logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 Two

Encounter
“Mari! Mari!” Tawag sa kanya ni boy igop. Malayo pa ito ay tawag tawag na ang kanyang pangalan.
“Oh ay bakit ga? Layong layo pa ey, sigaw na ng sigaw?!” Sabi niya rito.
“Ala, Ay doon si kang Esto! ay naghuhumirantado na naman e.! Kailangan ka doon!” Na naman? Wala ata kadala dala ang halimaw na matandang iyon. sa isip niya.
“Ay siya! ako’y gagalitin! Ay walang kadala dala e. Ay ano pa ang iniintay mo riyan? ay tara at ating puntahan ng matigil na yoon. Baka’y marami pa iyong maperwesyo!” Sagot niya sa batang nag report sa kanya ng ginawa ng pasaway na lasenggo at mangongotong.
Pagdating sa gulo ng mga kanayon niya ay siya ang laging pinupuntahan para maayos ang usapin. Ewan ba niya. Tiwalang tiwala sa kanya ang mga tao na siya ang sagot sa mga taong nanglalamang sa kapwa mahihirap.
Marahil ay dahil Ampong hilaw siya ng pinakamayamang tao rito sa lugar nila.
Uso kase sa kanila ang kotungan. Hindi naghahanap buhay ng maayos at ang gawa pa ay mang gulo sa maliliit na negosyante.
Dali dali na silang pumunta ni Boy igop kung saan nanggugulo ang matandang esto.
Siya ang nagpangalan sa kasama. Bata palang kase ay nakikitaan na ng magandang itsura pag nagbinata na ito.
Boy igop kabaliktaran ay pogi. Natutuwa siya rito dahil napakasinop na bata.
Ang laging bukang bibig ay tumulong sa kanyang magulang.
Napakaswerte ng magulang nito dahil masinop na matalino pa sa pag aaral.
“Bakit ba ga nangugulo ang matandang iyon boy? kainitang tapat e pinapainit pa ang ulo ko!” tanong niya habang patungo sa palengke Kung saan nangyayari ang kaguluhan.
“Ay hindi ko ho baga alam. Ey basta ka na laang pinakaon sa akin ni aling selda e. Pero ate, may napansin ako roon na kotse. Pagkagara! wari ko’y dayo e.” Kwento nito sa kanya.
“Dayo? at may kotse ga? Aba’y mag ingat siya sa grupo ni Oscar! “ Pagkasabi non ay nagtawanan sila ng kasama.
Kilalang magnanakaw ng mga parte ng sasakyang ang grupo ni oscar kaya halos walang nagtatangkang magdala ng four wheels sa kanilang lugar dahil tiyak na kulang kulang iyon bago umalis ng bayan nila.
Maya maya pa ay nakarating na sila sa palengke. At naabutan nila ang isang lalake na hawak hawak sa braso si mang Esto. Pilipit na ang braso nito at panay ang hingi ng tulong.
Lumapit sila sa nag uumpukan malapit sa lalake.
“Bitawan mo yan mister.” Sabi niya sa lalakeng may hawak kay mang esto. Tumingin ito sa kanya. Ito ata ang sinasabi ni Boy igop na dayo sa lugar nila.
Matangkad at maganda ang pangangatawan. Halatang bihasa at sanay sa rambulan dahil maselan ang katawan nito.
“And who are you??” Matamang sagot nito sa kanya. Aba! Pagkayabang. Sabi niya sa isip. Tinaasan niya ng kilay ang dayong lalake.
“Bitawan mo iyan at baka madala mo pa yan sa ospital. Ey kita mo gang pilipit na ang braso?” sagot niya sa lalake. Napakatapang ng tinging ibinibigay nito sa kanya.
Pagkasabi niya non ay binitawan na nito ang matanda.
Halos hindi maitsurahan ang mukha nito dahil sa sakit ng braso.
Muling humarap ng tingin ang lalake kay mang esto.
“Don’t you ever do that again.” Natatawa siya sa sinabi ng lalakeng dayo.
Parang maiintindihan iyon ng matanda!
“Oh Mang esto! Ay Sabi ho nireng taong ire, ay wag mo na raw uulitin! ay kayo ho ay madala dala na sana!.” Inulit niya sa matanda dahil nakikita niyang hindi alam nito ang isasagot sa lalake.
“ala’y oo. hindi na mauulit! naku’y Mari salamat...” Sabay karipas ng takbo nito palayo sa kanila.
Muntik pang masubsob sa daraanan dahil sa bilis ng takbo dahil siguro sa takot.
Muli siyang napatingin sa lalake na nakatingin rin pala sa kanya.
Tinaasan lang niya ito ng kilay at tumalikod na.
“Gwapo sana mayabang laang ang asta.!” Bulong niya.
“Ano yon ate? hindi ko narinig..” Sabi naman ni Boy igop na nakasunod pala sa kanya.
“Ay wala. ay hindi na pala ako kailangan e. Kawawang esto. Namilipit ang braso e.” Panay ang tawa nila habang naglalakad na pabalik sa pwesto ng kanyang tindahan.
May ari siya ng bigasan sa gitna ng bayan.
Nagpapautang siya sa mga hindi kayang bumili dahil sa hirap ng buhay o kaya ay sa mga nag aantay ng sariling ani na kabahagi sa hacienda doon.
Malinis ang konsyensya ng mga tao roon. Dahil tuwing umaani na ang kanilang pananim at nagkaroon na ng partehan sa pagitan ng May ari ng lupang sinasaka at mga trabahador,ay nagkukusa naman ang mga itong mag bayad ng kani-kanilang utang.
Desiplinado sa buhay.
Dahil iyon lang ang pwede nilang ipagmalaki sa mga kapwa tao nila.
Dignidad…
Alam niya ang lahat ng kalagayan ng mga Kanayon niya.
Isa ang lugar nila na hindi pa masyadong napupuntahan ng mga negosyate.
Medyo malayo pa sa kabihasnan.
Agrikultura ang ikinabubuhay ng mga tao roon.
Katulad ng pangingisda at pagsasaka.
Mayaman ang kanilang lugar sa mga halaman at hayupan.
Pero makikita parin ang kahirapan doon.
Takot ang mga negosyante na mag invest sa kanilang lugar dahil dead end na iyon ng probinsya.
Sa mga karatig bayan nila ay marami ng establishments.
Doon pa dumarayo ang kababayan niya kung gustong mamili at mamasyal kasama ang kani kanilang pamilya.
Wala rin sa kanilang ospital para sa mga nangangailangan ng tulong sa kalusugan.
Mapait siyang napangiti sa isipang iyon.
Naalala na naman niya ang ginawang pag iwan sa kanya ng kanyang ina sa harap ng simbahan.
Sa sobrang hirap ng buhay ay nagawa ng sarili niyang ina na magpakalayo layo at iwanan siya sa harap ng simbahan!
Hindi siya umalis roon dahil iyon ang Bilin ng kayang ina na wag aalis sa harap ng simabahan dahil my bibilhin lang raw ito.
Ngunit lumubog na ang araw ay wala parin ni anino nang kanyang ina..

Yon nalang ang malinaw na alala niya sa kanyang ina.
Sapagkat limang taon palang siya ng mga panahon na yon.
At habang tumatagal ay nawawala na iyon sa isipan niya.
Hindi nagtagal ay nakilala niya ang matandang Don Laviste.
Mabuti nalang at nag magandang loob ito na kupkupin siya at pag aralin.
Kinausap nito ang madreng nagpatuloy sa kanya sa simbahan na kukunin siya para ampunin.
Bakit may mga magulang na kayang magtakwil ng anak at may tao rin naman na handang tumulong at mag aruga sa kagaya niyang nakaranas ng pagsubok sa buhay.
Si Don Enrique Laviste…..
Ang pinakamayamang haciendero sa kanilang lugar. Halos lahat ng sakahan na sinasaka ng mga maliliit na tao ay pag mamay ari ng Don.
Ito rin ang nagkupkop sa kanya at nagbigay ng magandang buhay.
Napakabait ng Matandang Laviste.
Dahil Malinis itong magbahagi ng hatian sa sakahan. Hindi tulad ng ibang haciendero na halos walang natitira sa mga nagtatrabaho para sa kanila.
Iba si Don Enrique.
Noong nakaraang linggo ay nasabi ng matanda na malapit na nitong ibahagi ang iba nitong lupain sa mga matagal ng nagsasaka sa hacienda Laviste.
Natutuwa siya dahil nasa tamang tao siya na papunta.
Ito ang nagturo sa kanya ng mabuting gawain at asal.
Ang tumulong sa mga nangangailangan.
Pinag aral siya nito ng Business administration sa pinakamalapit na Kolehiyo sa probinsya.
Ang gusto pa nga ng Don ay sa Maynila siya mag aral dahil maganda raw at moderno ang turo doon.
Pero ayaw niya….
Ayaw niyang malayo sa matanda.
Dahil alam niyang lihim itong may nararamdaman sakit.
Pilit lang nitong nilalabanan iyon.
Alam niya, dahil nang minsan pumunta ito sa karatig bayan ay sinundan niya ang matanda.
Nalaman niyang lihim itong kumukonsulta sa isang espesyalistang doctor
Para sa puso…..
Nangamba siya…
Kaya ng makaalis ito ay pinuntahan niya ang doctor na nag check up sa matanda.
Lihim rin niya itong kinausap.
Noong una ay ayaw ng doctor na sabihin ang kalagayan ng Don.
Pero napilitan rin ito dahil nagmakaawa siya.
Wag nalang daw makakarating sa matanda na sinabi sa kanya ang Findings dito.
May sakit sa puso si Don Enrique at malala na raw iyon.
Habang pauwi noon si Mari ay panay ang pag patak ng luha niya.
Ayaw niyang mawala ang matanda dahil ito lang ang kinikilala niyang pamilya.
Ito lang ang nag aruga sa kanya at nagpakita ng pagmamahal kapares ng isang magulang.
Paano nalang siya kung mawala ito sa tabi niya.
Ni hindi pa siya nakakabawi sa kabaitan nito sa kanya.
Gustuhin man niyang dalhin sa maynila at ipatingin sa magagaling na doctor doon ay wala siyang magawa.
Dahil ayon sa doctor nito sa karatig bayan ay nag offer na raw ito na dalhin nga sa maynila para malapatan pa ng lunas.
Ngunit matigas at buo na ang desisyon ng Don.
Tila wala lang dito ang karamdaman...

Book Comment (204)

  • avatar
    Franchezka Louise Torres

    kobe

    6d

      0
  • avatar
    YuGabriel

    I love you 💕

    16d

      0
  • avatar
    Jerhamin Bansil

    pahigi ako robux

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters