logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

NAGISING si Andy sa lugar na hindi pamilyar sa kanya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya napagtanto ang mga nangyari ng nagdaang araw. Sinapo niya ang kanyang noo saka dahan-dahang bumangon at umupo sa gitna ng kama. It's already dawn. Hindi na pala siya ginising ni Mitch para maghapunan man lang.
Tinakpan niya ang kanyang bibig nang maghikab siya at umunat ng katawan. Napasarap ang tulog niya at hindi man lang siya nagising. Hindi siya sigurado kung progress ba iyon o hindi.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpasya na siyang lisanin ang kama. Lumapit siya sa bintana at hinawi ang kurtina. She did some stretching before looking outside the window. Nagkalat pa ang hamog sa paligid pero marami na siyang nakikitang aktibidad ng mga tao.
Lumingon siya sa nakasarang pinto ng silid niya nang may marinig siyang katok doon. Naghintay siya ng ilang sandali bago niya narinig ang pamilyar na tinig ni Mitch.
"Sandy-errr. Andy. Kung gising kana... Bumaba ka nalang para sa almusal. Hindi na kita aakyatan ng pagkain, so you better come down." Huminto ito para siguro makiramdam. "Huwag ka nang magkulong dyan. Kapag hindi ka bumaba, papasukin na kita." Pagbabanta nito.
Nanatili lang siya sa kinatatayuan niya.
"Are you there?"
Bahagyang umawang ang kanyang bibig nang may mahimigan siyang pag-aalala sa boses ng kaibigan niya. She swallowed while searching for the right word to say.
"Y-yes. I'm still here inside! Maliligo lang ako saglit. Bababa rin ako kaagad pagkatapos."
"Okay. Bilisan mo, ha?" Tugon nito.
Naghintay muna siya hanggang mawala ang tunog ng papalayong hagbang ni Mitch bago siya nanghihinang umupo sa gilid ng kama. She blinked away her tears that windowed in her eyes. She felt guilty towards her friend. Batid niyang ito ang mas nag-alala sa nangyari sa kanya lalo na pagkatapos ng insedenteng naabutan nito sa loob ng condo unit niya.
Hinilamos niya ang kanyang palad sa mukha niya. She released a long deep sigh before she decided to go to the bathroom.
"GOOD MORNING, Sleeping Beauty." Bungad kay Andy ni Mitch. Nakasuot ito ng maluwag na t-shirt at maikling maong shorts. Nakatali naman ang maikli nitong buhok na hanggang balikat lang nito.
" 'Morning." Humila siya ng silya. Bago pa man lumapat ang puwetan niya sa upuan ay dumako na ang paningin niya sa isang hindi pamilyar na babae-o mas tamang sabihing dalagita-na naka-upo sa kabilang panig ng mesa.
Nginitian siya nito at sumilay ang pantay nitong mga ngipin. "Hello po! My name is Mickaella, also known as Mimi, thirteen years old na nagtataglay ng pinakamagandang mukha sa buong bayan ng St. Pedro!" Kumaway pa ito na parang isang beauty queen.
"Tumahimik ka dyan, Mimi. Huwag mong agawan ng titulo ang ate mo."
Bumaling siya kay Mitch. Nakataas ang dalawang paa nito sa silya habang may hawak na isang tasa ng mainit na kape na iniihipan nito. " 'Want coffee?" Alok nito sa kanya.
Umiling siya saka tumingin ulit kay Mimi na nakababatang kapatid ng kaibigan niya. Kanina pa siya nitong tinitigan na hindi niya malaman kung bakit.
"May sasabihin ka?" Tanong niya nang mailang na siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Tumikhim ito. "Wala po. Iniisip ko lang kung paano mo naging kaibigan itong si Ate Mitch. Eh, masyado kang maganda at panget siya." Natigilan ito nang may lumipad na kutsara.
Nagdulok ng ingay ang pagbagsak niyon sa sahig kaya dali-daling lumapit sa kanila si Nanay Angge na abala kani-kanina lang sa ginagawa.
"Ano iyong narinig ko? Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?" Tinutok nito ang hawak na sandok sa mukha ni Mitch ganoon din kay Mimi na ngingiti-ngiti habang pinapanood ang paggusot ng mukha ng nakakatandang kapatid.
"Magsitigil kayo! Nakakahiya kay Andy. Para kayong mga aso't pusa." Matapos iyong sabihin ay iniwan na sila nito.
"Ako iyong pusa. Asong ulol naman si Ate." Pang-aasar pa lalo ni Mimi kay Mitch. Tumingin ito sa kanya saka tumawa.
Samantalang nanatili lang siyang nakamasid kay Mimi. Na-realized niya maganda nga ito kaya lang hindi pa gaanong mature. Hindi pa siya sigurado kung saang aspeto, kung sa mental ba o physical o both. Maganda rin naman si Mitch. Napansin niya na malayo ang pagkakahawig ng dalawa kaya sa unang tingin ay hindi makapagkakamalang magkapatid ang mga ito. Mas maputi ng kaunti at mas matangkad si Mimi, kinulang naman sa height ang kaibigan niya. May pagka-wavy ang itim na buhok ng dalagita, samantalang streaght naman at makapal ang kay Mitch. Sa mata lang at labi nagkakapareho ang mga ito.
"Hanggang kailan kayo dito?" Tanong ni Mimi. Sa kanya parin ito naka-tingin. Nang hindi siya sumagot ay bumaling ito kay Mitch at naghintay ng sagot.
Tinugon naman ito ng kaibigan niya dahil hindi naman niya alam kung hanggan kailan talaga sila roon . Humaba pa ang kuwentuhan ng mga ito na tila nakalimot na sa girian.
Nakinig lang siya sa mga ito hanggan sa matapos na sa pagluluto ng almusal nila si Nanay Angge. Panay ang dagdag ng ginang sa plato niya ng pagkain na hindi naman niya matanggihan. Tumingin siya sa dereksyon ni Mitch at lihim na humingi ng saklolo sa kaibigan. Nginitian lang siya nito at nagpatuloy na sa sariling pagkain.
"NAPAKASERYOSO ng kaibigan mo, Ate."
Nilingon ni Mitch ang nakababata niyang kapatid na abala sa pagpunas sa mesa. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga pinagkainan nila ng almusal. Si Andy naman ay nagpaalam na aakyat nalang muna sa silid nito dahil wala namang natira na gawain para rito.
"Ganoon talaga iyon. Hindi palabiro at palakuwento." Sagot niya kay Mimi.
"Pero maganda talaga siya. Halatang hindi lang siya aware doon." Komento nito na tinanguan at sinang-ayunan niya.
Andy is beautiful, alright. At totoong hindi gaanong aware doon ang kaibigan niya dahil hindi naman ito mahilig humarap sa salamin. Wala ring hilig sa social life si Andy kaya hindi nito pinagkakaabalahan na ayusan at tingnan man lang ang sarili sa tapat ng salamin kung sakali man na lalabas ito. Well, she's also aware that her friend is confident in her
own way.
Bukod sa walang malay sa kung gaano kaganda ang best friend niya, may pagkamanhid din ito. Hanggang ngayon ay napapailing nalang siya na hindi parin napapansin ni Andy ang tunay na pagtingin dito ni Albert at ng iba pang ka-trabaho nilang lalaki man o babae na sinusubukang mapalapit dito. Andy could be as cold as ice...and  vulnerable.
"Mukha siyang anak mayaman." Narinig niyang sabi ni Mimi. Hanggan ngayon ay bukambibig padin nito si Andy na nanahimik na sa taas. "Mayaman ba siya?" Dinala nito ang palad sa sariling noo at gumawa ng tunog. "Oo nga pala. Siya si Sandy Lou, iyong sikat na writer. Tama, Ate?"
Tumango lang siya. Sobrang daldal talaga ng kapatid niya — parang siya.
"Pero seriously, Ate. Galing ba siya sa mayamang pamilya?"
Bumuntong-hininga siya saka tumango. "Oo. Rich ang pamilya niya. Satisfied?"
"Gaano kayaman?"
"Basta." Nagpatuloy na ulit siya sa ginagawa na nakalimutan na niya dahil sa sobrang tabil ni Mimi.
Sa kasalukuyan, mayaman si Andy hindi dahil sa pamilya nito kundi dahil sa pagsusumikap nito. Alam niya na matagal nang pinutol ng kaibigan niya ang koneksyon sa pamilya nito. Para rito ang pagsusulat nalang ang tanging naiwan dito.
Magaling na writer si Andy at masipag kaya hinahangaan ito sa loob ng publishing company na pinagtatrabauhan nila. Ito ang itinuturing reyna ng kompanya dahil kung hindi dahil dito matagal nang bumagsak ang sales nila.
Writing was Andy's everything until...
Ipinilig niya ang kanyang ulo.
She sighed. Nangyari na ang nangyari. Wala na siyang ibang magagawa kundi tulungan na bakabawi ang kaibigan niya. Sentro ng ego nito ang pagsusulat kaya hindi nito kaagad natanggap ang bagay na normal lang na mangyari sa mga katulad nito. Writer's block.
Masyado kasing isolated si Andy. Malayo ito sa ibang tao at nakokontento lang sa pag-o-observe sa pinapakitang emosyon ng mga taong nasa paligid nito. Ang totoong Sandy Lou ay walang gaanong experience sa buhay. Estranghero pa ang ibang emosyon at pakiramdam dito. At higit sa lahat wala pa itong karanasan sa pag-ibig.
May sumiksik na eksena sa isip niya na pilit niyang itinaboy pero nabigo siya. Biglang sumikip ang kanyang dibdib nang maalala ang insedenteng naabutan niya noon sa loob ng condo unit ni Andy na tampok mismo ang kaibigan niya. Walang sisidlan kung gaano siya kinabahan at nataranta nang maabutan na walang malay sa sahig si Andy. Tatlong araw na itong hindi nagpapakita sa kanila kaya nagdesisyon siyang puntahan ito para lang maabutan sa ganoong kalagayan. Mabuti nalang ay may nakasabay siya noon kung hindi ay baka sinamahan na niya ang kanyang kaibigan sa sahig.
Nang nasa ospital na sila ay nalaman niyang dahil sa pinaghalo-halong pagod, puyat at gutom kaya bumigay ang katawan ni Andy. Naawa siya syempre. Sinong hindi?
Bumalik siya sa tinitirhan nito para sana kumuha ng mga gamit. Nagulat nalang siya nang makita kung gaano kagulo ang interior ng unit. Malinis at organisadong babae si Andy kaya hindi talaga siya makapaniwala na umabot sa ganoon ang lahat. Mas nagimbal pa siya nang may mahanap  siyang nagkalat na iba't ibang klase ng pills. Sinabi niya ang lahat kay Albert at iyon nga... Naroon sila ngayon sa probibsya.
"Ate. Okay ka lang?" Natigil siya sa pagbabalik tanaw dahil sa tuloy-tuloy na pagkaway ng kamay ni Mimi sa mukha niya. Ngumisi ito ng nakakaloko nang kumunot ang noo niya rito. "Saan na ba nakarating ang utak mo? Sa Japan?"
Hinampas niya ang puwetan nito at pinandilatan. "Ikaw na ang magpatuloy nito." Aniya na tinutukoy ay ang hinuhugasan niya. "Huwag ka ng magreklamo." Agap niya nang akma sana itong magsasalita.
"Ang daya mo talaga! Isusumbong kita kay, Mama —"
"Eh, 'di magsumbong ka!" Hindi na niya ito pinansin at dere-deretso na siyang nagtungo paakyat sa hagdan.
UMANGAT ng tingin si Andy nang maramdaman niya ang presensya ni Mitch. Nakahalukipkip ito habang pinagmamasdan siya na nakadapa sa kama. Humigpit ang pakakahawak niya sa ballpen saka umiwas ng tingin mula rito. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago niya niluwagan ang kamay para binatawan ang bagay na kanina niya pa pinanggigigilan.
Tumaas ang sulok ng labi ni Mitch habang patuloy pa rin siyang pinapanood. "Pinipilit mo na naman ang sarili mo. Hindi ba sabi ko sayo kalimutan mo muna ang trabaho mo?" Yumuko ito para damputin ang nilamukos na papel sa sahig at walang sabi-sabi na ibinato iyon sa kanya. Sapol siya sa noo. "Ang tigas talaga ng ulo mo!"
She firmly closed her eyes. Hindi lang naman simpleng trabaho sa kanya ang pagsusulat. It was her everything!
Umayos siya ng upo sa kama pero kaagad ring bumagsak ang katawan niya pahiga roon na parang isang lantang gulay. Tumitig lang siya sa kisame kahit naramdaman na niya ang paggalaw ng kama at pagtabi sa kanya ni Mitch. Mayamaya pa, nakayapos na ang braso nito sa baywang niya.
"Bakit ka ba ganyan, Andy?" May himig ng pagtatampo ang boses nito. "Parang binabalewala mo lang ang mga effort ko—namin! Masyado kang selfish."
Alam niyang hindi bukal sa loob nito ang huling sinabi pero parang karayom na tumusok pa rin iyon sa dibdib niya.
Tiningnan niya ito saka ngumiti ng pilit para pagtakpan ang namumuong luha sa mga mata niya. Kinurot niya ang pisngi nito para mawala ang atensyon sa mukha niya dahil sa tingin niya ay napakahina niya sa paningin nito. Hindi naman totoo na binabalewala niya lang ang effort na ginagawa ng mga ito para sa kanya. Kung may isa man na nahihirapan ngayon sa sitwasyong kinalalagyan niya ay hindi siya iyon kundi si Mitch. Patawa-tawa lang ito pero alam niya na nahihirapan ito habang pinapanood siya sa ganoong kalagayan. Feeling helpless.
Ang totoo'y nahihiya na siya rito dahil hanggang ngayon ay wala parin siyang progress at napo-frustrate siya roon.
"Thank you, Mitch." Sabi niya. "And sorry."
"Don't be sorry. Best friend mo ako, 'di ba? Para saan pa ang pagkakaibigan natin kung hindi kita dadamayan at iintindihin." Ngumiti ito ng marahan saka siya niyakap ng mahigpit. Ito lang ang nakakagawa niyon sa kanya dahil most of the time ay ilag siya sa physical contact. "Bumabawi lang ako sa mga pabor na ginawa mo para sa akin. Kaya please lang, Sandy Lou. Forget that pen name for the meantime. Gusto ko na mag-enjoy ka at kalimutan muna ang stressful mong trabaho."
"It's not really that stressful."
"Don't write anything para wala rin akong gagawin na trabaho. Sawa na ako." Tumawa ito at pinindot ang tungki ng ilong niya.
"So tumatakas ka lang pala sa trabaho mo?" Tumaas ang isang kilay niya nang tumawa ito ng malakas.
"Masyado kang over kung tumawa."
"Masarap kayang tumawa." Sagot nito habang tinutuyo ang luha sa mata gamit ang likod ng kamay. "Lalo na kung masaya ka talaga."
"Masaya ka?" Medyo sarcastic na tugon niya.
"Oo. Dahil nag-joke ka." Tumawa ulit ito na ikinakunot na ng noo niya. Hinampas naman siya nito sa balikat. "Ang serious mo talaga!"
Umiwas siya nang akmang hahampasin na naman siya nito. Humagikgik ito na naging dahilan para lumandas ang mabining ngiti sa mga labi niya. She felt better watching her friend that way. Ayaw man niyang aminin pero gusto niya talaga ang tunog ng tawa at hagikgik nito kahit marami na siyang narinig na masakit iyon sa tainga.
" ' Know what, Andy?" Bigla itong umupo sa gitna ng kama kaya iyon din ang ginawa niya. "Ang kailangan mo ay inspirasyon."
"Huh?" Maang niyang tugon.
"INSPIRASYON." Sagot nito. Wala siyang ideya sa ibig nitong sabihin. "Come on, Andy! Inspiration. Lahat ng writer ay nagsisimula sa isang inspirasyon—or more. Whatever."
"And?"
Tila nainis na ito sa kanya kaya bigla nalang pinalo ang braso niya. "Hindi mo alam ang ibig kong sabihin?"
Umiling siya. "I am not sure. A—"
"INSPIRATION!" Ikinumpas nito ang kamay sa ere. "Nagsusulat ka pero wala kang inspirasyon."
"What made you think that way?"
"Para sa'yo hobby lang ang pagsusulat. Kailangan mo rin ng inspirasyon." She snapped her fingers on her face. "Got it?"
Maang siyang umiling-iling. "Huh?"
"Shit, Andy!" Bulalas nito. Kumapit ito sa hita niya at pinakatitigan siya ng todo sa mukha. "You're so clueless! Hindi mo ba nare-realize na dahil sa wala kang gaanong experience kaya ka nagkakaganyan?"
"So you're talking about experience? Well, I don't need that. I just write with my mind." Sinalubong niya ang mga mata nito at bumuntong-hininga. "Okay. Explain your point."
Umayos ito ng upo na lotus position. "Ni hindi mo pa nararanasan ang magka-boyfriend—yong totoong boyfriend na hindi mo lang d-in-ate para obserbahan. No first kiss. No hug from any men or just a simple hand to hold. You're so unexperienced!"
Napangiwi siya. Pati ba naman iyon alam nito. Well... what friends are for?
Sinapo nito ang noo na parang ang laki ng problema na dala nito. "Ano bang dapat kong gawin sa iyo,ha?"

Book Comment (23)

  • avatar
    Obrence Udsaco Mark John

    500

    13/07

      0
  • avatar
    Justine Magtibay

    sinapo nito ang noo na parang ang laki ng problema na dala nito

    13/07

      0
  • avatar
    DelacruzMarygrace

    Ahg

    07/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters