa gusto kong puntahan. Ganito ang routine ko tuwing weekends, since wala din naman ang pamilya ko para makabonding. Sila Trish at Alex naman ay may sariling ginagawa tuwing ganito. May sarili silang bonding with their family.
Sinusundan ko lang si James kung saan sya pumupunta. Minsan nagpapakita ako sa kanya at kinukulit sya. Feeling ko nga, pinanganak lang ako para magpapansin sa kanya.
'Yung tipong parang 'yun lang ambag ko sa buhay.
"Manong Ed, dun po ulit tayo sa village na lagi kong pinupuntahan." Ngumiti ako ng malaki.
"Eh nagpaalam ka na ba kay ser Keith?"
"Alam na po ni Kuya 'yon, 'tsaka matanda na 'ko. Kaya ko na po sarili ko."
"Pinapansin ka naman na ba nung taong pinupuntahan natin?" mausisang tanong nya pa.
Habang tinatanong nya ako ay bumabyahe na kami. Eto talagang si Manong Ed Caluag masyadong marites.
"Syempre naman po, konting kembot na lang, magiging asawa ko na sya." Humagalpak sya tawa dahil sa sinabi ko.
"Si Irish, palabiro."
Napangiwi ako dahil sa sinabi nya. Sobrang malabo ba na mapangasawa ko si James? Kaya ba nakakatawa 'yon at parang isang malaking biro? 
"Nakakatawa 'yon?" Tinaasan ko sya ng kilay.
Umubo sya para itago ang kanyang tawa.
"Hindi naman, medyo lang."
Sa seryosong usapan ay maasahan si Manong Ed, kahit pa sa kalokohan kayang kaya nyang makipag-sabayan. Kaya paborito ko syang kasama sa tuwing gusto kong sundan si James.
Hmm. San kaya ang punta ngayon ni James? Nasa labas na kami ng village nila at halos kalalabas lang ng itim na kotse nya.
"Hayan na sya," excited kong sabi.
Feeling ko nga napilitan na lang ding ma-excite si Mang Ed.
Huminto ang kotse dahil traffic. Nasa harapan lang namin sya at walang nakasingit. Pilit ko syang inaaninag sa sobrang tinted nyang kotse, mula dito sa pwesto ko. Alam ko namang wala iyong silbe pero pinagpilitan ko pa rin.
Nang mag green light na ay, nagulat ako dahil sa bilis agad ng patakbo nya. Halos ilang sasakyan din ang inover take nya.
"Mang Ed! Nasan na sya?" nagpapanic kong sabi.
Kulang na lang ay maging telescope ang mga mata ko makita lang kung nasaan na ang kotse nya. Nag-over take din kami at mabilisang hinanap ng mata ko ang kanyang kotse.
Itinuro ko iyon kay Mang Ed nang makita ko na. Para akong nakahinga ng maluwag dahil doon. Buti na lang talaga matalas paningin ko pagdating sa kanya.
Nang bumagal ang kotse nya ay naging mabagal din ang patakbo ni Mang Ed. Huminto ang kotse ni James sa isang mamahaling restaurant. Kakain sya mag-isa? Mag-cecelebrate sya mag-isa?
Nagpark sya sa tapat ng resto. Nagpark din kami sa tabi ng kotse nya. Hinintay ko syang bumaba. Malay natin, kasama pala sa kotse nya ang iba nyang kabanda. Nang isarado nya ang kanyang kotse at dumiretso sa pintuan ng resto, ay doon ko nalaman na wala syang kasama.
Naka shades sya, dark na pantalon at itim na v-neck shirt. Para syang model na naglakad papasok sa resto. Marami ang tumitingin sa kanya, specially mga kababaihan. Sino nga ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa nag-iisang James Ivan? Siguro tomboy na lang ang hindi makakapansin sa kanya.
"Hindi ka susunod?" tanong ni Mang Ed. Parehas lang kaming nakatingin sa nilakaran ni James.
"20 minutes."
Kapag walang dumating na kasama nya ay ako ang pupunta. Hindi pwedeng kakain sya at magce-celebrate nang mag-isa.
Nakapangalumbaba lang ako hanggang sa matapos ang oras na sinabi ko. Nakikita ko sya mula rito dahil glass ang dingding ng resto. Plus nasa gilid lang sya at kanina pa nagpipindot sa phone nya.
"Time to go," I said as I open the door immediately. Malaki ang ngiti ko nang papasok sa restaurant.
Sinalubong ko ang babaeng staff na may dalang reservation paper.
"Excuse me, may kasama po ba si Mr. James Ivan Guevarra?" I asked politely.
"Mr. James... Uh, yes ma'am. Are you Ms. Hershey Arellano? I can assist you to your table."
Natuod ako sa kinatatayuan ko at nagpa-ulit ulit sa pandinig ko ang sinabi nito. Si Hershey ang inanyayahan nya to celebrate. Parang pinipiga ang puso ko, hindi ko kayang isipin pa ang mga mas makakasakit sa akin ng sobra. Ayos lang 'yan Nics, pinili mong mahalin sya kaya magtiis ka.
I still manage to smile even though my lips are already trembling. Hindi ako nilalamig, sadyang nasasaktan lang talaga ako na pati pagpeke ng ngiti ko ay naapektuhan.
"H-hindi na, thank you."
Hindi naman ako si Hershey kaya bakit ako magpapa-assist. Huminga ako ng malalim at humarap sa pwesto kung nasaan si James. Ginaya ko ang lakad ni Hershey patungo sa kanya.
Gusto ko mang maging jolly ngayon sa harapan nya ay hindi pwede dahil ginagawa ko si Hershey. Let's see what he can say if he notice the changes in me. Matutuwa kaya sya? Mas lalong magagalit? Or will he realize na kaya naman pala nya akong mahalin basta walang palya kong gagayahin si Hershey?
Mas masasaktan kaya ako kung ganon o matutuwa?
"Hey!" I said and waved my hand.
Napatingin sya sa akin. Inaasahan ko na talaga ang reaksyon nya, dissapointment filled his handsome face. Nakaka dismaya talaga ako at ang presensya ko para sa kanya. Kailan kaya magiging masaya ang mood nya sa tuwing nakikita ako?
Mahinhin akong umupo sa harap nya. Itinigil nya ang pagta-type sa phone at ibinaling sa akin ang walang reaksyong tingin. Nasira ko na naman kasi ang mood nya.
"Why are you here?" masungit nitong tanong.
Malalim at buo ang boses nya at kinikilabutan talaga ako sa tuwing naririnig iyon. Gustong gusto ko iyong paulit-ulit na pakinggan dahil kahit nakakakilabot ay masarap pa rin sa pandinig.
"Mukang 'di na sya darating, tayo na lang ang magcelebrate? Chinat kita kanina pero sineen mo lang kasi, eh." Mahinhin akong tumawa katulad kay Hershey.
His forehead creased. Napansin nya!
"Your performance was good. Ang daming views at likes." Tumango tango ako at hindi na tinanggal ang plastic na ngiti.
Peste naman kasi. Sino ba naman ang magiging totoo pa ang ngiti sa nalaman ko kanina lang?
"She's on her way," sabi nya at hindi inilihis ang tingin sa akin.
Ako ang nag-iwas ng tingin at napalunok ng nahihirapan.
"Uhm. Samahan na lang kitang hintayin sya? S-Sa kabilang table na lang siguro ako, kung hindi man sya dumating. Tayo na lang ang magcelebrate, deal?" Itinaas ko ang pinky finger ko.
Nagtaas lang sya ng kilay. Ngumiwi ako at ibinaba ang kamay. Nagpaalam ako sa kanya na lilipat na ako, ni hindi man lang sya nagsabi ng kahit ‘sige lang’ pampawala ng sama ng loob. O kaya kahit tumingin man lang sya, pero wala.
Okay lang, malayo sa atay at balunbalunan. Malayo doon pero sa puso sapul na sapul, haha. Tangena.
Hindi muna ako nag order, hinintay ko rin ang pagdating ni Hershey. Potah, parang ansarap magpasaksak. Masakit talaga sa mata na makita silang magkasama. Iniisip ko pa lang 'yon, para na naman akong mahihimatay.
Walang sila. Gusto lang talagang balikan ni James si Hershey, kaya nga hinahabol-habol nya rin 'di ba?

Book Comment (52)

  • avatar
    Lenard Gwaps

    Lenard bandibas

    17/08

      0
  • avatar
    Laizha Jane Dahim

    so prtty

    09/08

      0
  • avatar
    DaenAntonio

    good

    30/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters