logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Seven

"Do you like it?" Makie asked after he took the blindfold on her eyes. Rebekah blinked her eyes many times as her mouth began to form a smile. She closed her eyes, spread her arms and feel the fresh breeze of the wind. Huminga siya ng malalim na malalim.
"Ah! This is the best medicine I need."
Dumilat siya at pinagmasdan ang mga ibon na animo'y naghahabulan at nagkakantahan sa isang malaking puno ng mahogany. Nag-abot ang dalawang kahoy sa itaas pero magkalayo ang katawan na naging dahilan para magmukhang pinto sa ilalim. Pero kung titingnan iyong mabuti para iyong hugis palasyo lalo na at may mga ugat ding nakabitay mula sa itaas ng kahoy hanggang sa ilalim ng lupa. Tumingin siya sa paligid. Napansin niyang ito lang ang nag-iisang kahoy sa loob ng napakalaking nakapalibot na bakod na nasa bandang tuktok pa ng bundok. Kung sino man ang may-ari nito ay matatawag niyang swerte at magaling pumili ng lugar. Akalain mong hindi naman gaano kataasan ang bundok pero kitang-kita niya ang buong siyudad sa unahan.
"Paano mo nalaman ang lugar na to kuya? Hindi ba tayo pagagalitan ng may-ari dito?"
Halata kasing alagang-alaga ang lupang to dahil nakabakod ng maganda at malinis na malinis pa ang mamahaling damo sa lupa.
Itinukod ni Makie ang dalawang kamay sa damuhan sa likuran niya at ipinikit din ang mga mata kasabay nang malalim na paghinga bago siya nito nilingon.
"Hindi. Kilala ko ang may-ari nito. Mabait yon. Hindi yon basta-basta magagalit."
"Wow! Talaga?" tumabi siya sa pagkakaupo sa kapatid niya at ginaya ang posisyon nito. Pareho silang nakatingin sa buong siyudad habang in-enjoy ang masarap na simoy ng hangin na humahampas sa mga mukha nila.
"Sino?"
"Katabi ko." Nakangiting sagot nito.
Gulat na napatingin siya dito. Hindi siya sigurado kung tama ba ang rinig niya dahil baka binibiro lang siya ng kapatid niya lalo pa't pangiti-ngiti lang ito habang pinipikit ang mga mata.
Tumawa ito saglit at sinalubong ang tingin niya.
"Bakit mo ko pinandilatan?"
"Si kuya naman eh. Ngayon mo pa talaga naisipang magbiro kung kailan seryoso ako."
"Hindi naman ako nagbibiro ah. Sa katabi ko nga to."
Lihim siyang napangiti. Alam niyang siya ang tinutukoy nito pero gusto niya muna itong asarin.
Ngumuso siya.
"O, bakit ganyan mukha mo? Hindi bagay sayo."
"Sino sa amin?"
"Ano ka ba? Sino pa bang katabi ko dito?" tumatawang tanong ni Makie.
"Ako nga lang katabi mo pero may kasama naman tayo."
"Sino?" kunot-noong tanong nito.
Ininguso niya ang tiyan niya at doon sila sabay na nagtawanan. Tinapon niya ang sarili dito at niyakap ito ng mahigpit.
"Salamat kuya."
Her brother smiled and hugged her back.
"Basta para sayo gagawin ko ang lahat. Iyan ang pangako ko kay mama at papa na alagaan at bantayan ka. Hindi ako papayag na may aapak sa'yo. Lalo na ngayong mas lalo kang napapalapit sa mga Dempsey."
Humiwalay siya sa kapatid.
"Kuya, kaya ko naman ang sarili ko."
Sumeryoso ang mukha nito.
"No, Baby. Hindi mo kilala si Mabel. Nagawa nga niyang linlangin si mama para mangyari ang gusto niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako matanggap na pamilya. Alam kong hinahanapan niya ako ng mali. At kapag nalaman niyang anak ka ni mama at kapatid kita. Hindi natin alam kung ano ang gagawin niya lalo na ngayong kasal ka pa sa nag-iisa niyang anak. At isa pa, hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Daddy kapag nalaman niyang kapatid kita. Hindi natin alam dahil baka may galit din siya kay mama sa pag-alis nito at ikaw pa ang paglabasan niya ng galit. Ayokong mangyari yon. At kung mangyari man yon itataya ko ang buhay ko maprotektahan lang kita."
Ngumiti si Rebekah at sumandal sa braso nito.
"You really are the best Kuya in the whole world."
"Naman." taas-noong sagot ni Makie.
"Ang swerte ng mapapangasawa mo Kuya. Pasensiya ka na. Dahil sa akin. Hindi mo nae-enjoy ang sarili mo. Laging ako ang priority mo at parang sa akin na rin umiikot ang mundo mo. Masaya ako dahil nandiyan ka palagi sa tabi ko. Pero..."
Huminto siya at tiningnan ng seryoso ang kapatid na seryoso ding nakatingin sa kanya.
"Malaki na ako, Kuya. Twenty-four na ako at kayang-kaya ko na ang sarili ko."
"Are you pushing me away now after I raised you?" may halong biro na sabi ni Makie.
Tumawa ng marahan si Rebekah sabay hampas sa braso nh kapatid at sumandal ulit doon.
"Ang gusto ko lang ay maging masaya ka din. Alam kong galit ka kay Marlon pero inaalagaan mo pa din siya kaya siya napamahal sayo. Hindi mo naman kami obligasyon. May sarili ka ding buhay, Kuya. Libutin mo ang mundo, magmahal ka, bumuo ng pamilya at maging masaya."
Huminga ng malalim si Marlon saka ngumiti.
"We have different perspectives in each of our lives. It's weird to say it but getting married is not on my list. Masaya na akong kasama kita, si Marlon at ang makulit na yan sa sinapupunan mo. Sinasabi ko sayo na kapag siya nakalabas na, aagawin ko siya sa inyo at itsapwera ko na kayo."
Tumawa si Rebelah sa mga huling sinabi ng kapatid saka huminga ng malalim at dahan-dahan na ipinikit ang mga mata.

Book Comment (75)

  • avatar
    LabayCristine

    Nice story miss philosopa. Ang cute lang nila marlon at rebekah😊

    11/08/2022

      0
  • avatar
    HAYAMI_TAMASHII

    Nice story, keep it up. Miss A!✨

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    15/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters